Sobrang nasaktan at nalungkot si Wendy sa sandaling iyon.Inilagay niya kay Gerald ang lahat ng pag-asa at pangarap niya na isang maganda at masayang buhay, pero tinulak siya ni Gerald sa kailaliman ng pagdurusa gamit ang sarili niyang mga kamay!Hindi lamang siya iniwan ni Gerald pagkatapos siyang saktan ngunit nagpakita pa siya ng isang malakas na pagkamuhi at pandidiri sa kanya sa harap ng maraming tao!Talagang hindi ito katanggap-tanggap! Halos sumabog na ang galit niya sa sandaling iyon!Hindi pangkaraniwan ang pagiging kalmado at walang emosyon si Gerald kaharap ang pag-iyak at akusasyon niya. Sinabi niya nang malamig, “Normal lang na magmahal at maghiwalay, anong kinalaman nito sa respeto? Mangyaring huwag mo na akong guluhin.”Naglakad si Charlie papunta sa kanila dahil inakala niya na gagawa na ng gulo si Wendy.Namutla agad ang mukha ni Gerald nang lumapit sa kanila si Charlie at mabilis siyang nagpaliwanag, natatakot na papaalisin siya ni Charlie dahil sa nangyari. “M
Alam na alam ni Gerald na muntik na niyang galitin si Master Wade dahil naloko siya at nalinlang ng mga ungas na ito. Sa kabutihang-palad, naging mabait si Master Wade at pinatawad ang mga pagkakamali niya. Kung hindi, nagdala na siya ng isang sakuna sa buong pamilya White.Ngayon, ang walang hiyang Wendy na ito ay may lakas-loob na subukang makipag-ayos sa kanya?!Parang tinutulak na siya ni Wendy sa isang hukay na puno ng apoy!Tinulak niya palayo si Wendy at sinipa siya sa tiyanUmupo si Wendy nang nakatulala na tila ba tinamaan siya ng kidlat.Nang maalala niya ang galit na hitsura ni Gerald, kakaiba sa kanya ito at hindi pamilyar. Hindi iyon ang lalaking nagmahal sa kanya dati.Kahit na medyo nabulabog si Claire kay Wendy, magpinsan pa rin sila. Hindi niya kayang makita na iniinsulto siya nang ganito, kaya sinabi niya kay Gerald, “Mr. White, dati kayong magkasintahan ni Wendy. Kahit na hindi na kayo nagmamahalan, hindi niyo kailangang maging magkaaway, tama?”Agad yumuko si
Nanginig sa takot si Christopher nang sinigawan siya ni Albert.Wala siyang duda sa sinabi ni Albert. Bilang isang tao na itinuring na hari ng underworld at pinamunuan ang underworld nang maraming taon, madali lang pumatay ng dalawang tao para sa kanya.Desperado siyang tumingin sa dalawang matipunong lalaki na kinakaladkad si Wendy at pumunta kay Claire upang humingi ng tulong. “Claire, maaari mo ba silang kausapin? Pinsan mo siya, paano mo siya papanoorin lang na kunin nila?”Tinikom ni Claire ang mga labi niya at sinabi sa mga matipunong lalaki, “Pakiusap at tumigil kayo, nalito lang siya… hindi niya balak na saktan ako…”Naiirita si Claire kay Wendy, pero magpinsan pa rin sila. Hindi niya kayang makita siyang binubugbog ng mga lalaking ito.Tumingin si Albert kay Charlie at hinintay ang mga utos niya.Ngumiti si Charlie at sinabi, “Bakit ka tumitingin sa’kin? Makinig ka sa mga sinasabi ng asawa ko…”Inutusan ni Albert ang mga tauhan niya, “Dahil sinabi na ni Mrs. Wade, pakaw
Sinabi ni Claire nang kinakabahan, “Ah, hindi, hindi ko kayang ipagawa iyon sa’yo...”Hinawakan ni Charlie ang kamay ni Claire at sinabi niya na may marahan na ngiti, “Mahal, dahil inaalok ni Miss Young ang tulong niya, tanggapin mo lang ang kabaitan niya bilang tanda ng respeto.”“Huh, hindi naman sa hindi ko gustong tanggapin ang alok niya, pero sobrang laking tulong nito…”Kinuha ni Charlie ang cheque kay Bobby at nilagay ito sa kamay ni Claire. “Dahil sinabi na ni Miss Young na libre ito, kunin mo ang pera. Malaking kumpanya ang Emgrand Group at may kabuuan silang daang-daang bilyong dolyar, hindi sila malulugi sa maliit mong renta. Atsaka, may mga proyekto at kolaborasyon ka pa sa kanila sa hinaharap. Huwag tayong maging pormal at masyadong matigas.”Kaunting naantig si Claire nang marinig niya at pinag-isipan ang mga sinabi ni Charlie.Tama siya. Ang Emgrand Group ang pinakamalaking kumpanya sa Aurous Hill at ang kumpanya pa lang ay maikukumpara na sa buong pamilya Moore. Ku
”Ano?!” Tumili sa sindak si Claire. “Kumusta si Papa? Nasaan ka ngayon?”Umalingawngaw ang nanginginig na boses ni Elaine na may halong gulat at pag-iyak. “Nasa Silverwing Hospital kami. Walang malay ang papa mo pagkatapos ng aksidente, pumunta ka dito agad!”Hindi inaasahan ni Claire na makakatanggap siya ng masamang balita nang ipinagdiriwang niya nang masaya ang opening ceremony...Sinabi niya nang umiiyak sa cellphone, “Sige, pupunta na ako ngayon na!”Narinig nang malinaw ni Charlie ang usapan nila at napagtanto niya ang bigat ng bagay na ito. Humarap siya sa mga bisita at sinabi, “Pasensya na, kailangan namin agad umalis ni Claire. Mangyaring maging kumportable kayo dito!”Karaniwan, bastos para sa host na iwan ang mga bisita, pero ang mga taong ito ay tagahanga ni Charlie, kaya ayos lang sa kanila.Pagkatapos, dumiretso sina Charlie at Claire sa hospitalPagkatapos iparada ang kotse, mabilis silang pumunta sa ICU.Binuksan nila ang pinto ng ward at nakita si Jacob na nak
Sobrang putla at gulat si Elaine. Sinabi niya, “Ah, ayos lang ako, masakit lang nang kaunti ang ulo ko. Sinuri na ako ng doktor at sinabi niya na ayos lang ako, pero ang ama mo… bumangga ang truck kung nasaan siya…”Umiyak siya nang malakas.Malaking bagay sa kanya na marahil ay permanenteng maging quadriplegic ang asawa niya.Pagkatapos nang lubusang imbestigasyon, nalaman ni Charlie na tumakas na ang truck pagkatapos ng aksidente. Walang malay sina Elaine at Jacob pagkatapos mabangga ng truck, kaya hindi nila nakita ang lisensya o nakabisado ang hitsura ng truck.Pagkatapos, ipinadala sila sa hospital ng mga mababait na tao.Mas mabuti nang kaunti ang sitwasyon ni Elaine. Nakaupo siya sa pampasaherong upuan sa harap sa sandaling iyon, kaya nawalan lang siya ng malay at nagkaroon ng ilang sugat at maliliit na pinsala. Nagising siya nang dumating sila sa hospital.Si Jacob naman, ay malas. Nakaupo siya sa upuan ng driver, at malaki ang pinsala sa kanya dahil bumangga ang truck sa
Sa sandaling narinig ni Elaine na nagdala si Jason ng isang sikat na doktor, tumili siya sa pagkasabik at sinabi, “Ah, Jason, maraming salamat! Salamat sa pagpunta, Dr. Lynch!”Ngumiti nang kaunti si Jason at sinabi, “Walang anuman, inaalok ko lang ang tulong ko.”Pagkatapos, tumalikod siya at sinabi nang magalang kay Joshua, “Dr. Lynch, ito si Tito Jacob, mangyaring surii mo siya.”Umabante si Joshua at sinabi sa kumpiyansang tono, “Huwag kang mag-alala, napinsala ang spine niya, hindi ba? Kahit na mukhang malalang pinsala ito, sinisigurado ko na madali lang ito para sa akin.”Sinabi sa sorpresa ng doktor. “Sa pagkakaalala ko, wala pang nakakagamot sa spinal injury. Kahit ang mga pinakamayamang tao sa buong mundo ay maaari lang humiga sa kama nila kapag napinsala ang spine nila. Tulad ni Stephen Hawking—sobrang talino niya at galing, pero nakaupo lang siya sa wheelchair sa buong buhay niya at tatlong daliri lang ang nagagalaw niya dahil sa motor neuron disease. Bakit kumpiyansa ka
Bumaluktot sa mapanghamak na simangot ang mukha ni Elaine at sinabi, “Charlie, manahimik ka na lang, talunan ka! Sino ka ba sa tingin mo?! Wala kang bilang dito!”Tumingin siya nang masama kay Charlie at sinabi nang galit, “Tigilan mo na ang panggugulo kay Dr. Lynch. Lumabas ka!”Kumunot ang noo ni Charlie sa pagkadismaya.Sa parehong oras, inisip ni Charlie, ‘Si Joshua ba ang unang bumili ng tableta kay Zachary? Kung gano’n, marahil ay siya ang nagbenta ng tableta kay Anthony Simmons sa halagang limang milyong dolyar, isa siyang manloloko at mukhang perang tao!’Marahil ay maraming pera ang ginastos ni Jason para tawagin siya.Sa sandaling ito, umirap si Jason, iniisip na mayroon siyang kahinaan ni Charlie, “Charlie, ikaw na walang kwentang talunan. Magaling ka talaga sas mga salita mo, huh, dahil wala ka talagang magagawa dito? Ikaw at ang mga kasinungalingan mo!”Pagkatapos, pinlakpak niya ang mga kamay niya na parang may pumasok sa isip niya at sinabi, “Ah, alam ko na! Kinwes
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang
Nagalit si Mr. Chardon, at hindi niya napagtanto na naniwala na siya nang tuluyan sa lahat ng gusto ni Zachary na paniwalaan niya dahil sa galit niya.Naniniwala siya na si Zachary ay isang antique dealer na may malapit na ugnayan sa paghuhukay ng mga libingan.Kaya, may matatag na paniniwala si Mr. Chardon na swerte lang siya at nakasalubong niya ang dalawang mahiwagang instrumento na ito, at hindi ito isang patibong!Isa lang ang nasa isip niya sa sandaling ito, at iyon ay alamin kung paano maniniwala si Zachary sa kanya para ibenta ang mahiwagang instrumento niya!Kaya, pinigilan niya na lang ang galit niya at nanatiling matiyaga. Nagsalita pa siya nang may kaunting kababaang-loob at sinabi, “Boss, sa totoo lang, hindi talaga ako isang undercover na pulis. Kaya kong gumamit ng isang bank account sa ibang bansa para bayaran ito gamit ang US dollars. Kahit na gusto kang hulihin ng domestikong pulis gamit ang isang undercover na pulis at kahit na naghanda talaga sila ng milyong-mil
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin