All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 101 - Chapter 110

2479 Chapters

Kabanata 101

Nanginginig si Madeline sa hangin at tila ba naninigas ang kanyang dugo. Nagmamadali siyang bumalik sa kanyang tirahan, nag-impake ng ilang damit at araw-araw na pangangailangan, at lumayo buong magdamag. Wala na siyang tapang na harapin ang lalaking ito na mas nakakatakot pa sa demonyo. Hindi siya takot na mamatay, ngunit talagang takot siya sa mga malupit na pamamamaraan na ipinapakita nito. Ayaw niyang makitang muli na pinagmamalupitan nito ang mga taong mahal niya. Pagtingin niya sa sarili niya sa salamin, hinawakan ni Madeline ang malabo at kumikirot na peklat niya at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Jeremy, paano naging ganito ang kinalabasan ng pagmamahal ko sa iyo… …… Nang parating na ang bagong taon, maraming kompanya ang nagsagawa ng annual meeting sa panahong ito. Kahit na nagpumilit si Felipe na si Madeline ang sumama sa kanya sa annual meeting, sa huli ay tumanggi pa rin si Madeline. Pagkatapos ng dinner party, pumunta si Madeline sa isang karaoke bar kasa
last updateLast Updated : 2021-06-09
Read more

Kabanata 102

Walang-tigil na nanginig ang kamay ni Madeline at ang susi sa kanyang kamay ay nalaglag sa kanyang paa nang maingay. Ang mga sugat sa loob at labas ng kanyang katawan ay tila ba biglang "nagising" sa sandaling ito at hindi mabilang na nakakapunit na sakit ang muling bumalot sa kanyang katawan. Sa sobrang sakit ay nawawala na siya sa ulirat at ang natitirang imahe na lang sa kanyang isipan ay ang pagsira nito sa baul ng abo ng kanyang anak. Namatay ang voice-controlled na ilaw at ang mundo ni Madeline ay tila ba biglang nagdilim. "Madeline, kinakausap kita," narinig ang dominanteng boses ni Jeremy. Kusang nanginig si Madeline. Nang hablutin ni Jeremy ang kanyang braso, mukha siyang isang parkupino na natanggalan ng mga tinik. Pagkatapos na lumayo sa takot, bigla siyang lumuhod, iniuntog ang kanyang ulo sa kagipitan. "Mr. Whitman, kasalanan ko ito! Kasalanan ko ang lahat! Hindi dapat kita minahal at hindi ko dapat ginalit si Meredith!! "Jeremy, alam kong nagkamali ako, pakius
last updateLast Updated : 2021-06-09
Read more

Kabanata 103

Tumakbo siya sa kanto nang hindi tumatalikod. Isang piraso ng gleysyer ang natunaw sa kanyang puso at itim na malamig na tubig ang bumaha sa mundo niya. Wala na siyang tapang na harapin muli si Jeremy. Nasia na nang tuluyan ng malupit pamamaraan ni Jeremy ang katawan at isip niya at hindi na niya ito kakayanin. Sa sandaling ito, gusto na lamang niyang tumakas. Gusto pa niyang tumakas habambuhay. Biglang bumuhos ang ulan mula sa langit. Tumakbo si Madeline patungo sa tawiran, gustong pumunta sa kaibilang kanto. Isang kotse ang humaharurot sa direksyon niya. Hindi ito pumepreno. Nang maramdaman ang paparating na ilaw ng kotse, biglang huminto si Madeline sa gitna ng tawiran. Nang tignan ang maingay na kalye at pinapanood ang nakalinyang mga street light, bumuhos ang kanyang luha. Kung kaya niya, gusto niya talagang simulan muli ang buhay niya… Pumikit si Madeline at isang malakas na busina ang umingay. Sa sandaling ito, biglang naramdaman ni Madeline and isang malakas a
last updateLast Updated : 2021-06-10
Read more

Kabanata 104

Gumasgas ang kanto ng talaarawan sa hindi pa gumagaling na sugat sa kanyang mukha at mayroong bugso ng sakit bago muling tumulo ang dugo. Subalit hindi ito napansin ni Jeremy. Dinaanan siya nito at tumama sa payat na katawan ni Madeline ang malapad nitong balikat at sa isang iglap, bumagsak siya sa tabi ng kama. Sa harap niya, ang nakabuklat na talaarawan na nilaglag ni Jeremy. Tumingin pababa si Madeline at nakita niya ang mga salitang isinulat niya. "Jez, sa wakas nakita na kitang muli…" Tinignan ni Madeline ang mga salitang nakasulat sa pahina ng talaarawan at tinawanan niya ang kanyang sarili. Tumatawa nang tumatawa hanggang sa msgsimulang kusang tumulo ang mga luha mula sa kanyang mata. Tumulo sa dumudugong sugat ang mainit na tubig, kasama ng kurba ng baba, at sa huli humalo sa patak ng dugo, pumatak sa salita sa diary. Jez… Ang dati niyang Jez ay namatay na sa puso niya. Ang mahinhin na sikat ng araw, ang lalaking nagsabi na gusto siyang makasama habambuhay, ay tulu
last updateLast Updated : 2021-06-10
Read more

Kabanata 105

Lumalabas na ito ay ang asawa ni Eloise, si Sean Montgomery. Nang tignan ang matangkad at matikas nitong likod, nakaramdam si Madeline ng lungkot at pighati sa kanyang puso. Ginusto niya ring magkaroong ng ama, ngunit sa kasamaang palad, hindi niya kailanman naramdaman ang pagmamahal ng isang ama at ina sa kanyang buhay. "Kumusta ang kalagayan ng nanay mo?" Labis na nag-aalala si Sean sa sitwasyong ito. Umiyak si Meredith, "Hindi ko alam kung anong mayroon. Mukhang may aksidente sa operasyon. Malubhang dumudugo si ina at kasalukuyan siyang inooperahan…" "Ano?" Biglang nagbago ang ekspresyon ni Sean at tumakbo siya patungo sa operating room. Huminto saglit ang tibok ng puso ni Madeline. Paanong nagkaroon ng aksidente? Pinisil niya ang kanyang daliri sa pag-aalala ngunit narinig niya ang galit na boses ni Meredith na nagsasabing, "Saan biglang nanggaling ang mga taong may RH blood? Isang beses noon tapos ngayon na naman." Walang utang na loob sa tono ni Meredith, ngunit m
last updateLast Updated : 2021-06-11
Read more

Kabanata 106

Napamura si Sean. "Hindi na nakakapagtaka kung bakit hindi ka gusto ng mga magulang mo. Hindi dapat mabuhay sa mundong ito ang isang mabagsik na taong kagaya mo!" Hiss. Huminto ang paghinga ni Madeline. Iniinsulto at kinekwestyon ng mga taong napadaan at ng walang muwang na masa sa mga nagdaang ilang taon, pero matagal na siyang namanhid. Subakit nang marinig niya ang bawat salita at murang sinabi sa kanya ni Sean sa sandaling ito, pakiramdam niya ay para bang ilang libong hiwa ang lumatay sa laman at dugo niya sa kanyang katawan. Nahirapan siyang huminga dahil sa sobrang sakit. “Dad, kalimuttan niyo na ‘yun. Kasalanan ko itong lahat. Ako ang dapat na hindi nahulog para kay Jeremy…” Inako ni Meredith ang lahat ng sisi. Mas lalong nalungkot si Sean para sa kanyang pinakamamahal na anak nang marinig niya ito. “Paanong naging kasalanan mo? Ang babaeng ito ang may kasalanan!” Malungkot na tinignan ni Sean si Madeline. “Kung hindi niya inagaw si Jeremy, sana ay naging isang ma
last updateLast Updated : 2021-06-11
Read more

Kabanata 107

"Wala lang 'yon." Ngumiti lang si Madeline. "Oo nga pala, kumain ka na ba, Mr. Whitman?" Umiling si Felipe. "Anong meron?" "Gusto mo bang subukan ang gawa ko? Nagkataon na nagluluto ako, patapos na 'to." Bahagyang inamoy ni Felipe ang hangin at naamoy niya ang mabangong amoy ng kanin. "Kung ganoon, tatanggapin ko ang alok mo." Sobrang natuwa rin si Madeline nang marinig niya ang kanyang sagot. Sa una ay balak niyang matulog na pagkatapos kumain, pero ngayon, nagprito pa siya ng dalawa pang putahe. Noon ay umaasa pa siya na darating ang isang araw na uuwi ang kanyang pinakamamahal pagkatapos ng trabaho. Pagkatapos, kakainin nito ang kanyang nilutong pagkain na sarili niyang ginawa habang nag-uusap silang dalawa. Inakala niya na si Jeremy ang unang makakatikim ng kanyang lutuin, pero walang permanente sa mundo. Sa kabila ng mga magagandang pangarap na mayroon siya noon, lahat ng iyon ay naging kulay abong kastilyong buhangin na malinis na tinaboy ng hangin. Matagal nang
last updateLast Updated : 2021-06-12
Read more

Kabanata 108

Pumasok si Jeremy nang may kalmadong ekspresyon at nakakapangilabot na ereng nakabalot sa kanyang katawan. "Jeremy." Tinawag siya ni Felipe. Hindi sumagot si Jeremy. Tumingin ang kanyang malalamig na mga mata sa hapag bago huminto sa maputlang mukha ni Madeline. "Madeline, anong klaseng tanong ba yan? Asawa mo ako. Ganun ba kapambihira na magkaroon ako ng susi?" "...""Lantaran ka bang nagdadala ng lalaki rito para kumain at uminom habang wala ako?" Nakangiting nagsalita si Jeremy pero mariin niyang tinignan si Felipe. "So, Tito Felipe, gusto mo ng ganitong klaseng babae?" Nautal ang tibok ng puso ni Madeline. 'Ganitong klaseng babae.' Ginamit niya ang mga salitang ito para ilarawan siya. Mas lalong namutla ang mukha ni Madeline, pero hindi siya nagtangka na kaharapin siyang muli. Sa harapan niya, para siyang isang natatakot na ibon, natataranta at kinakabahan. "Jeremy, 'wag mo kong masamain," Kalmadong paliwanag ni Felipe, "Nag-aalala lang ako na baka may nangyari
last updateLast Updated : 2021-06-12
Read more

Kabanata 109

Nang matapos siyang magsalita, kinuha niya ang kanya coat at tumalikod. Tinignan ni Madeline ang likod ni Felipe habang papaalis ito at unti-unting nawawala ang ilaw sa kanyang mga mata. Tanging kawalan ng pag-asa ang natira sa kanyang mga mata sa huli. Hindi niya alam kung anong gagawin sa kanya ni Jeremy, ang tanging alam niya lang ay tiyak na napakasama ng kanyang mga pamamaraan. Hindi niya makakalimutan na para siyang isang demonyong nagmula sa impyerno. Hinukay niya ang libingan at hinayaan ang abo ng kanyang anak na tangayin ng hangin at ng niyebe, at nakangiti pa nga siya habang ginagawa ito. Nang makita niya ang mga namumulang mga mata ni Madeline na nakatingin sa direksyon kung saan dumaan si Felipe ay nagalit si Jeremy. "Ganito ka ba kalungkot na umalis siya? Madeline Crawford, tinuturing mo ba akong patay na? Ako ang asawa mo." Galit niyang tinulak si Madeline gamit ng kanyang mga braso. Nawindang si Madeline at tumumba sa gilid ng sofa, gumasgas ang kanyang su
last updateLast Updated : 2021-06-13
Read more

Kabanata 110

Biglang nanlamig ang buong katawan ni Madeline, para bang nagyelo ang dugo sa kanyang katawan. Nakatulala siyang tumingin sa nakangising lalaki. Para siyang si Satanas sa isang madilim na gabi, ang kanyang buong katawan ay itim. Sa huli ay gusto pala niyang makita siyang mamatay. 'Jeremy, 'di magtatagal ay matutupad din ang hiling mo.' 'Sana kalmado ka pa rin kagaya sa sandaling ito kapag dumating ang araw na iyon.' Subalit, nang magsisimula pa lang siyang mag-isip na tuluyan nang iwanan ang mundong ito at kalimutan ang lalaking ito habangbuhay, nakaramdam siya ng panghihinayang sa kanyang puso. Hanggang ngayon, mayroon pa rin siyang nararamdaman para sa kanya. Nagsimulang bumagsak ang mga luha sa mga ni Madeline nang biglaan, pero kahit na gaano pa kainit ang kanyang luha, hindi nito mapapainit ang kanyang puso. "Bakit ka umiiyak? Umaarte ka na naman bang kawawa?" Ngumisi si Jeremy, pinisil ng kanyang maiinit at balingkinitang daliri ang baba ni Madeline para pilitin
last updateLast Updated : 2021-06-13
Read more
PREV
1
...
910111213
...
248
DMCA.com Protection Status