Kinuskos ni Charlie ang baba niya at nanahimik siya saglit. Pagkatapos, tumawa siya at sinabi, “Tama ka. Sobrang bata pa talaga nila, at sasama rin ang pakiramdam ko kung sisirain ko ang kinabukasan nila nang ganito.”Habang nagsasalita siya, bumuntong hininga si Charlie at sinabi, “Hay! Pwede kong piliin na tanggapin ang pribadong kasunduan para dito dahil sobrang tapat niyo, pero nakadepende ito sa kilos ng mga pamilya niyo sa paglutas ng problema na ito.”Sa sandaling sinabi ni Charlie ang mga ito, naintindihan agad ng dalawang pamilya ang kahulugan ng mga sinabi niya.Dahil nakadepende ito sa kilos nila, kailangan nilang ipakita ang katapatan nila.Kaya, sinabi agad ng ama ni Walliot, si Gregory, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Basta’t handa kang maging mapagbigay, magbibigay agad ako ng two billion euros!”Nang sinabi niya ang mga ito, nakaramdam ng sakit si Gregory sa puso niya.Sa una ay may kabuuang 10 billion euros na asset ang pamilya nila, at nangakot na siya sa royal
May nakamamatay na kapit na si Charlie sa dalawang tao na ito.Hindi mapapasan ni Walliot o ni Olivia ang kalalabasan kung malalantad ang bagay na ito.Kaya, siguradong gagawin nila ang lahat ng makakya nila para makahanap ng paraan upang malutas ang problema na ito.Kahit na malaking pera ang five billion euros, siguradong makakakuha sila ng pera kung sisikipan nila ang mga sinturon nila.Kaya, nararamdaman ni Charlie na minsan, kailangan niyang puwersahin ang mga kalaban niya sa sulok. Kung hindi niya sila bibigyan ng pressure, hindi nila alam kung gaano karaming pera talaga ang kaya nilang ilabas.Sa sandaling ito, ang ama ni Olivia, si Richard, ay kinakabahan din nang sobra.Alam niya na may mahigpit na kapit na si Charlei sa kahinaan ng pamilya niya. Kung lalabas talaga ang tungkol dito, mauubos ang kamaharlikaan ng royal family.Pagdating ng oras, imposible na para sa mga tao sa bansa na hayaan si Olivia, na isang miyembro ng royal family na pinaghihinalaan na isang krimin
Ang croupier, na nilagyan ni Charlie ng psychological hint, ay mukhang tila ba nawalan siya ng kaluluwa. Kaya, nilabas siya ng iba.Pagkatapos, apat na tao lang ang natira sa kwarto. Sinabi ni Gregory, “Kayong lahat, kailangan muna nating magkasundo. Ang ibig sabihin ay kailangan natin lutasin ang problema kay Charlie ngayong gabi, at kahit ano pa, hindi natin pwedeng hayaan na lumabas ito sa publiko. Kung hindi, tapos na ang pamilya natin!”Bumuntong hininga si Richard at sinabi, “Five billion euros ang hinihingi ni Charlie. Sampung libong beses na mas nakakatakot ito kumpara sa mga tulisan! Saan tayo makakakuha ng ganito kalaking pera para sa kanya?!”Tumingin si Olivia kay Walliot at galit na sinabi ,”Walliot! Kasalanan mo ang lahat ng ito dahil sobrang sakim ka! Ngayong nanghihingi ng five billion euros si Charlie bilang kabayaran, sa tingin ko ay dapat mong pasanin ang buong five billion euros!”“Kailangan kong bayaran ang lahat?!” Nang marinig ito ni Walliot, nagalit agad siy
Samantala, dumating na sina Charlie at Helena sa ward ng Reyna sa top floor ng sinaunang kastilyo.Sa una ay gusto silang pigilan ng mga guwardiya, pero pinapasok agad nila sina Charlie at Olivia pagkatapos magtanong kay Olivia.Nang pumasok si Charlie sa ward, pinalabas niya ang mga medical staff at tumingin sa matandang babae na nakahiga sa kama. Ito ay isang matandang babae na mamamatay na, at dahil matagal na siyang pinapahirapan ng sakit niya, matagal na siyang nawalan ng aura at kamaharlikaan ng isang reyna.Puno ng pag-asa si Helena habang nakatingin siya kay Charlie at tinanong siya, “Mr. Wade, magagamot mo ba ang lola ko at mapapagisin siya?”Sinabi nang walang interes ni Charlie, “Siguradong magagamot ko siya hangga’t humihinga pa siya.”Habanag sinasabi niya ito, naglakad si Charlie papunta sa kama at nilagay ang kanyang kamay sa pulos ng matandang babae. Tahimik na pumasok ang isang hibla ng Reiki.Makalipas ang ilang sandali, unti-unting kumunot ang noo ni Charlie, a
Habang nagsasalita siya, naglagay si Charlie ng isang bakas ng Reiki sa katawan ng reyna, hinayaan siyang magkaroon ng pansamantalang kontrol sa mga daliri niya.Pagkatapos, sinabi ni Charlie, “Pwede mon ang subukan na kontrolin ang hintuturo at hinlalato mo sa kanang kamay.”Sa sandaling sinabi niya ito, ginalaw ng reyna ang dalawang daliri niya nang pataas at pababa ng ilang beses.Natulala si Helena nang makita niya ito, at sinabi niya, “Naririnig talaga ni Lola ang mga sinasabi natin?!”Tumango si Charlie at sinabi, “Kaya nga sinabi ko na nag-iisa lang siguro siya.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si Charlie sa reyna at tinanong, “Ang unang kondisyon ko ay kailangan mong ianunsyo ang pagbaba mo sa trono at ipapasa mo agad ang trono kay Helena pagkatapos mong magising. Sa parehong oras, kailangan mo rin tulungan si Helena na pagtibayin ang trono at posisyon niya bilang reyna. Kung papayag ka dito, masisigurado ko na mabubuhay ka pa ng limang taon. Kaya mo ba itong tanggapin?
Ang reyna, na may kontrol na sa katawan niya, ay sinubukan nang ilang beses na buksan ang mga mata niya pero nabigo siya dahil sa maliwanag na ilaw.Nang makita ito ni Helena, lumapit siya nang nagmamadali at tinanong nang nag-aalala, “Lola, kumusta ang pakiramdam mo?”Nagsalita nang nahihirapan ang reyna, “Helena… A-Ayos lang ako… Hindi… Hindi lang masanay ang mga mata ko sa maliwanag na ilaw…”Nabulunan si Helena sa sabik at sinabi, “Teka lang, Lola. Papatayin ko ang mga headlights!”Pagkasabi nito, tumayo agad si Helena at pinatay ang mga headlights sa ward, iniwan lang mga hindi masyadong maliwanag na ilaw.Doon lang nabuksan ng reyna ang mga mata niya. Pagkatapos, unti-unting bumalik ang pananaw niya, at malinaw na niyang nakita ang mukha ni Helena.Sa sandaling ito, hindi mapigilan ng reyna na mabulunan at sabihin, “Helena… Kasalanan ko ang lahat ng mga nagdaang taon! Kung alam ko lang na sobrang samang tao ni Olivia, hindi ko ibibigay sa kanya ang karapatan na manahin ang
“110 years old?!” Binulong ng reyna at inulit ito sa nagulantang na paraan. Hindi talaga siya makapaniwala na may napakalakas na epekto ang ordinaryong pill na ito.Pero, sa sandaling naisip niya ang naranasan niya kanina lang, tinanggal niya ang lahat ng pagdududa.Sa sandaling ito, inisip niya, ‘Sobrang galing talaga ng pill na ito! Isang sangkapat lang ang ininom ko kanina, at nagising ako nang tuluyan. Siguradong mas mahimala ang magiging epekto kung maiinom ko ang buong pill!’Nang maisip niya ito, sinabi niya nang magalang, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Siguradong ibibigay ko kay Helena ang buong pakikisama ko at makikipagtulungan ako sa mga hiling mo simula ngayon!”Ang mga taong bumalik lang sa kamatayan ang makakaalam kung gaano kahalaga ang buhay.Ganito ang kaso para sa Reyna ng Northern Europe na ito, na matanda na.Naranasan niya na ang pakiramdam ng halos mamatay na isya, at naranasan niya ang mahabang kadilim at kapanglawan na iyon. Kaya, para sa kanya, ang pagi
Naging ulila si Charlie sa edad na walong taong gulang, at pagkatapos malantad sa napakaraming taon sa lipunan, naranasan niya na ang kalupitan at kadiliman ng lipunan.Alam niya na sa totoong mundo, ang mga salitang ‘pera ang pinakamataas’ ay walang katapusan at hindi mababagong katotohanan para sa maraming tao.Kaya, nang binanggit niya ang presyong five billion euros kina Olivia at Walliot, hinding-hindi siya umasa na papayag ang mga taong ito.Ang dahilan kung bakit niya sila binigyan ng kalahating oras para pag-isipan ito ay para puwersahin sila na magkaroon ng kagustuhan na patayin siya.Sadyang pinili ni Charlie na iligtas ang reyna sa sandaling ito para puwersahin sina Walliot at Olivia sa isang dead end.Kung magpapasya sila na tanggapin ang mga kondisyon niya at tapat na sumuko dahil sila ang pumusta, medyo magiging maawain pa siya sa kanila para sa five billion euros.Pero, kung magpapasya sila na patayin siya, siguradong gagawin nila ang lahat para patayin din ang rey
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro