Galit na galit si Carmen sa pagkakataong ito.Nagngalit ang kaniyang mga ngipin at sumigaw, “Charlie! Huwag mong isipin na pwede mo akong paglaruan! Mas mataas ang posisyon ko sa pamilya Wade kaysa sa iyo. Kaya naman, mas mabuting magpakita ka ng respeto sa akin!”Hindi siya pinansin ni Charlie. Bagkus, tiningnan niya si Albert bago tinuro ang bakanteng upuan sa tabi ni Carmen.Kaagad na naintindihan ni Albert ang intensyon ni Charlie, at hinatid niya si Donald sa upuang nasa tabi ni Carmen.Pagkatapos nito, nilahad ni Charlie ang kaniyang kamay bago alisin ang itim na spit hood sa ulo ni Donald. Pagkatapos nito, bahagya niyang nginitian si Donald at sinabing, “Hello, Mr. Webb. Nagkita ulit tayo.”“Char...Charlie?!”Labis na nabigla si Donald sa pagkakataong ito!Hindi niya inakalang lilitaw si Charlie sa harapan niya!Posible bang…Posible bang si Charlie ang nasa likod ng lahat ng nangyari ngayong araw?!Paano siya nagkaroon ng ganoong kalaking kapangyarihan?!Nang makita
Paanong hindi niya malalaman ang naghihintay na kapalaran para sa pamilya Webb?Siguradong makikipaglaban sa kaniya si Carmen.Dagdag pa rito, siguradong kakampihan siya ng pamilya Wade at susuportahan din siya.Kahit na noong nasa kalakasan pa ang pamilya Webb, hindi nila magagawang kalabanin ang pamilya Wade. Mas lalo na ngayon na natalo nang malubha ni Charlie ang pamilya Webb. Sa oras na ito, ang pamilya Webb ay hindi maituturing kahit na hamak na langgam lamang sa harapan ng pamilya Wade…Pakiramdam ni Donald ay maaari pa siyang pahirapan ng pamilya Wade hanggang sa maghirap at masira ang pamilya Webb.Habang naiisip niya ito, kaagad na humikbi si Donald at nagmakaawa, “Mr. Wade, Madam Wade, wala talaga akong alam at hindi ko rin alam ang ginagawa ko. Sana ay maging mapagbigay-loob kayo at patawarin ako…”Sukdulan na ang galit ni Carmen kay Charlie ngayon, pero hindi siya naglakas-loob na magalit at maubusan ng pasensya sa kaniya. Kaya naman, tinuon niya na lang ang lahat ng
Pakiramdam ni Carmen ay tinapak-tapakan ni Charlie ang kaniyang dignidad dahil sa mapaglaro nitong ekspresyon sa mukha!Nagngangalit ang kaniyang mga ngipin habang sumisigaw, “Siyempre! Sa tingin mo ba ay nakikipagbiruan ako sa iyo? Kung hindi mo alam kung anong mabuti para sa iyo, at kung mag-alinlangan kang gawin ang tama hanggang sa mapilitan kang gawin ang mas malala pang bagay, masisigurado ko sa iyo na hindi magtatagal ay katapusan mo na! Hindi lang ikaw ang mag-isang magdurusa, pero pati ang asawa mo, ang biyenan mo, katapusan na ng lahat ng taong nasa paligid mo!”Puno ng galit si Carmen habang siansabi ito. Patuloy siya sa pagsigaw na parang isang baliw na babae at sinasabi, “Hayaan mong sabihin ko ito sa iyo. Maswerte ang mga magulang mo noon, at pinayagan pa rin silang mailibing sa ancestral grave ng pamilya Wade pagkatapos nilang mamatay! Gayunpaman, kung mamamatay ka balang-araw, wala kang anumang kwalipikasyon para makapasok sa ancestral grave ng pamilya Wade!”Dumilim
Si Yule na nasa huling stage na ng pancreatic cancer ay biglang gumaling at bumalik ang buong lakas. Dagdag pa rito, para bang bumata ng sampung taon si Yule. Lahat ng nasa upper-class society ng Eastcliff ay gustong-gustong malaman ang dahilan sa likod ng bagay na ito, at gusto nilang malaman kung anong magandang oportunidad ang natagpuan ni Yule.Gayunpaman, walang makakuha ng anumang epektibong impormasyon kahit na matagal itong inimbestigan ng lahat.Nang biglang banggitin ni Charlie ang lahat ng insidenteng ito, hindi mapigilan ni Carmen na magtanong dahil sa takot, “Ibig mo bang sabihin lahat ng bagay na iyon ay mayroong kinalaman sa iyo?!”Malamig na suminghal si Charlie bago sabihing, “Anong ibig mong sabihin sa ‘mayroong kinalaman sa akin’? Lahat ng iyon ay ginawa ko, ni Charlie Wade!”Sa pagkakataong ito, kahit si Donald ay nagulat at hindi alam ang sasabihin.Ang pagkamatay ng The Big Eight ay naging dahilan upang mawalan ng malaki ang pamilya Webb. Gayunpaman, hindi al
Sa sobrang takot ay hindi naglakas-loob pa si Donald na tumingala matapos pagalitan ni Charlie.Alam niya ang mga bagay na iyon tungkol kay Kian.Akala niya noon na ang bagay na ito ay sa pagitan lang ng kaniyan anak at ng ibang dalaga. Kahit na talagang nanakit nga ng ilang babae ang kaniyang anak, hindi sinaktan ni Kian si Charlie o ang mga taong nasa paligid ni Charlie. Kaya bakit ginawa iyon ni Charlie sa kaniyang anak?Gayunpaman, nang makita ni Donald kung gaano katindi ang galit ni Charlie sa sandaling ito, napagtanto niya na ang malakas na paniniwala ni Charlie sa hustisya ay higit pa sa kaniyang inaasahan!Nakatitig si Charlie kay Donald ngayon bago malamig na sabihing, “Donald, noong una ay iniisip kong bigyan ka ng daan para makatakas, ngunit mukhang hindi mo natutunan ang leksyon mo! Kung ganito ang sitwasyon, ayaw ko na ng apatnapung porsyento ng assets ng pamilya Webb. Hahayaan ko na lang ang pamilya Wade na itapon ka kung paano man nila gustuhin!”Umiyak bigla si Do
Tumingin nang masama si Carmen kay Charlie, at may gusto siyang sabihin para ipagtanggol ang reputasyon niya, pero wala siyang masabi kahit na dumating na sa mga labi niya ang mga salita.Napagtanto niya na ang pagkatao ni Charlie ay masyadong katulad sa kanyang ama, iyon ay walang iba kundi ang pangalawang kuya niya, si Curtis.Bakit sikat na sikat si Curtis dati?Marahil ay mukha siyang isang mahinang iskolar, pero madali niyang mapapatunayan ang kanyang lakas at abilidad sa harap ng isang hukbo.Basta’t nagpasya na siya, hinding-hindi siya susuko o mabibigo sa kanyang misyon.Kahit na kalaban niya ang buong mundo, lalaban pa rin siya at uukit ng daan para sa sarili niya.Dati, may kasabihan sa upper-class society sa Eastcliff.‘May anak sa pamilya Wade na isang Totoong Dragon!”Sa tuwing binabanggit si Curtis, kahit ang mga kalaban ay bibigyan siya ng thumbs up.Sa oras na iyon, si Curtis ang pinakamagaling na bayani sa pamilya Wade.Biglang napagtanto ni Carmen na nakikit
Walang duda na walang magandang impresyon si Charlie kina Christopher at Harold.Pero, sa sandaling narinig niya na bali na ang lahat ng paa’t kamay nila, nawala na ang karamihan ng galit sa puso ni Charlie.Walang mas nakakaalam sa pamilya Wilson bukod sa kanya.Kahit na kasuklam-suklam sila, hindi sila karumaldumal na kontrabida.Sinubukan ni Hannah na lokohin si Elaine dati. Pero, malaking parte ng dahilan ay dahil naglalaro ng mahjong si Elaine sa bahay ng kaibigan niya at nagkataon na nakasalubong niya sina Hannah at Christopher, na nandoon para suriin ang bahay ng kaibigan niya. Napahiya nang sobra si Hannah nang nilait siya ni Elaine at ng mga kaibigan niya nang paulit-ulit. Kaya, gusto niyang lokohin si Elaine at kunin ang pera niya.Ang dahilan din kung bakit gustong dukutin nina Christopher at Harold si Elaine at ipadala siya sa brick factory ay dahil gusto nilang pawiin ang sama ng loob nila at maghiganti sa kanya dahil ipinadala niya si Hannah sa coal mine. Sa totoo la
Tumingin ulit si Charlie kay Donald bago sinabi, “Siguraduhin mo na iulat kay Albert ang lahat sa hinaharap. Huwag mong subukang gumawa ng kalokohan. Naiintindihan mo ba ako?”Nagmamadaling tumango si Donald bago sinabi, “Mr. Wade, huwag kang mag-alala. Susundin ko ang lahat ng utos ni Don Albert at ang utos mo simula ngayon…”Sinabi ulit ni Charlie, “Siya nga pala, ikaw ba ang bumili ng Villa A06 sa Thompson First?”Sumagot nang di mapalagay si Donald, “Opo, ako ang bumili nito…”Tinanong siya ni Charlie, “Binili mo ba ang villa ng pamilya Wilson para lang pandirihan ko sila at pasamain ang pakiramdam ko?”“Tama…” Sinabi nang kinakabahan ni Donald, “Mr. Wade, mali ako. Huwag kang mag-alala. Babawiin ko ang willa at papaalisin ko agad ang pamilya Wilson sa villa!”“Huwag mong gawin iyon!” Kumaway si Charlie bago sinabi, “Masyadong boring kung aalis sila nang gano’n lang. Bakit hindi nalang natin ito gawin? Una, gusto kong itigil mo ang lahat ng operasyon sa Wilson Group, at gusto
Sa sandaling ito, may nahihiyang ngiti si Vera sa kanyang mukha, kagaya ng isang dalaga.Malinaw na sobrang sigla niya habang naglalakad sa tabi ni Charlie. Paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin ang mga mata niya kay Charlie, pero sa tuwing nangyayari ito, sulyap lang ito, hindi siya naglalakas-loob na tumingin nang matagal. Sa tuwing tumitingin siya, kumukurba ang mga mata niya na parang mga dahon ng willow na sumasayaw sa hangin, talagang kinakatawan ang isang nakakapigil-hininga na kagandahan.Pero, ang Vera na naaalala nila ay palaging walang inaalala, mapaglaro, at minsan ay dominante, pero hindi mahiyain o mailap. Kailanman ay hindi nila siya inugnay sa mga salitang ‘mahiyain’ at ‘mailap’.Ngayon, sa wakas ay napagtanto na nila na may pambabae at mahiyaing bahagi rin si Vera.Pinanood ni Logan si Vera na naglalakad papunta sa kanila mula sa malayo at hindi niya mapigilan na bumuntong hininga habang nakangiti, “Kung magsusuot si Miss ng isang wedding dress o isang tradisyona
Hindi napigilan ni Vera ang pagkibot ng mga kilay niya dahil sa mga sinabi ni Charlie. Mukhang may naintindihan siya pero hindi na siya nagtanong. Sa halip, isinantabi niya ang bagay na ito at ngumiti kay Charlie, sinasabi, “Young Master, dahil hindi ka makapagpasya, ako na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sabihin, ibinaling niya ang kanyang ulo saglit, at sinabi, “Kung sa sinaunang panahon ito, siguradong tatawagin kitang ‘irog’. Pero ngayon, wala nang gumagamit ng salitang iyon, at dahil magpapanggap tayo na mag-jowa sa halip na mag-asawa, paano kung tawagin kitang ‘darling’, at tawagin mo rin akong ‘darling’?”Pagkatapos itong sabihin, huminga nang mabilis si Vera. Namumula siya habang pinapanood si Charlie, natatakot siya na tatanggi siya o hindi siya masisiyahan.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni Charlie. Magpapanggap sila na mag-jowa, at magkapareho pa ang suot nila. Normal lang para na medyo malambing ang tawagan sa pagmamahalan. At saka, kung mag-jowa sila, parang hindi
Inisip ni Charlie, ‘Anong tulong ang kailangan ko para magbihis? Hindi naman ako isang tao na may kapansanan.’Pero, ngumiti pa rin siya at sinabi, “Okay, aakyat muna ako.”Sa kwarto ni Vera sa itaas.Nakakalat sa kwarto ang parehong bango ni Vera, medyo nahilo siya dahil dito.Naalala nang hindi sinasadya ni Charlie ang karanasan niya na tinulungan siyang dalhin ni Vera sa kama noong may malalang injury siya, at hindi niya mapigilan na makaramdam ng kakaibang pakiramdam sa puso niya. Pero, hindi siya nangahas na mag-isip nang sobra at mabilis na nilabas ang mga damit na inihanda ni Vera para sa kanya.Habang nilalabas niya ang mga damit, napagtanto niya na naghanda si Vera ng magkaparehong damit ng mag-asawa para sa kanila. Ang mga damit na nasa kamay ni Charlie ay isang malaking Gucci T-shirt, klasikong LV-printed shorts, at parehong Hermes na tsinelas. Mukhang gusto ni Vera na magpanggap silang mag-asawa kapag pumunta sila sa Yorkshire Hill.Hindi ito masyadong pinag-isipan ni
Tinikom ni Charlie ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin, pero nagpigil pa rin siya.Kahit na halos apat na raang taon na ang pinagsama-samang edad ng apat na nakakatandang tao na ito, palagi nilang itinuturing na gabay na prinsipyo ang mga salita ni Vera. Hindi pagmamalabis na sabihin na si Vera ang gabay nila sa buhay. Naniniwala sila at ginagawa nila ang kahit anong sabihin ni Vera at pinapagawa ni Vera sa kanila.Kaya, kung taliwas ang sinabi niya sa mga sinabi ni Vera, siguradong pipiliin nila na makinig kay Vera.Walang nagawa si Charlie at hinayaan na lang ang matandang babae na lumuhod at pasalamatan siya. Pagkatapos niyang tumayo, nagsalita si Charlie at sinabi, “Siya nga pala, bumaba na ba si Miss Lavor?”Sinabi ni Logan, “Mr. Wade, inutusan kami ni Miss na pangunahan ka muna sa courtyard niya pagdating mo.”Akala ni Charlie na nagmamadali sila at bababa si Vera at pagkatapos ay magkasama silang pupunta sa airport. Hindi niya inaasahan na gusto ni Vera na paakyatin
“Anong sinabi mo?!” Sumabog sa galit si Fleur sa sandaling iyon.Dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay, hindi niya pinansin ang halos lahat sa nakaraang tatlong daang taon. Sa tatlong daang taon na ito, siya ang unang tao na nagsabi sa kanya na pupugutan niya siya ng ulo.Nang marinig ni Zekeiah, na nasa kabilang linya, ang galit na sigaw ni Fleur, agad siyang natakot nang sobra, at mabilis siyang yumuko sa kabilang dulo habang humingi ng tawad, sinasabi, “British Lord, patawarin mo ako. Inuulat ko lang ang mga sinabi niya at wala akong balak na maging bastos…”Kahit na alam ni Fleur na inuulit lang ni Zekeiah ang mga sinabi sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng galit sa puso niya.Natatakot si Zekeiah na hindi mawawala ang galit ni Fleur, kaya idinagdag niya nang mabilis, “British Lord, handa akong ibahagi ang pag-aalala mo at pumunta sa Aurous Hill sa personal para sayo. Sa sandaling iyon, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para alamin kung sino ang misteryosong tao na iy
Kahit na sobrang bilis na ng paglalakbay sa bilis ng halos isang libong kilometro kada oras, nababalisa pa rin si Fleur dito.Simula noong lumabas ang portrait ng master niya sa Aurous Hill, nabasag ang mentalidad niya. Nawalan siya ng kalma na dapat mayroon sa isang 400 years old na babae.Tumingin siya sa flight navigation chart sa harap niya nang mag-isa, tinitigan ang altitude at speed data, at hindi mapigilan na sabihin nang galit, “Kapag mas mabilis umunlad ang modernong teknolohiya, mas nagiging sakim ang mga hayop na ito. Dati, kayang lumipad ng Concorde ng mahigit dalawang libong kilometro sa isang oras. Ngayon, hindi man lang kayang umabot ng isang libo ang mga eroplano, at ang mga hindi ito kayang gawin ay walang sapat na layo! Nakakainis ito!”Nang makita ng isang crew member ang inis niya, mabilis siyang lumapit at sinabi nang magalang, “British Lord, kumalma ka po. Masyadong malayo ang distansya. Kahit na may Concorde tayo, mahihirapan ito. Ang pinakamalayong abot nito
Medyo nalito si Ruby. Tumingin siya nang namamangha kay Charlie, at tinanong, “Young Master Wade, bakit gusto niyang kunin ni Miss Lavor ang panganib na lumapit kay Fleur? Hindi ba’t masyado itong mapanganib?”Kalmadong sumagot si Charlie, “Mukhang medyo mapanganib ito, pero ang totoo lang ay hindi namin balak ni Miss Lavor na lumapit nang totoo kay Fleur. Ang ideya ni Miss Lavor ay gumawa ng agwat sa oras. Ayon sa pagsusuri niya, kung saan pupunta si Fleur, marahil ay umatras na ang mga miyembro ng Qing Eliminating Society, lalo na ngayong pumasok sa tahimik na yugto ang buong Qing Eliminating Society. Kaya, basta’t maayos na magagamit ang agwat ng oras na ito, mas ligtas talaga para sa amin kung saan man siya pumunta.”Sa puntong ito, hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Siya ang pinakamalaking kalaban na nakaharap ko sa buhay ko, kaya kailangan kong malaman kung ano ang hitsura ng taong ito. At saka, ang layunin niya siguro sa pagpunta sa Oskia ngayon ay pa
Pagkatapos itong sabihin, humikab si Zekeiah at sinabi, “Ah, hindi ako makatulog ng dalawa o tatlong araw. Pagkatapos marinig na ayos ka lang, bigla akong inantok at hindi ko na mabuksan ang mga mata ko. Honey, matutulog muna ako sandali. Hindi ko na talaga ito kaya.”Tinikom ni Lulu ang mga labi niya. May pagod na ekspresyon niya, pero sobrang mapag-alaga ang boses niya habang sinabi, “Okay, Honey, magpahinga ka na ngayon. Tandaan mo na buksan mo ang ‘Do Not Disturb’ mode sa cellphone mo.”“Okay!” Sumang-ayon si Zekeiah, at sinabi kay Lulu, “Honey, ibababa ko na ngayon ang tawag.”“Okay, sige.”Nang natapos ang tawag, sinabi ni Keith nang may seryosong ekspresyon, “Hindi na ito kailangan pag-isipan. Siguradong may problema kay Zekeiah.”Sinabi nang hindi nag-iisip ni Lulu, “Pa, hindi ba’t ayos lang na mag-alala si Zekeiah sa atin at gusto niyang malaman kung anong nangyayari? Hindi problema siguro na magtanong pa, tama?”Sinabi nang malamig ni Keith, “Hindi problema na magtanong
Sa kabilang dulo ng tawag, ang asawa ni Lulu, si Zekeiah, ay halos agarang sinagot ang tawag. Mukhang balisa ang boses niya habang tinanong, “Lulu, ikaw ba ito?”Humuni si Lulu bilang sagot, “Oo, ako ito.”Sa sandaling narinig niya ang boses ni Lulu, tuwang-tuwa siya at sinabi, “Lulu, ang laking ginhawa na ayos ka lang! Sinusubukan kitang tawagan sa nakaraang dalawang araw, pero hindi ako makakonekta. Nag-aalala ako nang sobra!”Sobrang kumplikado ng mga pakiramdam ni Lulu sa sandaling ito. Hindi niya man lang alam kung ang asawa niya ay isang undercover agent na nilagay ng Qing Eliminating Society sa sarili nilang bahay.Natural na hindi siya umaasa na totoo ito, pero dahil kaugnay ang buhay at kamatayan ng buong pamilya Acker, hindi siya nangahas na hindi ito seryosohin. Kaya, nagpatuloy siya ayon sa mga utos ni Charlie at sinabi, “Honey, halos hindi mo na narinig ang boses ko…”Sinabi ni Zekeiah, “May nangyari ba?!”Sumagot si Lulu, “Ilang araw lang ang nakalipas, isang napaka