Nataranta si Lady Wilson dahil biglang nilantad ni Charlie ang totoo niyang motibo.Inisip niya na madali niyang maloloko ang pamilya ni Claire, at inisip niya na mas madaling maloloko si Charlie dahil isa lang siyang basura. Akala ni Lady Wilson na hindi ito mahirap at akala niya na siguradong magiging masaya si Charlie kapag humingi na ng tawad sa kanya sina Harold at Wendy.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na si Charlie ang makakakita sa mga layunin niya.Nang makita niya na nalantad na ang totoo niyang motibo, nag-alangan nang ilang sandali si Lady Wilson bago sinabi, “Pamilya tayo dito, kaya dapat nagtutulungan tayo para umunlad ang pamilya natin! Hindi ba’t magiging katawa-tawa sa publiko kapag kumalat ang balita na may dalawang magkaibang kumpanya ang pamilya natin?”Umirap si Charlie bago siya sumagot, “Ang pinakamayamang tao sa Hong Kong, si Li Ka-Shing, at ang anak niya ay may dalawang magkaibang kumpanya rin. Kaya, pinagtatawanan ba sila? Sa tingin ko ay may masama kang
Sumagod agad si Albert, “Mr. Wade, may mga tauhan ako sa buong Aurous Hill. May mga tauhan ako sa halos lahat ng nightclub, bar, karaoke bar, at mga construction site. Kung bibigyan mo ako ng utos, uutusan ko agad ang mga tauhan ko para hanapin ang taong iyon at patayin siya agad! Sisiguraduhin ko na araw-araw akong magpapadala ng mga tauhan sa mga kalye para hanapin siya at sisiguraduhin ko na hihilingin niya na hindi na siya nabuhay sa mundong ito!”Sobrang natako si Harold sa sandaling ito at mabilis siyang lumuhod sa harap ni Charlie habang umiiyak at nagmamakaawa para sa kanyang buhay. “Charlie, Charlie, ang mabait kong bayaw, nakikipagbiruan lang ako sa’yo. Sana ay hindi mo ako pansinin at pakawalan mo ako. Pakiusap…”Sumulyap nang malamig si Charlie kay Harold at tinanong, “Bakit? Hindi ka na ba nagpapanggap na malakas?”“Hindi, hindi. Hindi na ako magpapanggap. Hindi na ako magpapanggap…” sumagot agad si Harold. Sobrang natakot na siya, kaya paano siya magkakaroon ng lakas n
Sa sandaling narinig niya ang sinabi ni Charlie, natakot nang sobra si Harold na nakaluhod sa sahig. Sinabi niya agad, “Lola, bilisan mo na at sabihin mo na sa kanila ang totoo! Pakisabi na kay Charlie ang katotohanan! Kung hindi, mamamatay talaga ako, lola!”Natakot din si Christopher na malaki ang gulong papasukin nila. Kaya, nagmadali siyang nagmakaawa, “Ma, sabihin mo na lang sa kanila ang totoo.”Hindi na pumalag si Lady Wilson sa sandaling ito, at nagbuntong hininga siya na parang tandang na natalo sa laban at sinabi, “Tama si Charlie. Nandito ako ngayon dahil balak kong lokohin kayong lahat na bumalik sa villa ng pamilya Wilson. Ang layunin ko talaga ay dahil gusto kong manipulahin at lokohin si Claire na magtrabaho ulit sa Wilson Group.”Pagkatapos, sinubukang isisi ito sa iba ni Lady Wilson habang sinabi, “Pero ako…”Sumingit si Charlie bago niya pa ito masabi. “Pero wala. Dahil ipinaliwanag mo na ang totoong balak mo sa pagpunta dito ngayon, pwede ka nang umalis.”Tuming
Ngayon, ang Wilson Group ay parang isang bag ng bigas na may mga butas. Sa simula pa lang, kaunti lang ang bigas sa loob. Gayunpaman, ngayon ay natatapon na ito, at halos wala na itong laman!Ang mas nakakainis pa ay ang katotohanan na ang kanyang mahal na apong babae, si Wendy, ay may pagkakataon na pakasalan si Gerald ng pamilya White. Pero, nagpasya rin ang pamilya White na pabayaan ang pamilya Wilson.Kaya, wala nang natatanggap na suporta ang pamilya Wilson sa pamilya White.Nang maisip niya ito, hindi maiwasang maiyak agad ni Lady Wilson.Sa mga nakaraang taon, siya ang namamahala sa pamilya Wilson at mga operasyon ng Wilson Group. Pero, hindi niya inaasahan na magiging ganito ang sitwasyon ng Wilson Group habang siya ang pinuno.Kung magpapatuloy ito, hindi lamang tuluyan na isasara ang Wilson Group, ngunit magkakaroon pa sila ng malaking utang. Kung mangyayari iyon, natatakot si Lady Wilson na kahit ang matandang villa na ito ay mawawala!Ang lahat ng ito ay nangyari dahi
Habang abala ang pamilya Wilson sa pag-iyak at pagmumura kay Charlie, dalang Rolls-Royce ang biglang huminto sa harap ng villa ng pamilya Wilson.Pagkatapos, anim na bodyguard na nakaitim ang lumabas sa dalawang kotse. Isang bodyguard ang mabilis na binuksan ang pintuan sa likuran ng kotse at isang di gaano katandang lalaki na nasa limampung taong gulang ang lumabas ng kotse.Presentable ang lalaki, at may suot siyang kalidad na suit na gawa sa kamay mula sa isang branded na designer brand. Marangal ang hitsura niya.Lumabas ang di gaano katandang lalaki sa kotse hawak ang kopya ng family tree ng pamilya Wilson habang tinanong niya ang kanyang assistant, “Ito ba ang pamilya Wilson sa Aurous Hill?”Tumango ang assistant at sinabi, “Opo, Mr. Wilson. Sinuri ko na ang Civil Affairs Bureau at nakumpirma na ito nga ang pamilya Wilson sa Aurous Hill.”“Sige.” Tumango ang di gaano katandang lalaki at tumingin sa vila ng pamilya Wilson bago sinabi, “Hindi ko inaasahan na kaunti lang ang ta
Habang sinasabi niya ito, puno ng emosyon si Kenneth, “Dahil maraming dekada na silang hindi nagkita, marahil ay may pagkakataon silang magkita sa langit.”Tumango si Christopher bago niya sinabi nang mapagpakumbaba, “Chairman Wilson, bakit hindi ka pumasok at umupo?”Tumango si Kenneth bago siya tumawa at sinabi, “Kung gano’n, sige. Pasensya na kung naabala ko kayo!”“Hindi, hindi, hindi mo kami inabala!”Nagmamadaling pinangunahan ni Christopher si Kenneth sa courtyard papunta sa sala. Pagkatapos, mabilis niyang ipinakilala si Kenneth kay Lady Wilson. “Ma! Ito ang chairman ng Modestway Group, si Kenneth Wilson!”Nagulantang si Lady Wilson.Modestway Group?!Sobrang sikat na public-listed group iyon!Bakit nandito ang chairman ng Modestway Group?Kahit na sobrang nalilito siya, tumayo pa rin siya upang batiin siya, puno ng sabik. “Ah! Maligayang pagdating sa aming bahay, Chairman Wilson. Patawarin mo ang isang matandang tulad ko at hindi kita nabigyan ng angkop na pagtanggap!
Nang maisip niya ito, hindi maiwasang masabik ni Lady Wilson habang sinabi niya kay Kenneth, “Ah, Chairman Wilson, isa talagang mabuting tao ang ama mo na sobrang nagpapasalamat siya sa kanyang tagapagligtas! Talagang naalala niya ang lahat nang nangyari pagkatapos ng ilang taon.”Tumango si Kennet at nagbuntong hininga bago sinabi, “Dahil nga, siya ang tagapagligtas niya. Hindi nakalimutan ng ama ko ang lahat kahit na lumipas ang maraming taon.”Pagkatapos, naglabas si Kenneth ng isang kalidad na kahon ng alahas sa kanyang bulsa at iniabot ito kay Lady Wilson, habang sinabi, “Pinasa ito sa akin ng ama ko bago siya mamatay at sinabi niya sa akin na ipadala ko ito sa tagapagligtas kahit anong mangyari. Dahil pumanaw na si Lord Wilson, sa iyo ko na lang ito ibibigay, Lady Wilson.”Inisip ni Lady Wilson na marahil ay planong bigyan ng bihirang kayamanan ng ama ni Kenneth ang matandang lalaki dahil niligtas niya ang kanyang buhay. Kaya, mabilis niyang binuksan nang sabik ang kahon ng al
Nang maisip niya ito, mabilis niyang ipinakilala si Christopher at sinabi, “Iti ang pinakamatandang anak ko, si Christopher.”Bahagyang tumango si Kenneth kay Christopher, pero mukhang hindi siya interesado sa kanya.Pagkatapos, ipinakilala ni Lady Wilson si Harold. “Chairman Wilson, ito ang apo kong lalaki, si Harold.”Mabilis siyang binati ni Harold, “Hello, Chairman Wilson! Sana ay alagaan mo ako sa hinaharap!”Tumango lang si Kenneth at nanatiling nakatingin kay Wendy kahit na hindi pa siya ipinakilala ni Lady Wilson.Sa huli, ngumiti si Lady Wilson habang ipinakilala niya si Wendy kay Kennet. “Chairman Wilson, ito ang apo kong babae, si Wendy.”Dito, huminga nang maluwag si Kenneth.Ito ang unang pagkakataon na bumisita siya sa pamilya Wilson, at nag-aalala siya na asawa ni Wendy si Harold. Kung gano’n, hindi niya magagawa ang plano niya.Pero, nang marinig niya na miyembro rin ng pamilya Wilson si Wendy, biglang nag-apoy ang puso ni Kenneth.Kahit na si Wendy ay hindi an
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang
Nagalit si Mr. Chardon, at hindi niya napagtanto na naniwala na siya nang tuluyan sa lahat ng gusto ni Zachary na paniwalaan niya dahil sa galit niya.Naniniwala siya na si Zachary ay isang antique dealer na may malapit na ugnayan sa paghuhukay ng mga libingan.Kaya, may matatag na paniniwala si Mr. Chardon na swerte lang siya at nakasalubong niya ang dalawang mahiwagang instrumento na ito, at hindi ito isang patibong!Isa lang ang nasa isip niya sa sandaling ito, at iyon ay alamin kung paano maniniwala si Zachary sa kanya para ibenta ang mahiwagang instrumento niya!Kaya, pinigilan niya na lang ang galit niya at nanatiling matiyaga. Nagsalita pa siya nang may kaunting kababaang-loob at sinabi, “Boss, sa totoo lang, hindi talaga ako isang undercover na pulis. Kaya kong gumamit ng isang bank account sa ibang bansa para bayaran ito gamit ang US dollars. Kahit na gusto kang hulihin ng domestikong pulis gamit ang isang undercover na pulis at kahit na naghanda talaga sila ng milyong-mil
Natulala nang tuluyan si Mr. Chardon nang marinig ito. Hindi niya alam na ito ang pinakabagong script na inihanda ni Charlie para kay Zachary, kaya wala siyang nagawa kundi ipaliwanag na lang nang inosente ang sarili niya, “Boss, hindi talaga ako isang undercover na pulis…”“Huwag ka nang magsalita.” Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang naiinip, “Sa totoo lang, sinabihan ko siya na magbigay ng presyo na three million dollars para sa jade ring para malaman ang presensya ng mga pulis. Ang kahit sinong may angkop na pang-unawa sa mga antique ay malalaman na katawa-tawa ang presyo sa sandaling narinig nila ang presyo. Ang mga undercover na pulis lang na gustong makahanap ng bakas ang papayag sa presyo para samantalahin ang pagkakataon na makahanap ng mas maraming bakas.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Zachary, “Pero sinasabi ko sayo, hindi gagana sa akin ang kasinungalingan mo!”Wala talagang masabi si Mr. Chardon.Hindi niya inaasahan na ito ang dahilan kung bakit nanghin