Pagkatapos ay patuloy na tiningnan ni Charlie ang lahat ng pangalan.May isa pang tao sa listahan na kumuha sa atensyon niya na nagngangalang Jordan Fox.Ang dami ng asset na idineklara ni Jordan Fox sa oras ng registration ay 100 billion US dollars, pero hindi pa lumitaw ang impormasyon ng taong ito sa Forbes list.May ilang tao rin na nasa parehong sitwasyon niya.Ang mga taong ito, na hindi makikita sa Forbes list ang mga pangalan, ay may napakaliit na balita lang sa tungkol sa kanila sa internet, pero idineklara nila ang asset na nasa 100 billion US dollars.Pero, medyo naramdaman ni Charlie na ang totoong asset ng mga taong ito ay mas mataas pa nang sobra sa 100 billion US dollars.Ang dahilan kung idineklara nilang lahat ang asset ng 100 billion US dollars ay dahil ayaw nilang mangibabaw masyado, at gusto lang nila na magkaroon ng lugar sa listahan. Kaya, naglabas lang sila ng bahagi ng asset nila para sa capital verification.Ang nagpasorpresa kay Charlie ay ang paglitaw
Tiningnan ni Charlie ang dulo ng listahan, at naintindihan niya agad ang kahihiyan ng royal family ng Northern Europe.Kahit na nagbigay ng patunay ang dating queen ng asset ng Northern Europe royal family, masasalin lang ito sa mahigit 10 billion dollars, sapat lang para sa kanya na maging kwalipikado sa batayan ng pagpaparehistro.Kaya, halos nasa pinaka ibaba na siya ng pitong daang tao.Ayon sa ganitong pagkakasunod-sunod kung saan ang top 200 sa 700 tao ang pipiliin, siguradong hindi siya magiging kwalipikado na makasali sa auction na ito.Nang makita ito ni Charlie, hindi niya mapigilan na ngumiti nang walang magawa habang sinabi, “Hay. Mukhang medyo nakakahiya talaga ang Northern Europe royal family. Hindi man lang one-tenth ang asset nila sa asset ng British royal family.”“Oo…” Sinabi nang walang magawa ni Jasmine, “Dati ay akala ko na sobrang yaman ng mga royal family sa Europe. Hindi ko inaasahan na sobrang miserable ng Northern European royal family…”***Sa totoo la
Nang marinig ni Helena ang tanong ng lola niya, nabigla agad siya.Bago pa siya mamula dahil sa hiya niya sa pus oniya, nadurog agad siya ng kalungkutan.Sa una ay gusto itong tanggihan nang hindi nag-iisip ni Helena, pero sa ilang kadahilanan, bigla siyang nakaramdam ng hindi magandang pakiramdam sa puso niya. Kaya, bumuntong hininga siya nang malambot at sinabi nang tahimik, “Ano naman kung miss ko siya? Simula noong nalulok ako sa trono, naging sobrang sensitibo ng pagkakakilanlan ko. Hindi na ako makakagawa ng sarili kong desisyon kung saan ako pupunta, kung sino ang gusto kong makita, kung ano ang gusto kong sabihin, at kung ano ang gusto kong gawin. Pangarap ko na pumunta sa Oska para makita siya, pero alam ko na hindi ko malalampasan ang diplomatic channel para makapunta sa Oskia ngayon. Matagal pa rin bago siya pumunta sa Northern Europe. Natatakot ako na hindi ko man lang makikita ang mukha niya sa hinaharap…”Nang sinabi ito ni Helena, biglang napuno ng luha ang mga mata n
Mayroong malungkot na ekspresyon ang matandang reyna sa kanyang mukha habang sinabi, “Kung hindi ka ikakasal, maiiwan ka nang mag-isa sa buong Northern Europe royal family kapag namatay ako! Nakakita ka na ba ng ganito ka-miserableng royal family?”Sinabi nang seryoso ni Helena, “Lola, kung walang angkop na tagapagmana ang royal family, pwedeng ikansela nang tuluyan ng Northern Europe ang royal family pagkatapos kong mamatay at palitan ang constitutional monarchy sa presidential republic. Para naman sa atin, alagaan na lang natin ang sarili natin. Bakit kailangan nating mag-alala nang sobra sa kabilang buhay?”Naglabas ng mahabang buntong hininga ang matandang reyna at sinabi, “Kung mapipilitan talaga ang royal family na mabuwag dahil sa kakulangan sa tagapagmana, mas gugustuhin kong magkaroon ka ng anak kay Charlie bago ang kasal!”Ngumiti si Helena at sinabi, “Tingnan mo, Liola! Sa wakas ay nagkasundo na tayo sa problema na ito.”“Oo, oo, oo…” Mukhang sumuko na ang matandang reyn
Hindi inaasahan ni Helena na tatawagan siya ni Charlie para mag-reserba ng VIP seat para sa lola niya.Alam niya na sa lakas ng Northern European royal family, hindi sila aabot sa top 200 sa registration. Kaya, anong kwalipikasyon nila para makuha pa ang mas bihirang VIP seat?Kaya, sinabi niya nang medyo kinakabahan, “Mr. Wade… hindi ka ba mahihirapan dito? Sa totoo lang, hindi mo kailangan mag-abala nang sobra.”Si Charlie, na hawak-hawak ang cellphone, ay ngumiti nang bahagya at sinabi nang seryoso, “Tinulungan ako ng lola mo na ipakalap ang balita. Kaya, gusto kong magpasalamat at ipakita ang pagpapahalaga ko sa kanya. Pero, nakadepende rin ito sa saloobin niya. Mas mabuti kung gusto niyang pumunta, pero kung nakakapagod ito para sa kanya at ayaw niyang bumiyahe sa malayo, hindi ko rin ito ipipilit.”Sinabi nang nagmamadali ni Helena, “Hindi, hindi… Hindi ako magsisinungaling sa iyo, Mr. Wade, pero kasasabi lang ng lola ko nito sa akin. Sa tingin niya ay mahihirapan siyang mapi
Sinabi nang masaya ni Helena, “Lola, tinawagan ako ni Mr. Wade para sabihin sa akin na nag-reserba siya ng VIP seat para sa’yo sa auction.”“Talaga?!” Nang marinig ito ng matandang reyna, natuwa agad siya nang sobra, at tinanong niya nang sabik, “Sinabi talaga iyon ni Mr. Wade?!”“Oo.” Tumango nang seryoso si Helena at idinagdag, “Sinabi ni Mr. Wade na magpapadala siya ng imbitasyon sa iyo sa loob ng ilang araw. Pagdating ng oras, pwede kang pumunta sa auction sa Aurous Hill bilang VIP.”“Ah, siya nga pala, sinabi rin ni Mr. Wade na marahil ay pumunta siya sa Northern Europe sa hinaharap para makipagtulungan sa Northern European royal family na magsagawa ng auction para sa re!”Tuwang-tuwa ang matandang reyna, at sinabi niya nang may hindi matiis na pananabik, “Magaling! Magaling talaga! Kahit ang mga mayayamang tycoon na iyon na may daang-daang bilyong dolyar ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na makakuha ng VIP status. Kung gagawin talaga akong VIP ni Charlie, siguradong maramin
Ang pagtatanong tungkol kay Albert sa Aurous Hill ay parang pagtatanong tungkol sa isang artista, si Andy Lau, sa Hong Kong. Makakakuha ka ng maraming impormasyon sa pamamagitan lang ng pagtatanong sa kahit sino sa kalye.Kaya, mabilis na nakakuha ng ilang impormasyon si Sherry tungkol kay Albert, at nagbigay agad siya ng ulat kay Kathleen. “Young Lady, nagtanong na ako tungkol kay Albert. Siya ang pinuno ng underground force sa Aurous Hill, at kilala siya sa Aurous Hill. Bukod dito, marami rin siyang industriya, at sa kanila ay isang restaurant na tinatawag na Heaven Springs na isa sa mga top high-end restaurant sa Aurous Hill na sikat na sikat.”Tumango si Kathleen at sinuri, “Sinabi ni Master Wade kay Isaac ang isang pangungusap, iyon ay magpadala ng ilang tao kay Albert. Kahit na hindi ko alam kung sino ang ipapadala niya sa kanya, sa tono ng boses niya, makikita na sinusunod ni Albert ang mga utos niya.”Pagkasabi nito, hindi mapigilan ni Kathleen na bumuntong hininga habang si
Para naman sa mga taong katulad nila Albert, Liam, Isaac, at Graham, mas tiyak na hinding-hindi sila maglalabas ng kahit isang salita kung may magtatanong sa mga ginawa ni Charlie.Kaya, kahit na teritoryo ni Charlie ang Aurous Hill, kaunting tao lang ang nakakakilala sa kanya bilang ‘Master Wade’ sa Aurous Hill.Mas lalong nalito si Kathleen dahil dito.Sa una ay akala niya na sikat na lokal na Feng Shui master si Charlie, at iyon ang dahilan kung bakit siya ginagalang ng mga lokal na opisyal.Pero ngayon, mukhang hindi siya kilala, at sobrang kakaiba talaga nito.Kumunot ang noo ni Kathleen at sinabi, “May pakiramdam ko na may mali sa bagay na ito at may mali sa Master Wade, pero hindi ko alam kung saan ang problema.”Nagmamadaling pinagaan ni Sherry ang kalooban niya at sinabi, “Huwag kang mag-alala masyado, Young Lady. Marahil ay hindi gano’n kagaling ang Master Wade na iyon, at marahil ay walang direktang koneksyon sa pagitan niya at ng Rejuvenating Pill.”Sinabi nang sobra
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl