Nagulantang ang lahat ng tao sa exhibition hall dahil sa sinabi ng host.Ang dalawang ito ay mga top-class na mamahaling sports car. Kaunti lang ang ganitong kotse sa buong bansa, at makikita lang ito ng mga ordinaryong tao sa isang auto show tulad nito. Isang tao lang talaga ang may-ari ng parehong kotse?!Hindi lang basta mabibili ng pera ang parehong mamahaling sports car!Ang Aston Martin ONE-77 ay mabibili lamang ng mga miyembro ng Aston Martin brand. Bukod dito, mabibili lang ng miyembro ang kotse kung mayroon siyang tatlo o mas mading Aston Martin na sports car na may halagang sampu-sampung milyong dolyar bawat isa.Iyon ang ang pangunahing batayan para mabili ng isang miyembro ang kotse. Sobrang limitado ang Aston Martin One-77 at mayroon lang pitumpu’t pito sa buong mundo. Ang nasa exhibition hall ngayon ay ang nag-iisang Aston Martin ONE-77 sa buong bansa!Mas mahirap pang bilhin ang sports car na Bugatti Veyron Hermes special edition dahil pinagsisilbihan lamang ng Buga
Matagal nang interesado si Jason kay Claire, at alam niya ang tungkol kay Charlie, pero hindi niya pa siya nakikilala.Nang napagtanto niya na ang lalaking nakatayo sa harap niya ay walang iba kundi ang asawa ni Claire, tumingin si Jason kay Charlie bago siya nagpanggap na tinanong sa pagkausisa, “Ano na kayang ginagawa mo ngayon, Charlie?”Sumagot lang si Charlie, “Gumagala lang ako ngayon.”Mayroong bakas ng panghahamak sa mga mata ni Jason sa sandalign narinig niya ang sinabi ni Charlie. Sa totoo lang, maganda na ang tingin niya kay Claire noong nagtatrabaho siya sa Wilson Group. Sinadya niyang hanapin si Claire nang marinig niya na sinimulan niya na ang sarili niyang negosyo. Kaya, siya inutos niya na ayusin ang convention and exhibition center bago niya inimbita si Claire ngayon dito.Sa sandaling ito, naramdaman ni Jason na para bang kailangan niyang ipagmalaki ang katayuan niya sa harap ni Charlie. Kaya, tumingin siya kay Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Charlie, sa tin
Pagkatapos niyang laitin si Charlie, tumalikod si Jason at kinausap si Claire. “Claire, malaki ang kahalagahan na inilagay ko sa kolaborasyon natin. Para ipakita ang katapatan ko sa iyo, pwede kang pumili ng kahit anong mamahaling kotse dito ngayon maliban sa dalawang kotse na nasa gitna ng showroom. Pumili ka ng kahit anong kotse dahil sa tingin ko ay oras na para palitan ang basurang BMW 520 na gamit mo ngayon. Paano kung Audi RS8? Malakas itong kotse, at perpekto ito para sa iyo!”Matagal nang pinagnanasaan ni Jason si Claire, at ang dahilan kung bakit niya inimbita si Claire ngayon ay dahil gusto niyang gamitin ang kayamanan niya at ang kapangyarihan niya upang akitin si Claire sa ilalim ng pagkukunwari na aayusin ang convention and exhibition center.Alam ni Jessica na matagal nang interesado si Jason kay Claire. Kaya, sinabi niya nang nagmamadali, “Claire, ito ang tanda ng pagpapahalaga ni Mr. Grant. Hindi mo dapat tanggihan ang kabaitan na ito.”Gayunpaman, agad tinanggihan n
Naglakad si Jason lampas sa mga tao bago pumunta sa security guard at sinabi, “Kapatid, ako ang deputy general manager ng Aurous Hill Convention and Exhibition Center. Ang pamilya ko ang may-ari ng convention and exhibition center na ito. Maaari mo ba akong hayaang humakbang at tingnan nang malapit ang dalawang kotse?”“Hindi!” Sumagot nang matatag ang isa sa mga security guard na kailan lang nagretiro bilang sundalo. “Inutusan kami ng boss namin na huwag hayaan ang kahit sino na lapitan ang mga kotse. Ang may-ari lamang ng kotse ang pwedeng lumapit sa mga kotse!”Sobrang nagalit at nainis si Jason sa sandaling ito.L*tse! Hindi niya talaga pwedeng hawakan ang mga kotse.Sobrang nakakahiya ito. Bukod dito, ang pamilya niya ang may-ari ng exhibition center na ito!Kung hindi niya talaga pwedeng hawakan ang kahit isa sa dalawang kotse, hindi ba’t ibig sabihin ay katulad siya ni Charlie?Hindi! Hindi pwedeng mapahiya si Jason kay Charlie.Tiniis ni Jason ang nararamdaman niyang ini
Sa sandaling ito, isang manager na may suot na suit ang mabilis na dumating sa sandaling narinig niya ang gulo.Mayroong isang grupo ng mga matipuno at maskuladong bodyguard na nakasunod sa likod niya.“Anong nangyari? Sino ang gumagawa ng gulo dito?”Nang makita ni Jason ang manager, tinanong niya nang mayabang, “Ikaw ba ang namamahala?”“Oo.” Tumango ang lalaki bago nagpatuloy, “Ako ang executive manager ng auto show exhibition. Ako si Luke Marshall. At ikaw?”Suminghal si Jason bago sinabi, ‘Ako si Jason Grant, ang may-ari ng Aurous Hill Convention and Exhibition Center!”Bahagyang tumango si Luke bago sumagot, “Ikaw pala si Mr. Grant. Anong nangyari?”Kinausap siya nang malamig ni Jason, “Walang kwenta talaga ang mga tauhan mo! Gusto kong pumunta sa entablado para tingnan nang malapit ang mga kotse, pero tinanggihan niya ako. Anong ibig mong sabihin dito? Minamaliit mo ba ako?”Ngumiti si Luke bago sumagot, “Pasensya na, Mr. Grant, pero nabili na ng kustomer ang dalawang ko
“Mr. Quinton, may Mr. Grant mula sa Aurous Hill Convention and Exhibition Center na pinipilit hawakan ang Aston Martin ONE-77. May gulong nangyayari ngayon. Anong gagawin ko?”Labis na nagulat si Graham, at agad niyang sinigaw, “Binili ko ang kotseng iyan para kay Mr. Wade! Wala akong pakialam kung sino ang gustong humawak sa kotse. Bukod kay Mr. Wade, walang sinuman ang pwedeng humawak sa kotse! Kung may susubok na hawakan ang kotse, gusto kong baliin ng security guard ang kamay niya!”Nagmamadaling sumagot si Luke, “Mr. Quinton, ang Aurous Hill Convention and Exhibition Center ay pagmamay-ari ng pamilya Grant. Hindi ba’t sumosobra na kami kung gagawin namin iyon?“Ano naman?! Wala akong pakialam sa pamilya Grant!” Sinigaw nang mabangis ni Graham sa selpon. “Walang kwenta ang pamilya Grant sa akin! Bibigyan kita ng utos ngayon. Kung mangangahas ang batang iyon na may apelyidong Grant na hawakan ang kotseng binili ko, gusto kong umalis ka na sa Aurous Hill, at magdasal ka na hindi n
Labis na natakot si Jason, pero sobrang galit na galit din siya sa sandaling ito.Binugbog siya sa sarili niyang exhibition enter, at kailangan niya pang lumuhod at humingi ng tawad sa taong bumugbog sa kanya. Ang pinakamahalaga, binugbog siya at pinahiya sa harap ni Claire. Ito na ang pinakamalaking kahihiyan na natanggap niya sa buong buhay niya!Gayunpaman, alam ni Jason na hindi niya kayang galitin ang pamilya Quinton. Kaya, minura niya na lang si Charie sa isipan niya.Naramdaman niya na nangyari lang ito dahil hinamon siya ni Charlie na hawakan ang kotse. Ang kinalabasan, binugbog siya at pinahiya sa harap ni Claire. Kailangan niyang maghiganti kay Charlie! Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya ngayon!Sa sandaling ito, mabilis na inutusan ni Luke ang mga security guard, “Sige na, itigil niyo na ang pambubugbog sa kanya.”Agad siyang tinigilan ng mga security guard. Nabugbog na nang matindi ang mga security guard na nagtatrabaho para sa exhibition center, at nakahandusa
Tumawa nang mas malakas si Jason nang marinig niya ang sinabi ni Charlie. “Charlie, adik ka ba sa pagsisinungaling? Alam mo ba ang sarili mong katayuan o lugar? Sa tingin mo ba talaga ay may kwalipikasyon kang sakyan ang kotseng ito?”Sinabi rin nang mapanghamak ni Jessica, “Claire, talagang nabigo ako dahil pinakasalan mo ang isang lalaki na mahilig magyabang.”Sa sandalling ito, walang magawa si Claire at tumingin na lang kay Charlie na may nabigong ekspresyon sa kanyang mukha.Baliw ba talaga ang lalaking ito? Hindi niya ba naiintindihan ang kahihinatnan ng kanyang kilos kahit sa oras na ito?Hindi na nag-abala si Charlie na ipaliwanag ang sarili niya, kaya, nilabas niya lang ang dalawang smart bracelet key sa kanyang bulsa bago ito iwinagayway sa harap ni Luke na namamahala sa auto show. Pagkatapos, tinanong niya, “Nakita niyo na ba ang mga ito?”Nagulat si Luke nang makita ang mga smart bracelet key sa mga kamay ni Charlie.Pagkatapos, naalala niya ang sinabi sa kanya ni Gra
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang
Nagalit si Mr. Chardon, at hindi niya napagtanto na naniwala na siya nang tuluyan sa lahat ng gusto ni Zachary na paniwalaan niya dahil sa galit niya.Naniniwala siya na si Zachary ay isang antique dealer na may malapit na ugnayan sa paghuhukay ng mga libingan.Kaya, may matatag na paniniwala si Mr. Chardon na swerte lang siya at nakasalubong niya ang dalawang mahiwagang instrumento na ito, at hindi ito isang patibong!Isa lang ang nasa isip niya sa sandaling ito, at iyon ay alamin kung paano maniniwala si Zachary sa kanya para ibenta ang mahiwagang instrumento niya!Kaya, pinigilan niya na lang ang galit niya at nanatiling matiyaga. Nagsalita pa siya nang may kaunting kababaang-loob at sinabi, “Boss, sa totoo lang, hindi talaga ako isang undercover na pulis. Kaya kong gumamit ng isang bank account sa ibang bansa para bayaran ito gamit ang US dollars. Kahit na gusto kang hulihin ng domestikong pulis gamit ang isang undercover na pulis at kahit na naghanda talaga sila ng milyong-mil
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin
Pakiramdam ni Mr. Chardon na isa siyang tao na gustong manalo sa lotto ng isang daang taon pero hindi siya nanalo kahit isang beses. Ngayon, bigla siyang nanalo ng dalawang jackpot nang magkasunod.Sa madaling salita, katumbas ito sa pagbili ng mga lotto ticket habang buhay at hindi nanalo ng kahit consolation prize na limang dolyar. Bilang resulta, bigla niyang napanalunan ang grand prize para sa Mega Millions at Grand Lotto!Ang kanyang isang daan at limampu’t anim na taon na karanasan sa buhay ay hindi nagduda kung isa ba itong patibong. Sobrang simple rin ng dahilan kung bakit hindi siya nagduda. Ito ay dahil kaunting mahiwagang instrumento lang din ang pagmamay-ari ng British Lord.Nagsikap nang napakaraming taon si Mr. Chardon para sa British Lord, at binigyan lang siya ng British Lord ng isang mahiwagang instrumento na magagamit niya para sa self-defense. Bukod dito, ang mahiwagang instrumento ay hindi isang regalo mula sa British Lord. Kailangan itong ibalik ni Mr. Chardon s
Pagkatapos makipagkita ni Charlie kay Zachary sa opisina ni Isaac, tinanong niya siya, “Dinala mo ba ang Thunderstrike wood na binigay ko sayo?”Kinuha ni Zachary ang Thunderstrike wood sa bulsa niya, binigay ito kay Charlie, at sinabi, “Dinala ko ito. Tingnan mo ito, Master Wade.”Tumango si Charlie at sinabi sa kanya, “Zachary, lumabas ka muna at hintayin mo ako saglit.”Sinabi ni Zachary nang walang pag-aatubili, “Okay! Master Wade, huwag ka sanang mag-atubili na tawagan ako kung may kailangan ka.”Pagkatapos ay umalis nang magalang si Zachary sa opisina.Mabilis na ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para ayusin ang formation sa Thunderstrike wood. Makalipas ang ilang minutos, pinapasok niya si Zachary, binigay ang Thunderstrike wood na naayos sa kanya, at naglagay ng ilang Reiki kay Zachary habang sinabi, “Zachary, bumalik ka na dala-dala ang Thunderstrike wood na ito. Kung tatanungin ka ng kabila tungkol sa mga detalye ng paghuhukay ng libingan o kung may ibang produkto ka