Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 281 - Chapter 290

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 281 - Chapter 290

5601 Chapters

Kabanata 281

Hindi nangahas na magsalita nang malakas si Don Albert dahil nagsama-sama ang mga makapangyarihang tao sa siyudad. Kahit na sila ay nasa restaurant niya, naglakad siya sa likod ng lahat at iwinagayway ang buntot niya kay Charlie na parang isang aso, umaasa na titingin siya sa kanya.Habang nakatingin sa marangyang mga pagkain at dekorasyon, ngumiti si Charlie kay Don Albert at sinabi, “Magaling, Albert. Salamat sa pag-aayos mo.”Ngumiti si Albert na parang isang batang nakatanggap ng candy at sinabi, “Karangalan kong pagsilbihan ko. Mangyaring maupo ka na.”Tumango si Charlie at umupo sa pangunahing upuan ng lamesa.Yumuko nang magalang si Albert kay Charlie at sinabi, “Mangyaring tawagin mo ako kung kailangan mo ng kahit anong tulong, maghihintay lang ako sa pinto!”Pagkatapos, maingat siyang umalis ng suit at tumayo sa pinto na parang isang waiter.Si Albert Rhodes ang hari ng underworld sa Aurous Hill, pero ngayon, siya ay walang kwenta lamang. Hindi siya kwalipikadong umupo s
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Kabanata 282

Ito ay dahil ang napakagaling na kakayahan ni Charlie sa medisina ay mas magaling pa sa kakayahan ng mga ninuno niya. Kaya, naramdaman niya na kung magiging swerte si Xyla na pagsilbihan si Charlie sa hinaharap, magkakaroon siya ng pagkakataon na matuto ng medisina sa kanya.Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit niya dinala si Xyla sa hapunang ito.Syempre, ang pangalawang rason ay dahil gusto niyang magpagamot kay Charlie.Higit pa sa kalahating buhay niya na siyang pinapahirapan ng kanyang panloob na pinsala, pero sa wakas ay may oportunidad na siyang gumaling ngayon!Habang iniisip niya ito, tumingin nang matagal si Anthony kay Xyla, pinaparamdam sa kanya na dapat siyang humanap ng pagkakataon na mapalapit kay Charlie.Naintindihan agad ni Xyla ang gusto ng lolo niya at namula ang mga pisngi niya dahil nahihiya siya nang sobra.Ibinaba niya ang kanyang ulo, nararamdaman niya ang malakas na alon sa kanyang puso. Paminsan-minsan, itinataas niya nang bahagya ang kanyang ulo u
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Kabanata 283

Ang tabletang hawak ni Charlie ay ang medisina lamang na ginawa niya ayon sa reseta sa Apocalyptic Book. Gayunpaman, sobrang sabik ng lahat dahil dito.Naghintay nang matiyaga ang lahat habang nakatingin sila sa malilinaw na tableta sa kahon, at nararamdaman nila ang pagbilis ng paghinga nila.Sa mga taong ito, si Anthony ang pinakamatanda, at siya rin ang pinakasabik. Ito ay dahil alam niya na labis na kakaiba ang talento ni Charlie at hindi niya talaga ito mawari.Pinapahirapan siya ng isang malubhang pinsala sa loob ng katawan niya at hindi pa ito ganap na gumaling, at ang pinsalang ito ay nagpahirap sa kanya sa mga sakit at masamang kalusugan sa kalahati ng kanyang buhay.Ang huling beses na sinubukan niya ang tabletang gawa ni Charlie, malaki ang pinagbuti ng mga sintomas niya kahit na hindi pa siya ganap na gumagaling.Nang marinig niya na ang epekto ng bagong medisina ay sampung beses na mas epektibo kaysa sa tabletang sinubukan niya dati, hindi na mapigilan ni Anthony ang
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Kabanata 284

Agad siyang pinigilan ni Charlie at sinabi, “Mr. Simmons, masyadong malakas ang medisinang ito para sa’yo. Dapat kalahati lang ang gamitin mo upang gamutin ang matandang pinsala mo at sakit. Dapat mong itago ang kalahati ng tableta dahil maaaring malaki ang itulong nito sa iyo sa hinaharap.”Nagulat si Anthony dahil hindi siya makapaniwala na gagaling siya gamit lamang ang kalahati ng tableta.Ang galing talaga nito!Nang maisip niya ito, naglabas ng patalim si Anthony sa kanyang bulsa at hinati ang tableta sa dalawa. Pagkatapos, nilagay niya agad ang isang kalahati ng tableta sa kanyang bibig.Tumingin nang matindi ang lahat sa kanya habang naghihintay sila ng isang himala na mangyari.Ilang segundo pagkatapos kainin ni Anthony ang tableta, bumalik agad ang kulay sa kanyang mukha, at ang kutis niya ay naging medyo pink agad. Nagpawis din siya nang sobra.Nararamdaman ni Anthony ang mainit at mahiwagang daloy sa kanyang katawan ngayon.Naramdaman niya na ang katawan niya ay para
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Kabanata 285

Sa totoo lang, ang pagbibigay ng isa pang tableta kay Jasmine ay wala lang para kay Charlie.Gayunpaman, malaki ang kabuluhan nito kay Jasmine.Sa sandaling ito, naantig ng sobra si Jasmine at naakit sa ginawa ni Charlie, at naramdaman niya na pinoprotektahan at inaalagaan siya.Habang patuloy na nakatingin si Jasmine kay Charlie, pumunta siya kay Zeke bago naglabas ng isang tableta. “Mr. White, ang tabletang ito ay para sa’yo.”Nanginig ang buong katawan ni Zeke at mabilis siyang lumuhod tulad ng iba habang naghintay siya nang magalang.Inilagay ni Charlie ang tableta sa kanyang kamay, at sinabi ni Zeke, “Salamat, Mr. Wade! Salamat sa medisina. Hindi ako mag-aalinlangan na sundin ang lahat ng utos mo sa hinaharap!”Habang nakatingin siya kay Zeke na nakaluhod, sinabi niya, “Mr. White, maraming hinaing at galit ang idinulot sa akin ng anak mo at ng pamangkin mo dati. Kung hindi dahil sa’yo, wala na sila sa mundong ito.”Humagikgik si Zeke habang sumagot siya nang nagmamadali, “S
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Kabanata 286

Iwinagayway ni Charlie ang kanyang kamay at sinabi, “Sige, huwag kang mag-alala. Siguraduhin mo lang na tutulungan mo ako sa tuwing hihingi ako ng tulong sa iyo sa hinaharap. Hindi ko kakalimutan ang ambag mo.”Sumagot nang mabilis si Albert, “Hinding-hindi kita bibiguin!”Nang makita ng lahat na binigyan ni Charlie ng mahiwagang tableta si Don Albert, nagulat sila nang sobra.Kahit na ang reputasyon ni Albert ay isang hari ng underworld sa Aurous Hill, wala siyang binatbat sa kanila. Kaya, hindi sila makapaniwala na hindi mag-aatubili si Charlie na bigyan ang isang taong hindi gaanong mahalaga tulad ni Albert dahil lamang kilala nila ang isa’t isa.Ito...Alam talaga ni Charlie kung paano tratuhin nang patas ang mga tao niya.Patuloy na lumuhod si Albert sa harap ni Charlie habang umiiyak.“Mr. Wade, hindi ko talaga inaakala na ang isang katulad mo ay pag-iisipan ang isang taong walang gaanong halaga tulad ko. Talagang sobrang nagpapasalamat ako sa kabaitan mo…”Ngumiti si Cha
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Kabanata 287

Talagang hindi inaasahan ni Charlie na bibigyan nila siya ng mga regalo.Bukod dito, sobrang mahal ng mga regalong ibinibigay sa kanya.Ang parehong sports car ay apatnapung milyong dolyar bawat isa ang pinakamababang presyo.Ang mga baso ng wine mula sa Ming Dynasty ay may halagang limampu o animnapung milyong dolyar.Bukod dito, nagsulat pa si Jasmine ng cheque para sa isang daang milyong dolyar.Sa totoo lang, labis na hindi interesado si Charlie sa mga regalong ito.Una sa lahat, masyadong pasikat ang isang sports car, at hindi niya talaga gusto iyon.Hindi niya rin gusto ang mga baso ng wine dahil bihira lang siya gumamit nito.Para naman sa pera, ang huling bagay na kailangan niya sa buhay ay pera.Gayunpaman, nang makita ni Charlie na silang apat ay puno ng pag-asa habang sabik silang naghihintay na tanggapin niya ang mga regalo nila, nag-isip sandali si Charlie bago niya tinanggap ang mga regalo nila. “Sige, tatanggapin ko ang mga regalong ito. Salamat.”Dahil gusto n
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Kabanata 288

Kung maibabalik ni Jasmine ang mahiwagang tableta, nararamdaman ni Lord Moore na siguradong mawawala ang lahat ng problema at karamdaman niya, at maibabalik niya ang pakiramdam ng pagiging bata nang sampu o dalawampung taon sa sandaling makakain niya ang medisinang inihanda ni Charlie.Nang pumasok si Jasmine hawak-hawak ang mahiwagang medisina, nahirapang umupo nang tuwid is Lord Moore bago niya tinanong sa nanginginig na boses, “Jasmine, binigay ba sa iyo ni Mr. Wade ang medisina?”Tumango si Jasmine bago niya ibinigay ang tableta sa kanyang lolo. “Lolo, ang tabletang ito ay ang ginawa ni Mr. Wade. Dapat mo itong gamitin sa lalong madaling panahon!”“Mabuti! Mabuti! Mabuti!” Ilang beses inulit ni Lord Moore sa pagkasabik. “Ginamit ba ni Mr. Simmons ang tableta?”“Opo, ginamit niya ito,” sumagot agad si Jasmine. “Kalahati lang ang kinaing tableta ni Mr. Simmons ayon sa reseta ni Mr. Wade. Gayunpaman, kahit kalahati lang ang kinain niya, ang lahat ng matandang pinsala at mga sakit
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more

Kabanata 289

Hindi makatulog sa gabing iyon ang lahat ng taong nakatanggap ng mahiwagang tableta mula kay Charlie.Sobrang sabik din ni Jasmine dahil nakita niya mismo ang himala na nangyari sa kanyang lolo.Nang maisip niya ang mahiwagang tableta na palihim sa kanyang binigay ni Charlie, nakaramdam siya ng mainit na daloy na pumapasok sa kanyang puso.Hindi niya makakalimutan ang kabaitan at kabutihang-loob sa kanya ni Charlie.Sa sandaling ito, si Aurora, ang magandang babae sa pamilya Quinton ay hindi rin makatulog habang iniisip si Charlie.Pagkatapos bigyan ni Charlie ang ama niya ng dalawang mahiwagang tableta, agad binigay sa kanya ang isa sa sandaling nakauwi sila. Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Graham na itago nang maingat ang tableta.Kaya, tinago ni Aurora ang tableta malapit sa kanya, at ang init ng katawan niya at bango ay kumapit na sa tableta.Puno ng saya si Aurora nang maisip niya na ibinigay ang tableta sa kanya ni Charlie.Samantala, si Charlie, ang lalaking nasa likod ng
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more

Kabanata 290

Medyo nag-aalangan si Douglas nang sinabi, “Pumunta kasi ako sa Aurous International Auto Show ngayong araw…”Alam ni Charlie na tagahanga si Douglas ng mga kotse, at ang mga kotse ang isang sa mga paborito niyang bagay sa mundong ito. Noong nasa kolehiyo pa siya, nag-iipon siya para lang makalabas ng bayan upang manood ng auto show.Ngumiti si Charlie at tinanong, “Pumunta ka ba ulit para tumingin ng mga kotse?”“Oo.” Sumagot si Douglas bago sinabi, “Ngayon, mayroong ilang naka-display na word-class limited edition na sports car. Sobrang bihira ng pagkakataon para sa akin na makita ang mga kotseng ito.”Pagkatapos, nagpatuloy si Douglas, “Ah, siya nga pala, hindi kita tinawagan dahil sa mga kotse.”Sumagot si Charlie, “Bakit mo ako tinawagan?”Nag-alangan si Douglas nang ilang sandali bago sinabi, “Kasi, naglalakad ako sa paligid ng exhibition hall nang makita ko ang asawa mo.”“Ang asawa ko?” Tinanong sa sorpresa ni Charlie. “Bakit naman siya pupunta sa auto show?”“Hindi ko
last updateLast Updated : 2021-07-27
Read more
PREV
1
...
2728293031
...
561
DMCA.com Protection Status