Nang maisip niya ito, kumalma nang kaunti si Claire bago niya binigay ang cheque kay Charlie. “Itago mo ito nang maayos at siguraduhin mo na susunugin mo ito para sa papa mo ngayong gabi. Huwag mo itong ihalo sa ibang cheque sa hinaharap! Kung hindi, sinong nakakaalam kung may masamang mangyayari?”Tumango nang nagmamadali si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, mahal. Alam ko na dapat maging mas maingat ako sa hinaharap.”Pagkatapos, mabilis na kinuha ni Charlie ang cheque ng isang daan at walumpung libong dolyar bago ito binigay kay Elaine at sinabi, “Ma, ito ang totoong cheque. Heto, kunin mo!”Patuloy na pinuri ni Charlie si Elaine at sinabi, “Ma! Buti na lang, nakita mo ang pagkakamali ko! Kung hindi, siguradong mawawalan tayo ng pera kung nasunog ko ang maling cheque!”Tumingin nang galit sa kanya si Elaine. Kung hindi dahil sa cheque ng isang daan at walumpung libong dolyar, hindi niya pakakawalan nang madali si Charlie.Gayunpaman, sinong makakatanggi sa pera? Kailang
Kumunot agad ang noo ni Charlie.Hindi siya miyembro ng pamilya Wilson. Wala rin siyang tinatawag na bond ng pamilya o kadugo sa kanila. Kaya, nakita niya agad na may patagong balak nanaman si Lady Wilson.Desperado na ang sitwasyon ng pamilya Wilson. Kung hindi nila mabubuhay ang Wilson Group, siguradong babagsak ito, at mahuhulog agad ang matandang babae sa ibaba.Si Lady Wilson ay isang tao na palaging nag-aalala sa dangal at reputasyon niya, at mas gugustuhin niya pang mamatay kaysa tanggapin na magiging mahirap siya at walang pera. Kaya, kailangan niyang mag-isip ng paraan kung paano mabubuhay ang pamilya Wilson.Una, sinubukan niyang apihin at lokohin si Claire na bumalik sa Wilson Group. Pero, hindi pumayag si Claire.Pagkatapos, sinubukan niyang gamitin ang pera para himukin si Elaine. Gayunpaman, nabigo si Elaine na pabalikin si Claire sa Wilson Group.Ngayon, sinusubukan niyang targetin si Jacob para makahanap siya ng paraan sa sandaling bumigay si Jacob.Marahil ay it
Nagmamadaling sumang-ayon si Christopher at sinabi, “Oo, Claire. Sa tingin ko ay importante sa ama mo na maging malusog ulit. Dapat siyang magpahinga sa isang magandang kapaligiran upang gumaan ang pakiramdam niya! Kaya, bakit hindi ka makinig sa lola mo at bumalik para tumira sa villa ng pamilya Wilson? Kukuha rin ako ng ilang katulong para alagaan ang ama mo buong araw!”Naantig nang sobra si Jacob, na nakahiga sa kama, nang marinig niya ang sinabi ng ina at kapatid niya.Medyo umalog ang puso niya, at hindi niya mapigilang sabihin, “Claire, bakit hindi tayo bumalik kung gano’n…”Nahirapan nang kaunti si Claire.Hindi niya alam kung tapat ba ang lola niya o nagpapanggap lang siya.Gayunpaman, nang makita niya ang lola, ama, at tito niya na magkahawak ang mga kamay at umiiyak, naantig din siya nang sobra.Kailangan niyang isipin ang ama niya. Kung babalik siya sa villa ng pamilya Wilson at titira sa isang komportableng paligid na may kalmado at maayos na pag-aalaga, mas mabilis
Para ilantad ang mga tunay na kulay nila, sinabi ni Charlie, “Sinabi ko na, na hindi problema na bumalik tayong lahat sa villa ng pamilya Wilson. Dahil, pamilya tayo. Pero, nagbukas na ang studio ni Claire, kaya, gusto ko lang ipaalala sa lahat na hindi babalik at hindi magtatrabaho si Claire sa Wilson Group sa hinaharap.”“Ano?” Sinigaw nang malakas ni Lady Wilson. Tila bang may nakatapak sa kanyang buntot. Tumayo siya agad at sinabi, “Paano ko ito hahayaang mangyari? Sinabi ko na, na hindi lang magsasama ang buong pamilya, ngunit magtutulungan at magsisikap tayong lahat para maging malakas at makapangyarihan ang pamilya Wilson. Paano ka babalik sa villa ng pamilya Wilson pero hindi ka magtatrabaho sa Wilson Group?”Ngumiti si Charlie bago siya sumagot, “Lola, hindi ba’t sinabi mo na ang dahilan kung bakit mo kami iniimbita pabalik sa villa ng pamilya Wilson ay dahil sa kalusugan ng biyenan kong lalaki? Akala ko na gusto mo lang maging maayos siya at makapagpahinga upang gumaling? K
Nanginig si Lady Wilson habang naglalakad siya papunta kay Claire at lumuhod sa harap niya!Nagulat ang lahat ng nasa ward sa oras na ito!Sinong mag-aakala na ang mapagmataas at mayabang na Lady Wilson ay luluhod sa harap ni Claire?Talagang nakakagulat ito sa lahat!Kahit si Christopher ay hindi inaasahan na luluhod ang kanyang ina sa harap ni Claire at magmamakaawa, para lang maloko niya si Claire na pabalikin at magtrabaho sa Wilson Group.Sobrang lakas niya at mayabang sa buong buhay niya, sinusubukan na laging kontrolin at manipulahin ang lahat ng tao sa paligid niya. Paano siya na nakaluhod sa harap ng isang tao tulad ng ganito? Bakit siya lumuhod sa harap ni Claire?Nasorpresa rin at nagulantang si Claire sa sandaling ito. Mabilis siyang sumagot, “Lola, anong ginagawa mo ngayon?! Tumayo ka! Pwede natin ito pag-usapan nang maayos.”Patuloy na lumuhod si Lady Wilson sa harap ni Claire bago siya humingi ng tawad, “Claire, mali ang ginawa ng lola mo dati! Alam ko na kasalana
Nataranta si Lady Wilson dahil biglang nilantad ni Charlie ang totoo niyang motibo.Inisip niya na madali niyang maloloko ang pamilya ni Claire, at inisip niya na mas madaling maloloko si Charlie dahil isa lang siyang basura. Akala ni Lady Wilson na hindi ito mahirap at akala niya na siguradong magiging masaya si Charlie kapag humingi na ng tawad sa kanya sina Harold at Wendy.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na si Charlie ang makakakita sa mga layunin niya.Nang makita niya na nalantad na ang totoo niyang motibo, nag-alangan nang ilang sandali si Lady Wilson bago sinabi, “Pamilya tayo dito, kaya dapat nagtutulungan tayo para umunlad ang pamilya natin! Hindi ba’t magiging katawa-tawa sa publiko kapag kumalat ang balita na may dalawang magkaibang kumpanya ang pamilya natin?”Umirap si Charlie bago siya sumagot, “Ang pinakamayamang tao sa Hong Kong, si Li Ka-Shing, at ang anak niya ay may dalawang magkaibang kumpanya rin. Kaya, pinagtatawanan ba sila? Sa tingin ko ay may masama kang
Sumagod agad si Albert, “Mr. Wade, may mga tauhan ako sa buong Aurous Hill. May mga tauhan ako sa halos lahat ng nightclub, bar, karaoke bar, at mga construction site. Kung bibigyan mo ako ng utos, uutusan ko agad ang mga tauhan ko para hanapin ang taong iyon at patayin siya agad! Sisiguraduhin ko na araw-araw akong magpapadala ng mga tauhan sa mga kalye para hanapin siya at sisiguraduhin ko na hihilingin niya na hindi na siya nabuhay sa mundong ito!”Sobrang natako si Harold sa sandaling ito at mabilis siyang lumuhod sa harap ni Charlie habang umiiyak at nagmamakaawa para sa kanyang buhay. “Charlie, Charlie, ang mabait kong bayaw, nakikipagbiruan lang ako sa’yo. Sana ay hindi mo ako pansinin at pakawalan mo ako. Pakiusap…”Sumulyap nang malamig si Charlie kay Harold at tinanong, “Bakit? Hindi ka na ba nagpapanggap na malakas?”“Hindi, hindi. Hindi na ako magpapanggap. Hindi na ako magpapanggap…” sumagot agad si Harold. Sobrang natakot na siya, kaya paano siya magkakaroon ng lakas n
Sa sandaling narinig niya ang sinabi ni Charlie, natakot nang sobra si Harold na nakaluhod sa sahig. Sinabi niya agad, “Lola, bilisan mo na at sabihin mo na sa kanila ang totoo! Pakisabi na kay Charlie ang katotohanan! Kung hindi, mamamatay talaga ako, lola!”Natakot din si Christopher na malaki ang gulong papasukin nila. Kaya, nagmadali siyang nagmakaawa, “Ma, sabihin mo na lang sa kanila ang totoo.”Hindi na pumalag si Lady Wilson sa sandaling ito, at nagbuntong hininga siya na parang tandang na natalo sa laban at sinabi, “Tama si Charlie. Nandito ako ngayon dahil balak kong lokohin kayong lahat na bumalik sa villa ng pamilya Wilson. Ang layunin ko talaga ay dahil gusto kong manipulahin at lokohin si Claire na magtrabaho ulit sa Wilson Group.”Pagkatapos, sinubukang isisi ito sa iba ni Lady Wilson habang sinabi, “Pero ako…”Sumingit si Charlie bago niya pa ito masabi. “Pero wala. Dahil ipinaliwanag mo na ang totoong balak mo sa pagpunta dito ngayon, pwede ka nang umalis.”Tuming
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang
Nagalit si Mr. Chardon, at hindi niya napagtanto na naniwala na siya nang tuluyan sa lahat ng gusto ni Zachary na paniwalaan niya dahil sa galit niya.Naniniwala siya na si Zachary ay isang antique dealer na may malapit na ugnayan sa paghuhukay ng mga libingan.Kaya, may matatag na paniniwala si Mr. Chardon na swerte lang siya at nakasalubong niya ang dalawang mahiwagang instrumento na ito, at hindi ito isang patibong!Isa lang ang nasa isip niya sa sandaling ito, at iyon ay alamin kung paano maniniwala si Zachary sa kanya para ibenta ang mahiwagang instrumento niya!Kaya, pinigilan niya na lang ang galit niya at nanatiling matiyaga. Nagsalita pa siya nang may kaunting kababaang-loob at sinabi, “Boss, sa totoo lang, hindi talaga ako isang undercover na pulis. Kaya kong gumamit ng isang bank account sa ibang bansa para bayaran ito gamit ang US dollars. Kahit na gusto kang hulihin ng domestikong pulis gamit ang isang undercover na pulis at kahit na naghanda talaga sila ng milyong-mil
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin