Home / Romance / Nakakahumaling na Pag-ibig / Kabanata 161 - Kabanata 170

Lahat ng Kabanata ng Nakakahumaling na Pag-ibig: Kabanata 161 - Kabanata 170

908 Kabanata

Kabanata 162

Parang kailan lang.... Kitang kita ng mga tao sa paligid nila kung gaano kabaliw si Gu Lichen kay Zhong Rongrong.... Isang lambing niya lang na gusto niya lead role, wala pang isang araw nakuha niya na ang role... Kapag ayaw niya sa direktor, walang patumpik tumpik na papapalitan nito.... at noong huling birthday, nabanggit niya lang na gusto niyang mag celebrate sa isang mamahaling hotel, at nireserve talaga nito ang buong hotel... Kaya nga kahit siya, naniwala rin na siya na ang pakakasalan nito... Pero anong nangyari at nagbago ang lahat....? At ngayon... kahit pa umitim na ang tuhod niya kaluluhod, wala siyang maramdamang kahit konting bahid ng awa.... Hindi... Mali.... wala siyang maramdamang kahit anong emosyon sa mga mata nito, na para bang hinahatulan siya ng titig nito... Alam niya na mahirap talagang kunin ang loob ni Gu Lichen, at kung swertihan man, ramdam na ramdam pa rin ang distansya nito. Bandang huli, naramdaman ni Zhong Rongrong na wala namang nangyayari sa
Magbasa pa

Kabanata 163

"Kung siya siguro yan, hindi siya iiyak." Biglang sabi ni Gu Lichen na kinagulat ni Zhong Rongrong. Siguro dala na rin ng sobrang pagkadesperada ni Zhong Rongrong, hindi na nito napigilang maglabas ng sama ng loob, "Sino? Sino ba kasi yung babaeng yun?! Gu Lichen, alam ko naman na may iba kang mahal, diba? Pero hindi mo siya makuha-kuha, kaya nga ganun-ganun mo nalang paglaruan ang mga babae diba?!" Tinignan ng sobrang sama ni Gu Lichen si Zhong Rongrong, at pagkatapos ay naglakad na ito papalayo. Noong sandaling yun, parang nawalan ng lakas si Zhong Rongrong at nahimatay. Pakiramdam niya ay mamatay siya sa tingin ni Gu Lichen kanina... Alam na niya kung saan siya pupulutin, at wala na siyang iba pang matatakbuhan.... Dire-diretsong naglakad palabas ng restaurant si Ling Yiran at dahil sa lamig ng panahon, hindi niya na masyadong naramdaman ang mahapdi sa pisngi niya. 'Sobrang nakakaubos ng lakas ang mga nangyari ngayong gabi...' Pero sa kalagitnaan ng paglalakad, bi
Magbasa pa

Kabanata 164

Habang ang isa niya namang tita ay walang ibang ginawa kundi ang ipagtanggol ang asawa nito. Pero kahit ano pa mang sabihin ng mga ito, hindi apektado si Ling Yiran at para bang wala siyang ibang nakikita kundi ang lola niya na nakaratay sa harapan niya. Noong sandali ring 'yun, biglang bumuka ang bibig ng lola ni Lin Yiran na para bang may gusto itong sabihin. Kaya nagmamadaling inilapit ni Ling Yiran ang tenga niya sa bibig nito, pero nang sandaling marinig niya ang sinabi nito, bigla siyang natigilan. Isa-isa ng lola niya ang mga pangalan ng mga anak nito, at kasama doon ang mga tita at tito niyang nakakulong... Tumayo ng maayos si Ling Yiran at walang imik na naglakad palabas ng ward. Sinundan naman siya ng mga tita at tito niya para pagpangakuin na iuurong niya na ang kaso. "Bakit kailangan kong iurong ang kaso? Kahit kailan hindi ko naramdaman na pamilya ang tingin niyo sa akin kaya bakit ko naman kayo ituturing na pamilya ko?" Walang emosyong sabi ni Ling Yiran. "Wal
Magbasa pa

Kabanata 165

Pero may iba pa ba siyang pagpipilian? Kaya nga ang number nalang na yun ang huli niyang pag-asa... Sa unang dial niya, hinihintay niyang sumagot ang kabilang linya, pero wala, Kaya hindi tumigil si Ling Yiran at paulit-ulit niya itong dinial. Sa loob ng President's office, kasalukuyang nagmimeeting sina Yi Jinli at ilang mga senior executive pero naputol ito nang sandaling magring ang isang pipitsuging cellphone. Hindi na bago sa mga executives na may dalawang cellphone si Yi Jinli. Ang isa yung palagi nitong ginagamit, at yung isa naman ay isang mumurahin phone na sobrang lumang model. Pero kung saan nanggaling ang misteryosong phone na 'yun, wala silang ideya kaya lagi silang nakikiusisa kay Gao Congming pero palagi lang din namang ngiti lang ang sagot nito. Kaya kanya-kanyang haka-haka nalang sila sa kung saan ba nanggaling ang phone na yun. Pero ang pinaka nakapagtataka ay bakit noon magring lang ito ng isang beses, natataranta na ang president. Pero ngayon.... nakat
Magbasa pa

Kabanata 166

Walang kasiguraduhan si Ling Yiran kung makikita niya ba kahit anino lang ni Yi Jinli kapag pumunta siya sa Yi Group. 'Pero bukod dun, saan ko naman siya pwedeng puntahan? 'Ni hindi ko nga alam kung saan siya nakatira eh!' Kaya kinahapunan, buong loob na pumunta si Ling Yiran sa Yi Group pero pagkarating niya doon, ni hindi manlang siya makapasok kahit sa entrance lang. Pagkasabi niya na gusto niyang makita si Yi Jinli, nairita lang sakanya ang mga guard at pati ang mga dumadaan ay pinagtinginan siya mula ulo hanggang paa. "Ineng, kung kikitain ni President Yi ang bawat taong pumupunta dito na hinahanap siya, baka pati sa tulog niya nakikipag meeting pa rin siya. Hindi na bago ang ganyang kalakaran mo, araw-araw may mga taong katulad mo na parang wala sa sarili." "Pero alam mo sa lahat, kakaiba ka ah? Yung ibang mga nagpupunta dito, kahit papano nagbibihis pa rin. Nakikita mo ba yang damit mo? Sa tingin mo ba may maniniwala sayo na kay President Yi ka makikipag kita?" Yumuk
Magbasa pa

Kabanata 167

Dahan-dahan sinarado ni Gao Congming ang pintuan pagkapasok ni Ling Yiran. Bakit niya ba pinayagan si Ling Yiran na makita ang Young Master? Malamang hindi dahil sa naawa siya noong nakita niya itong naghihintay sa labas, pero siguro dahil gusto niyang bigyan ng pabor ang amo niya. 'Alam kong naghihintay lang si Yiung Master Yi na si Ling Yiran mismo ang lumapit sakanya. Sa pagiimbestiga ko kay Ling Yiran, alam kong hindi siya ang tipo ng tao na basta-bastang nagmamakaawa sa iba, pero siguro sobrang importante ng dahilan niya, at gagamitin ko yun na dahilan para makapagbati na silang dalawa!' Habang iniisip ni Gao Congming ang ganitong bagay, magkahalong kilig at saya ang naramdaman niya. Masaya siyang naglakad papunta sa secretary's office, pero ang hindi niya alam ay may sumusunod sakanya na pagkapasok niya ay pumasok rin iyo at nilock ang pintuan. "Secretary Gao, sino yung babaeng pumasok sa president's office?" Hindi naman sa ito ang kauna-unahang pagkakataon na may pumas
Magbasa pa

Kabanata 168

"Wala naman na akong ibang gustong mangyari bukod sa palayain mo sila. Alam ko namang sisiw lang to sayo...." Kinakabahang sagot ni Lign Yiran. "Sisiw nga lang, pero.... ano naman?" Sobrang nakakainsulto ng pagtitig ni Yi Jinli kaya lalo lang kinabahan si Ling Yiran. Kaya muli siyang huminga ng malalim, na para bang kumukuha ng lakas ng loob, at tumitig sa mga mata ni Yi Jinli. "Anong gusto mong kapalit para palayin sila?" Nang marinig ito ni Yi Jinli, kumunot ang noo niya at inilapag ang hawak niyang ballpen sa lamesa. Tumayo siya at naglakad papunta kay Ling Yiran. Maingat niyang hinawakan ang mga kamay nito. "Ate, sobrang lamig ng mga kamay mo." Nang maramdaman ni Ling Yiran ang pagdampi ng kamay ni Yi Jinli, parang biglang nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Dahan-dahang inangat ni Yi Jinli ang mga kamay ni Ling Yiran at maingat na kiniskis ang mga ito. Halatang sanay na sanay na si Yi Jinli kung paano painitin ang mga kamay ni Ling Yiran. Sobrang
Magbasa pa

Kabanata 169

Para sa isang taong kagaya ni Yi Jinli, malamang hindi ito marunong tumanggap ng pagkatalo. "Bakit ka pa pumayag na makipagkita ako? Para ipamukha sakin kung gaano kataas ang kapangyarihan mo at kahit anong pagmamakaawa ko, wala akong mapapala?" Pautal-utal na sabi ni Ling Yiran. Ngumiti si Yi Jinli, at inayos ang hibla ng buhok ni Ling Yiran na dumampi sa pisngi nito. "Sabi mo ayaw mo akong makasama at hindi mo ako kailangan? Akala ko ba hindi mo pagsisihan?" Sobrang kalmado ng boses ni Yi Jinli. Yumuko siya at nilapit ang mga labi niya sa tenga ni Ling Yiran. Habang nararamdaman ni Ling Yiran na dumadampi sa balat niya ang mainit nitong hininga, lalo siyang naninigas at pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. "Kaya ako pumayag na makita mo ako para maipaintindi ko sayo na hindi ka dapat nagbibitaw ng mga salitang hindi mo naman kayang panindigan." Sabi ni Yi Jinli habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Ling Yiran. Nang sandaling yun, pakiramdam ni Ling Yiran ay n
Magbasa pa

Kabanata 170

Paano nga naman siya hindi magmumukhang pagod kung ilang araw na siyang hindi nakakatulog. Bukod sa mga nangyari sakanila ni Yi Jinli, sobrang nagaalala rin siya sa paglala ng kundisyon ng lola niya, kaya ngayon pakiramdam niya ay lumulutang siya sa ere. Pero hindi pa man din siya nakakalayo, may nakasalubong siya na binangga siya kaya natumba siya sa kalsada. Pero buti nalang at makapal ang damit niya kaya hindi siya nasaktan. Nang patayo na siya, may narinig siya na mga yabag ng paa na para bang patakbo palapit sakanya, at lilingon palang sana siya nang bigla niyang naramdamang may umalalay sakanya sa pagtayo. Nang tignan niya kung sino ito, nagulat siya dahil si Guo Xinli ang nakita niya. "Bakit ka..." "Nasa malapit lang yung sasakyan ko. Halika na, ihahatid na kita." Oo, tumanggi na si Ling Yiran pero sobrang nag-aalal pa rin si Guo Xinli kaya sinundan niya ito. "Wag na. Kaya ko naman ang sarili ko." "Paano naman kita hahayaang umuwi ng mag-isa ngayong nakita kong n
Magbasa pa

Kabanata 171

Nang maramdaman ni Ling Yiran na medyo nakalayo na ito, bahagya siyang lumingon para silipin ang sasakyan nito na palayo ng palayo. 'Siguro hindi na ako makakahanap ng taong kasing bait niya at yung tipo ng taong hindi ako huhusgahan kahit pa ex-convict ako. Bukod sa wala talaga akong nararamdaman para sakanya, ayoko rin na madamay siya sa mga problema ko sa buhay.' Sinundan niya ng tingin ang sasakyan ni Guo Xinli hanggang sa tuluyan na itong nawala. Noong oras na yun, hindi niya namalayan na may nakaparadang itim na Bentley mula sa di kalayuan, at nag-aapoy na sa galit ang taong nakasakay doon. Pangisi-ngisi lang si Yi Jinli, pero sobrang kinakabahan si Gao Congming habang pinagmamasdan ito sa rearview mirror. 'Nako, kabisado ko ang mga ngiting yan.... yan ang palatandaan na sasabog na ang Young Master sa galit. Kaya sa isip ni Gao Congming, pinapagalitan niya si Ling Yiran: 'Kung uuwi ka kasi Ling Yiran, dumiretso ka na ng umuwi hindi yung magpapahatid ka pa sa ibang lala
Magbasa pa
PREV
1
...
1516171819
...
91
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status