Sa baba, si Zetty ay mayroong mga luha sa kaniyang mga mata habang siya ay yakap-yakap ni Josephine. “Tita Josephine, bakit inaaway ni Tito si Mommy?”Tumingin si Josephine sa makinis na mukha ni Zetty. Napakasimple pa ng bata, at wala pang mga bakas ng karumihan sa kaniyang mga mata.“Zetty, hindi inaway ni Tito si Mommy…” Hindi talaga alam ni Josephine kung paano ito ipapaliwanag sa bata.“Nagsisinungaling ka. Kinagat ni Tito ang leeg ni Mommy. Nakakita ako ng maraming sugat sa leeg ni Mommy.” Humikbi si Zetty, ang kaniyang mga luha ay gumuguhit sa kaniyang mukha.Sinampal ni Josephine ang kanyang noo. Hindi talaga niya alam kung paano ito ipapaliwanag kay Zetty.‘Di nagtagal, magkasabay na naglakad pababa sina Jay at Rose. Si Rose ay nagpalit na sa kaniyang mga damit at sinadyang pumili ng isang high-necked na berdeng cashmere sweater upang takpan ang kaniyang leeg.Tumingin si Zetty kay Jay na para bang may nakikita siyang kalaban sa kabilang buhay. Bigla siyang yumuko at gumawa ng
“Kuya, talaga bang pakakasalan mo muli si Hipag?” Nananabik na tanong ni Josephine.Tumango si Jay.“Kuya, sigurado ka ba na ito ang magiging desisyon mo pagkatapos ng matagal na pag-iisip at hindi dahil mali ang nainom mong gamot o nagiging mapusok ka lang?” Si Josephine ay naging isang tsismosa at nagtatanong na para bang sinusubukan niyang malaman ang pinagmulan ng mga bagay-bagay.Ang mga mata ng mga bata ay palipat-lipat kina Tita Josephine at Daddy. Sila ay mukhang lubos na nag-aalala tungkol sa usapan na ito.Pinag-isipan ito nang sandali ni Jay. Noong malaman niya na si Rose ay si Angeline, hindi niya ito masyadong pinag-isipan at agad na nagdesisyon na pakasalan siya.“Hindi ko ito masyadong pinag-isipan,” matapat niyang sinabi.Bumuntong-hininga nang mahina si Rose.Sabi na hindi siya mahal ni Jay, eh.Nakita ni Josephine ang halatang ekspresyon ng pagkabigo ni Rose at sinabihan ang kaniyang kuya, “Kuya, pakiusap, makiramdam ka naman? Si Hipag ay lubos na malulungkot kapag bi
“Ayos lang ba sa ‘yo, Ginoong Ares?” Tumingala sa kaniya si Rose.Ang mga mata ni Jay ay puno ng kadiliman. “Ano sa tingin mo?”Kahit sino’ng lalaki naman ay may paki kung ilang beses na kinasal ang kaniyang asawa, hindi ba?Si Rose ay nababahala at nababalisa. Ang pagligtas sa kaniyang lolo ay ang ginamit bilang kasunduan para mapilit siya na mapakasal. Kahit kailan ay hindi niya ninais na pakasalan si Jay. Ang kasal na walang pagmamahal ay nagdudulot lamang ng walang katapusang sakit.“Pwede mo naman bawiin ang kasal,” bulong ni Rose, ang kaniyang ulo ay nakayuko.Kahit na ang kaniyang boses ay mahina, ito ay parang isang kidlat na tumama sa lupa at sumabog nang walang tunog.Si Jay ay agad na nabaliw. “Rose, nakatadhana na ang kasal natin. Hindi mo ‘to pwede bawiin.”Si Rose ay hindi kumbinsido. “Ginoong Ares, kung hindi ayos sa ‘yo kung ilang beses na ako kinasal at kung hindi ayos sa ‘yo na nariyan si Zetty, eh, hindi ko maintindihan. Bakit mo ba ako pinipilit na mapakasal sa ‘yo?
Ang malalim na mga mata ni Jay ay napatingin sa pinto. “Nasaan si Rose?”“Masama ang nararamdaman niya. Nakaupo siya sa sofa, tulala.”Tumingin si Josephine kay Jay at napansin ang pagka-irita sa kaniyang mga mata. Ginamit ni Josephine ang kasalukuyang usapan upang itanong, “Kuya, mukhang nag-aalala ka sa kaniya?”“Siya ang magiging asawa ko. Hindi ba dapat ako mag-alala sa kaniya?” Tanong ni Jay.“Ayaw kang pakasalan ni Rose. Hindi ko maintindihan. Marami ang mga babae sa Imperial Capital, kaya bakit mo siya pinipilit na pakasalan ka?” Si Josephine ay nagtataka.“Siya lang dapat.” Ang katigasan ng ulo ay lumitaw sa mga mata ni Jay.Niyakap ni Josephine ang dalawang braso ni Jay at lumapit, tumatayo nang malapit sa kaniya. Pagkatapos no’n, maingat niyang sinuri ang mga mata ni Jay at nagtanong, “Kuya, sabihin mo nga nang totoo sa ‘kin. Nasa puso mo pa rin ba si Angeline?”Tumango si Jay.“Kung gayon, bakit nagpapakita ka ng malalim na pag-aalala sa hipag ko? Kuya, hindi ito patas sa ka
Sa Grand Asia Hospital.Dinala ni Jay si Rose hanggang sa pinto ng ICU. Hindi niya mapigilan ang kaniyang galit at malamig na sinabi, “Hindi ba’t sinabi ko sa inyo na maging maingat?”Ang doktor ay nahihiya, ngunit maayos niya pa ring sinabi ang dahilan ng sitwasyon na ito kay Ginoong Ares. “Ginoong Ares, una, ‘wag kang magalit. Kahit na si Old Master Severe ay nasa isang maayos na estado, ang kaniyang mga kalamnan ay patuloy na nabubulok. Pagkatapos ng aming pagsusuri, napagdesisyunan naming patindihin ang kaniyang paggaling gamit ang isang kombinasyon ng intravenous immunoglobulin at hormonal, immunosuppresive drugs. Hindi maiiwasan na magkakaroon ng mga komplikasyon, pero sa sandaling matapos na ‘to, ang kaniyang kondisyon ay aayos na. Marahil, ang lakas ng kalamnan ng old master ay marahan ding babalik sa dati.”Ang paliwanag ng doktor ay lubos na propesyonal at mahirap para sa tao na maintindihan ang prinsipyo na ito na ang mga komplikasyon ay hindi maiiwasan bago bumalik ang pasy
Iniisip ni Jay na halatang si Rose si Angeline. Ang pagmamahal nito para sa kaniya at sa mga Severe ay halatang-halata at hindi man lang natatago. Kahit na noong bumalik siya rito noong nakaraang pitong taon, hindi niya nakilala si Angeline dahil hindi niya ito naisip!Paano niya nagawang saktan siya nang ganoon katindi?!“‘Wag kang mag-alala, si Old Master Severe ay magiging maayos din. Magtiwala ka sa ‘kin,” sabi niya.Pinarke ni Josephine ang kotse, at noong siya ay palabas na ng parkihan ng kotse, nakakita siya ng lubos na nakakaalarmang eksena.Ang kaniyang kuya at hipag ay sobrang magkalapit, nakatingin sa isa’t isa at lubos na nagtititigan—parang dalawang magkasintahang nagmamahalan.P*tcha, namamalik-mata ba siya?Ang ang tila nagyeyelong bahay nila ay ‘di inaasahang nakatingin sa kaniyang hipag nang may ganoon kalagkit na tingin.Nilabas ni Josephine ang kaniyang selpon. Ninais niyang pindutin ang shutter upang i-rekord ang pambihirang sandali na ito.Sa pagdating ng oras, maa
Umiglip lamang si Rose at ang mundo sa labas ay bumaligtad na.Ang hot search sa Twitter, ang balita sa araw na iyon, at ang nangungunang balita sa lahat ng mga sikat na plataporma ay nilabas ang larawan nina Jay at Rose na naghahalikan na puno ng pagmamahal.Pagkatapos makita ni John, ang babaero ng Pamilya Ares, ang hot search na ‘to, agad niyang pinagkalat ang tsismis. Sa loob lamang ng ilang oras, ang bawat nakatatanda sa Tourmaline Estate ay nalaman ang tungkol dito.Ang pinuno ng Pamilya Ares, si Grand Old Master Ares, ay lubos na nagagalit. “Kahit na si Rose Loyle ay ang ina nina Jenson at Robbie, siya ay nanggaling sa mahirap na pamilya at ilang beses na kinasal. Hindi maganda para kay Jay na habulin siya. Kung pinipili niyang magpakasal muli para sa mga bata, dapat niya itong gawin nang tago. Bakit kailangan nilang magsanhi ng ingay sa siyudad?”Ninais ni John na makitang magkagulo ang mundo. “Ang mga babae talaga ngayon ay gagawin ang lahat upang makaakyat sa tuktok nang mata
Si Rose ay nagtaka. “Naghahalikan? Hot search?”“Ang ibig sabihin ni Grand Old Master Ares ay nanggaling ka sa mababang pamilya at mayroong komplikadong nakaraang kasal, kaya dati pa man ay hindi ka na karapat-dapat sa aking Jay. Pero kung pinipili ni Jay na pakasalan ka muli para sa mga bata, magpakasal na lamang kayo nang tago. Hindi niyo na kailangan pang gumawa ng ingay.”Ang mukha ni Rose ay napuno ng sorpresa.Kahit na hindi niya rin gusto ang halatang paglalambing sa publiko ni Jay, masyado pa ring halata ang pagmamaliit ng Pamilya Ares para sa kaniya.Mayroon din siyang dignidad at dangal. Hindi niya hahayaan ang iba na magkamali ng intindi at apak-apak siya.Sinabi ni Rose, “Madam, tulad nga ng sinabi mo, nanggaling ako sa mababang pamilya at mayroon lamang kaunting kapangyarihan. Kaya dapat ay alam niyo po na ang pagpasok sa hot search, ang maikasal kay Ginoong Ares, pag-aayos ng kasal at iba pa ay mga bagay na hindi ko kontrolado.”“Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi naman ako
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto