Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 771 - Chapter 780

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 771 - Chapter 780

848 Chapters

Kabanata 771

Ang gabi ay tahimik.Si Angeline ay nakahiga sa kama, hindi makatulog.Ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang lolo kanina ay nagsanhi sa kaniyang isipan na maguluhan.Umaasa ang kaniyang lolo na itatabi niya ang kaniyang pagkamuhi at tatanggapin si Anne bilang kapamilya upang palakihin ang estado ng Pamilya Severe sa lipunan. Ang puso ng matandang lalaki ay nasa tamang lugar.Gayunpaman, hindi niya ito matanggap dahil kinamumuhian niya si Anne sa pagkuha sa kaniyang ama. Ngayon, ang kaniyang ina ay nag-iisa na lamang.Kinamumuhian niya rin si Sera dahil sa pagkagusto nito kay Jay. Dati pa man ay iniisip na niyang para lang sa kaniya si Jay. Si Sera ay kahiya-hiya para magustuhan ang kaniyang bayaw.Imposible para kay Angeline na hindi magalit at tanggapin sila sa pamilya nang buong-puso.Pagkatapos no’n, nakarinig siya ng buntong-hininga sa kalagitnaan ng gabi.Narinig ni Angeline ang tunog na iyon at napabangon siya sa gulat.Nakinig siya nang mabuti upang masiguro na hindi iyon guni-gu
Read more

Kabanata 772

Tulalang sumagot si Angeline, “Kasi may mabangis na pusa sa kwarto ni Mommy.”“Mabangis na pusa?”Inantok si Angeline at marahan na pinikit ang kaniyang mga mata.Ang matalas na mga mata ni Jenson ay naglabas ng malamig na liwanag. Tumayo siya at sinuot ang kaniyang sapatos, pagkatapos ay nagtungo sa kabilang kwarto.Tumingin si Cole sa maliit na batang pumasok at nabigong nagtanong, “Nasaan ang mommy mo, bata?”Hindi siya pinansin ni Jenson, nagtungo lamang siya sa kama at humiga.Walang masabi si Cole.“Tinatanong ka ng daddy mo. Bakit hindi ka sumasagot?”“May plano ka bang maging stepfather namin?” Nagsimulang magsalita si Jenson. Mayroong katigasan sa kaniyang tono.Humiga si Cole sa tabi ni Jenson. “Oo. Kapag kinasal na kami ng mommy mo, magiging anak na kita.”Sinabi ni Jenson, “‘Wag mo akong sisihin sa pagiging diretso, pero kapag naging stepfather ka namin, hindi namin gagamitin ang pera mo. Kaya, kapag tumanda ka na, hindi ka rin namin bibigyan ng anumang suporta.”Walang mas
Read more

Kabanata 773

Alas kwatro na ng umaga noong makabalik si Cole sa mountain villa.Noong buksan niya ang pinto at pumasok, si Carson ay nakatayo sa likod niya na parang isang multo.“Lalabas ka ba o kababalik mo lang, Young Master?” Inaantok na kinusot ni Carson ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang boses ay parang galing sa isang multong nanggaling sa isang sinaunang balon.Binigay ni Coel ang coat na hawak niya sa braso ni Carson. Pagkatapos, umupo siya sa sofa sa sala nang may madilim na mukha. Kumuha siya ng alak sa mes at nagsimulang uminom.Lumapit si Carson. “Sino’ng nagsanhi sa ‘yo na magalit nang ganito, Young Master?”Uminom si Cole ng alak, at ang mga sulok ng kaniyang labi ay gumalaw sa galit.“Ang babaeng ‘yon, si Angeline Severe, ay tinanggihan ako pagkatapos kong magtungo roon para ipresenta ang sarili ko!” Pagalit na sabi ni Cole.Ang panga ni Carson ay bumagsak sa pagkabigla.Tama ba ang pagkakarinig niya? Ang kaniyang young master ay lumabas upang makita ang babaeng iyon sa kalagitnaan
Read more

Kabanata 774

“Kumusta, binibini?”Ang katulong ay binuksan ang pinto at natuliro noong nakita niya ang kakaibang eksena sa kwarto.“Lumabas ka.” Pagalit na sabi ni Yumi sa katulong.Tinakpan ng katulong ang kaniyang mga mata at dali-daling lumabas.Gayunpaman, parami nang parami ang mga taong pumapasok sa kwarto ni Yumi, kasmaa si Yosemite at ang kaniyang asawa, dahil sila ay naalarma sa sigaw ni Yumi.Kalaunan, ang kwarto ni Yumi ay napapalibutan ng maraming tao.Ang pinto ng kwarto ay nakakandado, ngunit ang dalawang tao sa loob ng kwarto ay parehong may damit.Tumingin nang masama si Yumi sa lalaking nasa harap niya. “Sinio’ng nagsabi na pumasok ka rito?”Ang lalaki ay lumuhod sa harap ni Yumi at yumuko, walang lakas ng loob na manghimasok.“Patawad, Binibini. Mukhang nalilito lang ako kagabi.”Inapakan ni Yumi ang mabuting puso ng lalaki. “May binabalak ka bang gawin sa ‘kin?”Tumingala ang lalaki, tuliro. “Wala, Binibini. Pakiusap ay maniwala ka sa ‘kin. Alam kong sa sarili kong kwarto ako nat
Read more

Kabanata 775

Tumingin si Yosemite sa malambing niyang anak at pabalik kay Seth, na paulit-ulit na tumatango. Bahagya siyang naniniwala sa mga salita ng kaniyang anak.“Kung gano’n, magpakasal na kayo sa lalong madaling panahon. Hindi ka na bata, Yumi. Hindi niyo pwedeng patagalin ang kasal niyo.” Alam ni Yosemite na kung kakalat ang iskandalo na ito, ang dangal ng Pamilya Titus ay mawawasak.Hindi mahalaga kung gusto ni Yumi ang lalaking ito. Kasal ang pinaka-magandang paraan para protektahan ang Pamilya Titus.Pamamaraan ng isang negosyante ang pagprayoridad ng personal na pakinabang.Minsan, kahit ang kasiyahan ng kaniyang anak ay kailangang masakripisyo.Tumango si Yumi, ngunit ang ngiti sa kaniyang mukha ay mabilis na nagdilim.Ninais ni Yosemite na tapusin agad ang pangyayari. “Kahit na hindi ko gusto ang pamilya mo, Seth, dahil mahal niyo naman ang isa’t isa, hindi ako tututol sa inyo. Dapat maikasal ang anak ko sa isang enggrandeng paraan. Alam kong hindi maganda ang sitwasyon ngayon ng Pami
Read more

Kabanata 776

Binuksan ni Angeline ang pinto at tumayo roon, sinasabi kay Old Master Severe, “Nangangako ako sa ‘yo. Pagkatapos kong kumain ng almusal, pupunta ako sa Imperial Capital at babawiin si Sera.”Saka lamang bumaba ang matandang lalaki upang kumain pagkatapos ng mga sinabi ni Angeline.Pagkatapos ng almusal, sinubukan ni Angeline na tuparin ang kaniyang pangako at nagmaneho patungo sa Grand Asia Hospital ng Imperial Capital.Nanatili si Sera sa Grand Asia pagkatapos manganak upang siya ay makapagpahinga. Ang kaniyang discharge date ay ilang araw na lamang.Dumiretso si Angeline sa front desk ng inpatient department at nagtanong tungkol sa ward number ni Sera.Si Jack Ares ay tunay na mapagbigay kay Sera. Sa kabila ng lahat, kinuha pa rin niya ang pinaka-magandang VIP ward sa Grand Asia para sa kaniya.Si Angeline ay nagtataka. Malinaw naman na hindi nag-uusap sina Jack at Jay, kaya ba’t hinayaan ni Jay na magkaroon ng magandang ward si Sera? Hindi naman siya hihingi ng bayad sa kaniyang am
Read more

Kabanata 777

Natawa si Angeline. “Ano’ng sinasabi mo, Ginoong Ares? Walang kahit isang araw ang nakalipas kung saan hindi ako nangangarap na makita kang muli.”Ang matamis na ngiti ni Angeline ay nagsanhi sa mga balahibo ni Jay na tumayo.“Sinabi ko na sa ‘yo dati, Angeline Severe. ‘Wag kang sumama sa kahina-hinalang mga lalaki.” Ang tono ni Jay ay naging seryoso.Nanlaki ang mga mata ni Angeline sa inis. “Hindi mo na ‘yan kailangang sabihin sa ‘kin, Ginoong Ares. Hindi ako kailanman hinayaan ng ina ko na sumama sa kahina-hinalang mga tao kahit noong bata pa lang ako. Kahit kahina-hinalang mga babae ay hindi niya ako hinahayaan na lumapit.”“Nagmamaang-maangan ka pa rin ba?” Ang tono ni Jay ay nakakatakot.Biglang may napagtanto ang isipan ni Angeline, at naisip niyang hindi na niya kayang kontrolin pa ang sitwasyon.Bulong niya, “May bata bang hindi nakakagawa ng panget na mga desisyon, Ginoong Ares?”Nakatago sa kaniyang mga salita ay isang sampal na nagsasabing ginawa rin iyon ni Jay noong siya
Read more

Kabanata 778

Gayunpaman, si Angeline ay mayroon pa ring ekspresyon ng katapangan at nagsalita, “Wala siyang masasabi rito.”Sumagot si Jay nang may ‘ikaw bahala’ na pahiwatig. “Balitaan mo ako.”Si Angeline ay natuliro sa kung gaano kadali siyang pinakawalan ni Jay.Kung alam lang niyang walang gagawin sa kaniya si Jay, baka hindi siya nabahala nitong mga nakaraan.Lumalabas sa kwarto ni Jay, si Angeline ay nagulat noong mapagtanto na ang kwarto ni Sera ay katabi ng kay Jay.“Nagkataon nga naman.” Napabuntong-hininga si Angeline.Ang hindi niya alam ay sinadya ito ni Jay, para magkaroon ito ng pagkakataon na makita siya.Sa kwarto ni Sera ay nakaupo ang asawa ni Jack sa tabi ng kama, maingat na pinapakain si Sera ng chicken soup.Lumitaw ang pangungutya sa ekspresyon ni Angeline noong sumandal siya sa pintuan. “Salamat sa pag-aalaga nang maigi sa kapatid ko, Madam.”Ang mga mata ng Madam at ni Sera ay napatingin sa pintuan. Nang makita si Angeline, ang kanilang mga ekspresyon ay nagulat.Nagpatuloy
Read more

Kabanata 779

Ang pagkabahala ng madam ay hindi nakatakas sa paningin ni Angeline.Lumuluhod sa sahig, pinulot ng madam ang mga bubog ng porselanang mangkok.Napabuntong-hininga si Angeline. “Aayusin ko na ang mga dokumento para sa pag-alis mo rito.”Gayunpaman, noong bumalik si Angeline mula sa pagkompleto ng mga papeles, nakita niya si Jack at ang mga tauhan niya sa pinto ng ospital.“Narito ako para i-uwi ka, Sera.” Ngayong alam na ng lahat ang tungkol sa marumi niyang mga sikreto, napagpasyahan ni Jack na tumigil sa pagpapanggap at harap-harapang kuhain si Sera mula kay Angeline.Nanatiling tahimik si Sera habang nakaupo sa kama, ganap na walang pakialam tungkol sa laban sa pagitan nina Jack at Angeline.Tulad ng isang abandonadong manika, ang taong mananalo ang susundin niya.Si Angeline, para kay Jack, ay mayabang lamang dahil tinutulungan siya ni Jay. Ngayong naghiwalay na ang dalawa, hindi siya pinansin ni Jack.Hindi niya alam na si Angeline ay ang klase ng tao na mas nagsisipag kapag mas m
Read more

Kabanata 780

Mukhang kailangan pa rin niyang linisin ang gulong ginawa ni Angeline.Sinenyasan niya si Finn na ibigay sa kaniya ang kaniyang laptop.Sa labas, ang tono ni Jack ay muling maririnig. “Muntik ko nang malimutan na isa kang hacker, Angeline. Pero, hindi kita inasahan na makakapasok sa internal network ng Ares Enterprises.”Pakiramdam ni Jack ay ang swerte-swerte niya, dahil sa wakas ay nakuha na niya ang kahinaan ni Angeline. Kung nanakawin ni Angeline ang pera ng Ares Enterprises, kaya rin niyang nakawin ang classified documents ng kanilang kumpaniya. Ilalagay nito ang Ares Enterprises sa isang passive na posisyon.Si Jack ay nakatuon sa pagtulak kay Angeline sa isang mahirap na sitwasyon.“Maghintay ka lang ng isang demand letter ng isang lawsuit, Angeline. Dinedemanda kita sa paglalagay sa panganib ng pera ng aking kumpanya.”Ang iniisip lamang ni Angeline ay kung saan mapupunta si Sera. “Tungkol naman sa kasunduan natin, Jack, naglagay na ako ng isang bilyon sa account mo. Hindi mo b
Read more
PREV
1
...
7677787980
...
85
DMCA.com Protection Status