Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 1651 - Chapter 1660

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 1651 - Chapter 1660

5633 Chapters

Kabanata 1651

Sa Aurous Airport.Matagal nang naghihintay sa hangar ang private jate na inihanda ni Isaac.Dumating na rin sina Albert at Ichiro at naghihintay na sa ilalim ng nakaparadang jet.Dumating na rin sina Liam at Paul, at hinihintay na lang nila ang pagdating ni Charlie.Sa alas nuwebe ng umaga.Isa-isang kotse ang dumating sa hangar mula sa convoy ni Isaac.Lumabas agad si Isaac sa kotse bago siya mabilis na naglakad sa gilid para buksan ang pinto ni Charlie.Sa sandaling lumabas si Charlie sa kotse, umabante ang lahat para batiin siya.Tumango si Charlie bilang sagot at sinabi, “Dumating na ba ang lahat? Kung nandito na kayong lahat, pwede na tayong sumakay sa eroplano ngayon.”Mabilis na nagbilang si Isaac bago sumagot nang magalang kay Charlie, “Mr. Wade, nandito na ang lahat.”“Okay, umalis na tayo kung gano’n!”Bukod kila Isaac, Albert, Liam, Paul, and Ichiro, na kasama ni Charlie sa pagpunta niya sa Japan, nagdala rin ng ilang tauhan sina Albert at Isaac. Sa kabuuan, labi
Read more

Kabanata 1652

Nang maisip niya ito, hindi maiwasan ni Ichiro na makonsensya nang kaunti sa loob niya.Naramdaman niya ang konsensya na ito dahil para bang ipinamigay niya ang pinaghirapan ng kanyang ama sa buong buhay niya.Sa isang matandang kasabihan sa Oskia—ang batang henerasyon, ang mga tagapagmana ng asset ng kanilang hinalinhan, ay hindi masasaktan kapag binebenta ang pinaghirapan ng dating henerasyon. Ito ay dahil hindi nila alam o naiintindihan ang paghihirap ng kanilang hinalinhan. Pero, ang kasabihan na ito ay para sa alibughang anak. Kahit na hindi masyadong magaling si Ichiro, hindi siya maituturing na alibugha.Kung alibughang anak talaga siya, hindi siya pupunta sa Oskia para sumali sa Chinese Medicine Expo, at hindi siya magkakaroon ng pagnanasa o layunin na kunin ang mahiwagang gamot ni Anthony.Ang dahilan kung bakit disidido siyang makuha ang mga mahiwagang pill ay dahil gusto niyang patuloy na umunlad ang Kobayashi Pharma at marating na Kobayashi Pharma ang rurok at tumayo i
Read more

Kabanata 1653

Kasabay nito, ang headquarters ng Kobayashi Pharma ay naghahanda na magkaroon ng emergency board of directors meeting.Pagkatapos pumunta sa Oskia ni Jiro, ang chairman ng Kobayashi Pharma, bigla siyang nawala nang walang bakas at iniwan ang Kobayashi Pharma ng walang pinuno.Sa una, ginagawa ng mga director ng Kobayashi Pharma ang lahat ng makakaya nila para mahanap si Jiro.Pero, kahit pagkatapos ng maraming pagsisikap, hindi nila mahanap si Jiro.Pagkatapos, tinawagan nila agad si Ito Yahiko, ang pinuno ng pamilya Ito.Tinawagan nila si Yahiko dahil alam ng mga director ng Kobayashi Pharma na sobrang optimistiko ni Yahiko sa Kobayashi Pharma at kay Jiro. Alam din nila na umaasa si Yahiko na maging manugang niya si Jiro para mabili niya ang ilang share ng Kobayashi Pharma.Bukod dito, pumunta si Jiro sa Oskia dahil gusto niyang ligawan ang anak na babae ni Yahiko, si Nanako.Nakabalik na si Nanako sa Japan, pero nawala si Jiro sa mundong ito. Hindi ito maintindihan ng mga miye
Read more

Kabanata 1654

Tinawagan ni Yahiko si Masayoshi. Sa sandaling kumonekta ang tawag, sinabi niya, “Mr. Kobayashi, binabati kita sa paghirang mo bilang acting chairman!”Sinabi nang magalang ni Masayoshi, “Mr. Ito, salamat sa mga mababait na salita mo. Pansamantala lang akong hinirang bilang acting chairman. Kapag bumalik sa Kobayashi Pharma ang aking pamangkin, si Jiro, siguradong ibabalik ko sa kanya ang posisyon na ito.”Ngumisi si Yahiko bago sinabi, “Hula ko na hindi na babalik si Jiro. Kahit na ikaw ang acting chairman sa ngayon, naniniwala ako na malapit ka na maging opisyal na chairman ng Kobayashi Pharma!”Palihim na nalugod si Masayoshi sa loob niya. Pero, pinanatili niya ang kanyang pagiging mahinahon at sinabi, “Mr. Ito, sa totoo lang, iniisip ko pa rin si Jiro araw-gabi, at sana ay ligtas siyang makabalik.”Ngumiti si Yahiko habang sinabi, “Mr. Kobayashi, tinawagan kita ngayong araw hindi lang para batiin ka. May business proposal ako para sayo.”Nagbago ang tono ni Masayoshi. Sumagot
Read more

Kabanata 1655

Sa conference room ng Kobayashi Pharma.Maraming malayong miyembro ng pamilya Kobayashi at ilang top-level business executive ang nakaupo nang taimtim.Masyadong maraming insidente ang isa-isang nangyari sa Kobayashi Pharma, at medyo kinakabahan ang lahat ng nandoon dahil sa nakakahindik na sitwasyon.Una, namatay ang dating chairman dahil nalason siya. Pangalawa, pinaghinalaan ang eldest young master na siya ang gumamit ng lason para patayin ang kanyang ama. Pagkatapos ay inusig at pinahanap ng second young master ang kuya niya, at sinabi na namatay na siya. Pagkatapos, biglang nawala ang second young master. Mukhang tila ba ginalit ng pamilya ng tatlo na ito ang langit at pinaparusahan sila at hinatulan dahil dito.Pero, kahit na kinakabahan sila, bawat isa sa kanila ay puno pa rin ng sabik at pag-asa para sa hinaharap.Ito ay dahil wala pa silang malalim na pagsali sa pagpaplano o operasyon ng Kobayashi Pharma dati, lalo na ang makialam at mag-enjoy sa pagbabahagi ng mga kinita
Read more

Kabanata 1656

Ang Kobayashi Stomach Pill ang pangunahing produkto ng Kobayashi Pharma, at ito ang nagdadala ng halos lahat ng kinikita ng kumpanya. Siguradong malaki ang malulugi ng Kobayashi Pharma kung haharapin nila ang Apothecary Stomach Pill pagkatapos nitong ilabas.Kaya, tinanong ng isa kay Kobayashi Masayoshi, “Mr. Chairman, hindi tayo pwedeng umupo na lang at hintayin ang wakas natin! May ideya ka ba kung paano ito haharapin?”Sumagot si Masayoshi, “Totoo, may paraan nga para harapin ito. Dapat nating taasan ang investment natin sa drug research and development, at dapat mabilis din nating pagandahin ang kasalukuyang produkto natin. Kung kayang angatan ng Kobayashi Stomach Pill ang Apothecary Stomach Pill pagdating sa bisa nito, sigurado ako na masasakop natin at magiging sa atin lang ang market!”Nagpatuloy ang taong namamahala sa research and development, “Mr. Chairman, kung gusto nating taasan ang pondo natin para sa department namin, kailangan natin ng malaking budget. Kaya pa rin ba
Read more

Kabanata 1657

Sa totoo lang, makatwiran ang mga sinabi ni Masayoshi.Tiyak na may puwang ng impormasyon sa pagitan nila ni Ito Yahiko dahil magkaiba ang pananaw nila sa market.Sa sandaling ito, siguradong iniisip ni Ito Yahiko na hindi matatalo ang Kobayashi Stomach Pill, at gusto niyang makisali at kumita sa Kobayashi Pharma.Pero, alam na ni Masayoshi ng ibang miyembro ng pamilya Kobayashi ang tungkol sa Apothecary Pharmaceutical. Alam din nila na sa sandaling ito, isang uri ng gamot na tinatawag na Apothecary Stomach Pill ang sumikat nang sobra sa Oskia at Aurous Hill at mas mabisa ang pill na ito kaysa sa Kobayashi Stomach Pill.Kaya, nang marinig ang inaalala ni Masayoshi, nagbago agad ang isipan ng iba.Kanina lang, naniniwala sila na dapat may valuation ng 20 billion sa pinakamababa ang Kobayashi Pharma at hindi nila matatanggap ang mas mababa dito, lalo na ang 15 billion.Pero ngayon, napagtanto nila na bihira at magandang pagkakataon kung may mga tao pa rin na handang mag-alok ng val
Read more

Kabanata 1658

Ngayon, nagpapagaling si Nanako sa Kyoto. Pumunta si Hiroshi sa Oskia nonog isang araw para maghanap ng gamot para sa kanya pero nabigo siya. Kaya, bumalik siya sa Tokyo para mag-ulat kay Yahiko at pagkatapos ay nanatili na siya sa Tokyo.Bukod sa Lexus seda kung saan nakasakay si Yahiko, may sampung bodyguard sa dalawang Lexus SUV na nasa harap at likod ng kotse ni Yahiko para gumawa ng isang convoy habang papunta sila sa Kobayashi Pharma.Sa loob ng kotse, natutuwa si Yahiko. Sinuri niya ang financial report ng Kobayashi Pharma at ang market sale nila sa nakaraang dalawang taon at nakita niya na sobrang ganda ng hinaharap ng kumpanya. Sigurado siya na ito ang pinakamagandang oras para kumuha ng stake sa kumpanya.Kaya, sa opinyon niya, ang 4.5 billion dollar na investment niya sa Kobayashi Pharma ay parang magical beans ni Jake na itinanim niya sa kanyang bakuran. Ang ani niya sa hinaharap ay nasa 15 billion dollars o mas mataas pa. Ang 15 billion dollars ay katumbas ng 1.5 trilli
Read more

Kabanata 1659

Sa sandaling ito, naramdaman ni Hiroshi na nabaliktad ang pananaw niya sa buong mundo.Sobrang nakakagulat na pagbubunyag ito sa kana na namatay ang sikat na sixth leader ng yakuza sa kamay ng isang Ninjutsu master.Pero, nangahas siya na hindi pagdudahan ang mga sinabi ni Yahiko dahil kilala niya ang ugali ni Yahiko. Hinding-hindi magsasabi ang lalaking ito ng mga salita na hindi siya sigurado. Kung may sinabi siya, siguradong may espesyal na pinagmulan ito para siguruhin na ito nga ang katotohanan.Sa totoo lang, hinala pa ni Hiroshi na may mga Ninjutsu master sa pamilya Ito.Pero, tinigil na niya ang pagtatanong dahil alam niya na may mga tanong na hindi dapat itanong, at may mga bagay na hindi niya dapat malaman.Bilang assistant ng pamilya Ito at isa sa mga tauhan ni Yahiko, ang pangunahing tungkulin niya ay pagsilbihan nang mabuti si Yahiko at maging matino at matalino sa mga dapat at hindi dapat gawin.Kaya, sinabi niya nang magalang kay Yahiko, “Pasensya na sa pagiging ig
Read more

Kabanata 1660

Sa sandaling ito, sinabi ni Yahiko, “Noon pa man ay sobrang optimistiko na ako sa Kobayashi Pharma, at handa akong suportahan ang kumpanya niyo na paangatin ito. Kaya, nandito ako ngayon para pirmahan ang kasunduan ng investment sa inyo. Bago tayo magpatuloy, gusto kong siguruhin na wala sa inyo ang may duda tungkol sa layunin ng investment ko, tama?”Sumagot nang nagmamadali si Masayoshi sa magalang na tono, “Syempre hindi. Ito-san, mangyaring makakasiguro ka na nagkasundo na kami bago ka pumunta. Malugod kami na magiging investor ka ng kumpanya namin.”Para maiwasan ang kahit anong pagkakamali, tumango si Yahiko at nagpatuloy agad, “Dumiretso na tayo. Marami akong ginagawa kailan lang, at aalis ako sa Tokyo bukas, kaya pirmahan na lang natin ngayon ang kontrata at tapusin na ito. Kung ayos lang ang lahat, ipapalaam ko agad sa finance department ko na ipadala ang pera.”Sinabi ni Masayoshi, “Syempre! Pwede nating pirmahan agad ang kontrata!”Sumenyas si Yahiko kay Hiroshi na nasa
Read more
PREV
1
...
164165166167168
...
564
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status