Hindi dumalo ang pamilya ni Mandy sa interim meeting na ito dahil maraming mga bagay ang kailangang ayusin sa kumpanya.Nagsimula na ang proyekto ng Silver Nimbus Mountain Resort.Dahil binigay sa Silver Nimbus Enterprise ang proyektong ito ng Sky Corporation, napakahalaga nito.Si Mandy Zimmer ang namamahala ngayon sa pagtatayo ng proyekto on-site.Dahil sa sapat na pondo, nakapag-hire ang Silver Nimbus Enterprise ng top-notch na design at mga construction teams.Hindi lamang sa napakahusay ng kalidad ng kanilang trabaho, mabilis pa sila at mahusay din.Sa ilang araw lamang, maraming mga gusali ang nagsimulang magkahugis.Isang gabi, nakatanggap si Mandy ng tawag na nag-uulat na may nangyari sa construction site.Agad silang sumugod ni Simon sa pinangyarihan ng aksidente.Pagdating doon, nakita nila ang dalawang grupo ng mga tao sa field.Ang isa ay ang construction team na kanilang kinuha.Ang kabilang grupo naman, wala sa kanila ang may ideya kung sino ang mga iyon.Puro
Sa pamumuno ng mga gangster, hindi takot na sumigaw ang mga villager sa paglaban.Hindi bobo si Mandy. Naintindihan niya agad ang sitwasyon. Pumarito ang mga taong ito para lang gumawa ng gulo, at wala nang iba pang dahilan.Gayunpaman, ang Buckwood ay isang provincial capital. Isa itong lugar na binigyang diin ang pagpapatupad ng batas. Kahit na ang mga gangster ay hindi pwedeng basta-bastang manggulo.Malamang ay humiling sila ng protection fee at pinilit ang mga villager na magtipon dito para bigyang-katwiran ang kanilang walang prinsipyong aksyon.Huminga nang malalim si Mandy at kalmadong sinabi, “Sige. Sinabi niyong gusto niyo ng compensation para sa demolisyon ng gusali. Magkano ang gusto niyo?""Maliit lang, fifteen million dollars lang. Kung bibigyan mo kami ng ganitong halaga, edi tapos na ang bagay na ito ngayong araw na ito." Sabi ng isa sa mga leader ng gangster, nakangisi.Subalit, napaka-interesante ng sinabi niya. Pwedeng matapos na ang isyung ito ngayon, pero pwe
Sa parehong oras, sa isang clubhouse.Maraming tao ang nakaupo sa isang private room.Pawang mga malalaking tao ang mga ito sa Buckwood.Nagtipon silang lahat para bigyan ng maayos na reception ang isang taong umaangat.Si Tyson Woods!Ang numero unong lalaki sa Niumhi, na nanirahan sa Buckwood kamakailan lamang.Nakakuha siya ng isang malakas na pwersa pagkarating sa Buckwood at mabilis na pinangunahan ang ilang mga teritoryo.Sinabing mayroon siyang isang malakas na benefactor na sumusuporta sa kanya mula sa likuran.Kung kaya, kailangan nila siyang tratuhin nang mabuti.Kahit paano man tingnan, bagong salta lang si Tyson Woods sa Buckwood.Kung ikukumpara sa mga malalaking taong ito sa Buckwood, wala siyang kwenta.Kung hindi dahil sa kanyang benefactor, wala siyang karapatang umupo dito sa kanilang mga ranggo.Ang organizer ng kapistahang ito, si Old Niner, ay ngumiti at inilapag ang phone sa kanyang kamay.May isang tumawa at sinabi, "Niner, ang busy mo masyado. Naka-
Sa wakas ay natulog na si Mandy Zimmer ay tuluyang ng hating-gabi.Tumibok ang puso ni Harvey York para sa kanya. Huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili.Pumunta siya sa rooftop at nag-dial ng isang numero. "Tyson, nasaan ka na ngayon?""Sir, nasa Buckwood na ako. Alinsunod sa mga utos mo, kinausap ko na ang ilang malalaking tao sa Buckwood."Sinabi ni Harvey, "May narinig ka ba kamakailan? Halimbawa, may gumagawa ng gulo sa construction site para sa proyekto ng Silver Nimbus Mountain Resort ngayon."Nag-isip sandali si Tyson at sinabi, “Hindi ako sigurado, Sir. Pero may isang taong tinatawag na Old Niner, at mukhang may ginagawa siya para sa isang noble na Buckwood. Hindi ako sigurado kung may kinalaman ito sa sinabi mo.""Hindi na mahalaga. Maghanda ka ng ilang mga tao bukas, at hintayin ako sa site ng proyekto ng Silver Nimbus Mountain Resort." Utos ni Harvey, malamig ang kanyang mukha."Sir, huwag kang mag-alala. Maingat kong pinili ang mga taong sumunod sa akin s
Tumingin ang leader kay Harvey at Tyson na may mapaglarong ekspresyon."Oo. Pareho kaming responsable para sa kaligtasan ng construction site ngayong gabi."Hindi nagsalita si Harvey. Sa halip ay si Tyson Woods ang nagsalita.Hindi kwalipikado ang mga taong ito para kausapin si Harvey.Maingat na pinag-aralan ng leader si Tyson at ngumisi. "Mukhang gangster ka din, ha? Kilala ko ang mga malaking tao sa Buckwood. Mukhang bago ka pa rin dito at nagsisimula ka pa lang?"“Alam mo ba kung sino kami? Gusto mong magtrabaho sa underworld, ‘di ba?. Alam mo ba kung anong mangyayari sa iyo kung makikialam ka sa amin?"Lalo siyang ngumisi."Masyadong kaming minaliit ni ni Mandy Zimmer. Kahit na gusto niyang maghanap ng makikipaglaban sa amin, kahit papaano ay naghanap sana siya ng isang taong medyo sikat. Pwede tayong maupo at magkaroon ng magandang usapan.""Ang isang pipitsuging nanggaling sa kung saan na tulad mo ay wala sa amin!"Tumingin siya kay Harvey na may hitsurang puno ng pagka
"Tanungin sila tungkol sa kanilang pagkakakilanlan."Kaswal na umupo si Harvey York sa isang kahoy na may kalmadong ekspresyon sa mukha.Ang gangster na namumuno ay nagpupumiglas habang ikiniling niya ang kanyang ulo upang para silipin si Harvey, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.Naisip na niya na si Tyson Woods ay isang matapang at mabangis na tao na kamakailan ay sumali sa mga lansangan ng Buckwood.Ngunit ang mabangis na taong iyon ay sobrang magalang kay Harvey na parang isang tupa.Mukhang hindi kapansin-pansin ang binata. Saan siya nagmula?'Lumapit si Tyson sa leader ng gangster at hinawakan siya sa leeg at inangat mula sa lupa habang nakalutang ang katawan nito sa hangin."Sasabihin ko sa iyo, sasabihin ko na sa iyo ang lahat! Pinadala kami ni Old Niner!"Takot na takot ang leader ng gangster na halos ma-ihi siya sa pantalon niya. Pilay ang lahat ng kanyang mga tauhan. Kung maglalakas-loob pa siyang magsalita nang kalokohan pagkatapos nito, sa tingin niya’y tat
“Bastos ka! Ikaw…"Sumugod ang isang gangster sa galit. Naglabas si Tyson Woods ng isang throwing knife sa isang galaw ng kanyang braso at tinutok ang kutsilyo sa mukha ng gangster.Nagsimulang umungol ang gangster habang tinatakpan ang kanyang mukha. Kasabay nito, muling inikot ni Tyson ang kanyang braso at kumuha ang isang maliit na throwing knife sa kanyang palad, kaswal na tinutok ang kutsilyo sa lalamunan ni Old Niner.Natauhan kaagad si Old Niner.Walang awa ang lalaking nasa harapan niya. Kung kaya niya, tatapusin na niya ang buhay ni Old Niner.Nang walang alinlangan, itinapon ni Old Niner ang kanyang mga kamay sa hangin at sinabi, "Pag-usapan natin ito, Brother Tyson. Nakatira tayong lahat sa mga lansangan at halos araw-araw tayong nagkikita! Pagbigyan mo naman ako, pwede ba?”Hindi isang tanga si Old Niner. Kung hindi siya sumuko sa sandaling iyon, naghahanap siya ng kamatayan!Hindi nagbitiw si Tyson ng kahit isang salita at ngumisi lamang, pagkatapos ay sumenyas sa w
Kinuha ni Harvey York ang phone at tiningnan ang mga nilalaman.Isa itong banyagang number, ngunit may mga mission task sa ilalim ng number.Ang task na nais ng taong iyon na gawin ni Old Niner ay simple at iyon ay ang pwersahin ang Silver Nimbus Mountain Resort na itigil ang kanilang proyekto pati na rin ang pagtanggal kay Mandy Zimmer sa kanyang posisyon bilang CEO.Agad na ginamit ni Harvey ang phone ni Old Niner para tawagan ang tao.Pagkaraan ng ilang sandali, isang malalim ngunit marangal na boses ang umalingawngaw mula sa kabilang linya."Old Niner, hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag akong direktang tawagan?"Ano nang nangyari sa task ng Prince?"Kalmadong sinabi ni Harvey, "Ano sa palagay mo?"Click… Agad na binaba ng tao ang tawag."Sir York, ang tao ba..."Hindi na kailangan ni Harvey na tawagan muli ang tao at itinapon ang phone sa lupa."Ang mga Silva," mahinahong sinabi ni Harvey.Nagtatakang tanong si Tyson Woods, "Sir York, gaano ka kasigurado?""Dahil dal