Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 3451 - Chapter 3460

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 3451 - Chapter 3460

5729 Chapters

Kabanata 3451

Kaya, kinakabahan siyang nagsalita, “M-Mr. Wade… Sa opinyon ko, hindi na dapat tayong magdagdag sa game na ito… Masyadong malaking halaga ang two billion euros. Kahit hindi mo sineseryoso ang usaping pera, hindi ibig sabihin na pwede ka nang magwaldas nang hindi nag-iisip…”Tumawa si Charlie, “Hindi mo pa nga binubuksan ang card na hawak mo, paano mo naman malalaman kung talagang nagwawaldas lang ako ng pera?”Hindi alam ni Walliot kung ano ang sasabihin pero nagsalita pa rin siya, “Mr. Wade, hindi kita binibiro. Sa tingin ko mas mataas ang tsansa na manalo ako sa larong ito kumpara sa’yo. Bakit hindi na lang natin buksan ang mga cards? Kung sino ang mananalo, kukunin niya ang lahat ng chips na nasa mesa. Hindi na tayo magdadagdag ng kahit ano pa, ayos lang ba?”Pumuwersa ng isang tawa si Charlie saka siya ngumisi, “Sinabihan na kitang padalos-dalos ka gaya ng isang babae! Hindi nga talaga mali ang sinabi ko sa’yo! Nanalo ka na nga ng one billion euros galing sa akin, ano pa ang iki
Read more

Kabanata 3452

Sa pagkakataong ito, handa na si Walliot na tanggapin ang three billion euros at Concorde ni Charlie.Maliban kay Charlie, nakatitig ang lahat sa kamay ng broker at tila ba hindi sila makahinga.Ang card na ito ang magdidikta ng kapalaran ng billions of euros na nasa mesa ngayon.Samantala, sigurado na si Walliot at Olivia na nasa kanila na ang tagumpay.Sa kabilang banda, para bang walang pakialam si Charlie. Hindi siya masaya at hindi rin siya malungkot. Hindi siya nagmamadali at hindi siya nagbabagal. Para bang walang kinalaman sa kanya ang lahat ng nangyayari.Ganoon din, dinampot ng broker ang card at bigla niyang itong binuksan saka niya ito inihagis sa harap ni Walliot.Sa pagkakataong ito, hindi pa nakikita ni Walliot kung ano ang laman ng card, pero hindi niya mapigilang matigilan na para bang tinamaan siya ng kidlat.Ito ay dahil… nakikita niyang… ang card na hawak niya… ay pula!Nakadisplay na ang apat na Aces ni Charlie sa mesa, at kung gustong manalo ni Walliot, ka
Read more

Kabanata 3453

Pagkatapos magsalita, napatitig si Charlie sa broker at kinuwestiyon niya ito sa isang mahigpit na boses, “Ikaw! Sabihin mo sa amin ang lahat ng nalalaman mo nang malinaw!”Agad na nagsalita ang broker, “Inimbitahan ako ni Walliot dito para tulungan siyang mag-setup ng isang gambling game. Gusto niyang tulungan ko siyang manalo ng malaking halaga. Ilang beses niya na itong ginawa dati. Nakahuthot siya ng ilang daang milyon mula sa kanyang mga naging kalaban at ganyang halaga ang pumapasok sa kanyang bank account. Inutusan niya rin ako sa pagkakataong ito at iyan ang dahilan kung bakit tinulungan ko siyang mandaya…”Napatitig si Charlie kay Walliot at malamig siyang nagsalita, “Halika. Ano ang masasabi mo?”Hindi alam ni Walliot kung paano siya sasagot, sa pagkakataong iyon, bigla siyang napasulyap sa IOU na nasa mesa.Mananalo dapat siya ng one billion euros mula kay Charlie ngayong araw, pero sa halip, magkakaroon pa siya ng IOU na two billion euros. Ibig sabihin hindi niya lang n
Read more

Kabanata 3454

Sa pagkakataong it, tila ba gumuho ang buong inner psychological defense ni Walliot.Alam niya sa loob ng kanyang puso na kapag dinala niya ang kasong ito sa korte, siguradong siya ang matatalo. Higit sa lahat, magiging miserable ang kanyang kahihitnatnan!Maliban pa sa katotohanang siya mismo ang nagsulat ng IOU na nasa kamay ni Charlie, magiging mas malala ang sitwasyon dahil miyembro siya ng pamilya Rothschild at siya rin ang fiancé ng susunod na Queen ng Northern Europe. Makakaapekto ang pandarayang ginawa niya sa kanyang reputasyon. Tuluyang masisira ang tingin ng publiko sa kanya.Higit sa lahat, three billion euros at isang eroplano ang sinubukan niyang dayain mula kay Charlie!Kung lalabas ang balitang ito, sigurado siyang ito ang magiging pinakamalaking gambling fraud sa buong mundo! Natatakot si Walliot na makilala siya para sa ganitong bagay! Siguradong hindi ito maganda para sa kabuuang reputasyon ng kanilang pamilya!Ang pinakamahalagang bagay para sa Northern Europea
Read more

Kabanata 3455

Nang sabihin ito, agad na tumakbo si Olivia paalis.Sa pagkakataong ito, sa banquet hall.Umiinom si Richard kasama si Gregory.Samantala, matagal nang bumalik si Aman sa kanyang kwarto dahil sa galit matapos siyang sampalin ni Charlie. Ganoon din, bumalik na rin ang mga asawa nila Richard at Gregory sa kani-kanilang kwarto dahil mababa lang ang kanilang alcohol tolerance at madali silang malasing.Naiwan ang dalawang lalaki sa banquet hall habang umiinom sila ng alak.Parehong maganda ang mood ng dalawa. Matapos ang lahat, ikakasal na ang mga anak nila bukas, at si Olivia na ang uupo sa trono at magiging queen ng Northern Europe.Sa pagkakataong iyon, mabibigyan rin ng titulo ang asawa ni Olivia, magkakaroon ng titulo si Walliot bilang Prince.Bilang isang royal prince, siguradong sisikat si Walliot sa mga miyembro ng pamilya Rothschild.Baka nga umangat pa ang kanilang pamilya at masama sila sa second level ng Rothschilds.Habang masayang nag-iinuman ang dalawa, mabilis na t
Read more

Kabanata 3456

Nang makita ni Gregory na hindi naniniwala si Charlie sa pakiusap niya, nagmakaawa siya nang nagmamadali at sinabi, “Mr. Wade, nagkamali ang anak ko, at bilang ama niya, siguradong maghahanap ako ng paraan para itama ito. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para lutasin ang problemang ito. Huwag ka sanang magalit nang sobra!”Tumango si Charlie at sinabi, “Dahil may ganito kang saloobin, hindi na ako makikipaglokohan sa iyo. Naglakas-loob ang anak mo na subukan akong dayain. Gusto niyang dayain ako ng three billion euros at Concorde. Ako, si Charlie Wade, ay hindi pa nakakatagpo ng sobrang samang setup sa buong buhay ko. Paano mo lulutasin ang bagay na ito?”Biglang pinagpawisan nang malamig si Gregory sa buong mukha niya.Hindi niya talaga inaasahan na sobrang tapang ng anak niya.Three billion euros at Concorde… Hindi ito put*ng inang sugal, ito ay pagnanakaw na sa iba!Bago pa makaisip si Gregory kung paano niya mabibigyan ng magandang sagot si Charlie, iwinasiwas ni Charlie an
Read more

Kabanata 3457

Nang marinig ni Richard ang mga ito, dumilim ang lahat sa paningin niya, at muntik na siyang bumagsak sa sahig.Sa huli ay natauhan na siya, at nagngalit siya at tinitigan si Olivia habang tinanong sa mababang boses, “Saan ba gawa ang utak mo?! Bilang isang tagapagmana na aakyat na sa trono at magiging reyna, nakapag-isip ka ng ganito para dayain ang iba?! Ikaw… Iniinis mo ba ako?!”Halos mabaliw na si Richard.Kahit na sikat na sikat ang royal family ng Northern Europe at minamahal ng mga tao sa Northern Europe, sa totoo lang, isang mascot lang ang royal family na walang espesyal na legal na pribilehiyo.Bukod ito, ang mga totoong operasyon sa mga bansa sa Northern Europe ay ganap na responsibilidad ng gobyerno ng Northern Europe.Ang cabinet at ang parliament ang mga totoong tagapangasiwa ng bansang ito, at walang totoong kapangyarihan ang royal family. Sa sandaling nilabag ng royal family ang batas, hindi sila ipapagtanggol o pagtatakpan ng Northern European judiciary.Nang ma
Read more

Kabanata 3458

Nahiya nang sobra si Oliva dahil sa mga sinabi ni Charlie at gusto niya talaga na gamitin ang mga daliri niya sa paa para maghukay ng hukay sa lupa para makatakas siya sa unang palapag.Anong ‘Romeo and Juliet’ ang sinasabi niya? Paano niya mahihintay si Walliot na lumabas sa kulungan?!Hindi na talaga siya makapaghintay na tanggalin ang lahat ng relasyon at koneksyon niya kay Walliot ngayon!Kung hindi, kung makukulong si Walliot, hindi rin siya magkakaroon ng magandang wakas!Paano hindi maririnig ng ama ni Walliot, si Gregory, ang panunuya at pangungutya ni Charlie? Nang makita niya na mukhang ayaw talaga ni Charlie tanggapin ang pribadong kasunduan, natakot siya nang sobra sa puso niya.Tumingin siya kay Charlie at nagmakaawa nang mapait, “Mr. Wade, kasalanan ko ang lahat ng ito dahil hindi ko tinuruan nang mabuti ang anak ko. Basta’t sasabihin mo lang ang mga kondisyon mo, siguradong maghahanap ako ng paraan para ibigay ang hinihingi mo kahit gaano pa ito kahirap!”Hindi siy
Read more

Kabanata 3459

Kinuskos ni Charlie ang baba niya at nanahimik siya saglit. Pagkatapos, tumawa siya at sinabi, “Tama ka. Sobrang bata pa talaga nila, at sasama rin ang pakiramdam ko kung sisirain ko ang kinabukasan nila nang ganito.”Habang nagsasalita siya, bumuntong hininga si Charlie at sinabi, “Hay! Pwede kong piliin na tanggapin ang pribadong kasunduan para dito dahil sobrang tapat niyo, pero nakadepende ito sa kilos ng mga pamilya niyo sa paglutas ng problema na ito.”Sa sandaling sinabi ni Charlie ang mga ito, naintindihan agad ng dalawang pamilya ang kahulugan ng mga sinabi niya.Dahil nakadepende ito sa kilos nila, kailangan nilang ipakita ang katapatan nila.Kaya, sinabi agad ng ama ni Walliot, si Gregory, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Basta’t handa kang maging mapagbigay, magbibigay agad ako ng two billion euros!”Nang sinabi niya ang mga ito, nakaramdam ng sakit si Gregory sa puso niya.Sa una ay may kabuuang 10 billion euros na asset ang pamilya nila, at nangakot na siya sa royal
Read more

Kabanata 3460

May nakamamatay na kapit na si Charlie sa dalawang tao na ito.Hindi mapapasan ni Walliot o ni Olivia ang kalalabasan kung malalantad ang bagay na ito.Kaya, siguradong gagawin nila ang lahat ng makakya nila para makahanap ng paraan upang malutas ang problema na ito.Kahit na malaking pera ang five billion euros, siguradong makakakuha sila ng pera kung sisikipan nila ang mga sinturon nila.Kaya, nararamdaman ni Charlie na minsan, kailangan niyang puwersahin ang mga kalaban niya sa sulok. Kung hindi niya sila bibigyan ng pressure, hindi nila alam kung gaano karaming pera talaga ang kaya nilang ilabas.Sa sandaling ito, ang ama ni Olivia, si Richard, ay kinakabahan din nang sobra.Alam niya na may mahigpit na kapit na si Charlei sa kahinaan ng pamilya niya. Kung lalabas talaga ang tungkol dito, mauubos ang kamaharlikaan ng royal family.Pagdating ng oras, imposible na para sa mga tao sa bansa na hayaan si Olivia, na isang miyembro ng royal family na pinaghihinalaan na isang krimin
Read more
PREV
1
...
344345346347348
...
573
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status