Sa sandaling narinig ni Elaine na nagdala si Jason ng isang sikat na doktor, tumili siya sa pagkasabik at sinabi, “Ah, Jason, maraming salamat! Salamat sa pagpunta, Dr. Lynch!”Ngumiti nang kaunti si Jason at sinabi, “Walang anuman, inaalok ko lang ang tulong ko.”Pagkatapos, tumalikod siya at sinabi nang magalang kay Joshua, “Dr. Lynch, ito si Tito Jacob, mangyaring surii mo siya.”Umabante si Joshua at sinabi sa kumpiyansang tono, “Huwag kang mag-alala, napinsala ang spine niya, hindi ba? Kahit na mukhang malalang pinsala ito, sinisigurado ko na madali lang ito para sa akin.”Sinabi sa sorpresa ng doktor. “Sa pagkakaalala ko, wala pang nakakagamot sa spinal injury. Kahit ang mga pinakamayamang tao sa buong mundo ay maaari lang humiga sa kama nila kapag napinsala ang spine nila. Tulad ni Stephen Hawking—sobrang talino niya at galing, pero nakaupo lang siya sa wheelchair sa buong buhay niya at tatlong daliri lang ang nagagalaw niya dahil sa motor neuron disease. Bakit kumpiyansa ka
Bumaluktot sa mapanghamak na simangot ang mukha ni Elaine at sinabi, “Charlie, manahimik ka na lang, talunan ka! Sino ka ba sa tingin mo?! Wala kang bilang dito!”Tumingin siya nang masama kay Charlie at sinabi nang galit, “Tigilan mo na ang panggugulo kay Dr. Lynch. Lumabas ka!”Kumunot ang noo ni Charlie sa pagkadismaya.Sa parehong oras, inisip ni Charlie, ‘Si Joshua ba ang unang bumili ng tableta kay Zachary? Kung gano’n, marahil ay siya ang nagbenta ng tableta kay Anthony Simmons sa halagang limang milyong dolyar, isa siyang manloloko at mukhang perang tao!’Marahil ay maraming pera ang ginastos ni Jason para tawagin siya.Sa sandaling ito, umirap si Jason, iniisip na mayroon siyang kahinaan ni Charlie, “Charlie, ikaw na walang kwentang talunan. Magaling ka talaga sas mga salita mo, huh, dahil wala ka talagang magagawa dito? Ikaw at ang mga kasinungalingan mo!”Pagkatapos, pinlakpak niya ang mga kamay niya na parang may pumasok sa isip niya at sinabi, “Ah, alam ko na! Kinwes
Sinundan nila ang pinanggalingan ng tunog, tumingin ang lahat sa pinto at nakita ang isang di gaano katandang lalaki na may smart suit na pumasok sa ward. Nagulat sina Jason at Dr. Lynch nang makita nila ang lalaki, naging berde ang mga mukha nila at napanganga sila.Siya ang marangal na hari ng underworld sa Aurous Hill, si Don Albert Rhodes!Anong nangyayari?!Bakit nandito siya?Bago pa magkaroon ng reaksyon sina Jason at Dr. Lynch sa pagdating ni Albert, nagulantang sila sa sumunod na eksena na tila ba tinamaan sila ng kidlat!Isang grupo ng mga tao ang pumasok sa kwarto na parang isang SWAT team. Sila Doris Young, Zeke White, Graham Quinton, Travis Lane, Anthony Simmons, at iba pa! Ang mga taong ito ay prominente sa Aurous Hill at Lancaster!Dumiretso sila kay Charlie, yumuko at magalang na bumati, “Master Wade!”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Bakit nandito kayong lahat?”Sumagot si Don Albert, “Master Wade, pumunta kami agad sa sandaling narinig namin ang nangyari sa
Tumingin nang nakakatakot si Don Albert kay Jason at sinabi, “Si Master Wade ang pinuno namin, nang binastos mo siya, ginawa mo na kaming kaaway. Kung maglalakas-loob kang magsabi pa ng kalokohan, babaliin ko ang binti mo!”Naging berde at asul ang mukha ni Jason dahil sunod-sunod siyang sinumbatan ng mga VIP, nagulat siya at walang masabi.Sa sandaling ito, sumigaw nang malamig si Anthony, “Pumunta ka dito, Joshua Lynch!”Nanginig si Joshua nang tinawag ang pangalan niya.Hindi man ito alam ng iba, pero malinaw sa kanya kung nagamot ba ng mahiwagang tableta niya ang sakit ni Anthony. Kaya niya pang lokohin sila kanina, pero ngayon na nandito na ang totoong ta, malalaman nila ang kasinungalingan niya!Gayunpaman, umabante siya nang nakayuko at bumati, “Master Simmons.”Sinaway siya nang galit ni Anthony, “Narinig ko na ginamot mo ang sakit ko gamit ang tableta na nasa kamay mo, totoo ba iyon?”Sinabi nang nagpa-panic ni Joshua, “Patawarin mo ako, Master Simmons. Nagloko ako at n
Pinanood nina Elaine at Claire ang buong sitwasyon na may nagulantang na ekspresyon, habang mas gulat at nagulantang si Jason.Inaasahan ni Elaine na gagamutin ng henyong doktor ang kanyang asawa, pero sinong mag-aakala na hihingi siya ng tawad kay Charlie, inaamin na niloloko niya sila gamit ang mahiwagang gamot...Naging berde ang mukha ni Jason sa galit at hiya. Mahigpit siyang gumawa ng kamao, ramdam niya na tinatapakan at pinapahiya ni Charlie ang buong reputasyon niya. Gayunpaman, ayaw niyang maniwala na makapangyarihan si Charlie tulad ng mga sinasabi ng mga taong ito at ayaw niyang aminin ang pagkatalo niya sa isang talunan.Sa hindi inaasahan, biglang umirap sa kanya si Don Albert at tinanong si Charlie, “Master Wade, anong gagawin ko sa batang Grant na ito?”Hindi siya nangahas na gumawa ng sarili niyang desisyon sa harap ni Charlie, dahil kung nangyari ito, inatake niya na agad si Jason dahil sa kabastusan niya kay Charlie.Sinabi nang payak ni Charlie, “Ikaw ang bahala
Sa totoo lang, habang papunta sila sa hospital, balak ni Charlie na siya ang gagamot sa biyenan niyang lalaki. Sigurado siya na madaling magagamot ng tableta ang isang spinal injury.Gayunpaman, pagdating niya sa hospital, nalaman niya na nandoon si Jason kasama si Dr. Lynch at siguradong pipigilan siya ni Elaine na makialam sa kanila. Bukod dito, nag-aalala siya na maghihinala sila kung saan nanggaling ang mahiwagang gamot at mahihirapan siyang ipaliwanag ang sarili niya.Ngayong nandito na si Anthony, sia ang magandang shield para ayusin ang mga ito. Ang reputasyon at katayuan ni Anthony ay isang magandang panakip butas para gamutin si Jacob. Dahil, mas kapani-paniwala kung sa kanya galing ang mahiwagang medisina.Naintindihan ni Anthony ang mga pag-aalala niya, pero hindi niya maiwasang masorpresa. “Master Wade, karaniwang komplikado ang spinal injury sa Chinese o Western medicine at wala pang nagagawang gamot para dito. Sigurado ka ba na gagana ang mahiwagang medisina?Pagkatap
Totoo nga, sobrang nag-aalala si Claire sa kanyang ama.Hindi niya inaasahan na si Dr. Joshua Lynch, na inimbita ni Jason, ay isang pekeng doktor.Ngayong nalantad na si Joshua, sinong mahahanap niya sa Aurous Hill para gamutin ang ama niya?Dinala ni Charlie si Anthony sa kanya at sinabi, “Claire, ito si Anthony Simmons, isang sikat na doktor. Kaya niyang gamutin si Papa.”Sobrang natuwa sina Claire at Elaine nang marinig ito! Kailanman ay hindi nila inaasahan na si Anthony Simmons, ang kilalang doktor sa bansa, ay pumayag na gamutin si Jacob.Nagmamadaling sinabi ni Claire, “Dr. Simmons, salamat sa tulong mo!”Ngumiti si Anthony at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Mrs. Wade. Malaki ang utang ko kay Master Wade at susubukan ko ang lahat ng makakaya ko.”Pagkatapos, pumunta siya sa kama, naglabas ng tableta, maingat itong hinati sa dalawa, at maingat na inilagay ang kalahati sa bibig ni Jacob habang nanonood ang lahat.Hindi huminga ang lahat at naghintay sila.Nanonood nang mal
Sa sandaling ito, habang nararamdaman ni Jacob ang kamangha-manghang pagbabago sa loob ng katawan niya, nakatulala siya at hindi makapaniwala.Naalala niya nang kaunti na naaksidente siya at hindi siya makagalaw, hindi ba?Pero ngayon, bakit para bang walang nangyari sa kanya? Masigla siya at malakas, mas masigla pa bago magkaroon ng aksidente!Anong nangyayari?Sobrang nalito at naguluhan si Jacob. Tinanong niya, “Claire, anong… anong nangyari sa’kin?”Bumalik sa diwa si Claire. Nagmadali siya sa kanyang ama at sinabi habang umiiyak, “Pa, naaksidente ka at muntik ka nang maparalisa, pero salamat kay Dr. Simmons, maayos ka na ngayon.”Pagkatapos, naglakad si Claire papunta kay Anthony at sinabi nang nagpapasalamat, “Dr. Simmons, maraming salamat! Kung hindi dahil sa’yo, hindi gagaling ang ama ko.”Bago pa siya makayuko kay Anthony, mabilis siyang pinigilan ni Anthony habang iniisip niya, ‘Sa totoo lang, dapat kay Master Wade ka nagpapasalamat. Kung wala ang gamot niya, hindi ko
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang
Nagalit si Mr. Chardon, at hindi niya napagtanto na naniwala na siya nang tuluyan sa lahat ng gusto ni Zachary na paniwalaan niya dahil sa galit niya.Naniniwala siya na si Zachary ay isang antique dealer na may malapit na ugnayan sa paghuhukay ng mga libingan.Kaya, may matatag na paniniwala si Mr. Chardon na swerte lang siya at nakasalubong niya ang dalawang mahiwagang instrumento na ito, at hindi ito isang patibong!Isa lang ang nasa isip niya sa sandaling ito, at iyon ay alamin kung paano maniniwala si Zachary sa kanya para ibenta ang mahiwagang instrumento niya!Kaya, pinigilan niya na lang ang galit niya at nanatiling matiyaga. Nagsalita pa siya nang may kaunting kababaang-loob at sinabi, “Boss, sa totoo lang, hindi talaga ako isang undercover na pulis. Kaya kong gumamit ng isang bank account sa ibang bansa para bayaran ito gamit ang US dollars. Kahit na gusto kang hulihin ng domestikong pulis gamit ang isang undercover na pulis at kahit na naghanda talaga sila ng milyong-mil
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin