Pagkatapos makinig sa driver, tumingin si Jennifer sa marangyang Mercedes Benz habang sinabi niya nang sabik, “Sobrang bait talaga ni Lady Wilson sa amin! Hindi pa ako nakakasakay sa isang Mercedes Benz sa buong buhay ko!”Hindi maiwasang bumuntong hininga ni Yara, na nasa tabi niya, at sinabi niya, “Ang pinakamagandang kotse na naupuan ko ay isang police car noong naaresto ako…”Tumango nang paulit-ulit si Yulia habang sinabi, “Yara! A… ako rin!”Nang marinig ng driver ang usapan nila, ngumiti siya habang sinabi, “Ladies, mangyaring sumakay kayo sa kotse!”“Okay! Okay!” Si Jennifer ang unang bumalik sa diwa, at nagmamadali niyang binuksan ang pinto sa likod ng kotse bago siya pumasok sa kotse.Sabik na sabik din ang dalawang babae na magsiksikan sa likod ng kotse. Sa sandaling ito, sinabi nang nagmamadali ng driver, “Dalawa lang ang upuan sa likod. Kaya, isa sa inyo ang kailangang umupo sa co-driver seat!”Bubuksan na ni Yara ang pinto sa likod sa kabilang banda ng kotse para ma
Ang villa na ito, ang pinakamaganda at pinakamalaking villa sa siyudad ng Aurous Hill. Bukod dito, may marangyang renovation na ang villa na ito. Sobrang matingkad at marangya ang istilo ng dekorasyon nito, at malinaw na inayos ang bahay para ipagyabang ang yaman nila.Kaya, namangha agad si Jennifer at ang dalawang babae at naging sabik na sabik nang tiningnan nila ang villa.Ito ay dahil iniisip na nila kanina pa kung ano ang hitsura ng villa ni Lady Wilson.Pero, malayo ang pinakamatapang na iniisip nila sa totoong sitwasyon at kondisyon ng villa!Sa sandaling ito, sinabi ni Yulia sa gilid, “Ito… anong klaseng villa ito? Mas mukhang palasyo ito, tama?!”“Kalokohan!” Sinabi ni Yara, “Mas marangya ang villa na ito kumpara sa isang palasyo! Letse! Tingnan mo ang sofa na iyon! Sobrang ganda nito! Hihiga muna ako saglit sa sofa!”Habang nagsasalita siya, tumakbo na si Yara papunta sa sofa.“Gusto ko ring pumunta!” Nang makita ni Yulia na papunta si Yara doon, ayaw niyang magpatal
Hindi alam ni Lady Wilson na habang papunta siya sa hospital, nakapasok na si Jennifer at ang dalawang babae sa bahay niya.Nagmamadaling pumunta sila Lady Wilson, Wendy, at Hannah sa hospital para hanapin sina Christopher at Harold. Sa sandaling ito, mukhang mummy ang mag-ama, habang nababalot ng plaster caster ang mga paa’t kamay nila.Kahit na walang banta sa buhay nila, bali ang lahat ng paa’t kamay nila at hindi sila makagalaw. Ang kaya lang nilang gawin ay humiga at humikbi sa sandaling ito.Sa sandaling pumasok si Lady Wilson sa pinto, nagulat siya at nabalisa nang makita niya silang dalawa sa ganitong kondisyon. Umabante siya nang nagmamadali at tinanong, “Christopher! Harold! Kayong dalawa… anong nangyari sa inyo?!”Nang makita nina Christopher at Harold na pumasok si Lady Wilson, hindi na nila nakontrol ang kanilang mga luha, at umiyak sila nang malakas.Lalo na si Harold, na umiiyak nang sobrang miserable.Napaiyak agad si Wendy habang tinanong niya nang naaawa, “Pa, H
Pagkatapos nito, tumalikod si Lady Wilson at umalis sa ward.Naglakad siya papunta sa casher habang sinabi, “Nandito ako para bayaran ang hospitalization fee nina Christopher at Harold Wilson.”Tumingin saglit ang kabila sa impormasyon bago sinabi, “Ang bayarin para sa incurred treatment ay 26,700 dollars, at kailangan mong mag-deposit ng 80,000 dollars para sa hospitalization fee. Ang kabuuang bayarin mo na kailangan bayaran ngayong araw ay 106,700 dollars.”Hindi maiwasang makaramdam ng kirot si Lady Wilson.“Hindi malaking pera ang isang daang libong dolyar, pero hindi rin ito maliit. Kung hindi kami babayaran nang isang daang beses ni Donald, hindi talaga ako makakatulog sa gabi!”Nang maisip niya ito, naglabas ng bank card si Lady Wilson sa kanyang pitaka bago niya ito ibingay sa kabila. “Heto, gamitin mo ang bank card ko.”Kinuha ng kabila ang bank card bago niya ito ginamit sa POS machine at nilagay ang halaga. Pagkatapos nito, sinabi ng cashier kay Lady Wilson, “Mangyarin
Nang makita ng cashier na nakatayo nang blangko si Lady Wilson, tinanong niya siya, “Madam, babayaran mo pa rin ba ang hospitalization bill? Kung hindi ka magbabayad, marahil ay kailangan naming palabasin agad ang dalawang pasyente.”Nagmamadaling nilabas ni Lady Wilson ang ibang bank card niya. Pagkatapos pumili ng isa, ibinigay niya ito sa kabila habang sinabi, “Subukan mo ang card na ito!”Tumango ang casher bago kinuha ang card sa kanyang kamay at ginamit ulit ito sa POS machine. Pagkatapos ilagay ni Lady Wilson ang password, umiling siya at sinabi, “Frozen na rin ang bank card na ito.”“Kung gano’n, subukan mo ito!”Sa huli, pinasa ni Lady Wilson ang lahat ng bank card niya sa cashier nang sunod-sunod, ngunit nalaman niya na frozen na ang lahat ng bank card niya.Dahil dito, naging desperado nang sobra si Lady Wilson!Habang wala siyang magawa, bigla siyang nakatanggap ng tawag. Nagmamadaling sinagot ni Lady Wilson ang tawag ngunit ang narinig niya lang ay, “Hello, madam. Tu
Malamig na sinabi ni Donald, “Walang hindi pagkakaintindihan. Nawalan na ako ng kumpiyansa sa buong pamilya mo. Kaya, hindi ko inaasahan na may gagawin kayo para sa akin. Dahil ganito na, bakit hindi kayo mag-divest ngayon? Ano pang hinihintay niyo?”Nagmakaawa agad si Lady Wilson. “Mr. Webb! Ang lahat ba ng ito ay dahil sa ginawa ng anak at apo ko kaya sumama ang loob mo? Kung hindi maganda ang ginawa nila, mangyaring huwag kang mag-atubiling magsalita. Siguradong sisiguraduhin ko na magbabago sila. Pakiusap… Nagmamakaawa ako sayo… Sana ay bigyan mo pa ng pagkakataon ang pamilya namin!”Naiinip na si Donald. “Binigyan ko na kayo ng pagkakataon, pero hindi niya pinahalagahan ang pagkakataon na ito at hindi magaling ang ginawa niyo! Kaya, huwag na kayong mag-abala na magmakaawa ngayon!”Naramdaman ni Lady Wilson na lumalaki na ang despearsyon sa kanyang puso. Bigla niyang naisip ang tungkol sa villa. “Mr. Webb, nagkasundo tayo tungkol sa villa. .Pumayag ka sa sampung taon na paupa. H
Hindi mas maganda ang sitwasyon ni Elaine.Ipinadala siya ng mga tauhan ni Albert sa pinakamagandang Orthopedic hospital, at agad inayos ang isang eksperto para isagawa ang emergency operation sa kanyang knee joint.Sa totoo lang, ang pinakamagandang paraan para gamutin ang mga injury niya ay isagawa ang surgery sa lalong madaling panahon. Gamit ang mga steel plate at nails, kaya nilang ayusin ang tuhod bago ito lagyan ng plaster cast bilang proteksyon.Sa ganitong paraan, mas epektibo ang paggaling nito.Pagkatapos ng surgery, ibinalik siya sa ward, kung saan naghihintay na ang mga tauhan ni Albert sa pagdating niya.Sinabi agad ng tauhan kay Elaine, “Ms. Elaine, malaki ang ambag mo sa pag-aresto kay Cecilia. Dahil dito, sagot na ng Interpol namin ang babayaran mo para sa surgery.”Tiningnan ni Elaine ang cast sa kanyang kanang binti at hindi niya maiwasang malungkot ulit at dumaloy ang luha sa kanyang mukha. Nabulunan siya. “Mr. Officer, kahit anong mangyari, huwag niyo sanang
Umiyak si Elaine at sinabi, “Huwag na natin itong pag-usapan. Naghiganti ang MLM organization sakin. Sinunggaban nila ako at binugbog… Nawalan ako ng ilang buhok at nabali ang binti ko…”“Ano?!” Napabulalas si Claire sa gulat. “Nag-report ka na ba sa pulis?”Patuloy na umiyak si Elaine. “Nag-report na ako. Hinuli na sila ng pulis. Bisitahin mo na lang ako sana sa lalong madaling panahon.”Mabilis na tinanong ni Claire, “Anong hospital? Pupunta na ako diyan ngayon din.”Nabulunan si Elaine, “Nasa Aurous Hill Orthopedics Hospital ako, bilisan mo…”Sinubukan ni Claire na manatiling mahinahon. “Okay. Hintayin mo ako, ma. Papunta na ako diyan.”Binaba agad ni Claire ang tawag at mabilis na pumunta sa hospital. Habang nagmamaneho siya, tinawagan niya si Charlie.Samantala, kauuwi lang ni Charlie at kaswal na nanonood ng tv sa sala.Kauuwi lang din ni Jacob, ang kanyang biyenan na lalaki. Naghahanda na siyang magtimpla ng isang palayok ng tsaa upang mag-enjoy sila ni Charlie.Natangg
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka
“Ano… Anong sinabi mo?!” Pakiramdam ni Charlie na namanhid ang buong katawan niya dahil sa mga sinabi ni Vera. Hindi ito pagmamalabis. Nakaramdam talaga siya ng mahinang kuryente mula sa kanyang ulo hanggang paa!Sinabi ni Vera na napanood niya ang Mother of Pu’er Tea na nabigong lampasan ang kalamidad nito sa Heavenly Lake tatlong daang taon na ang nakalipas. Ang ibig sabihin ba nito ay mahigit 300 years old na siya?!Sa una ay hindi kayang maniwala ni Charlie sa sinabi ni Vera. Dahil, kahit na nahanap talaga ng isang tao ang daan sa mahabang buhay, karaniwan ay unti-unting proseso ito.Marahil ay mag-cultivate ang isang tao sa 20s o 30s, pero madalas posible na magsimula ang cultivation sa edad na 50 o 60, o mas matanda pa.Habang lumalalim ang cultivation ng isang tao, humahaba ang buhay niya, pero kahit ang isang cultivator na mahigit 100 years old, tulad ng great earl ng Qing Eliminating Society, ay napanatili lang ang hitsura niya na isang lalaki na nasa 60 years old.Kung m
Humagikgik si Vera at sinabi, “Nagkataon, may natira pa na huling piraso ng Pu’er tea. Nag-aatubili akong inumin ito, at hinihintay ko ang araw na maitimpla ko ito para sayo para matikman mo ito. Charlie, mangyaring maghintay ka saglit!”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Miss Lavor, hindi mo na kailangan abalahin ang sarili mo. Bigyan mo na lang ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Vera at hindi na lumingon habang sinabi, “Ang Pu’er tea na mayroon ako ay ang pinakamasarap ng Pu’er tea sa buong mundo. Charlie, siguradong pagsisisihan mo sa hinaharap kung hindi mo ito titikman.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Vera, “At saka, ipapaliwanag ko ang lahat ng mga bagay kung saan ka nalilito, simula sa piraso ng Pu’er tea na iyon.”Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Vera ang kumpletong tea set niya at ang Pu’er tea na palagi niyang pinapahalagahan nang hindi na hinihintay ang sagot ni Charlie.Pagkatapos bumalik sa tabi ng kama, maingat na sinindihan ni Vera ang uling ng olibo
Nang marinig ang paliwanag ni Vera, kumunot ang noo ni Charlie at tinanong, “Paano iyon posible? Nagsisinungaling ka siguro sa akin.”“Bakit ako magsisinungaling sayo?” Sinabi nang sigurado ni Vera, “Totoo talaga ito! Kaya kong mangako sa buhay ko!”Umiling si Charlie at sinabi nang sobrang seryoso at tapat, “Paniniwalaan kita kahit na may pagdududa ako. Naniniwala ako na kaya nga ng singsing na ito na ipadala ang tao sa iba, pero nang mangyari ang pagsabog kanina, hindi ikaw ang iniisip ko… Ang iniisip ko ay ang mga pumanaw na magulang ko…”Pagkasabi nito, patuloy na binulong ni Charlie, “Mukhang lumitaw sa isipan ko ang imahe ng asawa ko sa dulo. Kung totoo ang sinabi mo, dapat ay ipinadala ako ng singsing na ito sa asawa ko…”Tinikom ni Vera ang mga labi niya at sinabi nang may kaunting lungkot, “Charlie, hindi ako nagsisinungaling sayo. Natural na alam ko na hindi mo ako iisipin sa sandali ng buhay at kamatayan. Kaso nga lang ay ang ama ko ang nag-iwan ng singsing na ito sa aki
Tumango si Vera at sinabi, “May kaunting alam ako sa lahat, pero mga pangunahing kaalaman lang.”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Nagdala ako ng maraming pill bago ako umalis, pero wala nang natira ngayon…”Pagkatapos itong sabihin, may naalala siya at mabilis niyang tinanong si Vera, “Siya nga pala, ano na ang petsa at oras ngayon?”Hindi alam ni Charlie kung gaano katagal ang lumipas bago siya napunta dito. Kung kaunting panahon lang ito, may oras pa siya para magmadaling umuwi at sirain ang sulat na iniwan niya para kay Claire. Kung matagal na panahon na ang lumipas, marahil ay nalaman na ni Claire ang tungkol sa sikreto niya.Nang makita ni Vera na nababalisa nang sobra si Charlie, sinabi niya nang nagmamadali, “Huwag kang mag-alala, Charlie. Karirinig ko lang ng ilang segundo ang pagsabog sa timog bago ka lumitaw sa hot spring pool. Nasa kalahating oras pa lang ang lumipas simula noon.”Sa wakas ay huminga na nang maluwag si Charlie nang marinig ni
Pakiramdam ni Charlie na pagod na pagod na ang utak niya, at hindi niya maunawaan ang lohika. Sa sandaling ito, bigla niyang naalala na ginamit ni Vera ang pangalan na ‘Veron’ nang bumisita siya sa Aurous Hill, pero pagkatapos siyang makita, tinawag niyang ‘Vera’ ang sarili niya.Kahit na may kaunting pagkakaiba lang sa pangalan na ‘Vera’ at ‘Veron’, bukod-tangi ang kahulugan nito para kay Charlie.Agad siyang nakaramdam ng lamig sa kanyang gulugod at tinanong nang mahina sa gulat, “Hindi… Naa… Naaalala mo ako?”Tumango si Vera at nahihirapan na alalayan ang nanghihinang si Charlie habang papunta siya sa kanyang kwarto. Sinabi niya nang malambot, “Charlie, niligtas mo ang buhay ko sa Northern Europe. Hinding-hindi ko ito makakalimutan!”Nagulat nang sobra si Charlie. Binulong niya, “Bakit… Bakit naaalala mo pa rin? Maaari ba… Maaari ba na isa ka ring cultivator?”Ngumiti nang nahihiya si Vera at sinabi, “Charlie, hindi ako isang cultivator, pero medyo espesyal ang katawan ko, kaya
Simula noong nawalan siya ng malay, walang ideya si Charlie kung gaano katagal na siyang lumulutang sa kawalan, hanggang sa huli, isang kaunting ilaw ang biglang lumitaw sa harap ng mga mata niya.Sa sandaling ito, kasama ng kaunting ilaw ay ang matinding sakit at malakas na pakiramdam ng kahinaan. Sa sobrang lakas ng pakiramdam ng kahinaan na ito, hindi niya man lang kayang buksan ang mga mata niya.Hindi katagalan, naramdaman niya na para bang binalot ng mainit na pakiramdam ang katawan niya, at parang nagbigay ng ilang kaginhawaan ang init na ito sa matinding sakit sa paligid niya. Pagkatapos ay nadiskubre niya na inaangat siya ng mainit na pakiramdam na ito.Pagkatapos nito, narinig niya ang isang pamilyar na boses na sinabi sa tainga niya, “Charlie!” Dahil sa tawag na ito, unti-unting bumalik ang paningin ni Charlie.Nang binuksan ng nanghihingang Charlie ang mga mata niya at nakita niya ang tao na nakatayo sa harap niya, natulala siya dahil bigla niyang nadiskubre na ang maga