Share

Kabanata 1927

Penulis: Lord Leaf
Walang duda na walang magandang impresyon si Charlie kina Christopher at Harold.

Pero, sa sandaling narinig niya na bali na ang lahat ng paa’t kamay nila, nawala na ang karamihan ng galit sa puso ni Charlie.

Walang mas nakakaalam sa pamilya Wilson bukod sa kanya.

Kahit na kasuklam-suklam sila, hindi sila karumaldumal na kontrabida.

Sinubukan ni Hannah na lokohin si Elaine dati. Pero, malaking parte ng dahilan ay dahil naglalaro ng mahjong si Elaine sa bahay ng kaibigan niya at nagkataon na nakasalubong niya sina Hannah at Christopher, na nandoon para suriin ang bahay ng kaibigan niya. Napahiya nang sobra si Hannah nang nilait siya ni Elaine at ng mga kaibigan niya nang paulit-ulit. Kaya, gusto niyang lokohin si Elaine at kunin ang pera niya.

Ang dahilan din kung bakit gustong dukutin nina Christopher at Harold si Elaine at ipadala siya sa brick factory ay dahil gusto nilang pawiin ang sama ng loob nila at maghiganti sa kanya dahil ipinadala niya si Hannah sa coal mine. Sa totoo la
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1928

    Tumingin ulit si Charlie kay Donald bago sinabi, “Siguraduhin mo na iulat kay Albert ang lahat sa hinaharap. Huwag mong subukang gumawa ng kalokohan. Naiintindihan mo ba ako?”Nagmamadaling tumango si Donald bago sinabi, “Mr. Wade, huwag kang mag-alala. Susundin ko ang lahat ng utos ni Don Albert at ang utos mo simula ngayon…”Sinabi ulit ni Charlie, “Siya nga pala, ikaw ba ang bumili ng Villa A06 sa Thompson First?”Sumagot nang di mapalagay si Donald, “Opo, ako ang bumili nito…”Tinanong siya ni Charlie, “Binili mo ba ang villa ng pamilya Wilson para lang pandirihan ko sila at pasamain ang pakiramdam ko?”“Tama…” Sinabi nang kinakabahan ni Donald, “Mr. Wade, mali ako. Huwag kang mag-alala. Babawiin ko ang willa at papaalisin ko agad ang pamilya Wilson sa villa!”“Huwag mong gawin iyon!” Kumaway si Charlie bago sinabi, “Masyadong boring kung aalis sila nang gano’n lang. Bakit hindi nalang natin ito gawin? Una, gusto kong itigil mo ang lahat ng operasyon sa Wilson Group, at gusto

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1929

    Sa sandaling ito, puno na ng pagsisisi si Harold.Ang pinakamalalang bagay ay hindi lang sila naging walang kwentang basura dahil binali ng mga tauhan ni Donald ang mga paa’t kamay nila. Dahil, ilang buwan lang bago sila gumaling.Ang pinakamalala ay sinabi ng mga Interpol officer kanina na ibibigay sila sa lokal na awtoridad. Kung ibibigay talaga sila sa lokal na awtoridad, kakasuhan sila ng kidnapping na krimen!Isa itong mabigat na kasalanan, at ang pinakamagaan na parusa para sa krimen na ito ay sampung taon sa presinto!Nang maisip niya na kailangan niyang makulong ng sampung taon, nawalan ng pag-asa si Harold.Habang dala-dala siya ng mga tauhan ni Albert, humikbi si Harold, at napuno ng luha ang mukha niya habang tinanong, “Officer, pwede ba akong magtanong? Maaari bang… ipapadala niyo kami… sa kulungan ngayon? Kaming dalawa… sinulsol kami na gawin ito. Ginagawa lang namin ang utos ng iba. Ang totoong mastermind sa buong pangyayaring ito ay si Donald Webb…”Umiyak din nang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1930

    “Ekaskto!” Bumuntong hininga si Lady Wilson habang sinabi, “Pero hindi ito mahalaga. May walang hanggan na paghihirap na naghihintay kay Elaine pagdating niya sa brick factory!”Sa sandaling ito, sa Aurous Hill Women Detention Center.Biglang bumahing si Jennifer.Lumapit ang ilang ka-cellmate niya sa kanya at tinanong nang nag-aalala, “Jennifer, anong mayroon? May sipon ka ba?”Kinuskos ni Jennifer ang kanyang ilong habang sinabi, “Hindi ko rin alam eh. Marahil ay may nakamiss sa akin.”Ngumiti ang babaeng nakaupo sa tabi niya bago sinabi, “Mga preso tayo na walang pamilya o kamag-anak. Kaya, sinong mag-iisip sa mga preso na tulad natin?”“Tama.” Sumingit ang isa pang tao, “Malapit na ang Bagong Taon, at walang miyembro ng pamilya ang bumisita sa akin. Sobrang nadismaya talaga ako dahil dito!”Pagkatapos nito, tumingin siya kay Jennifer bago tinanong, “Jennifer, gaano katagal ka pa bago ka makalaya?”Pinagtampal ni Jennifer ang mga labi niya bago sinabi, “Nasa lima o anim na b

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1931

    Sa sandaling narinig ito ni Jennifer at ng iba, nagulat sila at nagulantang!Sa parehong oras, mas naging sabik at masaya sila!Tinanong niya, “Nakuha ba ni Lady Wilson ang marangyang villa ng manugang na babae niya sa Thompson First?”Sumagot nang magaan ang guwardiya, “Bumili siya ng sarili niyang villa doon.”“Jusko!” Nagulantang si Jennifer habang sinabi, “Bumili siya ng isang villa na mahigit isang daang milyong dolyar nang gano’n lang?!”Ngumiti ang guwardiya bago sinabi, “Syempre! Gumastos pa siya ng mahigit isang milyong dolyar para bayaran ang piyansa niyong tatlo sa detention center. Mukhang gusto niya kayong bayaran para sa kabaitan niyo sa kanya. Kaya, gusto niya kayong ilabas at dalhin sa villa ng Thompson First para matupad na ang pangarap niyong buhay simula ngayon!”Naantig si Jennifer at napaiyak, at pinunasan niya ang kanyang luha habang nabulunan siya at sinabi, “Tinrato ako ni Lady Wilson kung paano ako tinrato ng sarili kong ina…”Sabik na sabik ang dalawang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1932

    Sumagot nang nagmamadali ang kabila, “May malalang injury sina Christopher at Harold. Ginagamot na sila sa emergency department sa Silverwing Hospital. Bilang pamilya nila, dapat pumunta kayo agad dito!”“Ano?!” Tinanong ni Lady Wilson sa sorpresa, “May injury silang dalawa?! Anong nangyari?”Sumagot ang kabila, “Bali ang lahat ng paa’t kamay nila. Kahit na wala itong banta sa buhay nila, malala pa rin ang injury nila, at kailangang may mag-alaga sa kanila. Kaya, dapat pumunta ka dito sa lalong madaling panahon!”Nagulantang si Lady Wilson!Sa sandaling ito, tinanong ni Wendy na nakaupo sa gilid, “Lola, anong nangyari?”Sumimangot nang miserable si Lady Wilson habang sinabi, “Tumawag ang hospital at sinabi an may malalang injury ang ama at kapatid mo. Nasa hospital sila ngayon! Pinapapunata nila tayo doon!”“Ahh?!” Nagulat nang sobra si Wendy at tumayo siya agad habang tinanong nang kinakabahan, “Lola, anong nangyari? Hindi ba’t lumabas ang aking ama at ang kapatid ko para turuan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1933

    Pagkatapos makinig sa driver, tumingin si Jennifer sa marangyang Mercedes Benz habang sinabi niya nang sabik, “Sobrang bait talaga ni Lady Wilson sa amin! Hindi pa ako nakakasakay sa isang Mercedes Benz sa buong buhay ko!”Hindi maiwasang bumuntong hininga ni Yara, na nasa tabi niya, at sinabi niya, “Ang pinakamagandang kotse na naupuan ko ay isang police car noong naaresto ako…”Tumango nang paulit-ulit si Yulia habang sinabi, “Yara! A… ako rin!”Nang marinig ng driver ang usapan nila, ngumiti siya habang sinabi, “Ladies, mangyaring sumakay kayo sa kotse!”“Okay! Okay!” Si Jennifer ang unang bumalik sa diwa, at nagmamadali niyang binuksan ang pinto sa likod ng kotse bago siya pumasok sa kotse.Sabik na sabik din ang dalawang babae na magsiksikan sa likod ng kotse. Sa sandaling ito, sinabi nang nagmamadali ng driver, “Dalawa lang ang upuan sa likod. Kaya, isa sa inyo ang kailangang umupo sa co-driver seat!”Bubuksan na ni Yara ang pinto sa likod sa kabilang banda ng kotse para ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1934

    Ang villa na ito, ang pinakamaganda at pinakamalaking villa sa siyudad ng Aurous Hill. Bukod dito, may marangyang renovation na ang villa na ito. Sobrang matingkad at marangya ang istilo ng dekorasyon nito, at malinaw na inayos ang bahay para ipagyabang ang yaman nila.Kaya, namangha agad si Jennifer at ang dalawang babae at naging sabik na sabik nang tiningnan nila ang villa.Ito ay dahil iniisip na nila kanina pa kung ano ang hitsura ng villa ni Lady Wilson.Pero, malayo ang pinakamatapang na iniisip nila sa totoong sitwasyon at kondisyon ng villa!Sa sandaling ito, sinabi ni Yulia sa gilid, “Ito… anong klaseng villa ito? Mas mukhang palasyo ito, tama?!”“Kalokohan!” Sinabi ni Yara, “Mas marangya ang villa na ito kumpara sa isang palasyo! Letse! Tingnan mo ang sofa na iyon! Sobrang ganda nito! Hihiga muna ako saglit sa sofa!”Habang nagsasalita siya, tumakbo na si Yara papunta sa sofa.“Gusto ko ring pumunta!” Nang makita ni Yulia na papunta si Yara doon, ayaw niyang magpatal

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 1935

    Hindi alam ni Lady Wilson na habang papunta siya sa hospital, nakapasok na si Jennifer at ang dalawang babae sa bahay niya.Nagmamadaling pumunta sila Lady Wilson, Wendy, at Hannah sa hospital para hanapin sina Christopher at Harold. Sa sandaling ito, mukhang mummy ang mag-ama, habang nababalot ng plaster caster ang mga paa’t kamay nila.Kahit na walang banta sa buhay nila, bali ang lahat ng paa’t kamay nila at hindi sila makagalaw. Ang kaya lang nilang gawin ay humiga at humikbi sa sandaling ito.Sa sandaling pumasok si Lady Wilson sa pinto, nagulat siya at nabalisa nang makita niya silang dalawa sa ganitong kondisyon. Umabante siya nang nagmamadali at tinanong, “Christopher! Harold! Kayong dalawa… anong nangyari sa inyo?!”Nang makita nina Christopher at Harold na pumasok si Lady Wilson, hindi na nila nakontrol ang kanilang mga luha, at umiyak sila nang malakas.Lalo na si Harold, na umiiyak nang sobrang miserable.Napaiyak agad si Wendy habang tinanong niya nang naaawa, “Pa, H

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5924

    Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5923

    Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5922

    Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status