Sa totoo lang, habang papunta sila sa hospital, balak ni Charlie na siya ang gagamot sa biyenan niyang lalaki. Sigurado siya na madaling magagamot ng tableta ang isang spinal injury.Gayunpaman, pagdating niya sa hospital, nalaman niya na nandoon si Jason kasama si Dr. Lynch at siguradong pipigilan siya ni Elaine na makialam sa kanila. Bukod dito, nag-aalala siya na maghihinala sila kung saan nanggaling ang mahiwagang gamot at mahihirapan siyang ipaliwanag ang sarili niya.Ngayong nandito na si Anthony, sia ang magandang shield para ayusin ang mga ito. Ang reputasyon at katayuan ni Anthony ay isang magandang panakip butas para gamutin si Jacob. Dahil, mas kapani-paniwala kung sa kanya galing ang mahiwagang medisina.Naintindihan ni Anthony ang mga pag-aalala niya, pero hindi niya maiwasang masorpresa. “Master Wade, karaniwang komplikado ang spinal injury sa Chinese o Western medicine at wala pang nagagawang gamot para dito. Sigurado ka ba na gagana ang mahiwagang medisina?Pagkatap
Totoo nga, sobrang nag-aalala si Claire sa kanyang ama.Hindi niya inaasahan na si Dr. Joshua Lynch, na inimbita ni Jason, ay isang pekeng doktor.Ngayong nalantad na si Joshua, sinong mahahanap niya sa Aurous Hill para gamutin ang ama niya?Dinala ni Charlie si Anthony sa kanya at sinabi, “Claire, ito si Anthony Simmons, isang sikat na doktor. Kaya niyang gamutin si Papa.”Sobrang natuwa sina Claire at Elaine nang marinig ito! Kailanman ay hindi nila inaasahan na si Anthony Simmons, ang kilalang doktor sa bansa, ay pumayag na gamutin si Jacob.Nagmamadaling sinabi ni Claire, “Dr. Simmons, salamat sa tulong mo!”Ngumiti si Anthony at sinabi, “Huwag kang mag-alala, Mrs. Wade. Malaki ang utang ko kay Master Wade at susubukan ko ang lahat ng makakaya ko.”Pagkatapos, pumunta siya sa kama, naglabas ng tableta, maingat itong hinati sa dalawa, at maingat na inilagay ang kalahati sa bibig ni Jacob habang nanonood ang lahat.Hindi huminga ang lahat at naghintay sila.Nanonood nang mal
Sa sandaling ito, habang nararamdaman ni Jacob ang kamangha-manghang pagbabago sa loob ng katawan niya, nakatulala siya at hindi makapaniwala.Naalala niya nang kaunti na naaksidente siya at hindi siya makagalaw, hindi ba?Pero ngayon, bakit para bang walang nangyari sa kanya? Masigla siya at malakas, mas masigla pa bago magkaroon ng aksidente!Anong nangyayari?Sobrang nalito at naguluhan si Jacob. Tinanong niya, “Claire, anong… anong nangyari sa’kin?”Bumalik sa diwa si Claire. Nagmadali siya sa kanyang ama at sinabi habang umiiyak, “Pa, naaksidente ka at muntik ka nang maparalisa, pero salamat kay Dr. Simmons, maayos ka na ngayon.”Pagkatapos, naglakad si Claire papunta kay Anthony at sinabi nang nagpapasalamat, “Dr. Simmons, maraming salamat! Kung hindi dahil sa’yo, hindi gagaling ang ama ko.”Bago pa siya makayuko kay Anthony, mabilis siyang pinigilan ni Anthony habang iniisip niya, ‘Sa totoo lang, dapat kay Master Wade ka nagpapasalamat. Kung wala ang gamot niya, hindi ko
Nahiya nang sobra si Claire pagkatapos marinig ang babala ng kanyang ina.Naramdaman niya rin na malaki ang kinukuhang panganib ni Charlie dahil binibigyan niya ng payo sa Feng Shui ang mga mayayaman at makapangyarihang tao. Sa totoo lang, parang naglalakad na siya sa lubid sa loob ng Grand Canyon, isa talagang mapanganib na gawain.Sobrang dami nang maestro ng Feng Shui at metaphysics ang nanloko sa maraming kilalang tao, at lahat sila ay namatay nang kakila-kilabot.Kung ipagpapatuloy ni Charlie ang pagpapayo niya sa Feng Shui, sinong nakakaalam sa mangyayari sa hinaharap?Nang makita ni Elaine ang nag-aalalang ekspresyon ni Claire, alam niya na nagtagumpay siyang himukin siya. Kaya, mabilis siyang nagsalita habang mainit pa. “Dapat mong hiwalayan si Charlie sa sandaling makalabas ng hospital ang ama mo! Kung hindi, sinong makakaalam sa gagawin ng mga mayayaman at makapangyarihang tao na ito kung malalaman nila na niloloko sila ni Charlie? Anong gagawin natin kapag nagdusa ang pa
Walang magawa si Charlie kundi magkibit balikat bago niya nilabas ang cheque sa bulsa niya at ibinigay ito kay Elaine. “Ma, ito na ang cheque.”Sabik na kinuha ni Elaine ang cheque, at napuno siya ng saya, pagkatapos ay direkta siyang tumakbo papunta sa registration counter.Nang makita ni Charlie ang balisa at sabik na ekspresyon sa mukha ni Elaine, alam niya na balak kunin ni Elaine ang natirang pera. Nagbuntong hininga siya bago siya bumalik sa ward.Pagkatapos niyang bumalik sa ward, tinanong ni Claire sa pagkausisa, “Nahabol ka ba ni mama?”Tumango si Charlie bago sinabi, “Oo, gustong kunin ni mama ang cheque para siya ang magbabayad ng mga bayarin.”“Sige.” Tumango lang si Claire nang walang magawa.Alam niya na sobrang materyalistiko ng ina niya. Bukod dito, sakim siya sa pera! Alam ni Claire na siguradong maraming ideya ang tumatakbo sa isipan ni Elaine, at siguradong wala siyang gagawing maganda dahil alam na niya na may sukli ng isang daan at animnapung dolyar sa cheque
Nasa ward si Charlie kasama ang kanyang asawa si Claire, habang sinasamahan at nakikipag-usap kay Jacob.Biglang sinipa pabukas ang pinto habang sumugod nang mabangis si Elaine sa kwarto.Sa sandaling pumasok siya, itinaas ni Elaine ang cheque ng isang daang milyong dolyar sa kanyang kamay bago siya sumigaw, “Charlie! Hayop ka! Ang lakas ng loob mo at sinubukan mo akong lokohin?!”Nagulantang si Charlie, at tinanong niya sa sorpresa, “Ma, anong sinasabi mo? Kailan kita sinubukang lokohin?”Hindi siya pinansin ni Elaine at direktang pumunta kay Claire habang nagreklamo, “Anak! Tingnan mo! Kailangan mong hiwalayan ang malaking sinungaling na ito ngayon na! May mali sa lalaking ito! Sinubukan niya pang lokohin ang sarili mong ina! Paano mo siya mapapatawad?”Labis na nalito si Claire at tinanong, “Ma, anong nangyari?”Binigay ni Elaine ang cheque kay Claire bago sinabi, “Tingnan mo! Baliw na ata ang asawa mo! Talagang binigyan niya ako ng pekeng cheque ng isang daang milyong dolyar,
Nang maisip niya ito, kumalma nang kaunti si Claire bago niya binigay ang cheque kay Charlie. “Itago mo ito nang maayos at siguraduhin mo na susunugin mo ito para sa papa mo ngayong gabi. Huwag mo itong ihalo sa ibang cheque sa hinaharap! Kung hindi, sinong nakakaalam kung may masamang mangyayari?”Tumango nang nagmamadali si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, mahal. Alam ko na dapat maging mas maingat ako sa hinaharap.”Pagkatapos, mabilis na kinuha ni Charlie ang cheque ng isang daan at walumpung libong dolyar bago ito binigay kay Elaine at sinabi, “Ma, ito ang totoong cheque. Heto, kunin mo!”Patuloy na pinuri ni Charlie si Elaine at sinabi, “Ma! Buti na lang, nakita mo ang pagkakamali ko! Kung hindi, siguradong mawawalan tayo ng pera kung nasunog ko ang maling cheque!”Tumingin nang galit sa kanya si Elaine. Kung hindi dahil sa cheque ng isang daan at walumpung libong dolyar, hindi niya pakakawalan nang madali si Charlie.Gayunpaman, sinong makakatanggi sa pera? Kailang
Kumunot agad ang noo ni Charlie.Hindi siya miyembro ng pamilya Wilson. Wala rin siyang tinatawag na bond ng pamilya o kadugo sa kanila. Kaya, nakita niya agad na may patagong balak nanaman si Lady Wilson.Desperado na ang sitwasyon ng pamilya Wilson. Kung hindi nila mabubuhay ang Wilson Group, siguradong babagsak ito, at mahuhulog agad ang matandang babae sa ibaba.Si Lady Wilson ay isang tao na palaging nag-aalala sa dangal at reputasyon niya, at mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa tanggapin na magiging mahirap siya at walang pera. Kaya, kailangan niyang mag-isip ng paraan kung paano mabubuhay ang pamilya Wilson.Una, sinubukan niyang apihin at lokohin si Claire na bumalik sa Wilson Group. Pero, hindi pumayag si Claire.Pagkatapos, sinubukan niyang gamitin ang pera para himukin si Elaine. Gayunpaman, nabigo si Elaine na pabalikin si Claire sa Wilson Group.Ngayon, sinusubukan niyang targetin si Jacob para makahanap siya ng paraan sa sandaling bumigay si Jacob.Marahil ay it
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang
Nagalit si Mr. Chardon, at hindi niya napagtanto na naniwala na siya nang tuluyan sa lahat ng gusto ni Zachary na paniwalaan niya dahil sa galit niya.Naniniwala siya na si Zachary ay isang antique dealer na may malapit na ugnayan sa paghuhukay ng mga libingan.Kaya, may matatag na paniniwala si Mr. Chardon na swerte lang siya at nakasalubong niya ang dalawang mahiwagang instrumento na ito, at hindi ito isang patibong!Isa lang ang nasa isip niya sa sandaling ito, at iyon ay alamin kung paano maniniwala si Zachary sa kanya para ibenta ang mahiwagang instrumento niya!Kaya, pinigilan niya na lang ang galit niya at nanatiling matiyaga. Nagsalita pa siya nang may kaunting kababaang-loob at sinabi, “Boss, sa totoo lang, hindi talaga ako isang undercover na pulis. Kaya kong gumamit ng isang bank account sa ibang bansa para bayaran ito gamit ang US dollars. Kahit na gusto kang hulihin ng domestikong pulis gamit ang isang undercover na pulis at kahit na naghanda talaga sila ng milyong-mil
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin