Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1911 - Chapter 1920

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1911 - Chapter 1920

5672 Chapters

Kabanata 1911

Puno ng takot si Donald habang binuksan niya ang Hermes bag ni Carmen.Sa loob ng bag, bukod sa checkbook, may sariling signature stamp nga si Carmen na may pangalan niya.Karaniwan ay walang signature stamp na nakaukit ang isang ordinaryong tao. Dahil, wala silang paggagamitan nito.Pero, kung ang tao ay isang pinuno ng enterprise o mula sa senior management level, siguradong may paggagamitan ito.Bukod dito, karaniwan ay malinaw ang font sa personal signature stamp. Kaya, malinaw na nababasa ni Donald ang dalawang salitang ‘Carmen Wade’ na nakaukit nang malinaw sa seal/Nang makita ni Donal ang personal signature stamp ni Carmen, naramdaman ni Donald na tumataas agad ang blood pressure ni Donald, at halos hindi na siya makatayo.Sa sumunod na sandali, gusto nang mamatay ni Donald.Naramdaman niya na lumabas ang mag-ama ng pamilya Wilson para hulihin ang isang tao. Pero, hindi lang aso ang binalik ng mag-ama, ngunit nagbalik din sila ng isang tigre sa kaguluhan.Ang punto ay s
Read more

Kabanata 1912

Pagkatapos huminto nang kaunti, nagpatuloy si Christopher, “Tingnan mo, Mr. Webb. Kung ang Carmen na ito ay ang eldest lady talaga ng mataas at maimpluwensyang pamilya Wade sa Eastcliff, bakit siya pupunta sa Aurous Hill? At saka, ang lahat ng sinabi niya tungkol kay Charlie ay hindi makatwiran! Isang walang kwentang tanga lang si Charlie! Bago siya pumunta sa pamilya Wilson, isa siyang trabahador sa isang construction site na may sariling bahay at pagkain. Isa siyang pulubi! Kung sasabihin ko ito nang tapat, hindi niya man lang kayang bumili ng toilet paper dati! Kaya, paano siya magiging young master ng isang mayaman at maimpluwensyang pamilya? Anong klaseng mayaman at maimpluwensyang pamilya ang handang iwan ang tagapagmana nila sa kalye nang napakatagal?”May tuwid na ekspresyon si Donald sa kanyang mukha at hindi siya sumagot sa mga sinabi ni Christopher.Kahit na mukhang makatwiran ang sinabi ni Christopher, walang ebidensya dito.Pero, nakita na ni Donald ang chekbook at pers
Read more

Kabanata 1913

Naramdaman ni Harold na tila ba babagsak na siya nang marinig ito!Nang makita niyang sumusugod ang mga bodyguard ni Donald, natakot siya nang sobra at umatras siya nang hindi nag-iisip at sumigaw, “Mr. Webb, anong ginagawa mo?! Gina… ginagawa namin ito dahil sayo! Ayos lang kung hindi mo ito pahalagahan, pero bakit gusto mong baliin ang mga braso ko?!”Sumabog sa galit si Donald, at sinabi niya, “Kung mangangahas kang sabihin na para sa akin ito ulit, babaliin ko rin ang dalawang binti mo!”Natakot si Harold. Bago pa siya makatakbo, inipit na siya sa sahig ng ilang matangkad at maskuladong bodyguard.Hindi mabuting tao ang mga bodyguard ni Donald, at dahil nag-utos na ang boss nila, hindi sila nag-alangan. Kaya, sa sandaling inipit si Harold sa sahig, pumulot ng isang brick ang isa sa mga bodyguard sa sahig bago ito hinampas sa balikat ni Harold.Sumigaw si Harold sa sakit, pero bago pa siya matapos, agad siyang nakaramdam ng matalas na sakit sa kabilang balikat niya. Nasaktan
Read more

Kabanata 1914

Dahil nakatali pa rin si Elaine, hindi siya makapalag. Kaya, hinayaan niya na lang na suntukin ni Carmen ang mukha niya nang paulit-ulit.Sa sandaling ito, umiyak na lang sa sakit si Elaine habang nagmakaawa siya, “Oh! Ate, huwag mo na sana akong suntukin. Mali ako! Alam ko na ngayon na mali ako!”“Alam mo na mali ka ngayon?!” Mas lalong nagalit si Carmen nang marinig ito. Patuloy niyang sinuntok si Elaine habang sumigaw siya, “Nagkaganito ako dahil sayo! Sa tingin mo ba talaga ay pakakawalan kita dahil lang alam mo na nagkamali ka ngayon?! Hindi lang na gusto kitang suntukin, pero papatayin kita ngayong araw!”Natakot nang sobra si Elaine, at sinabi niya, “Mangyaring patawarin mo ako, ate! Huwag mong kalimutan na ikaw ang tita ni Charlie! Ako ang biyenan na babae ni Charlie. Kaya, magkamag-anak tayo! Paano mo magagawang patayin ang kamag-anak mo?! Paano kung labanan ka ng manugang ko sa hinaharap dahil dito? Hindi mo rin masasagip ang karangalan mo!”Suminghal nang malamig si Carm
Read more

Kabanata 1915

Nang makita nila ang sumusugod na grupo ng mga nakaitim na lalaki na mayroong live ammunition, natigilan ang lahat.Kinakabahang nagtanong si Donald, “Sino kayo?!”Isa sa kanila, ang lalaking nakaitim na nakasuot ng itim na face shield ay malamig na sumagot, “Kami ang interpol! Binigyan kami ng order na mag-imbestiga sa isang malaking transnational fraud case!”Ang taong nagsalita ay walang iba kung hindi ang pinakatapat na tauhan ni Charlie, si Albert.Sa oras na ito, naghihintay pa rin si Charlie sa loob ng helicopter, at hindi siya bumaba.Hindi niya planong personal na asikasuhin ang nangyayari ngayon. Kung hindi ay wala siyang paraan para ipaliwanag ang sitwasyon sa kaniyang biyenan na si Elaine.Sa sandaling ito, kakaiba ang gulat na gulat na ekspresyon sa mukha ni Donald. Interpol? Isang imbestigasyon sa isang transnational fraud case?! Anong kinalaman nito sa kaniya?!”Ang tanging ginawa niya lang ay dukutin sina Elaine at Carmaine ngayong araw!Gulat na gulat si Elaine
Read more

Kabanata 1916

Napatanong si Carmen nang hindi niya namamalayan, “Sino ang tinatawag mo na Cecilia Lawrence? Kailan pa naging makaluma ang pangalan ko?! Ako ang pinakamatandang anak ng pamilya Wade! Ako ang tunay na Carmen Wade!”Malamig na sumigaw si Albert, “Talagang sinusubukan mo pang magpanggap? Marami ka nang naidulot na pahamak at may mga nasawi rin dahil sa mga kasalanan mo. Hindi mo ba kilala ang sarili mo?”Napatulala si Elaine…May boses na bumubulong sa isip niya, ‘Ano bang nangyayari rito? Sino ba talaga ang babaeng ito? Siya ba ang talaga tita ni Charlie o isa lamang siyang transnational scammer?!’‘Kung siya ang tita ni Charlie, bakit may mga interpol officers dito? Nabanggit rin nila ang mga saktong detalye ng sitwasyon pati na rin ang pagkakataong naaresto ako at nalagay sa detention center. Mukhang totoo at may basehan ang sinasabi ng mga officers. Hindi sila mukhang nagsisinungaling.’‘Kung isa siyang transnational scammer, bakit niya naman ako hahanapin para sabihing pilitin
Read more

Kabanata 1917

Agad na nakumbinsi si Elaine nang mabanggit ni Albert ang ilang mga mahahalagang punto.May takot pa sa puso ni Elaine nang maalala niya ang tatlong salbaheng babae na nakilala niya sa detention center dati. Talagang nag-iwan ng malaking sugat kay Elaine ang insidenteng iyon, isang psychological effect sa kanyang sistema.Tinitigan ni Albert si Elaine saka siya nagsalita nang seryoso, “Miss Elaine, malaki na ang pagbabagong ipinakita mo ngayon. Hindi ka naloko at hindi ka rin naniwala sa mga kasinungalingan ng scammer na ito. Kung hindi, kapag nasentensiyahan ka ng panghabambuhay na pagkakakulong, sigurado akong ikaw ang magiging punching bag ng mga kaibigan ni Cecilia Lawrence…”Nagulantang si Elaine nang marinig ito!“Diyos ko! Masyado palang delikado ang sitwasyon. Mabuti na lang, naging maingat ako. Kung talagang napunta ako sa kulungan, buong buhay akong bubugbugin ng tatlong salbaheng iyon, hindi ba?!”Lumingon si Albert at tinignan niya si Carmen saka siya nagsalita nang ma
Read more

Kabanata 1918

Bumulalas si Donald, “Kahit na, hindi naman ako nasangkot sa money laundering kahit kailan! Hindi totoo ang paratang niyo!”Suminghal si Albert saka siya nagpatuloy, “Ikaw ang tunay na nakakaalam kung may kasalanan ka ba o wala. Alam rin namin ang krimen mo! Pagdating ng araw, kapag nasa harap mo na ang lahat ng ebidensya, tingnan na lang natin kung paano ka pa tatanggi!”Pagkatapos magsalita, kumaway si Albert sa kanyang mga tauhan at inutusan niya ang mga ito, “Dalhin niyo ang lalaking ito!”Si Donald ang taong kinagagalitan nang lubos ni Albert sa kanyang buong buhay.Tinitigan nang masama ni Albert si Donald saka siya nagmura sa kanyang loob, ‘Tarantado ka, Donald Webb. Dati, pinadala mo si Johnny Castro sa Heaven Springs para patayin ako at muntik pa naman siyang magtagumpay! Kung hindi dumating si Master Wade para bigyan ako ng Rejuvenating Pill, matagal na siguro akong nasa kabilang buhay! Ngayong nasa kamay na kita, hintayin mo na lang kung ano ang mangyayari sa iyo!’Nang
Read more

Kabanata 1919

Habang kaharap ang galit na galit na si Carmen, sumagot si Charlie na para bang wala siyang paki, “Malapit na ang New Year at sa halip na manatili ka sa Eastcliff para maghanda sa okasyong ito, pumunta ka pa sa Aurous Hill para lang guluhin ang buhay ko. Sinubukan mo pang tuksuhin ang biyenan ko para paghiwalayin kami ng asawa ko. Dahil ginawa mo ang lahat ng ito, bakit naman hindi kita pwedeng lokohin?”Nanigas ang ekspresyon sa mukha ni Carmen. Pagkatapos, nagngitngit ang kanyang ngipin saka siya nagsalita, “Ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kapakanan mo! Tignan mo naman ang asawa mo! Masyadong mahirap ang pamilya niya at mababa ang kanyang pinagmulan. Paano naman siya magiging karapat-dapat sa isang gaya mo?!”Malamig na tumugon si Charlie, “Hindi mo na ako kailangang pagsabihan kung karapat-dapat ba ang asawa ko sa akin o hindi. Nga pala, isang maliit na leksyon lang ang bagay na ito. Kung alam mo ang nakakabuti para sa iyo, bumalik ka na agad ng Eastcliff. Kung hindi, sisigur
Read more

Kabanata 1920

“Carmen?!” Napabulalas si Jeremiah mula sa kabilang linya, “Kumusta ka na? Hindi ka naman napahamak?!”Nagsimulang umiyak si Carmen, “Gusto akong ikulong ni Charlie. Sabi niya hindi ako pwedeng bumalik ng Eastcliff para ipagdiwang ang New Year! Papa, walang respeto ang batang ito sa mga nakatatanda! Napaka-arogante niya rin! Kailangan mo akong tulungan!”Napatanong si Jeremiah sa sorpresa, “Anong nangyayari?! Bakit kayo nagkaroon ng away ni Charlie?”Sa pagkakataong ito, hinatak ni Charlie ang cellphone pabalik mula kay Carmen saka siya nagsalita nang malamig, “Sinubukan niyang bigyan ng pera ang biyenan ko nang hindi ko alam para mapilit niya ang asawa ko, si Claire, na hiwalayan ako. Ganito ba makitungo ang pamilya Wade? Ito ba ang paraan niyo para solusyunan ang mga problema niyo?”Nagitla si Jeremiah. Nag-alangan siya sa loob ng ilang sandali at napabuntong hininga siya, “Charlie, kahit ano pang mangyari, tita mo pa rin si Carmen.”Muling nagsalita si Charlie, “Ano naman? Ibig
Read more
PREV
1
...
190191192193194
...
568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status