Kung ito ang kaso, siguradong mamamatay si Gregory at ang kanyang anak sa araw na ito…Nang maisip ito, agad siyang nagmakaawa, “Mr. Wade, huwag kayong masyadong magmadali. Maghahanap ako ng paraan para makuha ang natitirang 500 million euros. Ibibigay ko aga dito sa’yo sa pinakamadaling panahon…”Tumango si Charlie saka siya tumugon, “Kung ito lang rin ang sasabihin mo, pwede na nating ituloy ang susunod na usapan.”Nakaramdam ng kaunting panatag si Gregory at agad siyang nagtanong, “Mr. Wade, hahayaan niyo ba kaming dalawa ni Walliot na makaalis kapag nabigay namin sa’’yo ang 4.5 billion euros sa tamang oras?”Tumawa si Charlie saka siya tumugon, “Masyado ka naman yatang ganid. Ang mapapangako ko lang sa’yo ngayon ay hindi ko kayo papatayin ni Walliot kapag nakapaglabas kayo ng 4.5 billion euros. Pero, may luma kaming kasabihan sa Oskia na nabubuhay ang isang tao para magdusa. Kaya, kahit ano pang parusa ang ipataw ko sa inyo, ako na ang bahala at wala sa inyo ang desisyon.”Hab
Magbasa pa