Napakunot ang kilay ni Kathleen sa mga salita ni Julian.Hindi naman dahil negatibo itong mag-isip pero nagiging maingat lang si Julian sa mga posibleng peligro. Matapos ang lahat, kamakailan lang rin naman simula nang mabuksan niya ang kanyang sixth meridian at naging opisyal siyang six-star martial artist. Sa kasalukuyan niyang lakas, masasabing siya ang pinakamahina sa kanyang mga kalebel. Kung kasing lakas o mas malakas pa si Charlie sa isang six-star martial artist, madali niyang makikita kung gaano kalakas si Julian.Ganoon pa man, hindi sigurado si Julian sa kahit ano. Napansin niyang nag-aalala si Kathleen kaya nanahimik na lang siya habang nag-iisip.Pagkatapos ng ilang sandali, binuka niya ang kanyang bibig, “Young Lady, sa opinyon ko, mababa ang tsansa na isang six-star martial artist si Charlie o kaya mas mataas pa. Hindi mo kailangang mag-alala masyado.”Napatanong si Kathleen, “Mr. Larson, paano mo nasabi?”Nagpaliwanag si Julian, “Mapayapa at masagana ang bansang
Sigurado siyang ordinaryo lang ang mga taong naririto base sa kanilang breathing rhythm. Wala sa kanila ang nag-aral ng martial arts.Mula rito, masasabing niyang walang mangyayaring ambush sa kanila.Ganoon din, sinabihan ni Julian si Kathleen, “Young Lady, pwede na tayong bumaba sa kotse ngayon.”Tumango si Kathleen at nawala ang kunot sa kanyang kilay nang marinig ito.Alam niyang sapat ang lakas ni Julian para malaman nito kung may nagtatago bang mga kalaban sa malapit. Ginagawa ito ni Julian sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanilang breathing rhythm at tibok ng puso.Kung sinabi ni Julian na pwede na siyang lumabas, ibig sabihin walang kakaiba sa lugar na ito.Subalit, hindi niya pa rin mapigilang magulantang nang makita niya ang itsura ng restaurant.Gula-gulanit ang mga gusali ng farmhouse na ito. Kahit sumailalim na ito sa renovation, masasabi niya pa ring mahaba ang kasaysayang pinagdaanan nito.Nalanghap niya agad ang isang mabahong amoy pagkababa niya ng kotse. Sinuri n
Inimbitahan ni Charlie si Kathleen sa loob kaya wala na siyang magawa kundi pumasok na lang.Nilingon naman ni Charlie si Julian para imbitahan ito, “Sir, bakit hindi kayo sumama sa amin? Huwag kayong mahiya!”Umiling si Julian at magalang siyang tumanggi, “Maraming salamat, Mr. Wade. Pero driver lang ako, dito na lang ako maghihintay sa labas.”Hinayaan lang ni Charlie si Julian at tumango siya. “Kung iyan ang kaso, iiwanan ka na namin rito.”Agad na tumugon si Julian, “Maraming salamat, Mr. Wade.”Ngumiti nang bahagya si Charlie saka siya pumasok sa isang private room kasama si Kathleen.Kahit tinatawag itong private room, sa totoo lang, isa itong ordinaryong brick house. Hindi masyadong malaki ang kwarto pero wala naman itong masyadong laman. Sa tapat ng pinto, makikita ang isang earthen stove na itinayo sa pader.Puno ng panggatong sa ilalim ang earthen stove at nagliliyab ang apoy nito. Natatakpan rin ng isang malaking pantakip na gawa sa kahoy ang bibig ng earthen stove, p
Naantig si Kathleen, pero nakaramdam rin siya ng hiya nang makita niyang pinupuno ni Charlie ang maliit niyang plato ng gabundok na pagkain. Bibihira lamang ang pagkakataon na kumain siya kasama ang isang lalaki pero ito ang unang beses na pinaghahainan siya ng isang tao.Nahihiya siyang tumango, “Mr. Wade, hindi mo kailangang lagyan ng pagkain ang plato ko. Hindi ka pa nga kumakain…”Ngumisi si Charlie, “Hindi naman ako nagmamadali. Kapag kumain ako, hindi ko na magagamit ang tinidor ko para paghainan ka.”Kumuha ulit si Charlie ng isang piraso ng karne saka siya nagsalita. “Mabuti sa balat ang pagkain ng karne ng gansa! Dapat mo itong subukan!”Tumango si Kathleen at maingat niyang hinipan ang karne saka niya ito nilagay sa kanyang bibig. Sinigurado niyang hindi siya mapapaso bago niya ito kinain. Sumunod, marahan siyang ngumuya.Nanlaki ang mga mata ni Kathleen sa sorpresa. Isang masarap na lasa ang pumuno sa kanyang bibig. Malinamnam ito at dahil niluto ito sa isang earthen st
Walang napansing kakaiba si Julian sa sinabi ni Charlie.Subalit, sinubukan niya pa ring makinig sa usapan nila ni Charlie. Dahil binibigyan ni Kathleen ng atensyon si Charlie, gusto niyang malaman kung may makukuha ba siyang mahalagang detalye.Sa parehong pagkakataon, sumulyap si Charlie kay Julian. Nang magtama ang kanilang tingin, hinawakan niya ang kanyang cellphone gamit ang isang kamay at inangat niya naman ang isa para batiin si Julian.Hindi ito masyadong inisip ni Julian. Tumango lang siya bilang respeto.Ganoon din, naglakad si Charlie papunta sa direksyon ni Julian. Naglabas siya ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at nagpanggap siyang ilalagay niya ito sa kanyang bibig.Karaniwan lang para sa karamihan na manigarilyo habang sumasagot ng tawag. Kaya, hindi naalerto si Julian.Ang hindi alam ni Julian, hindi talaga naninigarilyo si Charlie. Humingi lang si Charlie ng isang pakete ng sigarilyo mula sa isang tauhan ni Albert bago siya pumunta rito.Ganoon din, nagsalita
Nang sabihin ito ni Charlie, sumenyas siya ng isang peace sign gamit ang kanyang kanang kamay. Dahil dito, nagawa niyang himukin si Julian.Nakaramdam ng matinding galit si Julian. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Charlie. Paano naman magagawa ni Charlie na pumatay ng dalawang six-star martial artist? Isang malaking kalokohan!Napatitig siya nang masama kay Charlie at malamig siyang nagbigay ng babala, “Mr. Wade, wala akong balak na saktan kayo. Pero, hinihimok niyo ako sa mga salitang binibitawan niyo. Kung iyan ang kaso, huwag niyo akong sisihin sa pagiging bastos! Gagamitin ko ang mga kamao ko para turuan kayo kung ano ang lakas ng isang six-star martial artist!”Nang sabihin ito ni Julian, inipon niya ang lahat ng kanyang enerhiya sa kanyang mga kamao at binti saka siya sumugod kay Charlie!Subalit, walang balak si Julian na bawian ng buhay si Charlie. Gusto niya lang turuan si Charlie ng leksyon at ipakita kung ano ang tunay na lakas ng isang six-star martial artist.Agad
Nanigas si Julian nang mapagtanto niya ang bagay na ito. Sa parehong pagkakataon, isang sasakyan ang pumarada sa harap ng farmhouse.Nang tumigil ang sasakyan, agad na nagbukas ang pinto sa back row. Lumabas si Albert mula sa sasakyan at tahimik siyang naghintay.Napatitig si Julian nang kinakabahan, hindi niya mapigilang mag-alala sa kaligtasan ni Kathleen. Naisip niyang ginagawa ito ni Charlie para dukutin ang Young Lady.Gusto niyang sumigaw para bigyan ng babala si Kathleen tungkol sa peligro. Sa kasamaang palad, hindi siya makapagsalita. Walang lumalabas na boses sa kanyang bibig.Napatitig siya kay Charlie sa takot. Ano ang ginawa ni Charlie sa kanya at hindi siya makapagsalita?Tumawa si Charlie saka niya tinapik ang balikat ni Julian. Gumamit siya ng kaunting spiritual energy at inilipat niya ito sa katawan ni Julian. Nang gawin niya ito, nawala sa tamang katinuan si Julian gaya na lamang ng ginawa niya kay Zayne sa Ten Thousand Armies dati.Napatitig si Charlie sa mga ma
Samantala, habang nasa loob ng private room, walang kaalam-alam si Kathleen sa mga nangyari sa labas.Matapos ang lahat, malapit pa rin ang lugar na ito sa national highway. Marami siyang naririnig na ingay dahil sa mga sasakyang dumadaan sa labas. May ilang mga trak rin na dumadaan minsan at nagiging dahilan ng saglit na pagyanig ng lupa.Walang narinig na kahit anong kakaibang ingay si Kathleen mula sa labas.Sa wakas, nakabalik na rin si Charlie sa loob ng kwarto. Ngumiti siya kay Kathleen saka niya ito kinausap, “Ms. Jane, pasensya na. May inasikaso lang ako. Pasensya na talaga dahil pinaghintay kita.”Agad na tumugon si Kathleen, “Mr. Wade, huwag kayong mag-alala. Naayos na ba ang problema niyo?”Tumango si Charlie at kaswal siyang tumugon, “Oo, naresolbahan na namin. Nagtatanong lang ng Feng Shui ang isa kong kostumer. Katatapos ko lang magpaliwanag sa kanya.”Hindi pinagdudahan ni Kathleen ang sinabi ni Charlie. Matapos ang lahat, mukhang tunay ang kanyang pag-arte.Ganoo
Sa una ay balak ni Charlie na maghapunan kasama ang lolo at lola niya bago pumunta sa Scarlet Pinnacle Manor para makipagkita kay Vera, kaya hindi siya nagmamadali na tanungin si Vera tungkol sa mga tiyak na detalye ng kapalaran ng ascending dragon.Sa kailaliman ng puso niya, nabigla pa rin siya mula sa gulat sa nakaraan ng mga magulang niya.Nang marinig niya mula sa kanyang tito na sinasaliksik ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas, nakaramdam si Charlie ng malaking pagbabago sa pananaw niya sa kanyang mga magulang.Hinding-hindi niya inaakala na may malalim na ugnayan ang mga magulang niya pagdating sa cultivation. Bukod dito, hinding-hindi niya inaakala na nakuha ng mga magulang niya ang Preface to the Apocalyptic Book mahigit dalawampung taon na ang nakalipas. Para kay Charlie, ang pagbubunyag na ito ay kasing-lakas ng pagsabog ng isang nuklear.Aksidenteng nakuha ng kanyang ama ang Preface to the Apocalyptic Book,
Ang panimulang bahagi ay karaniwang ang pambungad na impormasyon bago ang pangunahing laman. Kaya, pakiramdam ni Charlie na kung ang libro talaga na nakuha ng kanyang ama dati ay tinatawag na ‘Preface to the Apocalyptic Book’, marahil ay ito nga ang panimulang bahagi sa Apocalyptic Book!Nang maisip ito, tinanong niya nang mabilis, “Uncle, pagkatapos makuha ng aking ama ang libro na ito, ano pa ang mga sinabi o ginawa niya na hindi mo maintindihan o nag-iwan ng malalim na alaala sayo?”Nag-isip saglit si Christian at sinabi, “May sobrang daming kilos ng iyong ama na hindi ko maintindihan. Naghanap siya ng mga sinaunang libro at materyales kung saan-saan at naglakbay pa siya kasama ang iyong ina nang ilang beses, minsan ay ilang buwan pa. Pero sa oras na iyon, akala ko na medyo kakaiba ang isipan ng iyong ama, kaya hindi ko masyadong binigyan ng atensyon kung ano talaga ang ginagawa niya.”Sa puntong ito, biglang may naalala si Christian at sinabi, “Oh, naaalala ko na binanggit nang
Matagal nang alam ng mga Acker na ang benefactor nila at ang benefactor ng pamilya Fox ay ang parehong tao. Pero, nang malaman ni Christian na ang tao sa likod, na may mga mata at tainga kahit saan, ay ang nawawala niyang pamangkin ng dalawampung taon, medyo hindi pa rin siya makapaniwala.Sa sandaling ito, hindi itinago ni Charlie ang kahit ano at sinabi nang kalmado, “Sa araw ng auction para sa Rejuvenating Pill, balak ni Mr. Fox na bilhin ang Rejuvenating Pill. Pero, sinamantala ng kanyang anak ang pagkakataon na kunin ang kapangyarihan mula sa kanya. May ilang koneksyon ako kay Miss Fox, kaya tinulungan ko sila nang kaunti.”Tumango nang magaan si Christian at sinabi, “Hindi ko talaga inaasahan na may pambihirang abilidad ang panganay na pamangkin ko. Ang galing mo talaga!”Si Merlin, na kanina pa tahimik, ay nagsalita, “Christian, huwag mong kalimutan na kahit ang buhay ko ay niligtas ni Mr. Wade.”Natauhan si Christian at sinabi, “Oo, tama. Talagang kahanga-hanga ito! Dati ay
Umiling si Charlie at sinabi, “Lola, kahit na bumalik siya, marahil ay hindi ko siya dalhin para makilala kayo ni Lolo.”Tinanong ni Lady Acker sa pagkalito, “Bakit naman, Charlie? May galit ka pa rin ba sa amin?”Umiling nang bahagya si Charlie at sinabi, “Lola, ang asawa ko… Hindi niya pa rin alam ang totoong pagkakakilanlan ko.”Lumaki ang mga mata ng lahat sa sorpresa. Walang nag-aakla na hindi alam ng asawa ni Charlie ng apat na taon ang totoong pagkakakilanlan niya.Hindi mapigilang itanong ni Lady Acker, “Charlie, apat na taon ka nang kasal kay Charlie ngayon, kaya paanong hindi niya pa rin alam ang pagkakakilanlan mo?”Sinabi ni Charlie na parang sinisisi niya ang sarili niya, “Wala ako ng kahit ano noong pinakasalan niya ako. Nagtatrabaho pa rin ako bilang manggagawa sa isang construction site, nagbubuhat ng mga hollow blocks at semento. Pagkatapos naming ikasal, ikinasal ako sa pamilya nila. Sa mga mata ng mga Wilson, isa lang akong tao na walang edukasyon o totoong kaka
Tumango si Charlie at sinabi, “Lolo, sa totoo lang, pagkatapos maaksidente ng mga magulang ko, inayos ni Stephen na manatili ako sa bahay ampunan, kung saan pinanatiling lihim ang pagkakakilanlan ko.”Hindi mapigilan ni Lord Acker na bumuntong hininga at sabihin, “Mukhang minialiit ko ang mga abilidad ng iyong ama. Natatakot ako na ang ama mo lang ang makakaisip ng napakatapang na kilos sa dilim.”Sa puntong ito, sinabi niya nang sobrang saya, “Iniisip ko dati na marahil ay ang ama mo ang pinakamagaling na batang talento na nakita ko, pero hindi ko inaasahan na ikaw, Charlie, ay malalampasan siya. Kung hindi dahil sa tulong mo, ang lola mo, ang tita at mga tito mo, at ako ay matagal nang namatay.”Sinabi nang seryoso ni Charlie, “Loo, hindi mo kailangan na maging sobrang galang sa akin. Nasa ugat ko rin ang parehong dugo na dumadaloy sa mga Acker, kaya hindi lang ako manonood at walang gagawin para sa mga Acker.”Namula ang mga mata ni Lord Acker, at sinabi niya nang nabubulunan, “
Sobrang saya ng mga miyembro ng pamilya Acker nang malaman nila na pupunta si Charlie para maghapunan. Tuwang-tuwa silang lahat, tila ba ipinagdiriwang nila ang Bagong Taon.Inutusan ni Lady Acker ang mga anak niya na linisin ang lamesa at ayusin ang mga pagkain na dinala ng mga tauhan ni Albert.Patuloy na bumubulong si Lord Acker sa sarili niya, “Magandang araw ngayong araw. Kahit ano pa, iinom ako nang kaunti mamaya pagdating ni Charlie!”Si Lulu, na nasa gilid, at sinabi nang nagmamadali, “Pa, kailan ka lang gumaling nang kaunti, kaya hindi ka dapat uminom.”“Kalokohan!” Sumagot si Lord Acker nang walang pag-aatubili, “Hindi ba’t ang layunin ng paggaling ko ay para lang sa araw na ito? Hindi makatwiran para sa akin na hindi uminom sa napakahalagang okasyon!”Ngumiti si Lady Acker at sinabi, “Hayaan mo ang papa mo na uminom kung gusto niya. Dalawampung taon na kaming umaasa na bumalik ang apong lalaki namin. Kahit nga ako ay gusto rin uminom nang kaunti, lalo na siya.”Mabilis
Samantala, sa marangyang Champs Elys hot spring villa sa Aurous Hill, buong araw na naghintay nang balisa ang mga Acker pero hindi nila nakita si Charlie.Hindi sila makakain o makainom buong araw, gusto lang nilang makita si Charlie sa lalong madaling panahon para makumpirma gamit ang sarili nilang mga mata na ligtas nga siya.Sa oras ng hapunan, dumating at pumasok sa bahay si Albert at ang ilang tao. Pagkatapos pumasok, sinabi ni Albert kay Christian, na nagbukas ng pinto, “Mr. Christian, naghanda ako ng ilang masarap na pagkain para sa inyong lahat. Ang mga ito ay espesyal na inihanda ng mga chef mula sa Heavenly Springs. Ako mismo ang namahala sa mga sangkap at binantayan sila habang nagluluto sila. Sinabihan ko sila na gumawa ng sobrang pagkain, at sinubukan ko at sinuri ko na ito para sa lason. Ligtas itong kainin!”Hindi inaasahan ni Christian na ang middle-age na lalaki na ito, si Albert, ay sobrang mabusisi sa trabaho niya. Hindi niya maiwasan na masorpresa at mabilis na i
Nagulat nang sobra si Fleur nang maglaho si Elijah sa isang iglap.Sa una, hindi niya maintindihan kung bakit biglang naglaho si Elijah. Inabot siya nang matagal para mapagtanto na nilipat siguro si Elijah ng singsing sa ibang lugar.Nagalit siya dahil dito. Nagngalit siya sa galit at sinabi, “Ikaw matandang hayop, sobra ang pagkiling mo! Sinabi mo na hindi kami karapat-dapat ni Elijah na manahin ang pamana mo, pero binigyan mo siya ng isang kayamanan na kaya siyang ilipat ng lugar sa isang iglap. Bakit wala ako? Bakit hindi! Sabihin mo! Sabihin mo!!!”Si Fleur lang ang natira sa kuweba kung saan nagpahinga ang Master niya at kung saan naglaho si Elijah, at umalingawngaw sa lambak ang mga sigaw niya na parang baliw.Makalipas ang matagal na panahon, pinunasan ni Fleur ang dugo sa kanyang ispada habang may walang ekspresyon na mukha, ibinalik ang ispada sa kanyang baywang, at sinabi nang malamig, “Elijah, simula ngayon, magkalaban na tayo!”Pagkasabi nito, naglakad siya palayo nang
Puno rin ng galit si Fleur, kaya sinabi niya nang malamig, “Elijah, hindi mo na kailangan ipagtanggol ang matandang lalaki na iyon. Dahil patay na siya, dapat nating inumin ang Eternal Pill na ito at mabilis na pataasin ang cultivation natin. Dapat natin hanapin ang mga kayamanan na tinago niya sa lalong madaling panahon!”Nadismaya nang sobra si Elijah, “Fleur, simula ngayon, hindi mo na ako senior, at hindi na kita junior. Simula ngayon, isa ka na lang miyembro ng pamilya Griffin sa akin. Si Flynn lang ang kinikilala ko, at wala na akong koneksyon sa kahit sino!”Nabalisa agad si Fleur at sinabi, “Elijah, bakit sobrang manhid mo?! Isang libong taon nabuhay ang matandang lalaki na iyon, kaya bakit niya lang tayo binigyan ng mga pill para mabuhay ng limang daang taon? Malinaw na may ipinagkakait siya sa atin at napakahalaga nito!”Kinaway ni Elijah ang kanyang kamay at sinabi, “Kalimutan mo na, Fleur. Tapos na ang relasyon natin ngayong araw. Mananatili ako dio at pagluluksa ang mas