Habang abala ang pamilya Wilson sa pag-iyak at pagmumura kay Charlie, dalang Rolls-Royce ang biglang huminto sa harap ng villa ng pamilya Wilson.Pagkatapos, anim na bodyguard na nakaitim ang lumabas sa dalawang kotse. Isang bodyguard ang mabilis na binuksan ang pintuan sa likuran ng kotse at isang di gaano katandang lalaki na nasa limampung taong gulang ang lumabas ng kotse.Presentable ang lalaki, at may suot siyang kalidad na suit na gawa sa kamay mula sa isang branded na designer brand. Marangal ang hitsura niya.Lumabas ang di gaano katandang lalaki sa kotse hawak ang kopya ng family tree ng pamilya Wilson habang tinanong niya ang kanyang assistant, “Ito ba ang pamilya Wilson sa Aurous Hill?”Tumango ang assistant at sinabi, “Opo, Mr. Wilson. Sinuri ko na ang Civil Affairs Bureau at nakumpirma na ito nga ang pamilya Wilson sa Aurous Hill.”“Sige.” Tumango ang di gaano katandang lalaki at tumingin sa vila ng pamilya Wilson bago sinabi, “Hindi ko inaasahan na kaunti lang ang ta
Habang sinasabi niya ito, puno ng emosyon si Kenneth, “Dahil maraming dekada na silang hindi nagkita, marahil ay may pagkakataon silang magkita sa langit.”Tumango si Christopher bago niya sinabi nang mapagpakumbaba, “Chairman Wilson, bakit hindi ka pumasok at umupo?”Tumango si Kenneth bago siya tumawa at sinabi, “Kung gano’n, sige. Pasensya na kung naabala ko kayo!”“Hindi, hindi, hindi mo kami inabala!”Nagmamadaling pinangunahan ni Christopher si Kenneth sa courtyard papunta sa sala. Pagkatapos, mabilis niyang ipinakilala si Kenneth kay Lady Wilson. “Ma! Ito ang chairman ng Modestway Group, si Kenneth Wilson!”Nagulantang si Lady Wilson.Modestway Group?!Sobrang sikat na public-listed group iyon!Bakit nandito ang chairman ng Modestway Group?Kahit na sobrang nalilito siya, tumayo pa rin siya upang batiin siya, puno ng sabik. “Ah! Maligayang pagdating sa aming bahay, Chairman Wilson. Patawarin mo ang isang matandang tulad ko at hindi kita nabigyan ng angkop na pagtanggap!
Nang maisip niya ito, hindi maiwasang masabik ni Lady Wilson habang sinabi niya kay Kenneth, “Ah, Chairman Wilson, isa talagang mabuting tao ang ama mo na sobrang nagpapasalamat siya sa kanyang tagapagligtas! Talagang naalala niya ang lahat nang nangyari pagkatapos ng ilang taon.”Tumango si Kennet at nagbuntong hininga bago sinabi, “Dahil nga, siya ang tagapagligtas niya. Hindi nakalimutan ng ama ko ang lahat kahit na lumipas ang maraming taon.”Pagkatapos, naglabas si Kenneth ng isang kalidad na kahon ng alahas sa kanyang bulsa at iniabot ito kay Lady Wilson, habang sinabi, “Pinasa ito sa akin ng ama ko bago siya mamatay at sinabi niya sa akin na ipadala ko ito sa tagapagligtas kahit anong mangyari. Dahil pumanaw na si Lord Wilson, sa iyo ko na lang ito ibibigay, Lady Wilson.”Inisip ni Lady Wilson na marahil ay planong bigyan ng bihirang kayamanan ng ama ni Kenneth ang matandang lalaki dahil niligtas niya ang kanyang buhay. Kaya, mabilis niyang binuksan nang sabik ang kahon ng al
Nang maisip niya ito, mabilis niyang ipinakilala si Christopher at sinabi, “Iti ang pinakamatandang anak ko, si Christopher.”Bahagyang tumango si Kenneth kay Christopher, pero mukhang hindi siya interesado sa kanya.Pagkatapos, ipinakilala ni Lady Wilson si Harold. “Chairman Wilson, ito ang apo kong lalaki, si Harold.”Mabilis siyang binati ni Harold, “Hello, Chairman Wilson! Sana ay alagaan mo ako sa hinaharap!”Tumango lang si Kenneth at nanatiling nakatingin kay Wendy kahit na hindi pa siya ipinakilala ni Lady Wilson.Sa huli, ngumiti si Lady Wilson habang ipinakilala niya si Wendy kay Kennet. “Chairman Wilson, ito ang apo kong babae, si Wendy.”Dito, huminga nang maluwag si Kenneth.Ito ang unang pagkakataon na bumisita siya sa pamilya Wilson, at nag-aalala siya na asawa ni Wendy si Harold. Kung gano’n, hindi niya magagawa ang plano niya.Pero, nang marinig niya na miyembro rin ng pamilya Wilson si Wendy, biglang nag-apoy ang puso ni Kenneth.Kahit na si Wendy ay hindi an
Natuwa nang sobra si Lady Wilson nang marinig niya na handang tulungan ni Kenneth ang pamilya Wilson.Pero, hindi masaya si Wendy.Wala sa Wilson Group ang isip niya.Sa totoo lang, wala siyang pakialam sa Wilson Group.Ang gusto niya lang ay pakasalan ang isang mayamang binata para mainggit ang lahat sa kanya at tingalain siya!Bukod dito, ang Wilson Group ay isa lang sa mga pag-aari ng pamilya Wilson. Anong kinalaman niya dito?Ang nagpapalungkot sa kanya ay ang katotohanan na walang pakialam si Gerald sa kanya, at hindi rin siya sigurado sa hinaharap niya.Wala talagang pakialam si Wendy sa Wilson Group!Nang makita ni Lady Wilson na walang pakialam si Wendy, mabilis niya siyang siniko at sinabi, “Wendy, bakit ka nakatulala? Bilisan mo at pasalamatan mo si Chairman Wilson!”Nagulantang si Wendy at tumingala siya bago niya sinabi, “Bakit ko siya pasasalamatan?”Nagalit si Lady Wilson nang marinig niya ito. “Syempre dapat mong pasalamatan si Chairman Wilson dahil handa niyan
”Ah…” Ngumiti nang hindi mapalagay si Kenneth bago sinabi, “Sa totoo lang, kailangan kong maging sobrang matalino pagdating sa pag-invest. Una, kailangan kong tingnan ang mga partikular na kondisyon ng Wilson Group, at kailangan kong malaman kung may halaga ba na mag-invest ako sa kumpanya. Pagkatapos, kailangan ko ring malaman kung magkano ang ilalagay niyang pera sa kumpanya at kung gaano katagal para mabalik ang investment ko. Makakapagpasya lang ako na mag-invest sa Wilson Group kapag nalaman ko na ang mga bagay na ito.” Alam ni Lady Wilson ang kasalukuyang sitwasyon ng Wilson Group. Bukod dito, ayon sa kanilang sitwasyon, walang tao ang gugustuhin na mag-invest sa Wilson Group.Bakit nila gagawin ito? Walang saysay lang na mag-invest ng sampu-sampung milyong dolyar sa Wilson Group. Dahil, naka-blacklist na ang Wilson Group sa Emgrand Group, kaya wala nang makikipagtulungan sa Wilson Group.Bukod dito, ang ginagawa ng Wilson Group ay renovation at refurbishment. Ang ganitong ne
Tumakbo si Wendy palabas ng bahay pagkatapos siyang sampalin ni Lady Wilson. Pero, pinigilan siya ni Christopher bago pa siya makalabas ng courtyard.Kinumbinsi siya ni Christopher na bumalik sa bahay, pero tumanggi siya. Naramdaman ni Wendy na ang dahilan kung bakit naging ganito siya dahil kay Lady Wilson. Kung hindi dahil sa kanya, magiging ganito ba siya ka-miserable?Kaya, nagalit nang sobra si Wendy sa sandaling ito at gusto niyang tumakbo palayo ng kanilang bahay hangga’t kaya niya.Gayunpaman, kinalimutan niya ito nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama.Sa sandaling ito, sinabi nang tapat ni Christopher, “Wendy, saan ka pupunta kung tatakbo ka sa bahay? Wala ka ngang trabaho, at wala kang matitirahan sa labas! Dahil, isa kang babae, at imposible na lumabas ka at magtrabaho ngayon para makapag renta ka ng titirahan, tama? Alam ko na mali ang lola mo, pero ano pang magagawa natin bukod sa pagdikit sa lola mo? Siya pa rin ang pinuno ng pamilya Wilson.Nanahimik saglit si
Alam ni Wendy na sobrang labo na ng hinaharap niya.Pinunasan ni Lady Wilson ang luha sa mukha ni Wendy at sinabi nang seryoso, “Wendy, dati ay ikaw ang prinsesa ng bahay natin. Pinalaki kita sa layaw, pinalaki ka sa layaw ng mga magulang mo, at pinalaki ka rin sa layaw ng kapatid mo. Hindi ka nag-focus sa pag-aaral, at kahit nagtapos ka, hindi ka nagtrabaho, pero tanggap pa rin namin iyon. Pero, dati iyon. Hindi na tulad ng dati ang pamilya natin. Wendy, kailangan mong magbago. Kailangan mong maging mature para kunin mo ang ilang responsibilidad sa pamilya Wilson. Kung hindi, mas lalo lang maghihirap ang pamilya natin.”Tumango si Wendy bago sinabi, “Lola, patawarin mo ako. Mapaglaro ako dati at wala akong natutunan. Pasensya na at wala akong magawa para sa pamilya natin…”Pinisil ni Lady Wilson ang kamay ni Wendy at sinabi nang tapat, “Wendy, ang lahat ng iyong ay tapos na. Ikaw ay, at ikaw palagi, ang mahal kong apo. Paano kita masisisi?”Pagkatapos sinabi ni Lady Wilson nang ta
“Ang wakas ng Qing Eliminating Society?” Nang marinig ni Vera ang mga salitang ito, umiling isya at ngumiti sa paraan na parang sinisisi niya ang sarili niya habang sinabi, “Ang mga dead soldier at Armed Calvary Guards na iyon ay mga ibabang antas lang ng Qing Eliminating Society, at wala man lang sila sa gitnang antas.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “Ang totoong pundasyon at suporta ng Qing Eliminating Society ay ang limang Military Governor at limang Military Governor Office at mga katiwala ng mga Military Governor. Mga kamag-anak sila ng British Lord, kaya hindi sila mag-aalsa kahit na hindi sila magkasundo. Bukod dito, sa mga eksperto na sinanay ng Hubbert Battalion sa mga nagdaang aon, mahigit kalahati sa kanila ay galing sa limang Military Governor Office. Walang nakakaalam kung gaano karaming eksperto doon ang nasa limang Military Governor Office!”“Bukod dito, walang nakakaalam kung gaano karaming eksperto ang nasa tabi ng British Lord. Kahit na may tatlo pa sa
Tumango si Vera at sinabi nang matatag, “Tama! Kaya, sa tingin ko ay nagsisinungaling siguro ang British Lord!”Tinanong siya ni Mr. Raven, “Ang ibig mong bang sabihin ay peke ang bagay na ito?”Sinabi nang matatag ni Vera, “Hindi. Dahil inulat na patay na si Mr. Jothurn, siguro ay patay na talaga siya. Dahil, walang dahilan ang British Lord para sadyang magsinungaling sa isang napakahalagang bagay at sirain ang kalooban ng hukbo niya.”Pagkasabi nito, binago ni Vera ang paksa at sinabi, “Pero, sa opinyon ko, marahil ay hindi pinatay ang mga tao sa base sa Cyprus at copper refinery sa Turkey tulad ng sinabi ng British Lord. Sa kabaliktaran, naniniwala ako na hinikayat ni Charlie ang mga tao doon na mag-alsa!”Nalito si Mr. Raven at tinanong, “Paano… Paano iyon posible? Kahit na kinamumuhian nang sobra ng mga dead soldier at Armed Calvary Guards ang Qing Eliminating Society, malabo na pagtaksilan nila ang Qing Eliminating Society. Walang kayang gumamot sa lason sa katawan nila, kaya
“Cyprus?” Tinanong ni Vera sa sorpresa, “May nilagay ba ang Qing Eliminating Society na base ng dead soldier doon dati?”Tumango nang bahagya si Mr. Raven at sinabi nang magalang, “Oo, Miss. Direktang inanunsyo ng British Lord ng Qing Eliminating Society ang pagkasira ng base ng mga dead soldier sa Cyprus! Sinasabi na pinatay ng kabila ang lahat ng miyembro ng sa base kasama na ang mahigit isang libong dead soldier at ang mga pamilya nila, pati na rin ang daang-daang Armed Calvary Guards at mga kamag-anak nila. Bukod dito, pinatay din ng kabila ang daang-daang Armed Calvary Guard at halos isang libong pamilya nila sa copper refinery sa Turkey, na ang upper level ng base ng mga dead soldier!”“Gumawa ang kabila ng isang patibong sa base ng mga dead soldier sa Cyprus at gumamit ng napakalakas at mabilis na close-defense missile para patayin si Mr. Jothurn! Sinabihan ng British Lord ang lahat ng tao sa middle pataas na mag-ingat nang sobra, at inutusan niya ang pagtigil ng lahat ng panl
Tinanong ulit ni Charlie, “Ano ang tantyang lakas ng mga taong ito?”Sinabi ni Porter, “Sa kanila, ang dalawang pinakamalakas ay sina Zayne at Hunter, ang dalawang War King ng Ten Thousand Armies. May karangalan sila na inumin ang celebration wine na binigay mo sa Mexico dati, kaya pumasok na sila sa huling yugto ng isang six-star martial artist, at isang hakbang na lang sila para maging isang seven-star martial artist.”Pagkatapos itong sabihin, huminto saglit si Porter at sinabi, “Bukod sa kanilang dalawa, maraming mga five-star martial artist at mahigit isang dosenang four-star martial artist mula sa natitirang miyembro ng Ten Thousand Armies. Ang pinakamahina sa kanilang lahat ay mga three-star martial artist din.”Tumango si Charlie nang marinig ang mga sinabi ni Porter. Mukhang ang mga martial artist na ito ang kayamanan at pundasyon ng Ten Thousand Armies.Palalakasin nang sobra ng training na ito anglakas nila, at tataas nang sobra ang lakas ng Ten Thousand Armies sa larang
Matagal nang alam ni Charlie na mahirap itago ang mga bakas na kaugnay sa mga close-defense missile, kaya sadya niyang sinabihan si Porter na ilagay ang lahat ng bakas ng close-defense missile papunta sa Blackwater Company para maiwasan ang atensyon.Ngayong isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company sa Middle East, siguradong pinupuntirya sila ng Qing Eliminating Society dahil sa mga bakas na naiwan ng close-defense missile.Sinabi nang magalang ni Porter kay Charlie, “Mr. Wade, ang impormasyon na natanggap ko ay kahit na isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company, walang bakas na napasok ang base nils. Pinuntirya at naglaho lang ang mga taong ito nang lumabas sila. Mukhang natutunan na ng Qing Eliminating Society ang leksyon nila at hindi na sila naglakas-loob na pumasok nang palihim at padalus-dalos sa isang modernong military base…”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Magandang bagay na magpigil sila. Kung isang beses na silang naharangan ng
Tinaas ni Charlie ang mga kilay niya at tinanong, “Porter, kailan ka dumating?”Sinabi nang magalang ni Porter, “Kailan lang ako dumating. Tahimik akong naglayag mula sa cargo ship nang dumaan ito sa Suez Canal at pinalitan ko nang tatlong beses ang pagkakakilanlan ko bago ako pumunta dito. Pagkatapos bumaba sa eroplano, nag-renta ako ng isang kotse, at papunta na ako sa siyudad ngayon.”Tinanong siya ni Charlie, “Nasaan na ang iba?”Sumagot si Porter, “Mr. Wade, ayon sa mga utos mo, bukod sa akin, ang lahat ng kasangkot sa plano para pabagsakin ang base sa Cyprus ay hindi pwedeng bumaba sa lupa sa susunod na tatlo o anim na buwan. Maglalayag lang sila sa dagat sa cargo ship at babalik lang sa Syria pagkatapos humupa ng sitwasyon.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Porter, “Siya nga pala, Mr. Wade, nakatanggap ako ng impormasyon habang nasa karagatan, at gusto ko itong i-ulat sayo sa personal.”Ngumiti nang kuntento si Charlie at sinabi, “Okay. Pumunta ka sa Shangri-La at han
“Martial arts?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, ang Oskian martial arts ba ang tinutukoy mo?”Tumango si Charlie at sinabi, “Tama. Gumagamit ng essential qi ang Oskian martial arts para buksan ang walong pambihirang meridian.”Natulala si Nanako at tinanong, “Pwede ba ako?”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya sa mahinang boses, “Dahil, hindi naman ako Oskian, Charlie-kun…”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, tumingin kay Nanako, at sinabi nang seryoso, “Lumaganap na sa buong mundo ang Oskian martial arts. Maraming sect sa ibang bansa ang kumuha ng mga dayuhang disipulo, at marami ring mga dayuhang miyembro sa Ten Thousand Armies, kaya wala kang dapat alalahanin. Kung interesado ka, pwede kitang pasalihin sa training.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Anong klaseng training ito? Ikaw ba ang personal na magsasanay sa akin, Charlie-kun?”Umiling si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Wala akong gano’ng abilidad. Isang dating leader ng isang martial arts sect mu
“Okay!”Nang tiningnan ni Nanako ang likod ni Marianne habang umaalis siya, pakiramdam niya na para bang kakaiba ang kilos ni Marianne, pero hindi niya maisip kung bakit. Pakiramdam niya na medyo natatakot si Marianne sa kanya dahil parang kakaiba ang ekspresyon niya sa sandaling nakita niya siya. Naramdaman pa ni Nanako na parang gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang lumabas na siya sa elevator.Inisip ni Nanako, ‘Nakakatakot ba ako?’Dumating ang elevator sa underground parking lot habang iniisip ito ni Nanako.Nagmaneho si Charlie papasok sa underground parking lot pagkatapos maghintay ni Nanako ng mga limang minuto. Mabilis na tumayo si Nanako sa gilid nang umaasa.Umabante agad siya pagkatapos ipinarada ni Charlie ang kotse. Pagkatapos lumabas ni Charlie sa kotse, kumaway siya sa kanya nang sabik at pagkatapos ay yumuko nang bahagya habang sinabi, “Charlie-kun, nakakapagod siguro ang biyahe mo!”Natulala saglit si Charlie, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Hindi ito na
Alam ni Nanako na hiling ng kanyang ama na magkaroon sila ng relasyon ni Charlie, kaya hindi siya nasorpresa nang tinukso siya ng kanyang ama. Hindi rin siya nahiya nang sobra. Sa halip, huminga siya nang malakas at nagreklamo, “Otou-san, magbo-book na ako ng hotel para sayo ngayon kung gusto mong matulog sa hotel. Pwede ka pang manatili sa hotel hanggang umuwi tayo sa Japan! Kung hindi pa ito sapat para sayo, kaya kong bilhin ang hotel na titirahan mo, Otou-san.”Humagikgik si Yahiko at sinabi, “Nanako, nagbibiro lang ako, hayaan mo na sana ako…”Pagkasabi nito, mabilis niyang idinagdag, “Oh, magsisimula na akong maglaro ng golf, kaya aliwin mo muna si Mr. Wade. Hindi kami babalik at mang-iistorbo pansamantala!”Hindi na masyadong nagsalita si Nanako nang makita niya na hindi na siya tinukso ng kanyang ama. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ama, nagmamadali siyang lumabas at naghandang makipagkita kay Charlie sa basement.Pinindot niya ang down button sa elevator, at mabilis na bumu