Share

Kabanata 3462

Author: Lord Leaf
Samantala, dumating na sina Charlie at Helena sa ward ng Reyna sa top floor ng sinaunang kastilyo.

Sa una ay gusto silang pigilan ng mga guwardiya, pero pinapasok agad nila sina Charlie at Olivia pagkatapos magtanong kay Olivia.

Nang pumasok si Charlie sa ward, pinalabas niya ang mga medical staff at tumingin sa matandang babae na nakahiga sa kama. Ito ay isang matandang babae na mamamatay na, at dahil matagal na siyang pinapahirapan ng sakit niya, matagal na siyang nawalan ng aura at kamaharlikaan ng isang reyna.

Puno ng pag-asa si Helena habang nakatingin siya kay Charlie at tinanong siya, “Mr. Wade, magagamot mo ba ang lola ko at mapapagisin siya?”

Sinabi nang walang interes ni Charlie, “Siguradong magagamot ko siya hangga’t humihinga pa siya.”

Habanag sinasabi niya ito, naglakad si Charlie papunta sa kama at nilagay ang kanyang kamay sa pulos ng matandang babae. Tahimik na pumasok ang isang hibla ng Reiki.

Makalipas ang ilang sandali, unti-unting kumunot ang noo ni Charlie, a
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3463

    Habang nagsasalita siya, naglagay si Charlie ng isang bakas ng Reiki sa katawan ng reyna, hinayaan siyang magkaroon ng pansamantalang kontrol sa mga daliri niya.Pagkatapos, sinabi ni Charlie, “Pwede mon ang subukan na kontrolin ang hintuturo at hinlalato mo sa kanang kamay.”Sa sandaling sinabi niya ito, ginalaw ng reyna ang dalawang daliri niya nang pataas at pababa ng ilang beses.Natulala si Helena nang makita niya ito, at sinabi niya, “Naririnig talaga ni Lola ang mga sinasabi natin?!”Tumango si Charlie at sinabi, “Kaya nga sinabi ko na nag-iisa lang siguro siya.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin si Charlie sa reyna at tinanong, “Ang unang kondisyon ko ay kailangan mong ianunsyo ang pagbaba mo sa trono at ipapasa mo agad ang trono kay Helena pagkatapos mong magising. Sa parehong oras, kailangan mo rin tulungan si Helena na pagtibayin ang trono at posisyon niya bilang reyna. Kung papayag ka dito, masisigurado ko na mabubuhay ka pa ng limang taon. Kaya mo ba itong tanggapin?

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3464

    Ang reyna, na may kontrol na sa katawan niya, ay sinubukan nang ilang beses na buksan ang mga mata niya pero nabigo siya dahil sa maliwanag na ilaw.Nang makita ito ni Helena, lumapit siya nang nagmamadali at tinanong nang nag-aalala, “Lola, kumusta ang pakiramdam mo?”Nagsalita nang nahihirapan ang reyna, “Helena… A-Ayos lang ako… Hindi… Hindi lang masanay ang mga mata ko sa maliwanag na ilaw…”Nabulunan si Helena sa sabik at sinabi, “Teka lang, Lola. Papatayin ko ang mga headlights!”Pagkasabi nito, tumayo agad si Helena at pinatay ang mga headlights sa ward, iniwan lang mga hindi masyadong maliwanag na ilaw.Doon lang nabuksan ng reyna ang mga mata niya. Pagkatapos, unti-unting bumalik ang pananaw niya, at malinaw na niyang nakita ang mukha ni Helena.Sa sandaling ito, hindi mapigilan ng reyna na mabulunan at sabihin, “Helena… Kasalanan ko ang lahat ng mga nagdaang taon! Kung alam ko lang na sobrang samang tao ni Olivia, hindi ko ibibigay sa kanya ang karapatan na manahin ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3465

    “110 years old?!” Binulong ng reyna at inulit ito sa nagulantang na paraan. Hindi talaga siya makapaniwala na may napakalakas na epekto ang ordinaryong pill na ito.Pero, sa sandaling naisip niya ang naranasan niya kanina lang, tinanggal niya ang lahat ng pagdududa.Sa sandaling ito, inisip niya, ‘Sobrang galing talaga ng pill na ito! Isang sangkapat lang ang ininom ko kanina, at nagising ako nang tuluyan. Siguradong mas mahimala ang magiging epekto kung maiinom ko ang buong pill!’Nang maisip niya ito, sinabi niya nang magalang, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Siguradong ibibigay ko kay Helena ang buong pakikisama ko at makikipagtulungan ako sa mga hiling mo simula ngayon!”Ang mga taong bumalik lang sa kamatayan ang makakaalam kung gaano kahalaga ang buhay.Ganito ang kaso para sa Reyna ng Northern Europe na ito, na matanda na.Naranasan niya na ang pakiramdam ng halos mamatay na isya, at naranasan niya ang mahabang kadilim at kapanglawan na iyon. Kaya, para sa kanya, ang pagi

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3466

    Naging ulila si Charlie sa edad na walong taong gulang, at pagkatapos malantad sa napakaraming taon sa lipunan, naranasan niya na ang kalupitan at kadiliman ng lipunan.Alam niya na sa totoong mundo, ang mga salitang ‘pera ang pinakamataas’ ay walang katapusan at hindi mababagong katotohanan para sa maraming tao.Kaya, nang binanggit niya ang presyong five billion euros kina Olivia at Walliot, hinding-hindi siya umasa na papayag ang mga taong ito.Ang dahilan kung bakit niya sila binigyan ng kalahating oras para pag-isipan ito ay para puwersahin sila na magkaroon ng kagustuhan na patayin siya.Sadyang pinili ni Charlie na iligtas ang reyna sa sandaling ito para puwersahin sina Walliot at Olivia sa isang dead end.Kung magpapasya sila na tanggapin ang mga kondisyon niya at tapat na sumuko dahil sila ang pumusta, medyo magiging maawain pa siya sa kanila para sa five billion euros.Pero, kung magpapasya sila na patayin siya, siguradong gagawin nila ang lahat para patayin din ang rey

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3467

    Nang maisip niya ito, nagmamadaling nagpaliwanag nang kinakabahan si Olivia, “Lola, makinig ka sa paliwanag ko. May hindi lang talaga pagkakaunawaan sa maraming bagay. Ang ilang bagay na sinabi ko kay Helena ay sinabi ko lang para takutin siya at puwersahin siya na magbigay ng benepisyo para sa royal family. Hindi talaga ito totoo…”Sinabi nang mapanghamak ng reyna, “Olivia, niloko mo na ako ng isang beses, at halos namatay ako sa mga kamay mo. Sa tingin mo ba ay maniniwala pa rin ako sa sinasabi mo ngayno?”Kinabahan agad si Olivia.Hindi niya talaga inaasahan na magigising ang matandang babae sa puntong ito, at biglang hindi niya na alam ang gagawin niya.Sa sandaling ito, tumingin si Charlie kay Olivia habang may ngiti sa kanyang mukha at tinanong siya, “Olivia, napag-isipan niyo na ba ang sinabi ko kanina? Limitado lang ang pasensya ko, kaya huwag mo akong sisihin dahil hindi ako naging maawain kung hindi niyo ako mabibigyan ng solusyon ngayon.”Hindi inaasahan ni Olivia na ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3468

    Para kay Olivia, ang tanging paraan na lang para sa kanya ay tapusin ang lahat.Kung hindi, hindi niya lang kailangan bayaran si Charlie ng bilyong-bilyong euro, ngunit kaya rin siyang ipakulong ng reyna para sa treason!Sa sandaling ito, ang gusto na lang ni Olivia ay patayin si Charlie at ang reyna!Hangga’t mareresolba niya silang dalawa, hindi lang siya makakatipid ng pera, ngunit tagumpay niya ring mamamana ang trono at magiging isang reyna!Hindi inaasahan ng reyna na lantaran susubukan ng apo niya na patayin siya sa harap ng napakaraming taon, at sinigaw niya nang galit, “Olivia! Ang lakas ng loob mong subukan na patayin ang monarch?! Alam mo ba na seryosong krimen ang regicide?!”Hindi na natatakot si Olivia sa pagkakakilanlan ng reyna, at sinabi niya nang malamig, “Anong regicide? Basta’t papatayin kita, ako ang magiging monarch!”Sinabi ni Helena, “Olivia! Bilang ate mo, pinapayuhan kita na tumigil ka bago ka gumawa ng malaking pagkakamali! Dapat magmakaawa ka kay Lola

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3469

    Ang Four War Kings mula sa Ten Thousand Armies ay hindi man lang tumagal ng isang round laban kay Charlie.Pinangunahan pa ni Porter ang mga core member ng Ten Thousand Armies para lumuhod sa harap ni Charlie at magmakaawa para sa kapatawaran niya!Sa hindi mapantayang lakas ni Charlie, paano siya masasaktan ng mga lalaking nakaitim na ito?!Pero, hindi alam ni Olivia, Walliot, at ng iba ang abilidad ni Charlie.Galit at nababalisa na sila sa sandaling ito, at naramdaman nilang lahat ng dapat silang sumuko o tapusin ang lahat ng ito ngayong araw. Kailangan nilang patayin si Charlie at ang reyna!Pagdating ng oras, sisiraan na lang nila si Charlie sa balita na may lihim silang relasyon ni HElena at pansamantalang nilagay ang katawan ng reyna sa freezer. Pagkatapos, idedeklara nila na namatay ang reyna sa natural na sanhi makalipas ang ilang araw. Siguradong hindi magkakaroon ng kahit anong pagdududa ang publiko.Para naman kay Helena, na isang saksi, pagkatapos niyang mapunta sa m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 3470

    Sa sandaling ito, takot na takot na si Olivia.Habang kaharap niya si Charlie at sa sandaling tinawag niya mismo ang pangalan ni Charlie, naramdaman niya na bumagsak na ang emosyon niya!Sa ilalim ng malakas na pamimilit ni Charlie, nanghina ang mga binti niya habang lumuhod siya sa harap ni Charlie at sinabi niya nang nabubulunan, “Mr. Wade… Kasalanan ko ang lahat ng ito. Nagkaroon lang ako ng masamang ideya dahil sa pera. Patawarin mo sana ako at bigyan mo ako ng pagkakataon na bumawi para sa mga kasalanan ko!”Napagtanto rin ng ama ni Olivia, si Richard, na tapos na sila sa sandaling ito, kaya, lumuhod din siya nang nagmamadali sa sahig habang nagmakaawa, “Mr. Wade, bata pa si Olivia, at madali para sa kanya na kumilos nang padalus-dalos. Huwag ka sanang magtanim ng galit sa kanya…”Umabante rin nang nagmamadali ang ama ni Walliot, si Gregory, sa sandaling ito habang sinabi niya na may nagmamakaawang hitsura sa kanyang mukha, “Mr. Wade, handa kaming tanggapin ang kondisyon na fi

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5729

    Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5728

    “Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5727

    Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5726

    Nang maisip ito, agad bumalik ang isipan ni Fleur sa taong 1650, na mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.May isang hindi sarado at ipinagbabawal na lugar sa Mount Tason. Walang mga tao sa loob ng isang daang milya, at ang dahilan ay mayroong kakaibang miasma doon simula noong daang-daang taon na ang nakalipas.Nanatili ang miasma at hindi ito nawala, at ang kahit sinong pumasok doon ay magkakaroon ng sakit ng ulo, pagkahilo, at pagkawindang. Kahit saang direksyon sila pumunta, sa huli ay mapupunta sila sa labas ng miasma.Bukod dito, ang mga nakalanghap ng miasma ay magkakaroon ng malalang sakit ng ulo at pagkahilo ng ilang buwan, at maghihirap sila nang sobra. Ang ilang taong matigas ang ulo ay determinado pang lakbayin ang gitna ng miasma, at namatay sila sa loob.Bilang resulta, sa paglipas ng panahon, dumistansya sa lugar na ito ang mga tao sa paligid ng bundok at itinuring ito na ipinagbabawal na lugar.Pero, hindi alam ng mga tao na ito na ang gitna ng miasma na ito

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5725

    Natakot nang sobra si Tarlon sa tingin ni Fleur sa punto na nanginig ang buong katawan niya, mabilis siyang lumuhod habang inuntog nang malakas ang kanyang ulo sa sahig, nagpakita ng matinding takot, “Nararapat akong mamatay! Nagmamakaawa ako na sana ay mapatawad mo ako, British Lord!”Suminghal nang malamig si Fleur at sinabi, “Simula ngayon, kung magsasabi ka ng isa pang salita, pwede ka nang bumalik sa Linix at bantayan ang ancestral tomb natin!”Ang ancestral tomb ng mga Griffin ay matatagpuan sa Linix.Pero, para sa mga miyembro ng pamilya Griffin sa Qing Eliminating Society, kung uutusan siya ng British Lord na bumalik sa Linix para bantayan ang ancestral tomb, katumbas ito sa pagpapatalsik sa kanya sa sinaunang panahon. Sa sandaling pumunta sila doon, wala silang magagawa kundi igugol ang buong buhay nila doon.Nataranta nang sobra si Tarlon. Mabangis niyang sinampal nang dalawang beses ang sarili niya, patuloy na lumuhod at yumuko habang sinasabi, “Nagkasala ako! Nagkasala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5724

    Nagngalit si Fleur at sinabi, “Paano iyon posible?! Kung may kahit anong koneksyon siya kina Ashley at Curtis, hindi siya manonood lang noong inatake sila ni Mr. Chardon dalawampung taon na ang nakalipas!”Kumunot ang mga noo ni Tarlon at sinabi, “British Lord, may punto ka. Pakiramdam ko na maraming kakaibang aspeto sa bagay na ito na may hindi mabilang na posibilidad, pero ang bawat isa ay parang may hindi maipaliwanag na elemento…”Nang maisip niya ito, nag-isip nang matagal si Tarlon, pagkatapos ay tumingin siya kay Fleur at tinanong, “British Lord, sa tingin mo ba ay may isa pang posibilidad?”Sumagot si Fleur, “Sabihin mo!”Sinabi nang nagmamadali ni Tarlon, “British Lord, sa tingin ko ay posible na marahil ay wala talagang kahit anong koneksyon ang kabila sa master mo. Posible rin na nagkataon niya lang nakuha ang painting at nagkataon na nalaman ang pagkakakilanlan mo kay Miss Dijo o Vera. Sadya niyang ginagamit ang painting na ito para takutin ka dahil alam niya na disipul

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5723

    Silang tatlo ay hindi na nasiyahan noong nagambala ang cultivation nila sa seklusyon dahil isang hakbang na lang sila para mabuksan ang kanilang pineal gland.Akala nila na makakakuha sila ng mas maraming pabuya pagkatapos gawin ang isang napakahalagang misyon. Pero, pagkatapos silang ilipad ni Tarlon sa altitude ng sampung libong metro, wala silang ginawa at pinabalik ulti sila sa headquarters.Ang kasalukuyang estado ng isipan ni Fleur ay mas basag pa kaysa sa tatlong elder.Sa nakaraang ilang oras, hindi niya makontrol ang kalat na kaisipan niya. May isang pagkakataon pa na naisip niyang pumunta nang personal sa Aurous Hill para makita kung sino ba talaga ang naglakas-loob na bigyan siya ng babala gamit ang painting na ito.Pero, saglit lang nanatili ang ideya na ito bago niya ito isinantabi. Nakatadhana sa maingat na ugali niya na huwag sumugal. Ang pinaka mapanganib na ginawa niya sa buong buhay niya ay labanan si Elijah pagkatapos niya siyang tanggihan.Sa oras na iyon, bini

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5722

    Hindi alam ni Charlie na sa sandalnig ipinadala siya ng singsing kay Vera, hindi sinasadya na nasira niya ang kalinisang puri ng babae.Para sa isang babae na ipinanganak sa sinaunang panahon, kung nakita ng isang lalaki ang kanyang hubad na katawan o nagkadikit ang katawan nila, bukod sa pagpapakasal sa kanya, ang natitirang landas na lang ay ang mamatay para patunayan ang pagiging inosente niya.Kaya, walang ideya si Charlie na nagpasya na si Vera na hindi niya pakakasalan ang kahit sino maliban sa kanya sa buong buhay niya.Bukod dito, wala siyang ideya na si Vera, na ipinanganak sa sinaunang panahon, ay may baliktad na pananaw sa kasal kumpara ngayon. Sa opinyon ni Vera, normal lang para sa isang lalaki ang pagkakaroon ng maraming asawa at kabit. Kaya niyang matanggap na maging kabit ni Charlie at tawagin pa nang magalang si Claire bilang ate.Samantala, kaka-relax lang ni Charlie, at nakaramdam siya agad ng biglaang pagod na bumalot sa kanyang katawan at isipan.Kahit na buma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5721

    Tumingin si Charlie sa oras. Hindi pa man lang tanghali, kaya sinabi niya, “Nakakapagod talaga ang laban kahapon. Ngayong pinabalik na ni Fleur ang tatlong elder sa headquarters ng Qing Eliminating Society, sa wakas ay makakahinga na ako nang maluwag. Magpapahinga muna ako nang mabuti sa bahay sa hapon at makikipagkita sa lolo at lola ko sa gabi.”Sumang-ayon si Vera habang sinabi, “Young Master, marami ka ngang napagdaanan kagabi hanggang ngayon. Dapat talaga na magpahinga ka nang mabuti.”Pagkatapos ay idinagdag niya sa malambot na boses, “Kung gano’n, hindi ko na iistorbohin ang pahinga mo, Young Master. Kapag natapos mo na ang mga gawain mo, malaya kang tawagan ako sa kahit anong oras kung gusto mo pa rin akong makita.”Sinabi ni Charlie, “Pupunta muna ako sa Champs Elys hot spring villa para makita ang lolo at lola ko ngayong gabi. Pagkatapos, magdadala ako ng ilang pill at bibisita sa Scarlet Pinnacle Manor. Dahil nangako ako sa tatlong matandang ginoo na iyon ngayong araw na

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status