Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3771 - Chapter 3780

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3771 - Chapter 3780

5738 Chapters

Kabanata 3771

Agad na nakilala ni Jameson si Charlie sa isang sulyap lang.Tumaas ang tono ng kanyang boses at napabulalas siya sa pananabik, “Siya nga iyan! Siya… Siya ang Director Wade na nakausap ko galing sa pharma dept!”Hindi mapigilan ni Jameson ang kanyang sarili kaya napatanong siya, “Ms. Fox, bakit may litrato ka niya? Kilala mo siya? Kung oo, pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon na makausap siya? Pakiusap, nagmamakaawa ako!”Pakiramdam ni Jameson hawak niya na ang huling pisi ng kanyang buhay habang nalulunod siya sa kawalan ng pag-asa.Malapit na siyang masiraan ng mabait at mawalan ng malay. Hindi niya makausap si Liam kaya wala siyang paraan para makakuha ng Apothecary Restoration Pill.Sinubukan niya na ang lahat ng paraan para mahanap si Director Wade. At mula sa kanyang imbestigasyon, mukhang mahalagang tao si Director Wade. Maliban dito, si Director Wade rin ang nagbigay ng unang batch ng Apothecary Restoration Pill sa kanya sa simula.Subalit, walang iniwang kahit anong i
Read more

Kabanata 3772

Tumugon si Kathleen nang walang emosyon, “Walang anuman, Mr. Smith. Nga pala, pagkaalis mo sa kwartong ito, huwag mong ipaalam sa kahit sino na magkakilala tayo. Kapag may nagtanong sa’yo rito sa Aurous Hill ng tungkol sa akin, huwag kang magbigay ng kahit anong impormasyon. Pwede niyo ba itong gawin?”Hindi naunawaan ni Jameson ang dahilan ni Kathleen pero pumayag pa rin siya. “Huwag kang mag-alala, Ms. Fox. Mula sa puntong ito, hindi tayo magkakilala.”Tumango si Kathleen.Kakaunti lamang ang nakakaalam ng tunay na pagkatao ni Kathleen at mas lalo naman sa Aurous Hill. Maliban sa kanyang mga kasama, si Jameson Smith lang ang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao.Umaasa siyang itago ni Jameson ang sikretong ito at hindi ito ang maging rason para mailantad ang kanyang pagkatao.Lingid sa kaalaman ni Kathleen, nagsimula na si Charlie sa kanyang imbestigasyon para makilala kung sino siya.…Sumunod na umaga. Pinadala ni Stephen ang lahat ng impormasyon ni Kylie, o Kathleen, pagkat
Read more

Kabanata 3773

Inutusan ni Charlie si Porter na hanapin ang tunay na pagkatao ni Kylie sa pamamagitan ng kanilang intelligence network. Sumunod, tinawagan ni Charlie si Kylie.Hinihintay ni Kathleen na tawagan siya ni Charlie. Gusto niyang makuha ang loob nito kaya binilhan niya si Jacob ng isang bagong Rolls-Royce Cullinan at binigyan niya rin si Claire ng isang malaking project na nagkakahalaga ng ilang milyon.Umaasa siyang pasasalamatan siya ni Charlie.Ganoon din, sinagot niya ang tawag. “Mr. Wade, bakit niyo ako tinatawagan ng ganito kaaga?”Sinabi agad ni Charlie ang dahilan. “Ms. Jane. Gaya ng sinabi ko kahapon, hindi mo ako kailangang bayaran para sa Feng Shui readings na ginawa ko. Bakit mo binilhan ng Cullinan ang biyenan ko? Masyado ka namang mabuti sa akin. Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya.”Sinabi ito ni Charlie sa isang magalang na paraan. Pero sa totoo lang, hindi siya nakaramdam ng kahit anong hiya.Tumugon si Kathleen. “Mr. Wade, pakiusap huwag kayong mahiya. Isa kayong
Read more

Kabanata 3774

Napatanong si Claire sa sorpresa, “Papa, bakit masyado ka namang bihis na bihis ngayong araw?”Inayos ni Jacob ang kanyang kurbata saka siya ngumisi, “May Rolls-Royce Cullinan ako, kaya kailangan kong bigyan ng pansin ang suot ko. Kung hindi, iisipin ng iba na driver lang ako.”Hindi alam ni Claire ang sasabihin sa sitwasyong ito. Ganoon pa man, hindi niya mapigilang magsalita, “Papa, nakalimutan mo na ba? Regalo dapat para kay Charlie ang Rolls-Royce na iyan! Bakit hindi mo siya tinanong kung kailangan niya ba iyan?”Kinamot ni Jacob ang kanyang ilong saka siya nagtanong kay Charlie, “Charlie… kailangan mo ba ang kotseng iyon? Kung kailangan mo, ibibigay ko agad ito sa’yo…”Agad ring nagdagdag si Jacob, “Pero kung hindi mo muna ito gagamitin pansamantala, hihiramin ko muna ito. Sabihan mo lang ako kung kailan mo ito kailangan. Ibibigay ko naman ito agad sa’yo at hindi kita pipigilan!”Ngumiti si Charlie at kalmado siyang nagsalita, “Papa, huwag kayong mag-alala. Wala akong balak
Read more

Kabanata 3775

Dumating ang tanghali pero wala pa ring natatanggap na kahit anong mahalagang impormasyon si Charlie mula sa intelligence system ng Ten Thousand Armies.Nagpasya si Charlie na alisan ng pagkakataong kumilos ang six-star martial artist na bodyguard ni Kathleen kahit ano pa ang tunay na pagkatao ng young lady na ito. Kailangan niyang isagawa ang kanyang plano ngayong gabo.Sa ngayon, alas singko na ng hapon. Pinadala niya ang address na binanggit ni Albert ka Kathleen.Pagkatapos, ginamit ni Charlie ang BMW 530 ng kanyang biyenan saka siya nagmaneho papunta sa farmhouse sa labas ng bayan.Sa loob ng hotel, abala si Kathleen sa pag-aayos at pagpapalit ng damit.Nakasuot siya ngayon ng isang handmade na puting Haute dress ng Hermes. Hinawi niya ang mahaba at elegante niyang buhok sa likod ng kanyang ulo saka niya ito inayos gamit ang isang itim na hairpin. Sumunod, pumili siya ng isang magandang pares ng perlas na hikaw saka niya ito sinuot nang maingat.Simpleng damit at simpleng mg
Read more

Kabanata 3776

Kung hindi niya magagawang mapanalunan ang pill sa auction, pwede niyang subukan na kausapin si Charlie sa ngalan ng kanilang pagkakaibigan.Maliban dito, hindi siya nag-aalala sa posibilidad na maihayag ang kanyang tunay na pagkatao sa auction. Tunay naman talaga si Kylie Jane. Higit sa lahat, malayong kamag-anak nila ang pamilya Jane sa France. Pwede niya naman talagang samahan ang head ng pamilya Fox sa auction bilang isang malayong kamag-anak.Gumaan ang kanyang loob nang maisip ito. Nagsimula rin siyang magkaroon ng sarili niyang pantasya.Naisip niya na ang pagkakataong hindi nagawang mapanalunan ng kanyang lolo ang Rejuvenating Pill sa auction. Habang nalulunod sa lungkot, gagawa ng paraan si Kathleen para makakuha ng Rejuvenating Pill kay Charlie at maging tagapagligtas sa mga mata ni Jordan.Para bang nawalan ng hiya si Kathleen sa kanyang imahinasyon. Subalit, agad na nawala ang ganitong pakiramdam. Alam niyang pwede niya lang baliktarin ang sitwasyon sa pamamagitan ng op
Read more

Kabanata 3777

Napakunot ang kilay ni Kathleen sa mga salita ni Julian.Hindi naman dahil negatibo itong mag-isip pero nagiging maingat lang si Julian sa mga posibleng peligro. Matapos ang lahat, kamakailan lang rin naman simula nang mabuksan niya ang kanyang sixth meridian at naging opisyal siyang six-star martial artist. Sa kasalukuyan niyang lakas, masasabing siya ang pinakamahina sa kanyang mga kalebel. Kung kasing lakas o mas malakas pa si Charlie sa isang six-star martial artist, madali niyang makikita kung gaano kalakas si Julian.Ganoon pa man, hindi sigurado si Julian sa kahit ano. Napansin niyang nag-aalala si Kathleen kaya nanahimik na lang siya habang nag-iisip.Pagkatapos ng ilang sandali, binuka niya ang kanyang bibig, “Young Lady, sa opinyon ko, mababa ang tsansa na isang six-star martial artist si Charlie o kaya mas mataas pa. Hindi mo kailangang mag-alala masyado.”Napatanong si Kathleen, “Mr. Larson, paano mo nasabi?”Nagpaliwanag si Julian, “Mapayapa at masagana ang bansang
Read more

Kabanata 3778

Sigurado siyang ordinaryo lang ang mga taong naririto base sa kanilang breathing rhythm. Wala sa kanila ang nag-aral ng martial arts.Mula rito, masasabing niyang walang mangyayaring ambush sa kanila.Ganoon din, sinabihan ni Julian si Kathleen, “Young Lady, pwede na tayong bumaba sa kotse ngayon.”Tumango si Kathleen at nawala ang kunot sa kanyang kilay nang marinig ito.Alam niyang sapat ang lakas ni Julian para malaman nito kung may nagtatago bang mga kalaban sa malapit. Ginagawa ito ni Julian sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanilang breathing rhythm at tibok ng puso.Kung sinabi ni Julian na pwede na siyang lumabas, ibig sabihin walang kakaiba sa lugar na ito.Subalit, hindi niya pa rin mapigilang magulantang nang makita niya ang itsura ng restaurant.Gula-gulanit ang mga gusali ng farmhouse na ito. Kahit sumailalim na ito sa renovation, masasabi niya pa ring mahaba ang kasaysayang pinagdaanan nito.Nalanghap niya agad ang isang mabahong amoy pagkababa niya ng kotse. Sinuri n
Read more

Kabanata 3779

Inimbitahan ni Charlie si Kathleen sa loob kaya wala na siyang magawa kundi pumasok na lang.Nilingon naman ni Charlie si Julian para imbitahan ito, “Sir, bakit hindi kayo sumama sa amin? Huwag kayong mahiya!”Umiling si Julian at magalang siyang tumanggi, “Maraming salamat, Mr. Wade. Pero driver lang ako, dito na lang ako maghihintay sa labas.”Hinayaan lang ni Charlie si Julian at tumango siya. “Kung iyan ang kaso, iiwanan ka na namin rito.”Agad na tumugon si Julian, “Maraming salamat, Mr. Wade.”Ngumiti nang bahagya si Charlie saka siya pumasok sa isang private room kasama si Kathleen.Kahit tinatawag itong private room, sa totoo lang, isa itong ordinaryong brick house. Hindi masyadong malaki ang kwarto pero wala naman itong masyadong laman. Sa tapat ng pinto, makikita ang isang earthen stove na itinayo sa pader.Puno ng panggatong sa ilalim ang earthen stove at nagliliyab ang apoy nito. Natatakpan rin ng isang malaking pantakip na gawa sa kahoy ang bibig ng earthen stove, p
Read more

Kabanata 3780

Naantig si Kathleen, pero nakaramdam rin siya ng hiya nang makita niyang pinupuno ni Charlie ang maliit niyang plato ng gabundok na pagkain. Bibihira lamang ang pagkakataon na kumain siya kasama ang isang lalaki pero ito ang unang beses na pinaghahainan siya ng isang tao.Nahihiya siyang tumango, “Mr. Wade, hindi mo kailangang lagyan ng pagkain ang plato ko. Hindi ka pa nga kumakain…”Ngumisi si Charlie, “Hindi naman ako nagmamadali. Kapag kumain ako, hindi ko na magagamit ang tinidor ko para paghainan ka.”Kumuha ulit si Charlie ng isang piraso ng karne saka siya nagsalita. “Mabuti sa balat ang pagkain ng karne ng gansa! Dapat mo itong subukan!”Tumango si Kathleen at maingat niyang hinipan ang karne saka niya ito nilagay sa kanyang bibig. Sinigurado niyang hindi siya mapapaso bago niya ito kinain. Sumunod, marahan siyang ngumuya.Nanlaki ang mga mata ni Kathleen sa sorpresa. Isang masarap na lasa ang pumuno sa kanyang bibig. Malinamnam ito at dahil niluto ito sa isang earthen st
Read more
PREV
1
...
376377378379380
...
574
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status