Tinanggihan ni Charlie ang alok ni Jasmine. “Pasensya na, Miss Moore, pero sira na ang araw ko dahil sa dalawang nakakainis na langaw na iyon, kaya hindi na ako babalik sa auction. Sa susunod na lang.”Humingi ng paumanhin si Jasmine, “Patawarin mo ako, Mr. Wade.”Pagkatapos, bumalik siya sa kanyang kotse upang kunin ang isang kahon na gawa sa kahoy at ibinigay ito sa kamay ni Charlie. “Mr. Wade, ito ang tanda ng panghihingi ko ng tawad…”Sa sandaling nahawakan ni Charlie ang kahon, naramdaman niya ang mga bakas ng Reiki sa loob, kaya buong puso niya itong tinanggap.Sobrang nalugod si Jasmine dahil tinanggap ni Charlie ang regalo niya, kaya nagpatuloy siya, “Ipapatigil ko ang auction ngayong araw at sasabihin kay Finn na ayusin at suriin ang mga tauhan niya sa Treasure Pavilion. Kapag handa na siya, magpapa-auction ulit kami, at sana ay makasali sina Mr. Wade at Mr. Wilson sa araw na iyon.”Namangha si Jacob simula noong dumating ang babae. Siya si Miss Moore na lumitaw sa Vintag
Wala ang dalawang babae nang umuwi sila. So Elaine ay nasa labas, naglalaro ng baraha, at si Claire ay hindi pa tapos sa kanyang trabaho.Pumunta si Charlie sa kanyang kwarto at maingat na kinuha ang kahoy na tinamaan ng kidlat sa kahon.Nararamdaman niya ang siksik na Reiki na nilalabas ng kahoy.Habang nakaupo nang naka-de-kwatro sa sahig, hinawakan ni Charlie ang kahoy, ipinikit ang kanyang mga mata, ginamit ang kanyang lakas ng kaisipan na nakatala sa Apocalyptic Book, at mabagal na kinuha ang Reiki papasok sa kanyang katawan.Nang binuksan niya ang mga mata niya, naramdaman niya na ang kanyang mga mata ay kumikinang at masigla. Malaki ang pinagbago ng aura niya sa kanyang katawan.Sa kabilang dako, ang Lightning Strike Dragon Blood Wood sa kamay niya ay medyo dumilim.Kahit na nawalan ito ng Reiki, mayroon pa aring malalakas na hinga ng kidlat na natira, nagpapatunay na ang kahoy ay isang kayamanan.Kung mayroon siyang ibang mahiwagang bagay ngayon, magagamit niya ito upang
Maingat na binuksan ni Claire ang pinto bago niya tinanong nang mapagbantay, “Ano ang maitutulong ko?”Kumunot ang noo ni Charlie bago siya pumunta agad sa pinto. Sa oras na ito, tinulak niya si Claire sa likuran niya bago niya tinanong sa kalmado at malamig na tono, “Hinahanap mo ba ako?”Sa sandaling ito, isang hindi gaano katandang lalaki na may suot na suit ang nakatayo sa labas ng pinto. Sa sandalign nakita niya si Charlie, ngumiti siya bago niya siya binati sa magalang na tono. “Hello, Mr. Wade. Ako ang bagong manager ng Treasure Pavilion. Kaninang hapon lang ako nagsimula. Labis na nagsisisi ang boss ko sa kung paano ka pinaalis kanina sa Treasure Pavilion at pinadala niya ako dito upang bigyan ka ng regalo at humingi ng tawad sa iyo.”Gulat na tumingin si Charlie sa lalaki. “Galing ka sa Treasure Pavilion?”“Treasure Pavilion?”Sa sandaling ito, si Claire na nakatayo sa likod ni Charlie, ay labis na nagulat din.Mabilis na nagpaliwanag ang hindi gaano katandang lalaki, “N
Sobrang sabik ni Elaine.Ang lahat ng regalong iyon ay pera sa kanya!Hindi niya alam kung magkano ang mga pasilyong antigo na iyon pero alam niya na ang bawat bote ng Moutai Flying Fairy liquor ay may halagang tatlo o apatnapung libong dolyar! Bukod dito, mayroong dalawampung bote ng alak sa kahon na ito. Ang ibig sabihin ay ang kahon ng alak ay may halagang kaunting daang libong dolyar!Mayroon ding isang kahon ng Yellow Crane Tower cigars. Ang mga sigarilyong ito ay may halagang limang libong dolyar bawat isa at mayroong limampung sigarilyo sa kahon! Ang ibig sabihin ay ang kahon ng sigarilyo ay may halagang mas malaki pa sa dalawang daang libong dolyar! Kahit ang alak at sigarilyo lang ay may halaga nang isang milyong dolyar!Bakit hindi niya ito tatanggapin?Bukod dito, kung mayroon siyang VIP card mula sa Treasure Pavilion, makakapagyabang siya sa mga kaibigan niya!Nang makita niya kung gaano nahuhumaling at materyalistiko ang ina niya, nag-aatubili niyang siyang tinawag,
Ang mukha ni Graham ay maputla habang bahagyang nanginig ang katawan niya, tila ba takot talaga siya.Kumunot ang noo ni Charlie bago niya tinanong sa mahinang tono, “Nagkaroon ba ng bitak ang jade plug?”“Mr. Wade, isa ka talagang dalubhasa! Hindi ako makapaniwalang nahulaan mo ito nang tama.”Ang boses ni Graham ay sobrang lambot habang nagbuntong hininga siya, “Sa una, sinundan namin ang mga payo mo nang walang sablay. Pagkatapos ibalot sa dilaw na supot ang jade plug, ang buong pamilya namin ay hindi kumain ng karne sa pitong araw at hindi nakakita ng kahit anong dugo.”“Gayunpaman, isang araw, ang bobo kong pamangkin na si Adam ay sikretong kumain ng nilagang sabaw ng kalapati. Bukod dito, aksidente niyang nabahiran ng dugo ng kalapati ang dilaw na supot kung saan nakabalot ang jade plug. Sa sandaling nadumihan ng dugo ang dilaw na paper bag, agad na nagkaroon ng bitak ang jade plug. Binugbog ko na si Adam at ikinulong siya sa bahay pero patuloy pa ring nangyayari ang mga kaka
Dumating si Graham sa bahay ni Charlie kinabukasan nang umaga.Naghintay siya sa labas ng bahay ni Charlie hanggang lumabas si Charlie upang pumunta sa pamilihan at bumili ng mga gulay. Pagkatapos, binati siya ni Graham at ibinigay ang black card kay Charlie.Sa oras na ito, sinabi ni Graham kay Charlie na mayroong kaunting daang milyong dolyar sa black card. Tila ba handa si Graham na gastusin ang lahat ng kayamanan nyia upang iligtas ang pamilya Quinton.Sinamahan ni Aurora si Graham sa pagkakataong ito, pero hindi siya kasing yabang at mapagmataas tulad nang dati.Sa totoo lang, sobrang galang niya kay Charlie.Simula noong napasok sa gulo si Adam, kakaibang mga bagay ang nangyari sa pamilya Quinton. Nagkasakit din ang kanyang lolo at ang kanyang katawan ay humihina nang walang dahilan. Alam ni Aurora na si Charlie lamang ang makakatulong upang maligtas ang kanyang pamilya!Pagkatapos ibigay ang black card kay Charlie, lumuhod si Graham sa harap ni Charlie habang siya ay umiiy
Kinabukasan nang umaga, naghanda na si Charlie upang pumunta sa auction.Hindi nakatulog nang maayos si Jacob kagabi dahil sobrang nag-aalala siya tungkol sa pamilya Quinton. Kaya, patuloy niyang kinulit si Charlie sa sala.Sa oras na ito, tinanong ni Charlie si Jacob, “Pa, narinig ko na may espesyal na kayamanan sa auction ng Treasure Pavilion ngayong araw. Tama ba?”“Oo,” sumagot agad si Jacob. “Marinig ko isa itong mahalagang kayamanan na hindi mapapantayan ng kahit ano sa mundong ito.Pagkatapos niyang magsalita, may naisip bigla si Jacob. Pagkatapos, agad niyang hinila sa gilid si Charlie bago niya sinabi, “Mahal kong manugang, pakiusap at huwag kang magkaroon ng ideya tungkol sa kayamanang ito. Ang panimulang presyo para sa kayamanang ito ay sampung milyong dolyar! Dapat lang natin tingnan ang kayamanang ito sa malayo.”Alam ni Charlie na nag-aalala lang ang biyenan niyang lalaki sa paggamit ng pera ng pamilya Quinton para sa sarili niya. Kaya, ngumiti siya bago siya sumagot
Hindi matagal pagtapos, dumating na sila sa exhibition center.Ang exhibition center ay isang gusali na may bilog na simboryo. Ang panlabas na bilog ay puno nang mga tindahan na nagbebenta ng iba’t ibang bagay mula sa mga bulaklak hanggang sa mga ibon at ang auction house ay matatagpuan sa gitna.Ang exhibition center ay itinayo noong nakaraang taon at talagang kahanga-hanga ang hitsura nito.Sinundan ni Charlie si Jasmine sa elevator na gawa sa salamin habang umakyat sila sa ika-anim na palapag.Sa sandaling bumukas ang pinto ng elevator, isang masining na exhibition hall na may iba’t ibang antigong kaligrapiya at mga painting na nakasabit sa mga pader ang lumitaw sa harap nila. Ito ang auction house.Ang auction table ay nakalagay sa harap sa taas ng pulang karpet. Mayroong maraming sofa sa ibaba ng entablado at ang mga lamesa ay puno ng mga wine at preskong prutas para sa mga bisita.Kumpara sa huling auction, tila ba nagsikap ang Treasure Pavilion sa auction ngayon. Malamang
Nang makita ni Vera na tinuro ni Charlie ang isang direksyon, hindi na siya tumingin at ginamit agad ang control lever, pinalipad ang helicopter sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Charlie.Sa sandaling ito, si Ruby, na nagtatago sa siwang ng mga malalaking bato, ay hindi pa rin alam na napuntirya na siya ng kabila. Gusto niya lang gawin ang lahat ng makakaya niya na huwag pagalawin ang katawan niya, huwag gumawa ng kahit anong ingay, at hintayin ang mga tao sa helicopter na maghanap at natural na umalis sa lugar na ito. Kampante talaga siya na hindi siya madidiskubre ng kabila.Umikot nang ilang beses ang helicopter sa lambak, pero hindi bumaba ang mga tao para maghanap, at sobrang kapal ng malaking bato na nakaharang sa ulo ni Ruby. Kahit na gumamit ang kabila ng mga kagamitan tulad ng thermal imaging, hindi nila siya mahahanap sa ilalim ng malaking bato na ito.Ang dahilan kung bakit unti-unting hindi mapalagay si Ruby ay dahil papunta talaga ang helicopter sa direksyon
Ganap na nabasag at nabaluktot na ang cellphone, at kahit ang baterya ay lumobo dahil sa pagbaluktot nito. Nang makita niya ito, sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag, napagtanto niya na imposible na patuloy na ipadala ng cellphone ang posisyon niya sa British Lord.Makalipas ang halos sampung minuto, sa wakas ay gumaling na si Charlie dahl sa epekto ng Regeneration Pill. Binatak niya ang kanyang leeg, tamad na inunat ang kanyang katawan sa masikip na cabin, hindi mukhang isang tao na may malalang injury at nanghihina.Si Vera, na nasa gilid, ay sinabi sa sorpresa, “Young Master, magaling ka na?!”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Magaling na ang katawan ko, pero hindi ko pa naibabalik ang Reiki ko.”Habang sinasabi niya ito, naglabas siya ng dalawang Cultivating Pill at nilagay ito sa kanyang bibig. Sa sandaling pumasok ang mga pill sa kanyang tiyan, naging purong Reiki sila, na dumaloy sa mga naayos na meridian at elixir field niya, kumalat sa kanyang buong katawan
Pagkatapos huminto saglit, nagpatuloy si Tarlon, “Bukod dito, sa mga nagdaang panahon, isa-isa ang tagumpay nila at hindi sila mapigilan. Kung hindi natin sila pipigilan ngayon, natatakot ako na mas magiging marami ang problema sa hinaharap! British Lord, hindi inaasahan ang krisis na ito, kaya hindi ka na pwedeng mag-atubili!”Nanahimik saglit si Fleur.Nadagdagan ang pagkabalisa at pangamba niya dahil sa pag-aalala ni Tarlon. Alam niya na makatwiran ang sinabi ni Tarlon. Kung hahayaan nila ang kabila na umunlad nang palihim, marahil ay magkaroon ito ng malaking banta sa kanya sa hinaharap!Nang maisip ito, nagngalit siya at sinabi, “Ipaalam mo agad sa Central Governor Office na ipadala ang mga pinakamagaling na scout nila sa isang eroplano papunta sa Aurous Hill para imbestigahan ang bagay na ito!”“Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, hindi maiiwasan na mag-iiwan ng bakas ng pagsabog ang napakalakas na puwersa sa loob ng saklaw na ilang daang metro. Pagkatapos ng mada
Medyo nag-alala rin si Fleur sa sandaling ito habang binulong niya sa sarili niya, “Kahanga-hanga na ang lakas ni Mr. Chardon, at mas malakas pa siya gamit ang mahiwagang instrumento na binigay ko sa kanya. Kung sinakripisyo niya talaga ang sarili niya sa pagsabog, siguradong mas malakas ang taong pumuwersa sa kanya na gawin ito.”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilang sabihin ni Fleur, “Hinding-hindi ko inaasahan na may napakagaling na master sa Aurous Hill. Ayon sa pagkakaintindi ko sa mga Acker, imposible na magkaroon sila ng ugnayan sa ganito kalakas na tao. Kaya, sino kaya ang taong ito?”Hindi mapigilang sabihin ni Tarlon, “British Lord, naniniwala ako na kakilala ng tao ang mga Acker. Kung hindi, bakit niya sila ililigtas sa kritikal na sandali?”Umiling si Fleur habang may madilim na ekspresyon at sinabi, “Hindi ko rin alam. Kung namatay talaga si Mr. Chardon sa pagsabog, ang kalaban niya siguro ay isang cultivator na mas malakas. Pero, nagpadala ako ng mga tao para palih
Habang pinaandar ulit ni Vera ang light helicopter sa ere, sinamantala ni Charlie ang pagkakataon na inumin ang Regeneration Pill. Samantala, libo-libong milya ang layo sa headquarters ng Qing Eliminating Society, naglalakad nang nababalisa si Fleur sa kanyang kwarto.400 years old na siya ngayong taon, pero mukhang nasa 30s pa rin siya. Kahit na kaakit-akit at masigla siya, nakaukit sa kanyang mukha ang kanyang kalupitan dahil sa kanyang pangamba at pagkabalisa, matatakot ang kahit sinong makakakita sa kanya.Ang huling beses na nabalisa nang ganito si Fleur ay noong unang beses na hinabol siya sa bulubundukin ng Qing army kasama si Elijah.. Sa mga nagdaang taon, kahit na hindi niya nahanap si Vera, kahit papaano, isa itong laro ng pusa at daga na tumagal ng tatlong daang taon. Noon pa man ay ginampanan niya ang papel na pusa, kaya hindi siya nabalisa nang sobra kahit na hindi niya mahanap si Vera.Pero, ang pinagmulan ng pagkabalisa at pangamba niya sa sandaling ito ay dahil ang d
Hindi sinasadyang sabihin ni Vera, “Iba iyon…”Tinanong siya ni Charlie, “Paano iyon naiiba? Kaya mo itong tanggapin noong Charlie ang tawag mo sa akin, pero hindi mo ito matanggap ngayong tinatawag mo akong ‘Young Master’?”Sumagot nang nahihiya si Vera, “Hindi… Hindi iyon ang ibig kong sabihin… Pakiramdam ko lang na masyadong mahalaga ang mga pill na ito. Ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang natitirang pill bago ito ay dahil natatakot ako na malalagay ka sa panganib sa hinaharap. Kung gano’n, kaya kong itago ang natitirang pill para sa emergency. Ngayong ligtas ka na, hindi na angkop para sa akin na tanggapin ang kahit anong pill mula sayo, Young Master.”Sinabi nang walang pag-aalinlangan ni Carlie, “Kung gano’n, ayusin mo ang pananaw mo sa lalong madaling panahon at sabihin mo sa sarili mo na walang hindi angkop tungkol dito.”Pagkasabi nito, direktang nilagay ni Charlie ang pill sa kanyang kamay. Pagkatapos nito, hindi na niya hinintay ang sagot niya at naglabas siya ng isa
Humagikgik si Lord Acker at sinabi, “Nararapat lang na palabasin ka. Sinabi na ni Charlie na dapat inumin doon ang pill, pero hinamon mo ang mga patakaran niya, kaya hindi ba’t natural lang na paalisin ka niya?”Nalungkot si Christian at sinabi, “Pa, para kanino ko hinamon ang mga patakaran ni Charlie?”Si Kaeden, na nasa gilid, ay tinapik ang balikat ni Christian at sinabi nang nakangiti, “Sige na, Christian. Kahit na pinaalis ka sa auction ni Charlie, dapat magpasalamat tayo para sa pangyayaring iyon. Kung hindi dahil sayo, marahil ay hindi agad nakuha ng mga Acker ang atensyon ni Charlie. Magandang bagay ito, at nakinabang ang buong pamilya natin dito!”Bumuntong hininga si Christian at sinabi nang tapat, “Ah, hindi malaking bagay para sa akin na paalisin ako ng pamangkin ko. Hindi ko lang inaasahan na magiging sobrang galing ng pamangkin ko at magiging benefactor pa natin. Nahihiya lang ako nang kaunti kapag naiisip ko ang mga sinabi ko at ang mga ginawa ko sa auction.”Sa sand
Habang lumilipad si Charlie papunta sa Champs Elys hot spring villa kasama si Vera, isla Merlin, Isaac, Albert, at ang iba, ay huminga nang maluwag, itinigil ang paghahanap nila, at bumalik nang maaga sa Champs Elys hot spring villa.Alam ni Merlin na nag-aalala ang mga Acker sa kaligtasan ni Charlie, kaya nagmamadali siyang bumalik sa villa sa sandaling bumaba siya sa eroplano.Balisang naghihintay ang mga miyembro ng pamilya Acker sa sala, umaasa na babalik si Merlin na may magandang balita. Dahil, sobrang halaga ni Charlie para sa mga Acker at dalawampung taon na silang nag-aalala sa kanya. Bukod dito, ang isa pang pagkakakilanlan ni Charlie ay ang benefactor na nagligtas dati sa mga Acker, kaya tumaas ang katayuan ni Charlie sa mga mata ng mga miyembro ng pamilya Acker.Nang makita nila na mabilis na naglalakad papasok si Merlin, agad tumayo ang mga miyembro ng pamilya Acker at tumingin sa kanya nang sabik. Lumapit si Lady Acker sa kanya nang hindi niya namamalayan at binulong,
Habang nagsasalita siya, namula nang bahagya si Vera at sinabi, “At saka, wala ka pang damit. Kung lalabas ang balita tungkol dito, hindi ako maaabala dito, pero paano mo ito maipapaliwanag sa asawa mo? Bukod dito, nakatira si Mr. Raven at ang iba sa ibaba. Kung lilipad ang isang helicopter sa gabi at ilang lalaki ang pumunta sa kwarto ko, at isang lalaki na walang damit ang kinuha, anong iisipin nila sa akin?”Tumango si Charlie at sinabi nang walang magawa, “Tama ka sa lahat ng iyon, pero paano tayo makakapunta doon ngayon?”Sinabi ni Vera, “Saglit lang, Young Master. Aayusin ko na ang lahat ng kailangan.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo agad si Vera, bumaba, at nagsuot ng isang simpleng T-shirt at isang pares ng pantalon.Tumawag siya sa kanyang cellphone, at makalipas ang dalawampung minutor, isang two-seater light helicopter ang mabilis na lumipad sa itaas ng courtyard, pagkatapos ay mabagal itong bumaba sa bakuran.Sa sandaling lumabas ang piloto sa helicopter, lumabas siya