Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 281 - Chapter 290

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 281 - Chapter 290

848 Chapters

Kabanata 281

Ang isang Rolls-Royce ay nagsasanhi ng engrandeng tsikahan, gumagalaw mula sa bilihan ng bulaklak patungo sa Shangri-La Hotel sa gitna ng siyudad.Sa oras na ito, pinagod ni Zetty ang kaniyang sarili dahil sa kakaiyak at ngayon ay tulog na sa braso ng kaniyang ina. Paminsan-minsan, bumubulong siya sa kaniyang panaginip, “Ayaw ko kay Daddy. Masamang tao si Daddy.”Ang mga mata ni Rose ay namumula, at pakiramdam niya ay nahiwa ang kaniyang puso ng kutsilyo.Biglang may kumatok sa pinto ng hotel. Tumingin si Josephine sa kaniyang nawasak na hipag at kusa nang tumayo at binuksan ang pinto.“Hipag, lumapit ka rito.”Nang marinig ang pagtawag ni Josephine, binaba ni Rose si Zetty sa kama at lumabas.Sa labas ng pinto ay isang dagat na puno ng maliwanag na pulang mga rosas.Ang lupa ay nababalot ng isang makapal na kumot ng mga bulaklak at mayroon pang mga puting floats sa bawat gilid ng daan. Sa loob ng mga float ay mga rosas na hugis-puso.Pagkatapos bilangin ang mga ito, mayroong labing-is
Read more

Kabanata 282

Siguro nga ay magandang bagay para sa kaniyang hipag na malinaw sa kaniya ito.Dati pa man ay nararamdaman na ni Josephine na maaaring pakasalan ng kaniyang kuya ang kahit sinong babae, ngunit sadyang hindi nito maibigay ang kaniyang pagmamahal.Ang doorbell ay tumutunog pa rin...Sa sobrang ingay nito ay agad na naglagay si Josephine ng dalawang bola ng bulak sa kaniyang mga tainga.Nag-aalinlangan na naglakad si Rose patungo sa pinto upang buksan ito.Tumingin siya sa dalawang lalaki sa labas ng pinto nang may malalim na pagkainis. Si Grayson ay natuliro. Bakit nagagalit si Rose.Ang oras ni Ginoong Ares ay pera. Para sa kaniya, ang maghintay rito sa loob ng kalahating oras, sino’ng nakakaalam kung gaano karaming pera na ang nasayang? Si Ginoong Ares dapat ang magalit.Natatakot si Josephine na ang kaniyang hipag na mayroong galit sa kaniyang kuya ay gagalitin ang kaniyang kuya dahil sa inis. Natatakot na baka si Rose ang matalo, dali-dali siyang lumapit upang pakalmahin ang mga baga
Read more

Kabanata 283

‘Di nagtagal ay dumating sina Josephine at Zetty sa Garden of A Diary. Dali-daling pinarke ni Josephine ang kotse sa gilid ng kalsada bago tumakbo sa loob habang hinihila si Zetty.Nang makita sina Jenson at Robbie na masayang nakikipaglaro sa mga kuliglig sa hardin, ang puso ni Josephine ay bumigat.Hindi pa ba nakakabalik ang kaniyang kuya? Hindi ‘yon makabuluhan. Para siyang baliw magmaneho kanina. Hindi dapat ito mas mabagal kaysa sa kaniya.Tinanong ni Josephine sina Jens at Robbie, “Jens, Robbie, ang ama at ina niyo ba ay bumalik na?”“Oo.” Sabay na tumango ang dalawang nakatutuwang bata.Ang mga mata ni Josephine ay nanlaki sa gulat. Ngayong nakabalik na si Jay, paano pa rin nagagawa ng mga bata na maglaro nang ganoong kalmado? Hindi ba nila nakita ang kanilang Daddy at Mommy na nagtatalo?Inapakan ni Josephine ang dalawang kuliglig habang sina Robbie at Jenson ay inangat ang kanilang mga mata upang tumingin sa kaniya nang masama. “Tita Josepine, ano na naman ang binabalak mo? B
Read more

Kabanata 284

Hindi alam ni Jay kung matatawa ba siya o maiiyak. “Ano’ng ginagawa niyo?”Inilapat ni Josephine ang kaniyang ulo kay Jay. Tinulak siya ni Jay gamit ang isang kamay at ‘di magalang na tinuro sa kaniya ang pinto. “Umuwi ka na nga.”Gamit ang puwang sa pinto, nakita ng mga bata na nakaupo ang kanilang Mommy sa kama, balot sa puting kumot at parang isang snowman na hindi gumagalaw.Ang mga bata ay nag-aalala sa kanilang Mommy at sumigaw, “Mommy, ayos ka lang ba?”Sinabi ni Jay nang may madilim na ekspresyon. “Ayos lang siya.”Si Rose ay nagmamalaki sa harap niya ngayong araw. Tila walang magpalabasan ng kaniyang galit, bigla niyang naisip na gamitin ang panloloko na ito upang parusahan si Rose.Bago pa man siya magtagumpay, sinira ng mga batang ito ang kaniyang plano.Siya dapat ngayon ang masama.Halatang hindi pinaniwalaan ng mga bata ang mga salita ng kanilang Daddy at sumiksik upang bisitahin ang kanilang Mommy.Binuksan lamang ni Jay ang pinto habang si Josephine naman ay tumatakbo p
Read more

Kabanata 285

Sa baba, si Zetty ay mayroong mga luha sa kaniyang mga mata habang siya ay yakap-yakap ni Josephine. “Tita Josephine, bakit inaaway ni Tito si Mommy?”Tumingin si Josephine sa makinis na mukha ni Zetty. Napakasimple pa ng bata, at wala pang mga bakas ng karumihan sa kaniyang mga mata.“Zetty, hindi inaway ni Tito si Mommy…” Hindi talaga alam ni Josephine kung paano ito ipapaliwanag sa bata.“Nagsisinungaling ka. Kinagat ni Tito ang leeg ni Mommy. Nakakita ako ng maraming sugat sa leeg ni Mommy.” Humikbi si Zetty, ang kaniyang mga luha ay gumuguhit sa kaniyang mukha.Sinampal ni Josephine ang kanyang noo. Hindi talaga niya alam kung paano ito ipapaliwanag kay Zetty.‘Di nagtagal, magkasabay na naglakad pababa sina Jay at Rose. Si Rose ay nagpalit na sa kaniyang mga damit at sinadyang pumili ng isang high-necked na berdeng cashmere sweater upang takpan ang kaniyang leeg.Tumingin si Zetty kay Jay na para bang may nakikita siyang kalaban sa kabilang buhay. Bigla siyang yumuko at gumawa ng
Read more

Kabanata 286

“Kuya, talaga bang pakakasalan mo muli si Hipag?” Nananabik na tanong ni Josephine.Tumango si Jay.“Kuya, sigurado ka ba na ito ang magiging desisyon mo pagkatapos ng matagal na pag-iisip at hindi dahil mali ang nainom mong gamot o nagiging mapusok ka lang?” Si Josephine ay naging isang tsismosa at nagtatanong na para bang sinusubukan niyang malaman ang pinagmulan ng mga bagay-bagay.Ang mga mata ng mga bata ay palipat-lipat kina Tita Josephine at Daddy. Sila ay mukhang lubos na nag-aalala tungkol sa usapan na ito.Pinag-isipan ito nang sandali ni Jay. Noong malaman niya na si Rose ay si Angeline, hindi niya ito masyadong pinag-isipan at agad na nagdesisyon na pakasalan siya.“Hindi ko ito masyadong pinag-isipan,” matapat niyang sinabi.Bumuntong-hininga nang mahina si Rose.Sabi na hindi siya mahal ni Jay, eh.Nakita ni Josephine ang halatang ekspresyon ng pagkabigo ni Rose at sinabihan ang kaniyang kuya, “Kuya, pakiusap, makiramdam ka naman? Si Hipag ay lubos na malulungkot kapag bi
Read more

Kabanata 287

“Ayos lang ba sa ‘yo, Ginoong Ares?” Tumingala sa kaniya si Rose.Ang mga mata ni Jay ay puno ng kadiliman. “Ano sa tingin mo?”Kahit sino’ng lalaki naman ay may paki kung ilang beses na kinasal ang kaniyang asawa, hindi ba?Si Rose ay nababahala at nababalisa. Ang pagligtas sa kaniyang lolo ay ang ginamit bilang kasunduan para mapilit siya na mapakasal. Kahit kailan ay hindi niya ninais na pakasalan si Jay. Ang kasal na walang pagmamahal ay nagdudulot lamang ng walang katapusang sakit.“Pwede mo naman bawiin ang kasal,” bulong ni Rose, ang kaniyang ulo ay nakayuko.Kahit na ang kaniyang boses ay mahina, ito ay parang isang kidlat na tumama sa lupa at sumabog nang walang tunog.Si Jay ay agad na nabaliw. “Rose, nakatadhana na ang kasal natin. Hindi mo ‘to pwede bawiin.”Si Rose ay hindi kumbinsido. “Ginoong Ares, kung hindi ayos sa ‘yo kung ilang beses na ako kinasal at kung hindi ayos sa ‘yo na nariyan si Zetty, eh, hindi ko maintindihan. Bakit mo ba ako pinipilit na mapakasal sa ‘yo?
Read more

Kabanata 288

Ang malalim na mga mata ni Jay ay napatingin sa pinto. “Nasaan si Rose?”“Masama ang nararamdaman niya. Nakaupo siya sa sofa, tulala.”Tumingin si Josephine kay Jay at napansin ang pagka-irita sa kaniyang mga mata. Ginamit ni Josephine ang kasalukuyang usapan upang itanong, “Kuya, mukhang nag-aalala ka sa kaniya?”“Siya ang magiging asawa ko. Hindi ba dapat ako mag-alala sa kaniya?” Tanong ni Jay.“Ayaw kang pakasalan ni Rose. Hindi ko maintindihan. Marami ang mga babae sa Imperial Capital, kaya bakit mo siya pinipilit na pakasalan ka?” Si Josephine ay nagtataka.“Siya lang dapat.” Ang katigasan ng ulo ay lumitaw sa mga mata ni Jay.Niyakap ni Josephine ang dalawang braso ni Jay at lumapit, tumatayo nang malapit sa kaniya. Pagkatapos no’n, maingat niyang sinuri ang mga mata ni Jay at nagtanong, “Kuya, sabihin mo nga nang totoo sa ‘kin. Nasa puso mo pa rin ba si Angeline?”Tumango si Jay.“Kung gayon, bakit nagpapakita ka ng malalim na pag-aalala sa hipag ko? Kuya, hindi ito patas sa ka
Read more

Kabanata 289

Sa Grand Asia Hospital.Dinala ni Jay si Rose hanggang sa pinto ng ICU. Hindi niya mapigilan ang kaniyang galit at malamig na sinabi, “Hindi ba’t sinabi ko sa inyo na maging maingat?”Ang doktor ay nahihiya, ngunit maayos niya pa ring sinabi ang dahilan ng sitwasyon na ito kay Ginoong Ares. “Ginoong Ares, una, ‘wag kang magalit. Kahit na si Old Master Severe ay nasa isang maayos na estado, ang kaniyang mga kalamnan ay patuloy na nabubulok. Pagkatapos ng aming pagsusuri, napagdesisyunan naming patindihin ang kaniyang paggaling gamit ang isang kombinasyon ng intravenous immunoglobulin at hormonal, immunosuppresive drugs. Hindi maiiwasan na magkakaroon ng mga komplikasyon, pero sa sandaling matapos na ‘to, ang kaniyang kondisyon ay aayos na. Marahil, ang lakas ng kalamnan ng old master ay marahan ding babalik sa dati.”Ang paliwanag ng doktor ay lubos na propesyonal at mahirap para sa tao na maintindihan ang prinsipyo na ito na ang mga komplikasyon ay hindi maiiwasan bago bumalik ang pasy
Read more

Kabanata 290

Iniisip ni Jay na halatang si Rose si Angeline. Ang pagmamahal nito para sa kaniya at sa mga Severe ay halatang-halata at hindi man lang natatago. Kahit na noong bumalik siya rito noong nakaraang pitong taon, hindi niya nakilala si Angeline dahil hindi niya ito naisip!Paano niya nagawang saktan siya nang ganoon katindi?!“‘Wag kang mag-alala, si Old Master Severe ay magiging maayos din. Magtiwala ka sa ‘kin,” sabi niya.Pinarke ni Josephine ang kotse, at noong siya ay palabas na ng parkihan ng kotse, nakakita siya ng lubos na nakakaalarmang eksena.Ang kaniyang kuya at hipag ay sobrang magkalapit, nakatingin sa isa’t isa at lubos na nagtititigan—parang dalawang magkasintahang nagmamahalan.P*tcha, namamalik-mata ba siya?Ang ang tila nagyeyelong bahay nila ay ‘di inaasahang nakatingin sa kaniyang hipag nang may ganoon kalagkit na tingin.Nilabas ni Josephine ang kaniyang selpon. Ninais niyang pindutin ang shutter upang i-rekord ang pambihirang sandali na ito.Sa pagdating ng oras, maa
Read more
PREV
1
...
2728293031
...
85
DMCA.com Protection Status