Tumango si Claire, ipinapakita ang pagkabalisa niya sa kunot sa pagitan ng kanyang mga mata.Hindi matagal, mula sa daan palabas, narinig ang mabagal na paglalakad ni Lady Wilson, kasama na ang tunog ng pagtama ng kanyang tungkod sa sahig. Sa likod niya, makikita sina Christopher, Harold, at Wendy.Si Harold, na binugbog at inaresto kailan lang, ay kalalabas lang dahil nagpiyansa si Lady Wilson sa police station. Kaya, puno siya ng sama ng loob at galit habang nakatingin siya nang masama kay Charlie.Syempre, walang pakialam si Charlie.Ngayon ang opening ceremony ng opisina ng asawa niya, ayaw niyang makipag-away sa mga sigang ito. Hindi niya sila lalabanan hangga’t maayos ang kilos nila.Nauna si Wendy at umirap, “Claire, hindi ka man lang nag-hi kay lola, kailan ka pa naging bastos?”Sumagot nang payak si Claire, “Pinaalis na ako sa pamilya Wilson, kaya, hindi na kami mag kamag-anak!”“L*tse!” Tinukod nang malakas ni Lady Wilson ang kanyang tungkod sa sahig at sinabi nang gal
Last Updated : 2021-07-28 Read more