Hindi alam ni Yahiko kung bakit nandito si Charlie, at pati ni Hiroshi.Sa opinyon ni Hiroshi, si Charlie ang coach ni Aurora at isang martial artist sa Aurous Hill na walang kinalaman sa Japan. Kaya bakit bigla siyang lumitaw sa Toko at pumasok sa conference room ng Kobayashi Pharma?Ang mas nakakapagtaka pa ay inanunsyo ni Charlie na siya ang majority shareholder ng Kobayashi Pharma!Sa sandaling ito, pumangit ang mukha ni Yahiko sa mapanghamak na ngisi.Sa daan papunta dito, narinig niya mula kay Hiroshi ang tungkol kay Charlie. Sobrang mapanghamak siya sa tinatawag na eksperto na ito, kaya hindi niya siya sineryoso.Sinukat niya si Charlie at sinigaw sa malamig na boses, “Bata, pag-isipan mo muna ang mga kahihinatnan mo bago ka magsalita. Hindi mo kayang pagbayaran ang presyo kung magsasalita ka nang walang ingat!”Hindi kilala ni Charlie si Ito Yahiko. Ang unang impresyon niya sa lalaki ay nasa 50 na siya at makaluma ang buhok niya at may mayabang na ekspresyon siya. Mayroon
Biglang tumigil agad ang kanilang malakas na atake!Nabigla silang dalawa sa biglaang pambihirang lakas sa kanilang pulso at nalaman nila na hindi nila kayang iabante o iatras ang kanilang suntok. Napagtanto agad nila na nakatagpo nila ang isang makapangyarihang master ngayong araw!Tumingin agad sila sa isa’t isa at nakita nila ang takot sa mga mata nila. Pagkatapos, sumenyas sila gamit ang tingin nila, at sa parehong oras, nilabas nila ang kanilang lakas, sinubukan nilang kumawala sa hawak ni Charlie.Sa kasamaang-palad, kahit anong pilit nila, hindi nila mahila ang kanilang kanang kamay nang kahit kaunti!Si Charlie, sa kabilang dako, ay naglabas ng ngiti sa kanyang mukha habang nakatingin sa kanila at sinabi sa naiintrigang tono, “Kayo, medyo marahas ang mga atake niyo… paano niyo nagawang atakihin ang mga ribs ko sa unang kilos niyo!? Hindi ba kayo natatakot na mapapatay niyo ako?”Habang natataranta, nanginig sila, at sinabi ng isa, “Gusto… Gusto lang namin subukan ang lakas
“Ito Yahiko?”Bahagyang kumunor ang mga kilay ni Charlie nang marinig niya ang pangalan. Nilinaw niya kay Hiroshi, “Ano ang relasyon niya kay Nanako?”Sumagot nang mabilis si Hiroshi, “Si Ito-san ang ama ni Nanako-san.”Pagkatapos, biglang natauhan si Charlie. Wala siyang masyadong alam sa pamilya Ito. Ang kilala niya lang ay si Nanako.Nang marinig niya na ama ni Nanako ang Japanese na lalaki na may slicked-back na buhok, medyo lumuwag ang kanyang kilos.Pagkatapos, tumingin siya kay Yahiko at sinabi nang payak, “Para sa anak na babae mo, hindi ako magiging malupit sa iyo. Dahil hindi ka miyembro ng pamilya Kobayashi, hindi kita kailangan dito. Kunin mo ang mga tauhan mo at umalis ka na.”Nagalit si Yahiko nang marinig ang sinabi ni Charlie. Bilang pinuno ng pamilya Ito, kailanman ay hindi pa siya tinrato nang may sobrang panghahamak! Bukod dito, sobrang hambot at yabang ng binatang ito! Anong ibig sabihin niya na siya ang mas mataas na tao at para sa anak niya? Sumosobra na siy
Sinumbat nang galit ni Masayoshi, “Gusto mong i-monopolize ang kumpanya, iyon ang dahilan kung bakit mo pinatay ang iyong ama!”Pumadyak si Ichiro sa pagkabalisa at sumigaw, “Kobayashi Masayoshi, tanga ka ba? Sinabi mo na gusto kong patayin ang ama ko dahil gusto kong makuha ang Kobayashi Pharma, pero buksan mo ang mga mata mo at tingnan mo! Nakuha ko ba ang kumpanya? Sino ang naging bagong chairman ng Kobayashi Pharma pagkatapos mamatay ng aking ama?”Pagkatapos nito, tumingin ang lahat sa isa’t isa, tila ba may napagtanto na sila.Tama si Ichiro!Pagkatapos mamatay ni Kobayashi Masao, si Kobayashi Jiro, ang kapatid ni Ichiro, ang nagmana ng chairmanship.Bukod dito, naglabas ng maraming pera si Jiro para ipapatay si Ichiro.Hindi ba’t masyadong tanga kung si Ichiro ang nagplano nito? Hindi lang na wala siyang nakuhang benepisyo dito, ngunit binigay niya rin ang posisyon na chairman sa iba, at ang pinakamalala, gusto siyang ipapatay ng bagong chairman.Sa puntong ito, napagtant
Sa sandaling ito, puno ng hindi pagsang-ayon at sama ng loob ang puso ni Masayoshi.Hindi madali para sa kanya na maging acting chairman. At, nang siya na ang mamumuno sa buong Kobayashi Pharma, ginising siya sa kanyang matamis na panaginip ng kalupitan ng realidad!Kaya, nagngalit siya sa pagkabalisa at sinabi, “Kobayashi Ichiro! Hindi ka pa nalilinis sa lahat ng kaso tungkol sa pagkamatay ng iyong ama! Kahit na ni-record ni Jiro ang video na iyan, hindi nito pinapatunayan na siya ang pumatay! Posible na kinidnap mo siya at pinilit mo siyang sabihin ang nasa video!”Pagkatapos, humarap siya sa mga tao, balak gatungan ang problema, “Tama ba ako, mga ginoo?”Tumagno ang lahat sa pagsang-ayon.Nang makita niya na nasa kanya ang suporta, nagalabas ng mayabang na ngisi si Masayoshi sa kanyang mukha at sinbabi, “Dapat natin itong ipadala ang problema sa pulis para maimbestigahan. Kapag sinabi ng pulis na malinis ka na sa lahat ng kaso, ibibigay namin ang ownership ng kumpanya sa iyo, p
Ngumisi si Charlie at tinanong, “Gano’n ba, Ito? May itatanong ako, ano ang posisyon ni Kobayashi Masayoshi sa kumpanyang ito? May karapatan ba siyang pirmahan ang panukala na ito?”Suminghal si Yahiko at sinabi, “Siya ang proxy para sa Kobayashi Pharma, kaya siguradong may karapatan siyang pirmahan ang financing agreement!”Sinabi ni Charlie sa panghahamak, “Tigilan mo na ang pagsasabi ng kalokohan; sino ang nagbigay sa kanya ng titulo na ito? O siya lang ang tumawag sa sarili niya na proxy? Anong punto nito? Ang kabuuang share ng Kobayashi Pharma ay pagmamay-ari ni Kobayashi Masao, at dahil pumanaw na si Kobayashi Masao, ang mga share na iyon ay pagmamay-ari na nina Kobayashi Ichiro at Kobayashi Jiro. Ngayong nawawala na si Jiro, sa huli ay pagmamay-ari na ni Kobayashi Jiro ang mga shares. Sino ba si Kobayashi Masayoshi para gumawa ng desisyon sa ngalan ni Kobayashi Ichiro na ibenta ang 30$ ng shares sa iyo?”Pinulot ni Yahiko ang pinirmahang kontrata sa galit at sinabi nang galit
“Walang refund kahit na anong mangyari?!!”Nang marinig ito, nagalit nang sobra si Yahiko, at para bang sasabog na ang kanyang makinang na ulo.Dinakma niya ang kanyang dibdib sa pagkabalisa, pagkatapos ay tinuro si Charlie at sumigaw, “Sinabi mo na ang lahat ay dapat ayon sa batas. Nagpadala ako ng 45 billion dollars sa account ng Kobayashi Pharma, kaya, dapat ipadala mo sa akin ang shares o i-refund mo ako. Ang lakas ng loob mong kunin ang pera ko at hindi ito ibalik?!”Tumango si Charlie, pagkatapos ay sumagot nang kalmado.“Tama ka. Kinuha ko ang pera mo. Napadala na ang pera sa bulsa ko; kaya, may karapatan akong magdesisyon. Saan kayo ako magtatago kung ire-refund ko ang pera sa utos mo?”“Ikaw… Ikaw…”Nakaramdam si Yahiko ng matalas na saksak sa kanyang dibdib.Sa buong buhay niya, hindi pa siya nakakakita ng tao na kasing walang hiya ni Charlie.Pagkatapos ay sinabi niya, “Hindi ako naniniwala sa iyo. Sa laki ng 45 billion dollars, sa tingin mo ba ay madali mo itong mal
Napagtanto ni Charlie na matalino at mapagmasid na tao si Tanaka. Naging mahinahon na ang ekspresyon niya, at sinabi ni Charlie, “Tanaka, ibigay mo sa akin ang contact number mo para matawagan kita kung sakali.”Nang walang pag-aatubili, nilabas ni Tanaka ang kanyang name card at ipinasa ito nang magalang kay Charlie.“Mr. Wade, ito ang name card ko.”Tumango si Charlie, kinuha ang card, at nilagay ito sa kanyang bulsa.Yumuko siya kay Charlie. “Mr. Wade, mauuna na ako,” sinabi niya, bago lumabas sa meeting room.Ang dalawang bodyguard ni Yahiko ay parang dalawang warrior na may baling kamay, hawak-hawak ang kanilang mga kamay at magulong tumatakbo. Naging tahimik nang husto ang meeting room.Kinakabahan ang lahat habang nakatingin sila kina Charlie at Ichiro, hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila.Nilinis ni Ichiro ang kanyang lalamunan at sinabi, “May sasabihin ako sayo, Ako, bilang legal na tagapagmana ng Kobayashi Pharma, ay may ganap na karapatan sa kumpanyang
Habang nagsasalita siya, ngumisi siya, “Pero walang saysay na sabihin mo ito sa akin. Ang gusto ko lang ay ang singsing sa kamay mo! Kaya kitang bigyan ng mabilis at walang sakit na kamatayan kung ibibigay mo ang singsing!”Hindi siya pinansin ni Charlie, humagikgik, at sinabi, “Dalawampung taon na akong nabuhay sa pangangalaga ng iba sa aurous Hill. Kahit na mahirap at nakakapagod ang buhay, kahit kailan ay hindi ako pumunta sa mga Wade o Acker. Alam mo ba kung bakit?”Kumunot ang noo ni Mr. Chardon at tinanong, “Bakit?”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Natural dahil kinamumuhian ko sila! Kahit ngayon, hindi ko sila kayang patawarin para sa pagtataksil at pag-abandona nila sa mga magulang ko dati.”Tinanong ni Mr. Chardon, “Bakit mo sila niligtas nang paulit-ulit kung kinamumuhian mo sila?”Sinabi nang nakangiti ni Charlie, “Nagkataon lang na naligtas ko sila. Alam mo rin siguro na concert ni Quinn Golding sa oras na iyon sa New York. Pumunta ang mga Acker sa concert na iyon, at
Sa una ay akala ni Mr. Chardon na ipinapakita ni Charlie ang kanyang gitnang daliri para galitin siya, pero biglang lumiit ang mga mata niya nang makita niya ang singsing.Kahit hindi niya pa nakikita ang singsing na ito gaimt ang sarili niyang mga mata, inilarawan ito nang detalyado ng British Lord. Ayon sa British Lord, ang singsing ay kulay tanso na may magandang kinang at walang disenyo. Ang singsing ay halos 0.66 centimeter ang laki, at ang laki ng singsing ay sakto sa isang karaniwang daliri ng lalaki na nasa hustong gulang.Perpekto ang lahat ng detalye na ito sa singsing sa daliri ni Charlie. Bukod dito, nagkusa si Merlin na banggitin si Vera at ang singsing, kaya naisip ni Mr. Chardon na ang singsing na ito ay ang kayamanan na matagal nang inaasam ng British Lord.Binanggit ng British Lord na may malaking mistero na nakatago sa loob ng singsing, at hindi lang nito palalakasin ang cultivation ng isang tao kung mabubuksan ang misteryo, ngunit bibigyan din nito ng imortalidad
Hindi mapigilan ni Lord Acker na mapaiyak habang nakatingin siya kay Charlie, na lumabo na ang hitsura nang ganap sa paningin niya. Humikbi siya at tinanong nang emosyonal, “Charlie, ikaw ba talaga ito?”Lumuluha na rin ang tatlong tito at ang tita niya ngayon. Hinding-hindi nila inaakala na si Charlie, na dalawampung taon nilang hinahanap, ay kusang lilitaw sa harap nila. Ang mas hindi kapani-paniwala pa ay ang Charlie na hinahanap nila sa nakaraang dalawang dekada ay ang benefactor na nagligtas sa mga Acker kailan lang!May kumplikadong emosyon si Charlie nang makita ang mga miyembro ng pamilya Acker na umiiyak. Natural na inisip niya na mga kamag-anak niya ang mga Acker, at mas makapal ang dugo kaysa sa tubig. Ito ang dahilan kung bakit paulit-ulit niyang niligtas ang mga Acker sa panganib.Pero, may hindi mapapatawad na sama ng loob si Charlie sa mga Acker, tulad sa mga Wade.Masama ang loob niya sa mga Wade dahil pinilit ng mg Wade na umalis ang mga magulang niya sa Eastcliff
Walang nag-aakala na sa kalagitnaan ng sitwasyon kung saan pinatay ang mga bodyguard ng mga Acker at nakakalat ang mga bangkay nila, may maglalakas-loob pa rin na pumasok sa pinto na iyon!”Si Mr. Chardon, na sobrang yabang, ay sumabog agad sa galit nang marinig ang mapanuyang boses. Tumalikod siya, sabik makita kung sino ang mapangahas na gago na naglakas-loob na tawagin siyang alalay!Agad nakilala ni Merlin at ng mga miyembro ng pamilya Acker ang pamilyar na boses na ito. Alam ni Merlin na si Charlie ang dumating, at alam ng mga Acker na ito ang benefactor nila.Kahit na nakilala nila ang boses ni Charlie, ibang-iba ang emosyon nila.Matagal nang inaasahan ni Merlin na darating si Charlie, at iniisip niya pa, ‘Charlie, oh Charlie, sa wakas ay nagpasya ka nang magpakita! Kung nahuli ka ng ilang segundo, nawala na ang buhay ko dito…”Para naman sa mga miyembro ng pamilya Acker, sa sandaling ito, ang iniisip lang nila ay maligtas sa isang kritikal na sandali at mabuhay sa isang kr
Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng Reiki, walang duda na ang pananatili at ang pag-cultivate dito ay magkakaroon ng dobleng resulta gamit ang kalahating pagsisikap!Sabik na sabik siya at tinuro ang kanyang kahoy na ispada sa mga tao habang sinabi nang malamig, “Walang sasagot sa akin, tama? Dahil walang sasagot sa akin, pipili na lang ako ng isang tao at puputulan siya ng ulo bilang isang halimbawa!”Pagkatapos itong sabihin, napansin niya si Lulu, na may maayos na damit, at ngumisi, “Si Lulu Acker siguro ang binibini na ito, ang second young lady ng mga Acker, tama?”Tinanong nang maingat ni Lulu, “Anong kailangan mo?”Ngumisi si Mr. Chardon, “Gusto kong turuan ng leksyon ang mga magulang at kuya mo. Ang leksyon na ito ay tinatawag na ‘Ang epekto ng kawalan ng kooperasyon’.”Pagkatapos itong sabihin, iwinasiwas niya aga ang kanyang kahoy na ispada, at agad umatake ang isang invisible na patalim kay Lulu. Nakaramdam si Lulu ng isang bugso ng hangin na papunta sa kanya, at para
Minaliit niya si Mr. Chardon sa mahabang panahon, palaging iniisip na naka-focus lang sa cultivation ang matandang lalaki na ito. Pero, ngayong araw niya lang napagtanto na may malakas na pagnanasa pala ang matandang lalaki na ito sa pagkatay ng tao!Habang naramdaman niya na sobrang lupit ni Mr. Chardon, isang helicopter na lumilipad nang mababa ang lumitaw sa ere, mabilis na lumapit sa Willow Manor!Sa sandaling ito, nakaramdam ng bukol sa lalamunan nila ang mga miyembro ng pamilya Acker nang marinig ang sigawan sa labas. Hindi nila inaasahan na pagkatapos ng krisis nila kailan lang sa New York, mabilis silang susundan ng kabila sa Oskia.Ang pangatlong tito ni Charlie, si Jaxson, ay sinabi nang kinakabahan, “Pa, Ma, natatakot ako na kritikal na sitwasyon ito ngayon. Dapat mauna muna kayong umalis sa pinto sa likod!”Napagtanto rin ni Christian ang sitwasyon at sinabi nang mabilis, “Tama, Pa. Mauna muna kayo ni Mama. Mananatili kami dito at magbabantay!”Suminghal nang malamig s
Sa sandaling ito, naging isang mala-impyernong lugar ng digmaan ang paligid ng villa!May hawak si Mr. Chardon na isang kahoy na ispada na wala pang tatlumpung sentimetro sa kanyang kamay, pero ang invisible na talim nito ay may haba na halos dalawang metro!Ito ang pansamantalang mahiwagang instrumento na ipinagkatiwala ng British Lord kay Mr. Chardon.Kahit na mukhang maikli, maliit, at karaniwan ang kahoy na ispada, sa totoo lang, parang isa itong lightsaber mula sa Star Wars, na may pambihirang saklaw ng atake.Sa lohika ng pelikula na ito, may plasma ang lightsabe mula sa hawakan hanggang sa patalim. Lampas sa konsepto na ito ang kahoy na ispada ni Mr. Chardon. Kaya nitong gawing isang patalim ang Reiki, at kaya niyang kontrolin ang patalim!Ilang bodyguard ang sinubukang palibutan at atakihin si Mr. Chardon, pero kaswal niyang iwinasiwas ang ispada sa hangin gamit lang ang isang kamay. Isang invisible na enerhiya ang mabilis na lumabas sa ispada, tumagos sa dibdib ng mga nas
Ang nag-iisang anak nina Ashley at Curtis, si Charlie, ay naglaho rin dalawampung taon na ang nakalipas.Pakiramdam ng lahat ng tila ba naghahanap sila nang bulag ng dalawampung taon sa buong mundo, at sa sandaling ito, pakiramdam nila na tila ba may sa wakas ay may nakita na sila.Sinabi nang naiinip ni Christian, “Sabihin mo sa amin nang detalyado ang oras ng pagpasok ng labing-anim na tao na ito!”Mabilis na sumagot si Azure, “Sa labing-anim na tao na ito, labing-apat na tao ang pumasok sa dulo ng taglamig sa Pebrero, dalawampung taon na ang nakalipas, at ang dating dean nila, si Killian Caito, ay pumasok sa taglagas ng Nobyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Bukod sa labing-limang tao an ito, ang pinakabagong pumasok ay isang babae na pumasok sa taglamig sa Disyembre, dalawampung taon na ang nakalipas. Magda-dalawampung taon at tatlong buwan na simula ito.”Biglang nagkaroon ng takot na ekspresyon si Lady Acker. Napaiyak siya at humikbi habang sinabi, “Umalis sina Ashley
“Simple lang ito!” Sinabi nang sabik ni Lulu, “Pwede nating suriin ang mga social security file ng dating team! Ang welfare institute ay isang welfare organization na pinopondohan ng gobyerno at ng mga private donation. Bilang isang unit na binabantayan ng publiko, siguradong kumpleto rin ang record ng mga tauhan nila, lalo na kung nasa isang malaking misyon talaga sila, tulad ng sinabi ni Merlin. Kailangan nilang sumunod at maging walang pintas, kung hindi, kung may makakapanasin na may kakaiba sa record ng mga tauhan nila, agad itong gagawa ng pagdududa!”Pinuri ni Merlin, “Sobrang linaw ng pag-iisip ni Lulu. Marahil ay makakuha tayo ng ilang bakas kung makakahanap tayo ng paraan para suriin ang mga personnel record ng dating staff ng Aurous Hill Welfare Institute!”Sinabi ni Kaeden, “Kukuha ako ng tao para suriin agad ito!”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya agad ang kanyang cellphone at tumawag.Maraming taon nang retirado si Keith, at sa mga nagdaang panahon, nabawasan ang