Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 131 - Kabanata 140

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 131 - Kabanata 140

5568 Kabanata

Kabanata 131

Isang malutong na tunog ang umalingawngaw!Nabali rin ang gulugod ni Sharon!Isa pa!Ang mag-asawa ay parehong naging quadriplegics!Wala nang pagkakataon na magamot sila!Umabante si Isaac at sinabi nang magalang, “Boss, ang tatlong daang excavator at bulldozer na pinadala ko ay dumating na. Sisirain natin ang buong Elite Vault Enterprise sa isang utos mo lang!”“Mabuti!” Tumango si Charlie at sinabi nang malamig, “Sabihan niyo ang lahat ng manggagawa dito na umalis sa loob ng sampung minuto! Pagkatapos ng sampung minuto, pabagsakin niyo ang lugar na ito na tila ba hindi ito ginawa sa una pa lang!”Huminga nang malalim sina Daniel at Sharon sa sobrang gulat.Ang lahat ng tiyaga nila sa pakikipaglaban at pagtatayo ng gusali, at ito ang kahahantungan?Siguradong tapos na sila. Sila ay buhay na patay na lamang. Kung wala silang pera, sino ang mag-aalaga sa kanila?Walang pakialam si Charlie.Inutusan niya ang lalaki na pindutin ang alarma sa sunog, at agad, ang buong pabrika a
last updateHuling Na-update : 2021-06-20
Magbasa pa

Kabanata 132

Mabagal na nilagay ni Charlie si Claire sa kama at maingat na tinanggal ang Reiki sa kanyang katawan.Pagkatapos kaagad, mabagal na binuksan ni Claire ang kanyang mga mata.“Mahal!” Sa sandaling naita ni Claire si Charlie, mabilis siyang bumangon at sabik na niyakap siya. Pagkatapos, umiyak siya.Agad siyang pinatahan ni Charlie, “Ayos lang mahal, huwag kang matakot, nakauwi na tayo.”“Nakauwi na tayo?”Inangat ni Claire ang kanyang ulo at tumingin sa paligid.Nasorpresa siya na ito ang kanyang kwarto. Tumingin siya kay Charlie at mausisang tinanong, “Anong ginawa sa’yo ni Daniel at ng kanyang asawa?”“Wala, wala silang ginawa sa akin,” kalmadong sinabi ni Charlie, “Silang dalawa ay naparalisa, at ang buong Elite Vault ay napatumba na at naging basura na. Tulad nga ng kasabihan, kung sino ang hindi makatarungan ay pagkawasak ang kahahantungan, literal.”Nagulat nang sobra si Claire. “Ano? Paano? Anong nangyari?”Bahagyang ngumiti si Charlie, “Nagpatulong ako sa mga kaibigan ko
last updateHuling Na-update : 2021-06-20
Magbasa pa

Kabanata 133

Ang nakakagulat, tungkol sa insidente na nangyari sa Elite Vault Enterprise, ang pinakamalungkot na tao ay si Lady Wilson.Dahil sa matamlay na ikot ng pera ng Wilson Group, umaasa siya na mapipilit ni Claire ang Elite Vault Enterprise na hayaan silang bumili ng mga building material sa kredito. Malulutas niyo ang lahat ng pampinansyal na problema nila.Biglaan, ang buong Elite Vault Enterprise ay naglaho sa isang umaga lang!Sa ngayon, ang pinakamalalang inaalala ni Lady Wilson ay ang bagay tungkol sa kanilang pondo. Ang pinakamalaking pagnanasa niya ay kung paano magkaroon ng malaking pondo para sa kanyang kumpanya.Hindi sinabi ni Claire sa kanyang lola ang nangyari kahapon. Pagkatapos ng naranasan niya, nagpasya siya na ituon ang buong atensyon niya sa proyekto kasama ang Emgrand Group at hindi na siya mag-aabala sa ginagawa ng pamilya ngayon, kahit na pilitin pa siya ng lola niya.Pagkatapos ng isang gabing pagpapahinga, naginhawaan si Claire at naging masigla sa sumunod na u
last updateHuling Na-update : 2021-06-21
Magbasa pa

Kabanata 134

Kahit pag-uwi ni Claire mula sa trabaho, matamlay pa rin si Jacob at walang gana.Alam ni Charlie na nagtatampo siya dahil sa invitation card sa auction.Sa sandaling ito, tumawag si Jasmien at sinabi, “Hi, Mr. Wade, pasensya na, nasa Lancaster ako dahil sa negosyo kaninang tanghali, at nasa baba na ako ngayon ng bahay niyo, maaari ka bang pumunta dito at kunin ang invitation card?”Sumagot agad si Charlie, “Sige, papunta na!”Nagmadali syya sa pinto at pumunta sa baba.Nasa Rolls Royce si Jasmine, naghihintay kay Charlie. Nang makita niya siya, mabilis siyang lumabas at binigay sa kanya ang dalawang invitation card.Pinasalamatan siya ni Charlie at pumasok na siya ulit.Sa bahay, nagtatampo pa rin si Jacob at galit.Sinubukan siyang pilitin ni Claire, “Pa, pakiusap, huminahon ka. Binigay ni lola kay Harold ang invitation card para makakilala siya nang kaunting tao sa industriya ng pagnenegosyo at ang mga mayayamang tao doon, at para na rin makagawa siya ng sarili niyang ugnaya
last updateHuling Na-update : 2021-06-21
Magbasa pa

Kabanata 135

Nang marinig ni Elaine ang tungkol sa bracelet na may halagang lima o anim na milyon, lumaki ang mga mata niya at may bakas ng kinang sa loob nito!“Bracelet? Nasaan? Ipakita mo sa’kin!”Kaunting naging maingat si Charlie. Kalmado niyang sinabi, “Ma, nasa kwarto ko ang bracelet, pero balak kong ibalik ito.”“Ano? Ibalik?” Kumunot ang noo ni Elaine sa dismaya. “Baliw ka na ba? Bakit gusto mong ibalik ang ganoong kamahal na regalo?”“Maliit na tulong lang iyon, hindi nararapat sa akin ang mahalagang regalo.”“Manahimik ka!” Sinabi ni Elaine, “Dahil binigay niya na ito sa iyo, kunin mo na lang! Nasaan ang bracelet? Kung ayaw mo, gusto ko!”Alam ni Charlie ang tumatakbo sa tusong utak ng kanyang biyenan na babae. Gusto niya talagang ibigay ang bracelet kay Claire, pero wala siyang maisip na palusot dito, kaya itinabi niya na lang muna ito, sinong mag-aakala na kaswal na sasabihin ito ng kanyang biyenan na lalaki!Hindi naman sa nag-aalangan si Charlie na ibigay ang bracelet. Mayroon
last updateHuling Na-update : 2021-06-22
Magbasa pa

Kabanata 136

Labis na nasabik si Jacob. Ito ang unang beses na nakapunta siya sa isang marangyang okasyon. Hindi niya mapigilang tumingin sa paligid ngunit ang katawan niya ay kakaiba ang galaw dahil sa kanyang pagkabalisa.Hinawakan niya nang mahigpit ang invitation card at ibinigay ito sa harap ng pinto, nag-aalala na peke ang nakuha ni Charlie.Gayunpaman, sinuri ng tagabantay ang card at totoo ito. Pagkatapos, tumalikod siya sa kanila at magalang na sinabi, “Maligayang pagdating, mangyaring masiyahan kayo!”Huminga nang maluwag si Jacob at pumasok kasama si Charlie.Sa sandaling pumasok sila, si Harold, na may damit na parang nasa beachside party, ay pumasok nang mayabang.Nang makita sila, kumunot ang noo ni Harold habang isang bakas ng gulat ang lumabas sa kanyang mukha.Nandito rin sila Charlie at Jacob!Anong ginagawa ng dalawang talunan na ito dito? Mayroon lang isang invitation card ang pamilya Wilson at hawak niya ito! Nakapasok ba sila nang palihim nang walang nakakakita?Nang m
last updateHuling Na-update : 2021-06-22
Magbasa pa

Kabanata 137

Mabilis si Harold, pero mas mabilis si Charlie. Iniwasan niya ito at sa mabilis na kilos, sinunggaban niya ang pulso ni Harold, inalog ito nang kaunti, at kinutya. “Ano? Magaling na ba ang kamay mo? Nakakalimutan ang sakit kung saan ito tumubo, huh?”Biglang naramdaman ni Harold ang isang malakas na pwersa na pumasok sa kanyang katawan. Napaatras siya nang dalawang hakbang.Medyo malakas ang talunan na ito!Dahil alam niyang hindi niya kaya si Charlie, sinabi nang malamig ni Harold, “Letse, maghintay ka lang, tatawagin ko ang manager para paalisin ka!”Pagkatapos, lumingon si Harold at sumigaw upang papuntahin ang isang manager.Hindi matagal, isang hindi gaano katandang lalaki ang mabilis na dumating, kasama ang dalawang security guard.Naglabas ng isang diplomatikong ngiti ang lalaki at sinabi nang magalang kay Harold, “Opo, Mr. Wilson, matutulungan ba kita?”“Manager, suriin mo ang imbitasyon nila.” Tinuro nang mapanghamak ni Harold si Charlie. “Sa tingin ko ay peke ang sa ka
last updateHuling Na-update : 2021-06-23
Magbasa pa

Kabanata 138

Biglang kumilos ang mga tao upang gumawa ng daan sa gitna, isang lalaki at isang babae ang mabagal na naglakad papasok sa bulwagan.Ang babae ay may suot na itim na evening dress na ipinapakita ang kanyang perpekto at magandang katawan.Sa ilalim ng liwanag, sobrang ganda niya at elegante, ang bawat kilos niya, kahit ang kanyang paglalakad, ay sobrang elegante.Sa sobrang ganda ng babae, hindi maalis ni Harold ang tingin sa kanya.Pumasok si Jasmine, tumingin sa paligid, nakita ang dalawang walang laman na upuan sa VIP section sa harap, at tinanong, “Nasaan ang dalawa kong VIP na bisita? Hindi pa ba sila dumating?”Tumingin si Finn Baxendale sa impormasyon ng mga bisita at kumunot ang noo niya. “Miss Moore, ayon sa scanner sa pasukan, nasuri na ang invitation card ng dalawang VIP, siguradong pumasok na sila, pero hindi namin alam kung nasaan sila ngayon.”Pagkatapos, inutusan niya ang mga tauhan niya, “Papuntahin niyo dito ang manager.”Hindi matagal, mabilis na pumunta sa kanil
last updateHuling Na-update : 2021-06-23
Magbasa pa

Kabanata 139

Gustong gamitin ni Harold ang pagkakataon na ito upang makipagkaibigan kay Finn, pero kailanman ay hindi niya inakalang bigla siyang sisipain ni Finn nang walang babala.Gumulong siya nang ilang beses sa sahig bago siya kumalma. Umupo siya sa sahig at sinabi nang nakatulala, “Mr. Baxendale, anong nangyayari, siguradong may mali tayong pagkakaintindi…”Agad nagulat ang mga tao sa biglang pagkagulo.“Ang lalaking iyon ay galing sa pamilya Wilson, tama? Paano niya ginalit si Mr. Baxendale?”“Ang pamilya Wilson? Hindi sila gano’n kahalaga. Ngayong ginalit nila si Mr. Baxendale, sa tingin ko ay hanggang doon na lang sila sa Aurous Hill, huh?”Maraming tsismisan at bulungan ang nangyayari sa bulwagan.Halos lahat sila ay pinapanood lang bugbugin ni Finn si Harold.Tumingin nang masama si Finn kay Harold at suminghal, “Hindi pagkakaintindihan? F*ck you!”Inangat niya ulit ang mga binti niya at tinadyakan nang malakas si Harold, napadaing ang lalaki sa sakit.Nagliliyab pa rin si Finn
last updateHuling Na-update : 2021-06-24
Magbasa pa

Kabanata 140

Tinanggihan ni Charlie ang alok ni Jasmine. “Pasensya na, Miss Moore, pero sira na ang araw ko dahil sa dalawang nakakainis na langaw na iyon, kaya hindi na ako babalik sa auction. Sa susunod na lang.”Humingi ng paumanhin si Jasmine, “Patawarin mo ako, Mr. Wade.”Pagkatapos, bumalik siya sa kanyang kotse upang kunin ang isang kahon na gawa sa kahoy at ibinigay ito sa kamay ni Charlie. “Mr. Wade, ito ang tanda ng panghihingi ko ng tawad…”Sa sandaling nahawakan ni Charlie ang kahon, naramdaman niya ang mga bakas ng Reiki sa loob, kaya buong puso niya itong tinanggap.Sobrang nalugod si Jasmine dahil tinanggap ni Charlie ang regalo niya, kaya nagpatuloy siya, “Ipapatigil ko ang auction ngayong araw at sasabihin kay Finn na ayusin at suriin ang mga tauhan niya sa Treasure Pavilion. Kapag handa na siya, magpapa-auction ulit kami, at sana ay makasali sina Mr. Wade at Mr. Wilson sa araw na iyon.”Namangha si Jacob simula noong dumating ang babae. Siya si Miss Moore na lumitaw sa Vintag
last updateHuling Na-update : 2021-06-24
Magbasa pa
PREV
1
...
1213141516
...
557
DMCA.com Protection Status