Kung ito ang kaso, siguradong mamamatay si Gregory at ang kanyang anak sa araw na ito…Nang maisip ito, agad siyang nagmakaawa, “Mr. Wade, huwag kayong masyadong magmadali. Maghahanap ako ng paraan para makuha ang natitirang 500 million euros. Ibibigay ko aga dito sa’yo sa pinakamadaling panahon…”Tumango si Charlie saka siya tumugon, “Kung ito lang rin ang sasabihin mo, pwede na nating ituloy ang susunod na usapan.”Nakaramdam ng kaunting panatag si Gregory at agad siyang nagtanong, “Mr. Wade, hahayaan niyo ba kaming dalawa ni Walliot na makaalis kapag nabigay namin sa’’yo ang 4.5 billion euros sa tamang oras?”Tumawa si Charlie saka siya tumugon, “Masyado ka naman yatang ganid. Ang mapapangako ko lang sa’yo ngayon ay hindi ko kayo papatayin ni Walliot kapag nakapaglabas kayo ng 4.5 billion euros. Pero, may luma kaming kasabihan sa Oskia na nabubuhay ang isang tao para magdusa. Kaya, kahit ano pang parusa ang ipataw ko sa inyo, ako na ang bahala at wala sa inyo ang desisyon.”Hab
Hindi inaakala ni Gregory na hahayaan ni Charlie ang Ten Thousand Armies na direktang tanggapin ang pera niya!Masasabing mga tulisan ang Ten Thousand Armies at nakakalat sila sa mga bansang nalalagsak sa digmaan. Kaya, imposible para sa mga core family members ng pamilya Rothschild na pansinin pa ang bagay na ito.Matapos ang lahat, ang pinaka-kinatatakutan ng mga mararangya ay ang mga taong masasama ang loob.Kahit malaman ng pamilya Rothschild na ilan sa mga miyembro ng kanilang pamilya ang nawawala at napunta ang kalahati ng assets nito sa bulsa ng Ten Thousand armies, imposible namang tulungan nila sa Gregory pra kalabanin ang Ten Thousand Armies.Nang maisip ito, tila ba gumuho ang mundo ni Gregory.Mukhang mahuhuthutan talaga siya ni Charlie ngayong araw.Subalit, mas nagulantang pa siya sa susunod na pangyayari.Nagsalita si Stephen mula sa kabilang linya, “Young Master, gusto mo bang i-abot ko ang cellpone kay Porter Waldron? Mas madali kung ikaw mismo ang magbibigay ng
Agad na sumagot si Porter, “Walang problema, Mr. Wade. Huwag niyong kalimutan na bigyan rin ako ng collection bank account. Pagdating ng tamang oras, icoconvert ko ang funds mo sa US dollars saka ko ito ipapadala sa collection bank account mo.”Napangiti si Charlie, “Huwag mong ilipat ang pera sa akin. Hihingiin ko ang collection bank account ng pamilya Ito mamaya. Pagkatapos mong i-launder ang pera ko, ilipat mo muna ito sa pamilya Ito. Ang pamilya Ito at si Sophie Schulz ang namamahala ng ocean shipping business ko. Pagkatapos mong ipadala sa kanila ang pera, sila na ang bahalang gumamit nito. Magsisilbing capital injection ang halagang ito para sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group.”Tumugon si Porter, “Walang problema! Hingiin niyo na lang ang bank account number mula sa pamilya Ito, at ako na ang bahalang mag-asikaso ng ibang bagay!”Tumango SI Charlie nang bahagya. Pagkatapos, ibinaba niya na ang tawag.Sa pagkakataong ito, saka lamang napagtant ni Gregory, at ng kanyang anak na
Sa pagkakataong ito, nakaluhod si Cadfan sa Mount Wintry. Hindi niya pa opisyal na ipinapasa ang posisyon ng pagiging head ng pamilya Schulz kay Sophie.Subalit, sigurado na ang bagay na ito. Kaya, ang marinig ni Sophie na mag-iinject ng capital si Charlie sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group, agad siyang pumayag nang hindi masyadong nag-iisip.Nang marinig ni Charlie na sumang-ayon si Sophie, nagsalita siya, “Bakit hindi na lang ito ang gawin natin? Magbibigay ako ng 5.1 billion euros sa Ito-Schulz Ocean Shipping Group at nagkataon ring 51% rin ang shares ko. Sa ganitong sitwasyon, pwede kang magbigay ng 4.9 billion euros para hindi na natin kailangang i-adjust ang shareholding ratio natin.”“Walang problema!” Pumayag si Sophie nang hindi nagdadalawang-isip. Sumunod, magalang siyang nagsalita, “Benefactor, kung makakatanggap ang Ito-Schulz Ocean Shipping Group ng dagdag na 10 billion euros, siguradong ito na ang magiging top shipping company sa buong mundo!”Tumango nang bahagya si
Malamig na nagsalita si Charlie, “Binibigyan kita ng isang tanong at isang pagpipilian lang rin ang mayroon ka. Kapag nagsalita ka pa ng walang kabuluhang bagay, babaliin ko ang binti mo bago kita ipadala doon!”Agad na itinikom ni Gregory ang kanyang bibig, pero sa loob ng kanyang puso, matinding emosyon ang bumubulusok sa kanya. Pinunasan niya ang kanyang luha habang humahagulgol siya nang tahimik.Hindi mapigilang magtanong ni Richard dahil sa taranta, “M-Mr. Wade, pwede mo bang hayaan na manatili kami sa Northern Europe dahil royalty kami?”“Imposible iyan.” Tugon ni Charlie nang walang emosyon, “Si Helena ang uupo sa trono pagkatapos ng dalawang araw. Bago ito mangyari, aalisan muna kayo ng royal status bago kayo ipadala sa ibang bansa. Hindi kayo pwedeng bumalik sa Northern Europe sa buong buhay niyo!”Nang marinig ni Olivia na si Helena ang magmamana ng trono, nakaramdam siya ng matinding galit at pagkamuhi. Kaya, agad niyang kinausap ang kasalukuyang queen, “Lola, hindi nat
Sa opinyon ni Charlie, magandang lokasyon ang Madagascar para magsagawa ng labor reformUna sa lahat, hindi maunlad ang ekonomiya roon, at hindi rin maganda ang living conditions ng lugar. Kaya, magiging mabuting disiplina para kay Olivia at sa kanyang mga tauhan ang ganoong klase ng paligid.Ikalawa, kung mas mababa ang ekonomiya o underdeveloped ang isang bansa, mas mataas ang pangangailangan sa human labor, at puro agikultural na trabaho ang dapat atupagin. Sugarcane at cotton ang local specialties ng Africa kaya kailangan nila ng maraming tao para anihin ang mga ito. Masyado silang maraming aanihin at tatrabahuing lupa sa puntong mararanasan talaga nila ang paghihirapan ng isang magsasaka.Pagdating ng tamang oras, uutusan ni Charlie si Sophie na kumuha ng isang malaking estate sa Madagascar para kay Cadfan at bumili pa ng dagdag na lupa kung saan magtatanim sila ng sugarcane at cotton. Lahat ng pagsasaka at iba pang gawain na may kinalaman sa lupa ay gagawin nila Olivia.Halo
Kahit ang mga nanay ni Walliot at Olivia na nakabalik na sa kanilang kwarto para magpahinga ay hiwalay ring inaresto ng Royal Guards saka nila dinala ang mga ito sa underground cellar para ikulong.Hindi nagtagal, dinala ng mga tauhan ni Olivia ang nanay ni Helena.Ganoon din, agad na inarestro ng Royal Guards ang mga tauhan ni Olivia pagkapasok nila sa loob ng palasyo.Nang makita ni Helena ang kanyang nanay na nabawasan ng timbang, nakaramdam siya ng pag-aalala saka niya ito niyakap.Nang makita ito ng royal queen, bumuntong hininga siya saka niya pinakiusapan nang magalang si Charlie, “Mr. Wade, pareho rin ba ang magiging kapalaran ng mga tauhan ni Olivia sa kanya?”“Oo.” Tumango si Charlie nang walang pag-aalangan, “Ikulong mo muna sila sa wine cellar. Aalis sila papuntang Madagscar kasama ang kanilang master pagkatapos ng ilang araw.”Pagkatapos itong sabihin, inutusan ni Charlie ang royal queen, “Siguraduhin niyong magagamit niyo ang pagkakataong ito para kumuha ng impormas
Pagkatapos magbigay ng opisyal na anunsyo sa publiko na ipapasa niya ang trono kay Helena, naisip ni Charlie na bumalik na ng Oskia.Ang layunin lang naman ng pagpunta niya sa Northern Europe ay para matulungan si Helena na makuha ang trono. Ngayong nagtagumpay na sila, at maliban dito, makakatanggap pa siya ng dagdag na 5 billion euros nang hindi inaasahan, wala na siyang dahilan para magtagal pa rito.Kaya, pakiramdam ni Charlie ito na ang oras para umalis siya ng Northern Europe. Naisip niyang bumalik ng Oskia sa gabing iyon.Subalit, sa pagkakataong ito, sinasamahan ni Helena ang kanyang nanay papunta ng infirmary. Nang magkita ang dalawa, naging masyadong emosyonal ang nanay ni Helena at ilang beses itong humagulgol hanggang sa hindi niya makontrol ang kanyang sarili. Kaya, dinala siya ng royal doctors papunta ng infirmary para magsagawa ng detalyadong checkup.Pagkatapos ng checkup, kinumpirma ng doktor ang pisikal na kondisyon ng nanay ni Helena. Maliban sa malnutrisyon, ser
Alam niya na may isa pang kahulugan sa likod ng mga salita ng kanyang master. Ipinapahiwatig niya na hindi sapat ang pagiging tuwid at makatarungan niya kumpara kay Elijah, at may malaking agwat sa pagitan nila. Mas lalo siyang hindi nasiyahan.Pero, hindi balak ni Elijah na tanggapin ang singsing. Mabilis siyang tumanggi, at sinabi, “Master, tinulungan mo na ako nang sobra. Hindi ko kayang tanggapin ang singsing na ito…”Ngumiti nang bahagya si Marcius at tinapon ang singsing kay Elijah. Biglang naglaho sa ere ang singsing at lumitaw ito sa daliri ni Elijah sa sumunod na segundo.Bago pa maintindihan ni Elijah kung ano ang nangyari, nagsalita si Marcius, “Elijah, kinilala ka na ng singsing bilang master nito. Itago mo ito nang mabuti. Marahil ay iligtas ng singsing na ito ang buhay mo kung may hindi inaasahang pangyayari sa hinaharap.”Pagkatapos magsalita ni Marcius, pumasok ang dalawang tagak na pinalaki niya. Tumayo sila sa magkabilang bahagi n iMarcius at patuloy na kinuskos a
“Hindi sapat ang tadhana ko?!” Nang marinig ni Fleur ang mga salitang ito, kumunot ang noo niya at sinabi, “Master, anong ibig mong sabihin sa ‘hindi sapat ang tadhana ko’?”Sumagot nang kalmado si Marcius, “Hindi ka pa matagal sa landas ng cultivation. Maraming bagay ang kailangan maintindihan ng mga cultivator na hindi mo pa nauunawaan. Sa hinaharap, kapag naunawan mo na ang Book of Changes at Eight Diagrams, mapapagtanto mo na may iba’t ibang tadhana ang mga tao, at ang tadhana ang susi sa lahat.”Nasorpresa si Fleur at tinanong, “Master, ano ang tadhana?”Ipinaliwanag ni Marcius, “Ang tadhana ay ang pundasyon ng isang tao. Ang tiyak na tadhana ay maaaring irepresenta ng mga heavenly stem, earthly branch, mga ibon, o mga hayop. Karamihan ng mga tadhana ay nirerepresenta ng mga heavenly stem at earthly branch. Kahit ang hari ay may salungat na kapalaran laban sa kapalaran, pero para labanan ang tadhana, kailangan niya ng kapalaran ng isang tigre o sawa.”“Bukod dito, may mga mas
Kaya, sinundan nilang dalawa si Marcius papasok sa mabatong kuwarto niya. Tinuro ni Marcius ang dalawang unan at sinabi sa kanila, “Umupo kayo.”Nang makita nila ito, magalang sila na umupo nang naka-krus ang mga binti sa harap.Pagkatapos ay nagsalita si Marcius at sinabi, “Kahit na mababaw ang tadhana natin, mga master at disipulo pa rin tayo. May ambisyon kayong dalawa na labanan ang Qing army, at bilang kapwa Oskian, sana ay maipagpatuloy niyo ang layunin na ito at ibalik ang dangal ng Oskia…”Pagkasabi nito, naglabas siya ng dalawang pill mula sa kanyang bulsa at nilagay ito sa batong lamesa sa harap ng dalawa. Pagkatapos ay sinabi niya nang kalmado, “Ang dalawang pill na ito ay ang mga Eternal Pill na sinabi ko sa inyo dati. Kung iinumin ang mga pill na ito, kaya nitong pahabain ang buhay niyo ng limang daang taon. Gamit ang mga pill na ito, sana ay matupad niyo ang layunin na puksain ang Qing army.”Nanabik si Fleur nang marinig niya na ang mga pill sa harap niya ay ang Eter
Nang maisip ito, agad bumalik ang isipan ni Fleur sa taong 1650, na mahigit tatlong daang taon na ang nakalipas.May isang hindi sarado at ipinagbabawal na lugar sa Mount Tason. Walang mga tao sa loob ng isang daang milya, at ang dahilan ay mayroong kakaibang miasma doon simula noong daang-daang taon na ang nakalipas.Nanatili ang miasma at hindi ito nawala, at ang kahit sinong pumasok doon ay magkakaroon ng sakit ng ulo, pagkahilo, at pagkawindang. Kahit saang direksyon sila pumunta, sa huli ay mapupunta sila sa labas ng miasma.Bukod dito, ang mga nakalanghap ng miasma ay magkakaroon ng malalang sakit ng ulo at pagkahilo ng ilang buwan, at maghihirap sila nang sobra. Ang ilang taong matigas ang ulo ay determinado pang lakbayin ang gitna ng miasma, at namatay sila sa loob.Bilang resulta, sa paglipas ng panahon, dumistansya sa lugar na ito ang mga tao sa paligid ng bundok at itinuring ito na ipinagbabawal na lugar.Pero, hindi alam ng mga tao na ito na ang gitna ng miasma na ito
Natakot nang sobra si Tarlon sa tingin ni Fleur sa punto na nanginig ang buong katawan niya, mabilis siyang lumuhod habang inuntog nang malakas ang kanyang ulo sa sahig, nagpakita ng matinding takot, “Nararapat akong mamatay! Nagmamakaawa ako na sana ay mapatawad mo ako, British Lord!”Suminghal nang malamig si Fleur at sinabi, “Simula ngayon, kung magsasabi ka ng isa pang salita, pwede ka nang bumalik sa Linix at bantayan ang ancestral tomb natin!”Ang ancestral tomb ng mga Griffin ay matatagpuan sa Linix.Pero, para sa mga miyembro ng pamilya Griffin sa Qing Eliminating Society, kung uutusan siya ng British Lord na bumalik sa Linix para bantayan ang ancestral tomb, katumbas ito sa pagpapatalsik sa kanya sa sinaunang panahon. Sa sandaling pumunta sila doon, wala silang magagawa kundi igugol ang buong buhay nila doon.Nataranta nang sobra si Tarlon. Mabangis niyang sinampal nang dalawang beses ang sarili niya, patuloy na lumuhod at yumuko habang sinasabi, “Nagkasala ako! Nagkasala
Nagngalit si Fleur at sinabi, “Paano iyon posible?! Kung may kahit anong koneksyon siya kina Ashley at Curtis, hindi siya manonood lang noong inatake sila ni Mr. Chardon dalawampung taon na ang nakalipas!”Kumunot ang mga noo ni Tarlon at sinabi, “British Lord, may punto ka. Pakiramdam ko na maraming kakaibang aspeto sa bagay na ito na may hindi mabilang na posibilidad, pero ang bawat isa ay parang may hindi maipaliwanag na elemento…”Nang maisip niya ito, nag-isip nang matagal si Tarlon, pagkatapos ay tumingin siya kay Fleur at tinanong, “British Lord, sa tingin mo ba ay may isa pang posibilidad?”Sumagot si Fleur, “Sabihin mo!”Sinabi nang nagmamadali ni Tarlon, “British Lord, sa tingin ko ay posible na marahil ay wala talagang kahit anong koneksyon ang kabila sa master mo. Posible rin na nagkataon niya lang nakuha ang painting at nagkataon na nalaman ang pagkakakilanlan mo kay Miss Dijo o Vera. Sadya niyang ginagamit ang painting na ito para takutin ka dahil alam niya na disipul
Silang tatlo ay hindi na nasiyahan noong nagambala ang cultivation nila sa seklusyon dahil isang hakbang na lang sila para mabuksan ang kanilang pineal gland.Akala nila na makakakuha sila ng mas maraming pabuya pagkatapos gawin ang isang napakahalagang misyon. Pero, pagkatapos silang ilipad ni Tarlon sa altitude ng sampung libong metro, wala silang ginawa at pinabalik ulti sila sa headquarters.Ang kasalukuyang estado ng isipan ni Fleur ay mas basag pa kaysa sa tatlong elder.Sa nakaraang ilang oras, hindi niya makontrol ang kalat na kaisipan niya. May isang pagkakataon pa na naisip niyang pumunta nang personal sa Aurous Hill para makita kung sino ba talaga ang naglakas-loob na bigyan siya ng babala gamit ang painting na ito.Pero, saglit lang nanatili ang ideya na ito bago niya ito isinantabi. Nakatadhana sa maingat na ugali niya na huwag sumugal. Ang pinaka mapanganib na ginawa niya sa buong buhay niya ay labanan si Elijah pagkatapos niya siyang tanggihan.Sa oras na iyon, bini
Hindi alam ni Charlie na sa sandalnig ipinadala siya ng singsing kay Vera, hindi sinasadya na nasira niya ang kalinisang puri ng babae.Para sa isang babae na ipinanganak sa sinaunang panahon, kung nakita ng isang lalaki ang kanyang hubad na katawan o nagkadikit ang katawan nila, bukod sa pagpapakasal sa kanya, ang natitirang landas na lang ay ang mamatay para patunayan ang pagiging inosente niya.Kaya, walang ideya si Charlie na nagpasya na si Vera na hindi niya pakakasalan ang kahit sino maliban sa kanya sa buong buhay niya.Bukod dito, wala siyang ideya na si Vera, na ipinanganak sa sinaunang panahon, ay may baliktad na pananaw sa kasal kumpara ngayon. Sa opinyon ni Vera, normal lang para sa isang lalaki ang pagkakaroon ng maraming asawa at kabit. Kaya niyang matanggap na maging kabit ni Charlie at tawagin pa nang magalang si Claire bilang ate.Samantala, kaka-relax lang ni Charlie, at nakaramdam siya agad ng biglaang pagod na bumalot sa kanyang katawan at isipan.Kahit na buma
Tumingin si Charlie sa oras. Hindi pa man lang tanghali, kaya sinabi niya, “Nakakapagod talaga ang laban kahapon. Ngayong pinabalik na ni Fleur ang tatlong elder sa headquarters ng Qing Eliminating Society, sa wakas ay makakahinga na ako nang maluwag. Magpapahinga muna ako nang mabuti sa bahay sa hapon at makikipagkita sa lolo at lola ko sa gabi.”Sumang-ayon si Vera habang sinabi, “Young Master, marami ka ngang napagdaanan kagabi hanggang ngayon. Dapat talaga na magpahinga ka nang mabuti.”Pagkatapos ay idinagdag niya sa malambot na boses, “Kung gano’n, hindi ko na iistorbohin ang pahinga mo, Young Master. Kapag natapos mo na ang mga gawain mo, malaya kang tawagan ako sa kahit anong oras kung gusto mo pa rin akong makita.”Sinabi ni Charlie, “Pupunta muna ako sa Champs Elys hot spring villa para makita ang lolo at lola ko ngayong gabi. Pagkatapos, magdadala ako ng ilang pill at bibisita sa Scarlet Pinnacle Manor. Dahil nangako ako sa tatlong matandang ginoo na iyon ngayong araw na