Hindi matagal pagtapos, dumating na sila sa exhibition center.Ang exhibition center ay isang gusali na may bilog na simboryo. Ang panlabas na bilog ay puno nang mga tindahan na nagbebenta ng iba’t ibang bagay mula sa mga bulaklak hanggang sa mga ibon at ang auction house ay matatagpuan sa gitna.Ang exhibition center ay itinayo noong nakaraang taon at talagang kahanga-hanga ang hitsura nito.Sinundan ni Charlie si Jasmine sa elevator na gawa sa salamin habang umakyat sila sa ika-anim na palapag.Sa sandaling bumukas ang pinto ng elevator, isang masining na exhibition hall na may iba’t ibang antigong kaligrapiya at mga painting na nakasabit sa mga pader ang lumitaw sa harap nila. Ito ang auction house.Ang auction table ay nakalagay sa harap sa taas ng pulang karpet. Mayroong maraming sofa sa ibaba ng entablado at ang mga lamesa ay puno ng mga wine at preskong prutas para sa mga bisita.Kumpara sa huling auction, tila ba nagsikap ang Treasure Pavilion sa auction ngayon. Malamang
Sa sandaling ito, kaunting nahiya rin si Jasmine habang sinabi niya, “Mr. Wade, mangyaring huwag mo ito isapuso. Madali lang magalit si Mr. Yaleman.”Umiling nang walang bahala sii Charlie bago niya sinabi, “Pumasok na tayo.”Isa-isang pumasok ang mga bisita. Ang host ay walang iba kundi si Finn Baxendale, ang may-ari ng Treasure Pavilion. Tumuntong siya sa entablado at nagbigay ng talumpati upang simulan ang auction section.Pagkatapos, opisyal na nagsimula na ang auction!Dahil sa biglaang pagtigil ng huling auction, dalawang beses na mas marami ang mga bisita sa auction ngayon.Ang unang bagay ay inilagay sa entablado, bukod sa dalawang babae, ay isang antigong tanso na taga-sunog ng insenso na nababalot sa puting usok at may mabangong amoy.Sa sandaling ito, ipinakilala ng auctioneer ang unang bagay. “Ito ang Reverse Incense Burner, isa sa mga kayamanan na ginamit ng hari dati. Walang ibang maaaring gumamit nito kung walang pahintulot ng hari mismo. Bukod dito, ang paraan ng
Sobrang hirap ng buhay ni Adam sa mga nakaraang araw.Pagkatapos gumawa ng problema ilang araw na ang nakalipas, binugbog siya nang matindi ng kanyang pangalawang tito. Bukod dito, hindi rin siya pinayagan ng tito niya na lumabas ng bahay.Gayunpaman, dahil sa sobrang pagmamahal niya sa mga antigo, imposibleng hindi siya makakapunta sa auction na ito.Kaya, sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya upang makatakas ng bahay bago siya pumunta sa auction ngayon. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na makikita niya si Charlie dito ngayong araw.Lagi siyang naiinis at nagdududa sa kakayahan ni Charlie. Sa kanyang opinyon, naloko ng batang lalaking ito ang pangalawa niyang tito.Gayunpaman, hindi siya naglakas-loob na galitin si Charlie harap-harapan. Nang makita niyang nag-bid si Charlie sa kwintas na perlas, agad siyang nag-bid dahil gusto niyang hamunin si Charlie.Sa oras na ito, tumingin si Charlie kay Adam bago siya ulit humarap sa auctioneer. Pagkatapos, nagpatuloy siyang mag-bid.
Ang natural na jade ay may laman na kaunting spiritual energy. Naramdaman ni Charlie na ito ang perpektong bagay para kay Graham upang puksain ang masamang espiritu sa kanyang bahay. Kaya, agad niyang itinaas ang kanyang kamay.“Siyam na raang libong dolyar!”Sa sandaling nagsalita siya, narinig muli ang pamilyar na boses.“Isang milyong dolyar!”Lumingon si Charlie at nakita niya agad ang nakayayamot na mga mata ni Adam.Hindi nagsalita si Charlie ngunit patuloy niyang itinaas ang kanyang kamay.“Isang milyon at isang daang libong dolyar!”“Isang milyon at dalawang daang libong dolyar!”Pagkatapos mag-bid nang ilang beses, ang presyo ng jade ay dumoble na dahil sa pag-bid ni Adam, ang presyo ay tumaas sa dalawang milyong dolyar!Alam ng lahat sa auction hall na sinadaya ni Adam na pataasin ang presyo ng jade dahil gusto niyang galitin si Charlie.Dahil dito, naghihintay ang lahat na makanood ng isa pang magandang palabas habang pinanood nila na itinaas ulit ni Charlie ang ka
Nakatingin ang lahat kay Adam sa sandaling ito. Nag-alangan siya nang saglit bago siya nagpasya na talo ang damdamin niya sa kanyang pag-iisip.Sinabi niya sa galit na paraan, “Suko na ako!”“Ha!”“Mahirap!”“Sayang!”“Kahiya-hiya!”Patuloy pinagalitan at kinutya ng lahat si Adam habang pinagtawanan siya. Napahiya si Adam at hindi niya alam kung saan niya maitatago ang kanyang mukha.Pinagsisihan niya ang ginawa niya. Pinagsisihan niya na lumabas siya ngayon. Kung hindi, hindi siya mapapahiya nang ganito.Sobrang galit at nahihiya si Adam sa sandaling ito. Pagkatapos ng ilang saglit, tumalikod si Adam at mas lalo pang nagalit nang makita niyang pinagtatawanan siya ni Charlie.Sa oras na ito, hindi niya mapigilang pumunta agad kay Charlie.“Ikaw na may apelyidong Wade! Sinadya mo ba ito?”Kinuha ni Charlie ang baso ng wine sa lamesa bago siya uminom nang kaunti at sinabi, “Walang pumilit sa’yo na labanan ako. Gusto mong mag-bid laban sa akin, bakit galit ka ngayon?”Sinabi r
Nagsimulang mag-bid ang mga tao at hindi nagtagal, ang presyo ng kabibe ay tumaas sa labindalawang milyong dolyar.Maraming tao ang tumigil mag-bid sa sandaling tumaas ang presyo sa limitasyon nila. Gayunpaman, ang mga taong alam ang halaga ng kabibe ay patuloy na nag-bid para dito.Sa oras na ito, biglang tumayo si Jack at sinabi, “Labinlimang milyong dolyar!”Pagkatapos, tumalikod siya bago siya yumuko at sinabi, “Mahal kong mga kaibigan, ang dahilan kung bakit nandito ako sa auction ay para sa kabibeng ito. Kaya, sana ay sukuan na ng lahat ang bagay na ito upang maiuwi ko ito ngayong araw. Bibigyan ko ang lahat ng nandito ngayong araw ng isang piraso ng talisman bilang tanda ng aking pasasalamat.”Halos lahat ng mga bisita na nandoon ay mga boss at mga negosyante na alam ang reputasyon ni Jack. Walang nangahas na galitin siya.Kung hindi siya masaya, maaari siyang gumawa ng kung ano sa kanilang buong kayamanan o pamilya!Bukod dito, magbibigay din siya ng isang talisman ng kap
Nababaliw na si Jack!Kilala siya sa kanyang sariling siyudad at sa buong bansa. Ang lahat ng nandito ay ginagalang siya nang buong puso pero ang batang ito ay talagang mayabang sa kanya. Sinubukan pa niyang tapakan siya nang ilang beses. Talagang nakakainis ito!Ang mas masama pa ay talagang nangahas siyang pagalitan siya!Siguradong gusto niya nang mamatay!Nagulat din sa oras an ito ang mga tao na nasa auction.Sino ba ang batang lalaking ito? Sino ang nagbigay ng tapang sa kanya na labanan at pagalitan si Jack? Pago na ba siyang mabuhay? Si Jack ay isang dalubhasa ng Feng Shui na mayroong sampung libong paraan upang patayin siya nang walang dugo!Gayunpaman, kahit na sobrang galit si Jack, nanatili siyang kalmado at mahinahon dahil gusto niyang makuha ang kabibe sa mas mababang presyo. Kaya pinanatili niya ang kanyang kilos bago siya ngumiti at sinabi, “Kaibigan, alam kong hindi tayo nagkaintindihan kanina bago mag-auction pero medyo sumosobra na ito. Kung mag-bid ka dahil la
”Ikaw! Ikaw!” Ang mukha ni Adam ay namula habang sinigaw niya, “Ikaw b*stardo! Ang lakas ng loob mong lokohin ang pamilya Quinton ng pera? Dudurugin kita maghintay ka, sinungaling!”Lumingon si Jack bago siya tumingin kay Adam at tinanong, “Mr. Quinton, kilala mo ba ang taong ito?”Suminghal si Adam bago siya sumagot, “Ang alam ko lang ay siya ang manugang na lalaki ng pamilya Wilson. Wala siyang trabaho at umaasa sa kanyang asawa. Kailan lang, naloko niya ang pangalawang tito ko na bigyan siya ng pera…”“Gano’n ba?”Tinanong ni Jack habang tumaas ang mga kilay niya. Sa sandaling ito, suminghal siya dahil panatag na ang kanyang loob.“Sige, bata. Papayuhan kita na huwag kang masyadong mayabang. Kung hindi, ikaw ang magdurusa sa huli. Hindi kita minamaliit, pero sigurado ka bang kaya mong bayaran ang isang daang milyong dolyar?”Ang mukha ni Charlie ay sobrang lamig habang sumagot siya, “Hindi mo na kailangang mag-alala kung may pera ako o kung kaya kong bayaran ito. Kung gusto mo
Matagal nang alam ni Charlie na mahirap itago ang mga bakas na kaugnay sa mga close-defense missile, kaya sadya niyang sinabihan si Porter na ilagay ang lahat ng bakas ng close-defense missile papunta sa Blackwater Company para maiwasan ang atensyon.Ngayong isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company sa Middle East, siguradong pinupuntirya sila ng Qing Eliminating Society dahil sa mga bakas na naiwan ng close-defense missile.Sinabi nang magalang ni Porter kay Charlie, “Mr. Wade, ang impormasyon na natanggap ko ay kahit na isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company, walang bakas na napasok ang base nils. Pinuntirya at naglaho lang ang mga taong ito nang lumabas sila. Mukhang natutunan na ng Qing Eliminating Society ang leksyon nila at hindi na sila naglakas-loob na pumasok nang palihim at padalus-dalos sa isang modernong military base…”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Magandang bagay na magpigil sila. Kung isang beses na silang naharangan ng
Tinaas ni Charlie ang mga kilay niya at tinanong, “Porter, kailan ka dumating?”Sinabi nang magalang ni Porter, “Kailan lang ako dumating. Tahimik akong naglayag mula sa cargo ship nang dumaan ito sa Suez Canal at pinalitan ko nang tatlong beses ang pagkakakilanlan ko bago ako pumunta dito. Pagkatapos bumaba sa eroplano, nag-renta ako ng isang kotse, at papunta na ako sa siyudad ngayon.”Tinanong siya ni Charlie, “Nasaan na ang iba?”Sumagot si Porter, “Mr. Wade, ayon sa mga utos mo, bukod sa akin, ang lahat ng kasangkot sa plano para pabagsakin ang base sa Cyprus ay hindi pwedeng bumaba sa lupa sa susunod na tatlo o anim na buwan. Maglalayag lang sila sa dagat sa cargo ship at babalik lang sa Syria pagkatapos humupa ng sitwasyon.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Porter, “Siya nga pala, Mr. Wade, nakatanggap ako ng impormasyon habang nasa karagatan, at gusto ko itong i-ulat sayo sa personal.”Ngumiti nang kuntento si Charlie at sinabi, “Okay. Pumunta ka sa Shangri-La at han
“Martial arts?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, ang Oskian martial arts ba ang tinutukoy mo?”Tumango si Charlie at sinabi, “Tama. Gumagamit ng essential qi ang Oskian martial arts para buksan ang walong pambihirang meridian.”Natulala si Nanako at tinanong, “Pwede ba ako?”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya sa mahinang boses, “Dahil, hindi naman ako Oskian, Charlie-kun…”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, tumingin kay Nanako, at sinabi nang seryoso, “Lumaganap na sa buong mundo ang Oskian martial arts. Maraming sect sa ibang bansa ang kumuha ng mga dayuhang disipulo, at marami ring mga dayuhang miyembro sa Ten Thousand Armies, kaya wala kang dapat alalahanin. Kung interesado ka, pwede kitang pasalihin sa training.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Anong klaseng training ito? Ikaw ba ang personal na magsasanay sa akin, Charlie-kun?”Umiling si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Wala akong gano’ng abilidad. Isang dating leader ng isang martial arts sect mu
“Okay!”Nang tiningnan ni Nanako ang likod ni Marianne habang umaalis siya, pakiramdam niya na para bang kakaiba ang kilos ni Marianne, pero hindi niya maisip kung bakit. Pakiramdam niya na medyo natatakot si Marianne sa kanya dahil parang kakaiba ang ekspresyon niya sa sandaling nakita niya siya. Naramdaman pa ni Nanako na parang gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang lumabas na siya sa elevator.Inisip ni Nanako, ‘Nakakatakot ba ako?’Dumating ang elevator sa underground parking lot habang iniisip ito ni Nanako.Nagmaneho si Charlie papasok sa underground parking lot pagkatapos maghintay ni Nanako ng mga limang minuto. Mabilis na tumayo si Nanako sa gilid nang umaasa.Umabante agad siya pagkatapos ipinarada ni Charlie ang kotse. Pagkatapos lumabas ni Charlie sa kotse, kumaway siya sa kanya nang sabik at pagkatapos ay yumuko nang bahagya habang sinabi, “Charlie-kun, nakakapagod siguro ang biyahe mo!”Natulala saglit si Charlie, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Hindi ito na
Alam ni Nanako na hiling ng kanyang ama na magkaroon sila ng relasyon ni Charlie, kaya hindi siya nasorpresa nang tinukso siya ng kanyang ama. Hindi rin siya nahiya nang sobra. Sa halip, huminga siya nang malakas at nagreklamo, “Otou-san, magbo-book na ako ng hotel para sayo ngayon kung gusto mong matulog sa hotel. Pwede ka pang manatili sa hotel hanggang umuwi tayo sa Japan! Kung hindi pa ito sapat para sayo, kaya kong bilhin ang hotel na titirahan mo, Otou-san.”Humagikgik si Yahiko at sinabi, “Nanako, nagbibiro lang ako, hayaan mo na sana ako…”Pagkasabi nito, mabilis niyang idinagdag, “Oh, magsisimula na akong maglaro ng golf, kaya aliwin mo muna si Mr. Wade. Hindi kami babalik at mang-iistorbo pansamantala!”Hindi na masyadong nagsalita si Nanako nang makita niya na hindi na siya tinukso ng kanyang ama. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ama, nagmamadali siyang lumabas at naghandang makipagkita kay Charlie sa basement.Pinindot niya ang down button sa elevator, at mabilis na bumu
“Okay, Master Wade!”***Pagkatapos ng tawag kay Aurora, tinawagan ni Charlie si Nanako. Nagbuburda si Nanako sa bahay. Nang matanggap niya ang tawag ni Charlie, sinabi niya nang masaya, “Charlie-kun, ano ang kinakaabalahan mo ngayon?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Nagmamaneho ako, at pabalik na ako sa siyudad. May gusto akong sabihin sayo sa personal. Nasa bahay ka ba ngayon?”Sinabi nang masaya ni Nanako, “Oo! Charlie-kun, pwede kang pumunta kahit anong oras.”Sinabi ni Charlie, “Okay, darating ako ng halos dalawampung minuto.”Mabilis na binaba ni Nanako ang burda sa mga kamay niya at sinabi nang nakangiti, “Maghahanda na ako ngayon at magpapakulo muna ng ilang tsaa para makapag-tsaa tayo pagdating mo mamaya, Charlie-kun.”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Hindi mo na kailangan mag-abala. May gusto ko lang akong sabihin sayo sa personal, at aalis ako pagkatapos kang kausapin.”Sinabi nang nakangiti ni Nanako, “Pwede kang mag-enjoy ng isang tasa ng tsaa habang nagsasalita
Tinawagan muna ni Charlie si Aurora pagkatapos magdesisyon. Medyo matagal na niyang hindi nakikita si Aurora. Ang huling beses na nakita niya siya ay noong ipinadala ni Aurora ang mga halamang gamot sa kanya sa ngalan ng kanyang ama.Medyo nahiya si Charlie nang maisip niya na nangako siya sa kanya na maglalaan siya ng oras para pangasiwaan ang training niya pero hindi niya ito magawa dahil masyado siyang naging abala.Mabilis na kumonekta ang tawag pagkatapos niyang tawagan ang number ni Aurora. Tinanong ni Aurora sa sorpresa, “Master Wade, bakit may oras ka na tawagan ako?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tinawagan kita dahil may magandang balita ako na sasabihin sayo.”Tinanong nang masaya ni Aurora, “Ano ito? Maaari ba na pupunta ka sa bahay ko para pangasiwaan at gabayan ako sa training ko? Matagal mo na itong pinangako sa akin…”Sinabi ni Charlie nang nakangiti, “Kaugnay ito doon. Kailan lang ay nag-imbita ako ng isang martial arts expert para gumawa ng isang martial arts tra
Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Albert, bakit hindi kita ilibre ng kain mamayang gabi? Kailangan nating uminom nang magkasama!”Sinabi ni Albert, “Mukhang hindi ako makakaalis pansamantala. Ako ang responsable para sa lahat ng logistics dito, kaya sa teorya, kailangan kong manatili dito buong magdamag!”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Albert, “Ganito na lang kaya? Maghanap tayo ng pagkakataon na uminom nang magkasama sa Champs Elys Resort pagkatapos opisyal na magsimula ang mga leksyon. Siguradong may ilang libreng oras tayo pagkatapos ng mga klase.”Sinabi nang nakangiti ni Isaac, “Okay! Gano’n na lang!”***Samantala, nagmamaneho si Charlie pabalik sa siyudad ng Aurous Hill.May malaking kahalagahan para kay Charlie ang pananatili ni Caden sa Aurous Hill para sanayin ang mga martial arts expert para sa kanya.Kahit kailan, hindi nag-cultivate o nag-ensayo ng martial arts si Charlie, kaya bukod sa pagbibigay ng mga pill at mga mental cultivation method, wala siyang ib
Nang makita ni Isaac na parang kumikilos nang misteryoso si Albert para bitinin siya, tinukso niya siya, “Albert, hindi pa ba kita kilala? Siguradong wala kang magawa maliban sa asarin ako! Paano tayo magiging magkaklase sa ganitong edad?!”Sinabi nang agrabyado ni Albert, “Hindi iyon totoo, Mr. Cameron! May habang buhay na pagkakaibigan tayo, kaya sa tingin mo ba ay aasarin kita nang kaswal?”Pagkatapos, idinagdag niya nang mabilis, “Okay, Mr. Cameron, hindi ko na itatago ang katotohanan sayo. Didiretso na ako sa punto. Alam mo naman na ni-renovate ni Master Wade ang Champs Elys resort kailan lang, pero alam mo ba kung bakit niya ni-renovate ang lugar na ito?”Sinabi ni Isaac, “Hindi ba’t gustong sanayin ng young master ang isang grupo ng mga martial artist doon? Anong kinalaman nito sa atin?”Humagikgik si Albert at sinabi, “Tinipon ko ang tapang ko para kausapin si Master Wade ngayong araw, at sinabi ko sa kanya na interesado tayo sa pag-eensayo ng martial arts, kaya hiniling ko