Nababaliw na si Jack!Kilala siya sa kanyang sariling siyudad at sa buong bansa. Ang lahat ng nandito ay ginagalang siya nang buong puso pero ang batang ito ay talagang mayabang sa kanya. Sinubukan pa niyang tapakan siya nang ilang beses. Talagang nakakainis ito!Ang mas masama pa ay talagang nangahas siyang pagalitan siya!Siguradong gusto niya nang mamatay!Nagulat din sa oras an ito ang mga tao na nasa auction.Sino ba ang batang lalaking ito? Sino ang nagbigay ng tapang sa kanya na labanan at pagalitan si Jack? Pago na ba siyang mabuhay? Si Jack ay isang dalubhasa ng Feng Shui na mayroong sampung libong paraan upang patayin siya nang walang dugo!Gayunpaman, kahit na sobrang galit si Jack, nanatili siyang kalmado at mahinahon dahil gusto niyang makuha ang kabibe sa mas mababang presyo. Kaya pinanatili niya ang kanyang kilos bago siya ngumiti at sinabi, “Kaibigan, alam kong hindi tayo nagkaintindihan kanina bago mag-auction pero medyo sumosobra na ito. Kung mag-bid ka dahil la
”Ikaw! Ikaw!” Ang mukha ni Adam ay namula habang sinigaw niya, “Ikaw b*stardo! Ang lakas ng loob mong lokohin ang pamilya Quinton ng pera? Dudurugin kita maghintay ka, sinungaling!”Lumingon si Jack bago siya tumingin kay Adam at tinanong, “Mr. Quinton, kilala mo ba ang taong ito?”Suminghal si Adam bago siya sumagot, “Ang alam ko lang ay siya ang manugang na lalaki ng pamilya Wilson. Wala siyang trabaho at umaasa sa kanyang asawa. Kailan lang, naloko niya ang pangalawang tito ko na bigyan siya ng pera…”“Gano’n ba?”Tinanong ni Jack habang tumaas ang mga kilay niya. Sa sandaling ito, suminghal siya dahil panatag na ang kanyang loob.“Sige, bata. Papayuhan kita na huwag kang masyadong mayabang. Kung hindi, ikaw ang magdurusa sa huli. Hindi kita minamaliit, pero sigurado ka bang kaya mong bayaran ang isang daang milyong dolyar?”Ang mukha ni Charlie ay sobrang lamig habang sumagot siya, “Hindi mo na kailangang mag-alala kung may pera ako o kung kaya kong bayaran ito. Kung gusto mo
Isang daang milyong dolyar kapalit ng isang kabibe.Inakala ng lahat na baliw si Charlie pero walang pakialam si Charlie.Sa daan pauwi, ipinaliwanag ni Charlie na hindi kailangan mag-alala ni Jacob dahil ang isang daang milyong na ginastos niya sa auction ay pinahintulutan ng pamilya Quinton. Natatakot si Charlie na matatakot at mag-aalala si Jacob sa kung anong gagawin sa kanila ng pamilya Quinton.Pagkauwi, pinag-aralan agad ni Charlie ang kabibe dahil hindi pa nakakauwi si Claire.Ang laki ng kabibe ay kasing laki ng isang gulong. Nalinis na ito at pagkatapos ng isang simpleng pagpapakintab, nakita ang ginintuang pula at malinaw na makinis na shell.Nabasag ito ni Charlie sa ilang piraso nang walang masyadong pagsisikap.Kinuha niya ang isa sa mga piraso habang sinuri niya ito.Tulad ng inaasahan, mayroong tatlong puting butil na nakadiki sa likod ng shell.Ito ang Banal na Perlas ng Karagatan, isa sa Pitong Kayamanan ng Budismo, at dahil langkap ito ng shell ng kabibe, mas
Sa oras na ito, kinuha ni Claire ang bracelet at tinanong, “Charlie, ikaw mismo ang gumawa nito, tama?”“Oo.”Tumango si Charlie bago siya sumagot, “Ang perlas at mga parte ng kabibe na kwintas na ito ay kayang pakalmahin ang nerbyos mo at tutulungan ka nitong makatulog nang mahimbing sa gabi. Kung madalas mo itong susuotin, tutulungan ka rin nitong ilayo sa mga masasamang bagay. Medyo minadali ko ito kaya medyo magaspang ang pagkakagawa. Pinapangako ko na gagawan kita ng mas magandang bracelet kung may pagkakataon sa hinaharap.”Bago pa niya matapos ang pangungusap, ngumiti si Claire at sinabi, “Salamat, Charlie. Sobrang nagustuhan ko ito.”“Masaya akong nagustuhan mo ito.”Huminga nang maluwag si Charlie sa sandaling ito.Totoo nga na ang bracelet na binigay niya kay Claire dati ay sobrang mahal at maganda. Gayunpaman, hindi ito masyadong sinuot ni Claire.Sa totoo lang, si Claire ay isang simple at kaswal na tao. Wala siyang masyadong pakialam sa mga ginto o pilak na palamuti
“Ano? Panloloko sa pamilya?”Nagulantang din nang ilang saglit si Graham.Si Charlie lang ang may ginawa upang baguhin ang Feng Shui ng pamilya Quinton kailan lang.Sobrang kumbinsido si Graham sa kakayahan at abilidad ni Charlie. Kaya, mabilis niyang tinanong, “Mr. Yaleman, sigurado ka ba dito? Mayroon ngang taong tumulong sa amin kailan lang upang ayusin ang Feng Shui sa aking bahay. Ang kanyang pangalan ay Mr. Wade. Gayunpaman, mukhang gumagana naman ang mga pamamaraan niya. Sa tingin ko ay hindi niya kami ginayuma o niloko.”Suminghal si Jack bagos siya sumigaw, “May mga taong nagpapanggap na Diyos at sila ang pinakamagaling manloko ng mga ignoranteng tao! Kung patuloy kang magtitiwala sa kanya, aalis na lang ako kaagad!”“Mrr. Yaleman, mangyaring manatili ka.” Nag-panic si Graham habang sinubukan niyang pigilan si Jack sa pag-alis. “Maaari mo bang ipaliwanag sa akin, Mr. Yaleman? Maaari mo bang sabihin sa akin kung anong mali sa mga pamamaraan niya?”Sa sandaling ito, itinaa
”Ikaw, manahimik ka!” Sinabi ni Graham habang tumingin siya nang masama kay Adam. Pagkatapos, humarap siya kay Jack bago niya sinabi sa magalang na paraan, “Salamat sa iyong payo. Siguradong bibigyang pansin ko ito sa hinaharap.”Tumango si Jack sa isang makabuluhang paraan bago siya tumayo at umalis.Sa sandaling umalis sa mansyon si Jack, agad sinabi ni Adam, “Tito, si Mr. Yaleman ay isang kilalang dalubhasa mula sa Mystery Court. Paano maikukumpara sa kanya ang isang sinungaling tulad ni Charlie? Sa oras na ito, handang tumulong si Mr. Yaleman na lutasin ang problema ng pamilya natin nang walang bayad!”“Hindi tumanggap si Mr. Yaleman ni singko sa atin pero dinaya tayo nang malaking pera ni Charlie! Gumastos pa siya ng mas malaki pa sa isang daang milyong dolyar para bumili ng isang sirang kabibe sa auction ngayon! Ito ay isang scam! Tiyak na scam ito! Tito, bakit handa kang bigyan siya ng malaking pera? Bakit mo siya pinagkakatiwalaan nang malaki? Kung lalabas ang nangyari, hind
Pagkatapos umalis sa pamilya Quinton, pinagplanuhan ni Jack ang susunod niyang gagawin.Syempre, gusto niyang maghiganti kay Charlie. Gusto niyang kunin ang ninakaw sa kanya ni Charlie. Gayunpaman, hindi pa sapat ang ginawa niya ngayon!Ang dahilan kung bakit siya pumunta sa Aurois Hill sa oras na ito ay magtatag ng malakas na koneksyon sa Aurous Hill. Balak niyang kumuha ng isang grupo ng mga mananampalataya upang matatag niya ang kanyang tungkulin.Kaya, kailangan niyang gumawa ng plano upang makuha ang dalawang ito.Gusto niyang maisip ng lahat ng tao sa Aurous Hill na si Charlie ay isang manloloko!Hindi alam ni Charlie na balak ni Jack na gawin siyang sakripisyo upang isulong ang kanyang sarili.Habang abala siya sa pagbili ng mga gulay upang ihanda sa hapunan, biglang nakatanggap ng tawag si Charlie mula kay Jasmine.Pagkatapos sagutin ang tawag, sinabi sa kanya ni Jasmine sa seryosong paraan, “Mr. Wade, mukhang balak mag-imbita ni Mr. Yaleman ng mga dalubhasa sa antigo, F
Tumango si Charlie bago siya ngumiti at sinabi, “Pumunta ako para makilala ang mga dalubhasa dito ngayon.”Isang di gaano katandang lalaki na may mahabang damit ang sorpresang tinanong, “Ah, ito ang bumili ng huling kayamanan sa auction sa halagang isang daang milyong dolyar?”Ngumiti si Finn bago niya pinakilala si Charlie sa mga tao. “Oo, ito si Mr. Wade.”“Ano? Maituturing din ba siya na dalubhasa?” Tinanong ni Zeke habang tumingin siya nang mapanghamak kay Charlie. Pagkatapos, ngumiti siya at sinabi, “Mukhang kahit sino na ang tumatawag sa sarili nilang dalubhasa. Matatawag na rin na dalubhasa ang kahit sinong piraso ng basura sa kalye. Gayunpaman, si Mr. Yaleman ang tunay na maestro, sobrang mapagkumbaba siya at hindi sabik sa atensyon.”Naging awkward ang mga tao sa sandaling matapos magsalita si Zeke.Kahit na sadyang minamaliit ni Zeke si Charlie, sang-ayon ang lahat na hindi matatawag na dalubhasa si Charlie, kahit sa edad niya o sa pananamit.Halos lahat ng mga bisita d
Matagal nang alam ni Charlie na mahirap itago ang mga bakas na kaugnay sa mga close-defense missile, kaya sadya niyang sinabihan si Porter na ilagay ang lahat ng bakas ng close-defense missile papunta sa Blackwater Company para maiwasan ang atensyon.Ngayong isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company sa Middle East, siguradong pinupuntirya sila ng Qing Eliminating Society dahil sa mga bakas na naiwan ng close-defense missile.Sinabi nang magalang ni Porter kay Charlie, “Mr. Wade, ang impormasyon na natanggap ko ay kahit na isa-isang nawala ang mga executive ng Blackwater Company, walang bakas na napasok ang base nils. Pinuntirya at naglaho lang ang mga taong ito nang lumabas sila. Mukhang natutunan na ng Qing Eliminating Society ang leksyon nila at hindi na sila naglakas-loob na pumasok nang palihim at padalus-dalos sa isang modernong military base…”Tumango si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Magandang bagay na magpigil sila. Kung isang beses na silang naharangan ng
Tinaas ni Charlie ang mga kilay niya at tinanong, “Porter, kailan ka dumating?”Sinabi nang magalang ni Porter, “Kailan lang ako dumating. Tahimik akong naglayag mula sa cargo ship nang dumaan ito sa Suez Canal at pinalitan ko nang tatlong beses ang pagkakakilanlan ko bago ako pumunta dito. Pagkatapos bumaba sa eroplano, nag-renta ako ng isang kotse, at papunta na ako sa siyudad ngayon.”Tinanong siya ni Charlie, “Nasaan na ang iba?”Sumagot si Porter, “Mr. Wade, ayon sa mga utos mo, bukod sa akin, ang lahat ng kasangkot sa plano para pabagsakin ang base sa Cyprus ay hindi pwedeng bumaba sa lupa sa susunod na tatlo o anim na buwan. Maglalayag lang sila sa dagat sa cargo ship at babalik lang sa Syria pagkatapos humupa ng sitwasyon.”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Porter, “Siya nga pala, Mr. Wade, nakatanggap ako ng impormasyon habang nasa karagatan, at gusto ko itong i-ulat sayo sa personal.”Ngumiti nang kuntento si Charlie at sinabi, “Okay. Pumunta ka sa Shangri-La at han
“Martial arts?” Tinanong ni Nanako sa sorpresa, “Charlie-kun, ang Oskian martial arts ba ang tinutukoy mo?”Tumango si Charlie at sinabi, “Tama. Gumagamit ng essential qi ang Oskian martial arts para buksan ang walong pambihirang meridian.”Natulala si Nanako at tinanong, “Pwede ba ako?”Pagkatapos itong sabihin, sinabi niya sa mahinang boses, “Dahil, hindi naman ako Oskian, Charlie-kun…”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, tumingin kay Nanako, at sinabi nang seryoso, “Lumaganap na sa buong mundo ang Oskian martial arts. Maraming sect sa ibang bansa ang kumuha ng mga dayuhang disipulo, at marami ring mga dayuhang miyembro sa Ten Thousand Armies, kaya wala kang dapat alalahanin. Kung interesado ka, pwede kitang pasalihin sa training.”Tinanong nang nagmamadali ni Nanako, “Anong klaseng training ito? Ikaw ba ang personal na magsasanay sa akin, Charlie-kun?”Umiling si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Wala akong gano’ng abilidad. Isang dating leader ng isang martial arts sect mu
“Okay!”Nang tiningnan ni Nanako ang likod ni Marianne habang umaalis siya, pakiramdam niya na para bang kakaiba ang kilos ni Marianne, pero hindi niya maisip kung bakit. Pakiramdam niya na medyo natatakot si Marianne sa kanya dahil parang kakaiba ang ekspresyon niya sa sandaling nakita niya siya. Naramdaman pa ni Nanako na parang gumaan ang pakiramdam ni Marianne nang lumabas na siya sa elevator.Inisip ni Nanako, ‘Nakakatakot ba ako?’Dumating ang elevator sa underground parking lot habang iniisip ito ni Nanako.Nagmaneho si Charlie papasok sa underground parking lot pagkatapos maghintay ni Nanako ng mga limang minuto. Mabilis na tumayo si Nanako sa gilid nang umaasa.Umabante agad siya pagkatapos ipinarada ni Charlie ang kotse. Pagkatapos lumabas ni Charlie sa kotse, kumaway siya sa kanya nang sabik at pagkatapos ay yumuko nang bahagya habang sinabi, “Charlie-kun, nakakapagod siguro ang biyahe mo!”Natulala saglit si Charlie, pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Hindi ito na
Alam ni Nanako na hiling ng kanyang ama na magkaroon sila ng relasyon ni Charlie, kaya hindi siya nasorpresa nang tinukso siya ng kanyang ama. Hindi rin siya nahiya nang sobra. Sa halip, huminga siya nang malakas at nagreklamo, “Otou-san, magbo-book na ako ng hotel para sayo ngayon kung gusto mong matulog sa hotel. Pwede ka pang manatili sa hotel hanggang umuwi tayo sa Japan! Kung hindi pa ito sapat para sayo, kaya kong bilhin ang hotel na titirahan mo, Otou-san.”Humagikgik si Yahiko at sinabi, “Nanako, nagbibiro lang ako, hayaan mo na sana ako…”Pagkasabi nito, mabilis niyang idinagdag, “Oh, magsisimula na akong maglaro ng golf, kaya aliwin mo muna si Mr. Wade. Hindi kami babalik at mang-iistorbo pansamantala!”Hindi na masyadong nagsalita si Nanako nang makita niya na hindi na siya tinukso ng kanyang ama. Pagkatapos magpaalam sa kanyang ama, nagmamadali siyang lumabas at naghandang makipagkita kay Charlie sa basement.Pinindot niya ang down button sa elevator, at mabilis na bumu
“Okay, Master Wade!”***Pagkatapos ng tawag kay Aurora, tinawagan ni Charlie si Nanako. Nagbuburda si Nanako sa bahay. Nang matanggap niya ang tawag ni Charlie, sinabi niya nang masaya, “Charlie-kun, ano ang kinakaabalahan mo ngayon?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Nagmamaneho ako, at pabalik na ako sa siyudad. May gusto akong sabihin sayo sa personal. Nasa bahay ka ba ngayon?”Sinabi nang masaya ni Nanako, “Oo! Charlie-kun, pwede kang pumunta kahit anong oras.”Sinabi ni Charlie, “Okay, darating ako ng halos dalawampung minuto.”Mabilis na binaba ni Nanako ang burda sa mga kamay niya at sinabi nang nakangiti, “Maghahanda na ako ngayon at magpapakulo muna ng ilang tsaa para makapag-tsaa tayo pagdating mo mamaya, Charlie-kun.”Sinabi nang nagmamadali ni Charlie, “Hindi mo na kailangan mag-abala. May gusto ko lang akong sabihin sayo sa personal, at aalis ako pagkatapos kang kausapin.”Sinabi nang nakangiti ni Nanako, “Pwede kang mag-enjoy ng isang tasa ng tsaa habang nagsasalita
Tinawagan muna ni Charlie si Aurora pagkatapos magdesisyon. Medyo matagal na niyang hindi nakikita si Aurora. Ang huling beses na nakita niya siya ay noong ipinadala ni Aurora ang mga halamang gamot sa kanya sa ngalan ng kanyang ama.Medyo nahiya si Charlie nang maisip niya na nangako siya sa kanya na maglalaan siya ng oras para pangasiwaan ang training niya pero hindi niya ito magawa dahil masyado siyang naging abala.Mabilis na kumonekta ang tawag pagkatapos niyang tawagan ang number ni Aurora. Tinanong ni Aurora sa sorpresa, “Master Wade, bakit may oras ka na tawagan ako?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Tinawagan kita dahil may magandang balita ako na sasabihin sayo.”Tinanong nang masaya ni Aurora, “Ano ito? Maaari ba na pupunta ka sa bahay ko para pangasiwaan at gabayan ako sa training ko? Matagal mo na itong pinangako sa akin…”Sinabi ni Charlie nang nakangiti, “Kaugnay ito doon. Kailan lang ay nag-imbita ako ng isang martial arts expert para gumawa ng isang martial arts tra
Sinabi nang nagmamadali ni Isaac, “Albert, bakit hindi kita ilibre ng kain mamayang gabi? Kailangan nating uminom nang magkasama!”Sinabi ni Albert, “Mukhang hindi ako makakaalis pansamantala. Ako ang responsable para sa lahat ng logistics dito, kaya sa teorya, kailangan kong manatili dito buong magdamag!”Pagkatapos itong sabihin, idinagdag ni Albert, “Ganito na lang kaya? Maghanap tayo ng pagkakataon na uminom nang magkasama sa Champs Elys Resort pagkatapos opisyal na magsimula ang mga leksyon. Siguradong may ilang libreng oras tayo pagkatapos ng mga klase.”Sinabi nang nakangiti ni Isaac, “Okay! Gano’n na lang!”***Samantala, nagmamaneho si Charlie pabalik sa siyudad ng Aurous Hill.May malaking kahalagahan para kay Charlie ang pananatili ni Caden sa Aurous Hill para sanayin ang mga martial arts expert para sa kanya.Kahit kailan, hindi nag-cultivate o nag-ensayo ng martial arts si Charlie, kaya bukod sa pagbibigay ng mga pill at mga mental cultivation method, wala siyang ib
Nang makita ni Isaac na parang kumikilos nang misteryoso si Albert para bitinin siya, tinukso niya siya, “Albert, hindi pa ba kita kilala? Siguradong wala kang magawa maliban sa asarin ako! Paano tayo magiging magkaklase sa ganitong edad?!”Sinabi nang agrabyado ni Albert, “Hindi iyon totoo, Mr. Cameron! May habang buhay na pagkakaibigan tayo, kaya sa tingin mo ba ay aasarin kita nang kaswal?”Pagkatapos, idinagdag niya nang mabilis, “Okay, Mr. Cameron, hindi ko na itatago ang katotohanan sayo. Didiretso na ako sa punto. Alam mo naman na ni-renovate ni Master Wade ang Champs Elys resort kailan lang, pero alam mo ba kung bakit niya ni-renovate ang lugar na ito?”Sinabi ni Isaac, “Hindi ba’t gustong sanayin ng young master ang isang grupo ng mga martial artist doon? Anong kinalaman nito sa atin?”Humagikgik si Albert at sinabi, “Tinipon ko ang tapang ko para kausapin si Master Wade ngayong araw, at sinabi ko sa kanya na interesado tayo sa pag-eensayo ng martial arts, kaya hiniling ko