Nakaupo si Yahiko sa kanyang kotse at nagmumura nang walang tigil.Ito ang unang pagkakataon na napahiya siya nang ganito.Bilang pinuno ng pamilya Ito, paano siya pinahiya ng isang binatang galing sa Oskia? Hindi niya nakalimutan kung paano rin tinalo ni Charlie ang mga bodyguard niya. Ang parehong Charlie na tumanggi ibalik ang kanyang 45 billion USD na ipinadala niya sa Kobayashi Pharma?45 billion dollars iyon!Katumbas nito ang 300 billion RMB, malaking pera ito sa kahit sino, at kahit ang mga sobrang yaman na tao ay hindi matatanggap na mawalan ng ganito kalaking pera nang walang katanggap-tanggap na rason.Kaya, nagngalit si ito at sinumpa, “Nangangako ako na hindi ako karapat-dapat na maging lalaki, kung hindi ako makakapaghiganti! Hindi ko lang gusto maibalik ang lahat ng pera ko, ngunit gusto kong mamatay ang binatang ito sa Japan!”So Tanakla, na nakaupo sa tabi niya, ay sumagot nang nagmamadali, “Chairman, makabagbag-damdamin si Mr. Wade. Mangyaring pag-isipan mo ito
Hindi lamang ang pamilya Ito ang top financial magnate sa Japan, ngunit makapangyarihan din ito sa mundo ng underground sa Japan.May tatlong maimpluwensyang organisasyon sa underground.Ang Yamaguchi Group ang nasa una habang ang pamilya Ito ang pangalawa.Ang mundo ng underground ay isang malupit na lugar kung saan pinagsasamantalahan ng mga pinakamalakas ang mga mahihina. Para mabuhay doon, kailangan mo ng malakas na posisyon.Sa mga tao sa mundo ng underground, hindi nila ginusto na maging malupit, at napilitan lang silang kumilos nang ganito ayon sa survival of the fittest sa underground.Kung pamilyar ka sa kultura kung saan maghihiganti ka sa mga nang-api sayo, walang mangangahas na kalabanin ka balang araw.Pero kapag sinaktan ka nang isang beses at pinili mong dumaan sa mahirap na daan kaysa lumaban, siguradong aapihin ka ng underground.Bukod dito, may mahalagang tuntunin sa underground: wala dapat humingi ng tulong sa labas para lutasin ang problema nila.Kung hihing
Mukhang malungkot si Yahiko sa tuwing iniisip niya ang potensyal na partnership sa pamilya Schulz.Sa kotse, bumuntong hininga siya at sinabi, “Tanaka, isang dekada nang hindi umuunlad ang ekonomiya ng Japan. Hindi lang ang pamilya natin ngunit ang mga kayamanan ng ilang prestihiyosong pamilya ay naapektuhan at lumiit din. At saka, ang mga tagapagmana natin ay hindi kasing galing natin…”Tinanong nang nagmamadali ni Tanaka, “Chairman, dati, ang Japan ang pinaka maunlad na bansa sa buong mundo nang ilang dekada simula noong world war. Bakit hindi ito nakahabol sa nakaraang sampung taon?”Sumagot nang nagsisisi si Yahiko.“Maraming dahilan sa pagbagal ng ekonomiya natin. Una, may limitadong supply ng natural resources at lupa sa Japan. Pangalawa, walang pambihirang tagumpay na nakamit ang Japanese information technology industry sa mga nagdaang panahon.”Emosyonal na nagpatuloy si Yahiko, “Tingnan mo, tapos na ang mga taon kung saan maraming sektor sa Japan ang nasa rurok ng mundo.
Bilang top financial magnate ng Japan, unti-unting nawawalan ng kapit ang pamilya Ito sa ekonomiya ng bansa.Ganito rin ang problema ng isa pang malaking pamilya sa Japan, ang pamilya Takahashi.Aktibong naghahanap ng pag-unlad ang dalawang pamilya. Kaya, nilagay nila ang lahat ng pag-asa nila sa mga top family sa China.Bilang top family sa China, lumawak nang sobra ang impluwensya ng pamilya Schulz sa mga nagdaang taon at habang umuunlad nang mabilis ang China, mas lumalakas din ang pamilya Schulz.Ang pangunahing focus ng pamilya Schulz sa mga nagdaang taon ay ang pagpapanatili at pagpapatatag ng domestic market. Sa nakaraang dalawang taon, itinuon nila ang kanilang atensyon sa overseas market pagkatapos i-secure ang posisyon nila bilang top conglomerate sa China.Bilang resulta, maraming Japanese na pamilya at tycoon ang sabik na magkaroon ng kolaborasyon sa pamilya Schulz.Sa nakaraang sampung taon, patuloy na umunlad ang import at export trade sa China. Lumago ang demand, a
Sa hapon, tinanggal nang napakadali ni Charlie ang halos kalahati ng buong staff na nagtatrabaho sa Kobayashi Pharma.Sa una ay iniisip ng mga tao mula sa Kobayashi Pharma na gamitin ito bilang strike upang labanan si Charlie. Pero, hindi nila inaasahan na hindi magiging malambot ang puso ni Charlie. Sa halip, tinanggal niya ang lahat nang direkta nang walang iniiwan na kahit isang tao.Sobrang laking gulo ang ginawa nito sa komunidad ng negosyo sa Japan!Una, walang nag-aakala na ang Kobayashi Pharma, na umuunlad at lumalago nang mabuti, ay biglang magkakaroon ng bagong may-ari. 90% ng shares ng Kobayashi Pharma ay inilipat na sa isang Oskian, at opisyal na naging kumpanya na ito ng Oskia.Pangalawa, walang nag-aakala na pagkatapos maging Oskian company ang Kobayashi Pharma, tatanggalin nito ang mahigit kalahati ng empleyado nito! Sa Japan, bukod sa mga bankruptcy, sobrang kaunting kumpanya lang ang biglang tatanggalin ang napakaraming trabahador nila nang gano’n lang.Lalo na
Tumango nang kuntento si Charlie habang sinabi niya kay Ichiro, “Simula ngayon, kailangan mong makipagtulungan kay Liam para ayusin ang lahat ng production plan para sa Kobayashi Pharma. Gusto kong itigl mo ang lahat ng kasalukuan at dating production ng Kobayashi Pharma, at ang Apothecary Stomach Pill lang ang gagawin mo sa lahat ng production line. Naiintindihan mo ba?”Sumagot nang nagmamadali at tapat si Ichiro, “Huwag kang mag-alala, Mr. Wade. Siguradong ibibigay ko ang lubos na pagtulong ko kay Mr. Weaver!”Sinabi ni Liam kay Charlie sa oras na ito, “Mr. Wade, may napakalakas na production capacity ang Kobayashi Pharma. Kung ang kabuuang gagawin natin ay ang Apothecary Stomach PIll, napakaraming raw materials din ang kakailanganin natin para sa Apothecary Stomach Pill. Dapat nating siguraduhin na handa tayo para dito. Kung hindi, siguradong malilimitahan nang sobra ang production capacity natin kapag kulang ang raw production materials natin.”Tumango si Charlie at sinabi, “Lu
Pagkatapos ibaba ni Graham ang tawag, tinanong nang mausisa ni Aurora na nasa tabi niya, “Pa, anong sinabi ni Master Wade noong tinawagan ka niya?”Si Graham, na nalululong pa rin sa sabik, ay hindi nakawala sa pananabik niya. Kailangan niya ng ilang segundo para huminahon bago sinabi nang sabik, “Aurora! May napakagandang pagkakataon ang pamilya Quinton!”Tinanong ni Aurora sa sorpresa, “Pa, anong klaseng napakagandang pagkakataon ang sinasabi mo?”Sabik na sabik si Graham sa punto na nanginginig pa rin siya nang kaunti habang sinabi, “Si Master… Si Master Wade… nakuha ni Master Wade ang Kobayashi Pharma sa Japan. Sinabi niya na pinili niya ang pamilya Quinton para mag-supply sa kanya ng lahat ng raw halamang gamot at materyales sa hinaharap. Ang taunang demand niya ay halos isang milyong tonelada!”“Jusko!” Napabulalas si Aurora sa paghanga, “Isang milyong tonelada? Nasa dalawang daang libong tonelada lang ang ipinapadala ng pamilya natin sa ngayon kada taon, tama?”“Tama…” Sina
90% ng shares ng Kobayashi Pharma ay inilipat na sa ilalim ng pangalan ng Apothecary Pharmaceutical ngayon.Dahil sobrang importante ng proseso at production work sa Kobayashi Pharma ngayon, hindi makaalis si Charlie sa Tokyo pansamantala. Gusto niyang siguraduhin na ang lahat ng production line ng Kobayashi Pharma ay tagumpay na nabago upang ganap na makagawa ng Apothecary Stomach Pill bago siya umalis sa Japan.Kaya, ang unang production line na kailangan mabago para magawa ang Apothecary Stomach Pill ay ang production base ng Kobayashi Pharma sa Tokyo.Sinabihan ni Charlie si Liam na itala ang lahat ng halamang gamot at materyales na mayroon ang Kobayashi Pharma sa sandaling ito. Pagkatapos, gusto niyang bilangin ni Liam ang lahat ng halamang gamot at materyales na magagamit para gawin ang Apothecary Stomach Pill. Sunod, kailangang kalkulahin ni Liam ang dami ng ibang halamang gamot at materyales na kailangan ayon sa production capacity ng mga production line sa Tokyo.Pagkatapo
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl