Mapanglaw ang ekspresyon sa mukha ni Jordan nang sumagot siya, “Kung ang Rejuvenating Pill nga talaga na ito ang milagrong naka-engkuwentro ng Lolo Lennard mo, hindi mataas ang halagang 5 billion US dollars para tumbasan ito. Kung ilalagay nila ito sa auction, normal lang na umabot ng 10 billion US dollars ang presyo nito…”Napabulalas si Kathleen sa pagkamangha, “Imposible naman yata ang bagay na iyan, hindi ba Lolo?! Pwede ka nang bumili ng isang Ford-class aircraft carrier sa ganyang halaga ng pera! Sino naman ang gagastos ng ganyang kalaking halaga ng pera para sa isang pill? Higit sa lahat, sa dami ng tao sa mundo, kasama na ako, wala naman ni isa sa amin ang nakakaalam ng epekto nito.”Bumuntong hininga si Jordan na puno ng emosyon, “Hindi lang ikaw, kahit ako hindi ko rin alam kung ano ang eksaktong epekto ng Rejuvenating Pill. Pero, may hula ako na kung walang mangyayaring hindi inaasahan, hihigit sa 10 billion US dollars ang presyo ng item na ito.”Nang mabanggit ito, tila
Magbasa pa