Home / Urban / Realistic / Nagkakamali kayo ng Inapi / Chapter 551 - Chapter 560

All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 551 - Chapter 560

4921 Chapters

Kabanata 551

Sumakay ang lahat sa elevator. Hindi nagtagal, nakarating sila sa palapag kung saan naroroon ang Spinning Restaurant.Ding!Ang mukha ni Mandy Zimmer ay naging mas maputla sa sandaling dumating ang elevator sa nasabing palapag. Ang palad niyang nakahawak kay Xynthia's ay nagsimulang pagpawisan.Boom, boom, boom…!Sinimulang sindihan ang mga paputok, at ang mga makukulay na pailaw ay nagkalat sa buong lugar.“Maligayang kaarawan, Mrs. Mandy Zimmer...!”May grupo ng mga waiter ang nakatayo sa magkabilang panig sa exit ng elevator. Nang may nakita silang lumabas, agad silang yumuko.May propesyonal na banda ang nagpapatugtog ng musika sa likuran.Espesyal na naghanda ang restawran ng holographic projection kung saan ang iba't-ibang mga larawan ni Mandy ay ipinakita sa tuluy-tuloy na loop. Ang pigura ni Harvey ay lumitaw sa ilan sa mga larawan.Ito ay bihirang memorya nina Mandy at Harvey.Ang buong salu-salo ay ihinanda para kay Mandy. Walang ibang nandoon.Ang lahat ng mga mesa at upuan
Read more

Kabanata 552

Galit na galit si Brent Silva.Gumawa siya ng maraming paghahanda, gumamit ng maraming pamamaraan, at gumastos ng maraming pera upang mapanalunan ang puso ni Mandy.Ang pinakamahalagang bagay ay ang buong taktikang ito ay gawa ng mga utos sa kanya ng taong hindi niya kayang masaktan.Kung mabigo siya, mauuwi siya sa mga hindi kaasam-asam na mga pangyayari.Sa ngayon, si Brent Silva ay nagkaroon ng pagnanasang sakalin si Zack Zimmer hanggang sa kamatayan.Kung hindi ba dahil sa maling impormasyon ni Zack, malalagay ba siya sa ganitong kahirap na posisyon?Kung dinala niya si Mandy diretso sa Grand Hotel W, hindi ba mangyayari ang mga bagay ayon sa plano?“Susuriin ko ang sitwasyon!” Si Zack Zimmer ay pinagpawisan nang malamig. Alam niyang kung hindi niya mabibigyan si Brent ng kasiya-siyang paliwanag, ‘di bale nang wala siyang koneksyon sa makapangyarihan; pero mamamatay siya!Hindi nagtagal ay nagsimula na ang salu-salo sa kaarawan.Biglang tumawa si Zack. “Harvey, maaring walang-wala
Read more

Kabanata 553

Pagkasenyas ni Brent, ang dalawang entourage ay naglabas ng magagandang mga kahon ng regalo. Binuksan nila ito at inilagay sa isa sa mga mesa sa restawran.Sa loob ng dalawang kahong ito ay may susi ng Porsche at magandang diyamanteng singsing.Ngumiti si Brent at sinabi, “Mandy, narinig kong wala ka pang kotse mula nang dumating ka sa Buckwood. Alam kong hindi madaling maghanap ng plaka dito.““Sa gayon, espesyal akong naghanda ng Porsche 718 para sa’yo. Ito ay mula sa kumpanya na kasosyo ng mga Silva. Hindi mo na kailangang maging magalang, tanggapin mo na lang at imaneho ito.““At heto, singsing mula sa Cartier na ipinagawa ko para lamang sa’yo. Ito ay isang isang-karat na diyamante at napakamaselan nang pagkahubog nito. Pakiusap, isuot mo.“Naging puno ng kasakiman ang mga mata ni Lilian. Hindi niya maiwasang sumabat, “Young Master Silva. Ang dalawang bagay na ito ay ubod nang mamahalin, hindi ba?““Medyo. Ang kotse ay halos walong libo hanggang siyamnapung libong dolyar lamang. Pa
Read more

Kabanata 554

“Ano?” Si Mandy Zimmer ay natigilan saglit, nagulat.Ipinagpalagay niya na ang regalo ni Harvey para sa kanyang kaarawan ay bagay na walang halaga, dahilan kung bakit nahihiya siyang ipakita ito sa harap ng lahat kani-kanina lang.Naglabas si Harvey York ng sobre mula sa kanyang bulsa at iniabot ito kay Mandy. “Buksan mo ito at tingnan.”Binuksan ni Mandy ang sobre, na naglalaman ng access card at code para sa smart lock na pinto.Nagulat si Mandy. “Ito ba… ‘yong bahay?”“Ang… ang Gardens Residence?”Napanganga si Mandy.Bagaman kamakailan lang siyang dumating sa Buckwood, alam niyang ang Gardens Residence ay ang pinakamainam na komunidad ng tirahan sa buong Buckwood.“Ang lugar na inuupahan ng mga Zimmer ay masyadong maliit para tirhan. Diyan ka na lang sa bahay na ‘yan tumira sa halip. Pagkatapos ng lahat, ikaw ang CEO ng kumpanya.“Ngumiti si Harvey.“Tara at tingnan natin. Sundan mo ako.”Habang nag-uusap sila, dinala ni Harvey si Mandy sa Gardens Residence.“Harvey, baliw ka na b
Read more

Kabanata 555

Tumama sa ugat ni Senior Zimmer ang mga salita ni Zack Zimmer.Ang dahilan kung bakit pinayagan ni Senior Zimmer si Mandy na maging CEO ay upang makontrol siya.Gayunpaman, magiging mahirap kung pakakasalan ni Mandy si Brent Silva habang hawak pa rin ang posisyon ng CEO.Ang mga mata ni Senior Zimmer ay nanlilisik sa pagkapikon. Malamig na sinabi niya, “Sa pamilyang Zimmer, hindi mo basta-basta magagawang makipaghiwalay o makipagkasal sa sinuman ayon sa gusto mo!”Nagpatuloy si Zack, “Lolo, sa ngayon, ang pinakamainam na paraan ay hayaang mabilis na ipakasal si Quinn sa pamilyang Silva at pagkatapos ay agawin ang posisyon ng CEO mula kay Mandy.”“Kung sa palagay mo ay wala kang mapagkakatiwalaan, maari kong pansamantalang hawakan ang posisyon para sa’yo!”“Siyempre, papet lang ako. Si Lolo ang masusunod sa huli!“Walang balak ns Zack na itago ang kanyang ambisyon. Alam niyang walang katuturan ang pagtago nito, kaya't mas maigi pang maging prangka na siya rito.Mula sa kanyang pag-unawa
Read more

Kabanata 556

Hindi dumalo ang pamilya ni Mandy sa interim meeting na ito dahil maraming mga bagay ang kailangang ayusin sa kumpanya.Nagsimula na ang proyekto ng Silver Nimbus Mountain Resort.Dahil binigay sa Silver Nimbus Enterprise ang proyektong ito ng Sky Corporation, napakahalaga nito.Si Mandy Zimmer ang namamahala ngayon sa pagtatayo ng proyekto on-site.Dahil sa sapat na pondo, nakapag-hire ang Silver Nimbus Enterprise ng top-notch na design at mga construction teams.Hindi lamang sa napakahusay ng kalidad ng kanilang trabaho, mabilis pa sila at mahusay din.Sa ilang araw lamang, maraming mga gusali ang nagsimulang magkahugis.Isang gabi, nakatanggap si Mandy ng tawag na nag-uulat na may nangyari sa construction site.Agad silang sumugod ni Simon sa pinangyarihan ng aksidente.Pagdating doon, nakita nila ang dalawang grupo ng mga tao sa field.Ang isa ay ang construction team na kanilang kinuha.Ang kabilang grupo naman, wala sa kanila ang may ideya kung sino ang mga iyon.Puro
Read more

Kabanata 557

Sa pamumuno ng mga gangster, hindi takot na sumigaw ang mga villager sa paglaban.Hindi bobo si Mandy. Naintindihan niya agad ang sitwasyon. Pumarito ang mga taong ito para lang gumawa ng gulo, at wala nang iba pang dahilan.Gayunpaman, ang Buckwood ay isang provincial capital. Isa itong lugar na binigyang diin ang pagpapatupad ng batas. Kahit na ang mga gangster ay hindi pwedeng basta-bastang manggulo.Malamang ay humiling sila ng protection fee at pinilit ang mga villager na magtipon dito para bigyang-katwiran ang kanilang walang prinsipyong aksyon.Huminga nang malalim si Mandy at kalmadong sinabi, “Sige. Sinabi niyong gusto niyo ng compensation para sa demolisyon ng gusali. Magkano ang gusto niyo?""Maliit lang, fifteen million dollars lang. Kung bibigyan mo kami ng ganitong halaga, edi tapos na ang bagay na ito ngayong araw na ito." Sabi ng isa sa mga leader ng gangster, nakangisi.Subalit, napaka-interesante ng sinabi niya. Pwedeng matapos na ang isyung ito ngayon, pero pwe
Read more

Kabanata 558

Sa parehong oras, sa isang clubhouse.Maraming tao ang nakaupo sa isang private room.Pawang mga malalaking tao ang mga ito sa Buckwood.Nagtipon silang lahat para bigyan ng maayos na reception ang isang taong umaangat.Si Tyson Woods!Ang numero unong lalaki sa Niumhi, na nanirahan sa Buckwood kamakailan lamang.Nakakuha siya ng isang malakas na pwersa pagkarating sa Buckwood at mabilis na pinangunahan ang ilang mga teritoryo.Sinabing mayroon siyang isang malakas na benefactor na sumusuporta sa kanya mula sa likuran.Kung kaya, kailangan nila siyang tratuhin nang mabuti.Kahit paano man tingnan, bagong salta lang si Tyson Woods sa Buckwood.Kung ikukumpara sa mga malalaking taong ito sa Buckwood, wala siyang kwenta.Kung hindi dahil sa kanyang benefactor, wala siyang karapatang umupo dito sa kanilang mga ranggo.Ang organizer ng kapistahang ito, si Old Niner, ay ngumiti at inilapag ang phone sa kanyang kamay.May isang tumawa at sinabi, "Niner, ang busy mo masyado. Naka-
Read more

Kabanata 559

Sa wakas ay natulog na si Mandy Zimmer ay tuluyang ng hating-gabi.Tumibok ang puso ni Harvey York para sa kanya. Huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili.Pumunta siya sa rooftop at nag-dial ng isang numero. "Tyson, nasaan ka na ngayon?""Sir, nasa Buckwood na ako. Alinsunod sa mga utos mo, kinausap ko na ang ilang malalaking tao sa Buckwood."Sinabi ni Harvey, "May narinig ka ba kamakailan? Halimbawa, may gumagawa ng gulo sa construction site para sa proyekto ng Silver Nimbus Mountain Resort ngayon."Nag-isip sandali si Tyson at sinabi, “Hindi ako sigurado, Sir. Pero may isang taong tinatawag na Old Niner, at mukhang may ginagawa siya para sa isang noble na Buckwood. Hindi ako sigurado kung may kinalaman ito sa sinabi mo.""Hindi na mahalaga. Maghanda ka ng ilang mga tao bukas, at hintayin ako sa site ng proyekto ng Silver Nimbus Mountain Resort." Utos ni Harvey, malamig ang kanyang mukha."Sir, huwag kang mag-alala. Maingat kong pinili ang mga taong sumunod sa akin s
Read more

Kabanata 560

Tumingin ang leader kay Harvey at Tyson na may mapaglarong ekspresyon."Oo. Pareho kaming responsable para sa kaligtasan ng construction site ngayong gabi."Hindi nagsalita si Harvey. Sa halip ay si Tyson Woods ang nagsalita.Hindi kwalipikado ang mga taong ito para kausapin si Harvey.Maingat na pinag-aralan ng leader si Tyson at ngumisi. "Mukhang gangster ka din, ha? Kilala ko ang mga malaking tao sa Buckwood. Mukhang bago ka pa rin dito at nagsisimula ka pa lang?"“Alam mo ba kung sino kami? Gusto mong magtrabaho sa underworld, ‘di ba?. Alam mo ba kung anong mangyayari sa iyo kung makikialam ka sa amin?"Lalo siyang ngumisi."Masyadong kaming minaliit ni ni Mandy Zimmer. Kahit na gusto niyang maghanap ng makikipaglaban sa amin, kahit papaano ay naghanap sana siya ng isang taong medyo sikat. Pwede tayong maupo at magkaroon ng magandang usapan.""Ang isang pipitsuging nanggaling sa kung saan na tulad mo ay wala sa amin!"Tumingin siya kay Harvey na may hitsurang puno ng pagka
Read more
PREV
1
...
5455565758
...
493
DMCA.com Protection Status