“Walang refund kahit na anong mangyari?!!”Nang marinig ito, nagalit nang sobra si Yahiko, at para bang sasabog na ang kanyang makinang na ulo.Dinakma niya ang kanyang dibdib sa pagkabalisa, pagkatapos ay tinuro si Charlie at sumigaw, “Sinabi mo na ang lahat ay dapat ayon sa batas. Nagpadala ako ng 45 billion dollars sa account ng Kobayashi Pharma, kaya, dapat ipadala mo sa akin ang shares o i-refund mo ako. Ang lakas ng loob mong kunin ang pera ko at hindi ito ibalik?!”Tumango si Charlie, pagkatapos ay sumagot nang kalmado.“Tama ka. Kinuha ko ang pera mo. Napadala na ang pera sa bulsa ko; kaya, may karapatan akong magdesisyon. Saan kayo ako magtatago kung ire-refund ko ang pera sa utos mo?”“Ikaw… Ikaw…”Nakaramdam si Yahiko ng matalas na saksak sa kanyang dibdib.Sa buong buhay niya, hindi pa siya nakakakita ng tao na kasing walang hiya ni Charlie.Pagkatapos ay sinabi niya, “Hindi ako naniniwala sa iyo. Sa laki ng 45 billion dollars, sa tingin mo ba ay madali mo itong mal
Napagtanto ni Charlie na matalino at mapagmasid na tao si Tanaka. Naging mahinahon na ang ekspresyon niya, at sinabi ni Charlie, “Tanaka, ibigay mo sa akin ang contact number mo para matawagan kita kung sakali.”Nang walang pag-aatubili, nilabas ni Tanaka ang kanyang name card at ipinasa ito nang magalang kay Charlie.“Mr. Wade, ito ang name card ko.”Tumango si Charlie, kinuha ang card, at nilagay ito sa kanyang bulsa.Yumuko siya kay Charlie. “Mr. Wade, mauuna na ako,” sinabi niya, bago lumabas sa meeting room.Ang dalawang bodyguard ni Yahiko ay parang dalawang warrior na may baling kamay, hawak-hawak ang kanilang mga kamay at magulong tumatakbo. Naging tahimik nang husto ang meeting room.Kinakabahan ang lahat habang nakatingin sila kina Charlie at Ichiro, hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila.Nilinis ni Ichiro ang kanyang lalamunan at sinabi, “May sasabihin ako sayo, Ako, bilang legal na tagapagmana ng Kobayashi Pharma, ay may ganap na karapatan sa kumpanyang
Kung iisipin, ang Japan, bilang isang maunlad na bansa, ay maraming maunlad at marangyang sektor.Gayunpaman, bukod sa Western medicine, halos lahat ng natitirang linya nila ay kinopya mula sa Oskian medicine.Ang Kobayashi Pharma, Ottasan Pharma, at Dapeng Pharma ay mga tipikal na korporasyon na kumokopya sa Oskian medicine at sinaunang Oskian medicine.Halimbawa, and Dapeng Pharma, ay naglabas dati ng Oskian medicated na slimming granule, na ang pangalan ay kaugnay sa henyong sinaunang Oskian doctor, si Quinton Burns.Dito, makikita na wala talaga masyadong ambag ang mga Japanese pharmaceutical company sa mga Oskian prescription, at karamihan sa kanila ay ninakaw o lantarang kinopya ang mga ito.Iyon ang dahilan kung bakit kaya balewalain ni Charlie ang R&D department nang walang pag-aatubili.Sinong kailangan ng prescription na ginawa ng R&D department ng Kobayashi Pharma kung mas mabisa nang sobra ang mahiwagang prescription ng nakasulat sa Apocalyptic Book kaysa sa kanila?
Nabalisa nang sobra si Makawa nang maisip niya ito. Umiyak agad siya at nagmakaawa.“Mr. Wade, nang may buong paggalang, itinuturing na isang talentadong tao ako sa biopharmaceutical industry. Kung tatanggalin mo ako, malaki ang mawawala sa iyo. Nagmamakaawa ako; mangyaring hayaan mong manatili ako dito. Magsisikap ako nang sobra para sa iyo!”Sumagot nang kalmado si Charlie, “Ngayong nagmamakaawa ka. Mukhang huli na ang lahat. Dapat tapusin mo na ang mga resignation procedure ngayong araw. Kung hindi, puwersahang tatapusin ng kumpanya ang kontrata namin sa iyo.”Pagkatapos, tumingin si Charlie kay Isaac at sinabi, “Ilabas mo na siya dito.”Tumango si Isaac at umabante agad. Hinawakan niya ang kwelyo ni Makawa, para bang hawak-hawak niya ang leeg ng isang manok at hinila siya palabas.Dahil sa nangyari, sa wakas ay napansin na ng lahat sa meeting room kung gaano kaseryoso ang sitwasyon.Natanggap na ni Charlie ang mga shares na ipinadala ni Ichiro. Siya na ang bagong boss ng Koba
Nakaupo si Yahiko sa kanyang kotse at nagmumura nang walang tigil.Ito ang unang pagkakataon na napahiya siya nang ganito.Bilang pinuno ng pamilya Ito, paano siya pinahiya ng isang binatang galing sa Oskia? Hindi niya nakalimutan kung paano rin tinalo ni Charlie ang mga bodyguard niya. Ang parehong Charlie na tumanggi ibalik ang kanyang 45 billion USD na ipinadala niya sa Kobayashi Pharma?45 billion dollars iyon!Katumbas nito ang 300 billion RMB, malaking pera ito sa kahit sino, at kahit ang mga sobrang yaman na tao ay hindi matatanggap na mawalan ng ganito kalaking pera nang walang katanggap-tanggap na rason.Kaya, nagngalit si ito at sinumpa, “Nangangako ako na hindi ako karapat-dapat na maging lalaki, kung hindi ako makakapaghiganti! Hindi ko lang gusto maibalik ang lahat ng pera ko, ngunit gusto kong mamatay ang binatang ito sa Japan!”So Tanakla, na nakaupo sa tabi niya, ay sumagot nang nagmamadali, “Chairman, makabagbag-damdamin si Mr. Wade. Mangyaring pag-isipan mo ito
Hindi lamang ang pamilya Ito ang top financial magnate sa Japan, ngunit makapangyarihan din ito sa mundo ng underground sa Japan.May tatlong maimpluwensyang organisasyon sa underground.Ang Yamaguchi Group ang nasa una habang ang pamilya Ito ang pangalawa.Ang mundo ng underground ay isang malupit na lugar kung saan pinagsasamantalahan ng mga pinakamalakas ang mga mahihina. Para mabuhay doon, kailangan mo ng malakas na posisyon.Sa mga tao sa mundo ng underground, hindi nila ginusto na maging malupit, at napilitan lang silang kumilos nang ganito ayon sa survival of the fittest sa underground.Kung pamilyar ka sa kultura kung saan maghihiganti ka sa mga nang-api sayo, walang mangangahas na kalabanin ka balang araw.Pero kapag sinaktan ka nang isang beses at pinili mong dumaan sa mahirap na daan kaysa lumaban, siguradong aapihin ka ng underground.Bukod dito, may mahalagang tuntunin sa underground: wala dapat humingi ng tulong sa labas para lutasin ang problema nila.Kung hihing
Mukhang malungkot si Yahiko sa tuwing iniisip niya ang potensyal na partnership sa pamilya Schulz.Sa kotse, bumuntong hininga siya at sinabi, “Tanaka, isang dekada nang hindi umuunlad ang ekonomiya ng Japan. Hindi lang ang pamilya natin ngunit ang mga kayamanan ng ilang prestihiyosong pamilya ay naapektuhan at lumiit din. At saka, ang mga tagapagmana natin ay hindi kasing galing natin…”Tinanong nang nagmamadali ni Tanaka, “Chairman, dati, ang Japan ang pinaka maunlad na bansa sa buong mundo nang ilang dekada simula noong world war. Bakit hindi ito nakahabol sa nakaraang sampung taon?”Sumagot nang nagsisisi si Yahiko.“Maraming dahilan sa pagbagal ng ekonomiya natin. Una, may limitadong supply ng natural resources at lupa sa Japan. Pangalawa, walang pambihirang tagumpay na nakamit ang Japanese information technology industry sa mga nagdaang panahon.”Emosyonal na nagpatuloy si Yahiko, “Tingnan mo, tapos na ang mga taon kung saan maraming sektor sa Japan ang nasa rurok ng mundo.
Bilang top financial magnate ng Japan, unti-unting nawawalan ng kapit ang pamilya Ito sa ekonomiya ng bansa.Ganito rin ang problema ng isa pang malaking pamilya sa Japan, ang pamilya Takahashi.Aktibong naghahanap ng pag-unlad ang dalawang pamilya. Kaya, nilagay nila ang lahat ng pag-asa nila sa mga top family sa China.Bilang top family sa China, lumawak nang sobra ang impluwensya ng pamilya Schulz sa mga nagdaang taon at habang umuunlad nang mabilis ang China, mas lumalakas din ang pamilya Schulz.Ang pangunahing focus ng pamilya Schulz sa mga nagdaang taon ay ang pagpapanatili at pagpapatatag ng domestic market. Sa nakaraang dalawang taon, itinuon nila ang kanilang atensyon sa overseas market pagkatapos i-secure ang posisyon nila bilang top conglomerate sa China.Bilang resulta, maraming Japanese na pamilya at tycoon ang sabik na magkaroon ng kolaborasyon sa pamilya Schulz.Sa nakaraang sampung taon, patuloy na umunlad ang import at export trade sa China. Lumago ang demand, a
Kahit na palihim na hinahangad ni Charlie ang Thunderstrike wood ni Vera, nag-atubili siyang hingin ito nang lantaran. Dahil, pinahahalagahan ni Vera ang bagay na ito na mahigit tatlong daang taon, at siguradong napakahalaga nito sa kanya. Pero, alam ni Charlie na hindi niya kailangan mabalisa nang sobra.Sa kasalukuyang sitwasyon, kahit na ibigay sa kanya ni Vera ang Thunderstrike wood, hindi niya ito malilinang.Kaya, tumingin si Charlie kay Vera at tinanong ang isang tanong na nagpausisa sa kanya, “Miss Lavor, sobrang interesado akong malaman kung paano mo pinalampasa ang tatlong daang taon na ito?”Nagkibit balikat si Vera at tumawa na parang sinisisi ang sarili niya, “Hindi ako magaling sa Reiki tulad ni Fleurr, kaya hindi ko kayang makipaglaban sa kanya. Sa nagdaang tatlong daang taon, palagi akong tumatakbo.”Pagkatapos itong sabihin, nagpatuloy si Vera, “Medyo ayos lang ang unang dalawang daang taon. Sa oras na iyon, hindi madali ang transportasyon, at hindi pa maunlad ang
Tumawa si Charlie na parang sinisisi ang sarili niya at tumango habang sinabi, “Wala man lang pala para sa Diyos ang mabuhay ng isang libong taon. Hindi ito karapat-dapat para magpadala siya ng mga kidlat.”Tumango nang bahagya si Vera, “Mukhang gano’n na nga.”Pagkatapos itong sabihin, hindi niya mapigilan na bumuntong hininga, “Pero, may koneksyon nga kayo ni Master Marcius Stark. Kahit na pumanaw na si Master Marcius Stark ng mahigit tatlong daang taon noong ipinanganak ka, may ugnayan ka pa rin sa kanya sa unang limang daang taon na buhay niya at ang pangalawang limang daang taon na buhay niya…”Sa puntong ito, biglang tinanong nang mausisa ni Vera, “Maaari ko bang itanong, paano ka nagsimulang mag-cultivate, Young Master? Sino ang marangal na nakatatanda na gumabay sayo at nagpasok sayo sa cultivation?”Nang makita ni Charlie na sinabi na ni Vera ang lahat ng nakaraan at sikreto niya, hindi na niya itinago ang kahit ano at sinabi, “Nagkataon na may nakuha akong isang sinaunang
Nabigla si Vera sa pangalan na sinabi ni Charlie.Si Charlie ang tuloy-tuloy na nagulat ngayong gabi, habang nanatili siyang kalmado mula sa umpisa kahit na medyo malungkot siya habang pinag-uusapan ang kanyang ama. Pero, nang binanggit ni Charlie ang mga salitang ‘Marcius Stark’, biglang nagulat nang sobra si Vera!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Paano mo nalaman ang totoong pangalan ng master?! Mahigit tatlong daang taon na simula noong pumanaw siya, at nag-cultivate siya sa seklusyon sa Mount Tason ng sa loob ng isang libong taon noong buhay pa siya. Sobrang kaunting tao lang ang may alam tungkol sa kanya kahit noong buhay pa siya…”Hindi mapigilan ni Charlie na bumuntong hininga at sabihin, “Marcius Stark, na ang orihinal na pangalan ay Martin, ay ipinanganak sa Coleham. Pagkatapos mag-cultivate, tinawag siyang Longevity Master at binago ang pangalan niya na Marcius Stark.”Mas lalong nagulat si Vera, “Young Master, paano mo nalaman ang napakaraming impormasyon tungkol sa ma
“Sa sumunod na dalawang taon, kumuha ang aking ama at si Fleur ng mga determinadong makabayan na gustong ibalik ang bansa natin. Patuloy silang nakipaglaban sa Qing army, pero dahil sa limitadong lakas nila, hindi nila nabago ang unti-unting pagsasama-sama ng Qing army.”“Sa taong 1662, ang tanyag na traydor, si Sanguine, ay pinatay ang hari ng Yorkshire Hill. Napuno ng lungkot ang aking ama at nagdalamhati siya nang sobra. Nakipagtulungan siya kay Fleur at pinangunahan ang mga makatarungan na tao mula sa Qing Eliminating Society para patayin si Sanguine. Sa kasamaang palad, nabigo ang misyon nila.”“Ang aking ama at si Fleur ay hinabol ng sampu-sampung libong sundao mula sa Qing army, at dahil nasa ilalim na ng kontrol ng Qing army ang mga rehiyon sa loob ng bansa, nagpasya silang tumakas sa Taiwan at magtago doon para patuloy na labanan ang Qing army. Sa hindi-inaasahan, hindi matagal pagkatapos nilang umalis, dumating ang balita na biglang pumanaw ang leader ng Taiwan. Dahil wala
Nang marinig niya ang pangalan na ‘Fleur Wiley’, lumaki ang mga mata ni Charlie sa gulat at tinanong, “Babae ang leader ng Qing Eliminating Society?”Tumango si Vera, nagngalit, at sinabi, “Hindi lang siya isang babae, ngunit siya ang pinakamalupit na babae sa buong mundo!”Tinanong ni Charlie sa sorpresa, “Kung siya ang kapatid ng sinumpaang kapatid ng iyong ama, hindi ba’t nabubuhay na rin siya ng tatlo o apat na raang taon?”Nag-isip saglit si Vera at sinabi, “Isang taon na mas bata si Felur sa ama ko, at dalawampu’t tatlong taon na mas matanda siya kaysa sa akin. Apat na raang taon na siya ngayon.”Sinabi ni Charlie, “Uminom din siguro siya ng Eternal Pill, tama?”“Syempre,” sinabi nang emosyonal ni Vera, “Ang Eternal Pill ay binigay sa ama ko at kay Fleur ng kanilang master. Sa una ay nag-iwan siya ng tig-isang pill sa kanila, umaasa na maipagpapatuloy nila ang layunin na pabagsakin ang Qing Dynasty. Bukod sa tig-isang Eternal Pill, ipinagkatiwala rin ng master nila sa ama ko
“Mabilis kong pinahiga nang pansamantala ang aking ama, at binigyan niya ako ng isang hindi kilalang pill, inutusan ako na inumin ito nang masunurin nang hindi nagtatanong.”“Hindi ko alam ang mga epekto ng pill na ito, pero hindi ko kayang suwayin ang utos ng aking ama. Kaya, ininom ko ang pill. Pagkatapos ko itong inumin, sinabi sa akin ng ama ko kung anong pill ito at ang mga epekto nito.”Habang nagsasalita siya, namula ang mga mata niya, at sinabi niya sa malambot na boses, “Para naman sa kung bakit hindi ito ininom ng aking ama at binigay ang Eternal Pill sa akin, sinabi niya na ito ay dahil ayaw niyang makita ang araw nang siya, bilang ama, ay kailangan akong panoorin na tumanda at mamatay nang unti-unti sa harap niya. Sinabi rin ng ama ko na kung may pill na kayang hayaan ang isang ama na mabuhay para panoorin ang kanyang anak na babae na unti-unting tumanda at mamatay, hindi isang elixir ang pill na iyon ngunit isang lason.”‘Sinabi ng ama ko na kailangan niyang mamatay bag
Humagikgik si Vera, itinupi ang mga kamay niya nang matiwasay sa isang bahagi ng kanyang baywang, at yumuko nang bahagya kay Charlie. Sinabi niya nang magalang, “Young Master, hindi mo ako kailangan maging magalang nang sobra sa akin. Tawagin mo na lang ako na Vera.”Sinabi nang tapat ni Charlie, “Hindi, halos 400 years old ka na, kaya dapat kitang tawagin bilang nakakatanda ko…”Ngumiti si Vera at sinabi nang seryoso, “Sa pananaw ko, isa lang akong babae na hindi lumaki, hindi isang imortal at matandang mangkukulam. Kahit na halos apat na raang taon na talaga ako nabubuhay, pakiramdam ko na tila ba 17 years old lang ako…”“Ah…” Nalaman ni Charlie na hindi akma ang sitwasyon niya, na may dalawang magkasalungat na boses na nagtatalo sa isipan niya.Sinabi ng isang boses, “Tama siya. Kahit na halos apat na raang taon na siyang nabubuhay, noon pa man ay 17 o 18 years old lang siya.”Sinabi ng isang boses, “Pero halos 400 years old na siya ngayon! Anong ibig sabihin ng 400 years old?!
Nang maglaho ang katawan ni Vera sa itaas ng bundok, agad bumalik ang kamalayan ni Charlie sa realidad mula sa kailaliman ng mga bundok sa timog ng Yorkshire Hill.Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, naniwala na siya nang buo sa mga sinabi ni Vera. Naniniwala siya na ang babaeng ito ay nabubuhay na mula tatlong daang taon na ang nakalipas hanggang ngayon. Sa sandaling ito, sa wakas ay napagtanto na niya kung bakit palagi niyang nararamdaman na kahanga-hanga si Vera kahit na hindi niya maintindihan kung ano ang mayroon sa kanya.Sa edad na 17 o 18, bihasa na siya sa halos mala-diyos na sining ng panghuhula, na kahit ang isang katulad ni Chandler, na 100 years old, ay hindi na-master.Sa 17 o 18, walang tigil siyang hinabol ng Qing Eliminating Society. Kung limang taon na siya hinabol ng Qing Eliminating Society, hindi ba’t nakikipagtagisan ng talas ng isip na siya sa kanila noong 12 years old pa lang siya?Bukod dito, sa edad na 17 o 18, misteryoso siyang lumitaw sa Aurous
Tinanong ni Charlie si Vera nang hindi namamalayan, “Ipininta mo ba ang painting na ito?”Tumango si Vera at sinbi, “Ipininta ko ito ilang araw na ang nakalipas. Ipininta ko ito para sayo, Young Master.”Hindi maiwasang mamangha ni Charlie. Hindi niya inaasahan na may pambihirang galing si Vera sa pagpipinta. Kailan lang, sinabi ng biyenan na lalaki niya na may isang art exhibition na isasagawa ng Calligraphy and Painting Association, at nahihirapan siyang makahanap ng mga magagandang likha. Kung dadalhin ni Charlie ang painting na ito doon, marahil ay gumawa ito ng kaguluhan sa mga landscape painter sa buong bansa!Biglang sinunggaban ni Vera nang kanang kamay ni Charlie, na may singsing, at pinagsama ang daliri nila. Pagkatapos ay sinabi niya nang may umaasang ekspresyon, “Young Master, maaari ko bang imungkahi na dalhin ka para makita ang hitsura nito gamit ang sarili mong mga mata noong tatlong daang taon na ang nakalipas?”Pagkasabi nito, ang singsing, na nanatiling tahimik ka