Sa parehong oras, sa isang clubhouse.Maraming tao ang nakaupo sa isang private room.Pawang mga malalaking tao ang mga ito sa Buckwood.Nagtipon silang lahat para bigyan ng maayos na reception ang isang taong umaangat.Si Tyson Woods!Ang numero unong lalaki sa Niumhi, na nanirahan sa Buckwood kamakailan lamang.Nakakuha siya ng isang malakas na pwersa pagkarating sa Buckwood at mabilis na pinangunahan ang ilang mga teritoryo.Sinabing mayroon siyang isang malakas na benefactor na sumusuporta sa kanya mula sa likuran.Kung kaya, kailangan nila siyang tratuhin nang mabuti.Kahit paano man tingnan, bagong salta lang si Tyson Woods sa Buckwood.Kung ikukumpara sa mga malalaking taong ito sa Buckwood, wala siyang kwenta.Kung hindi dahil sa kanyang benefactor, wala siyang karapatang umupo dito sa kanilang mga ranggo.Ang organizer ng kapistahang ito, si Old Niner, ay ngumiti at inilapag ang phone sa kanyang kamay.May isang tumawa at sinabi, "Niner, ang busy mo masyado. Naka-
Sa wakas ay natulog na si Mandy Zimmer ay tuluyang ng hating-gabi.Tumibok ang puso ni Harvey York para sa kanya. Huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili.Pumunta siya sa rooftop at nag-dial ng isang numero. "Tyson, nasaan ka na ngayon?""Sir, nasa Buckwood na ako. Alinsunod sa mga utos mo, kinausap ko na ang ilang malalaking tao sa Buckwood."Sinabi ni Harvey, "May narinig ka ba kamakailan? Halimbawa, may gumagawa ng gulo sa construction site para sa proyekto ng Silver Nimbus Mountain Resort ngayon."Nag-isip sandali si Tyson at sinabi, “Hindi ako sigurado, Sir. Pero may isang taong tinatawag na Old Niner, at mukhang may ginagawa siya para sa isang noble na Buckwood. Hindi ako sigurado kung may kinalaman ito sa sinabi mo.""Hindi na mahalaga. Maghanda ka ng ilang mga tao bukas, at hintayin ako sa site ng proyekto ng Silver Nimbus Mountain Resort." Utos ni Harvey, malamig ang kanyang mukha."Sir, huwag kang mag-alala. Maingat kong pinili ang mga taong sumunod sa akin s
Tumingin ang leader kay Harvey at Tyson na may mapaglarong ekspresyon."Oo. Pareho kaming responsable para sa kaligtasan ng construction site ngayong gabi."Hindi nagsalita si Harvey. Sa halip ay si Tyson Woods ang nagsalita.Hindi kwalipikado ang mga taong ito para kausapin si Harvey.Maingat na pinag-aralan ng leader si Tyson at ngumisi. "Mukhang gangster ka din, ha? Kilala ko ang mga malaking tao sa Buckwood. Mukhang bago ka pa rin dito at nagsisimula ka pa lang?"“Alam mo ba kung sino kami? Gusto mong magtrabaho sa underworld, ‘di ba?. Alam mo ba kung anong mangyayari sa iyo kung makikialam ka sa amin?"Lalo siyang ngumisi."Masyadong kaming minaliit ni ni Mandy Zimmer. Kahit na gusto niyang maghanap ng makikipaglaban sa amin, kahit papaano ay naghanap sana siya ng isang taong medyo sikat. Pwede tayong maupo at magkaroon ng magandang usapan.""Ang isang pipitsuging nanggaling sa kung saan na tulad mo ay wala sa amin!"Tumingin siya kay Harvey na may hitsurang puno ng pagka
"Tanungin sila tungkol sa kanilang pagkakakilanlan."Kaswal na umupo si Harvey York sa isang kahoy na may kalmadong ekspresyon sa mukha.Ang gangster na namumuno ay nagpupumiglas habang ikiniling niya ang kanyang ulo upang para silipin si Harvey, hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.Naisip na niya na si Tyson Woods ay isang matapang at mabangis na tao na kamakailan ay sumali sa mga lansangan ng Buckwood.Ngunit ang mabangis na taong iyon ay sobrang magalang kay Harvey na parang isang tupa.Mukhang hindi kapansin-pansin ang binata. Saan siya nagmula?'Lumapit si Tyson sa leader ng gangster at hinawakan siya sa leeg at inangat mula sa lupa habang nakalutang ang katawan nito sa hangin."Sasabihin ko sa iyo, sasabihin ko na sa iyo ang lahat! Pinadala kami ni Old Niner!"Takot na takot ang leader ng gangster na halos ma-ihi siya sa pantalon niya. Pilay ang lahat ng kanyang mga tauhan. Kung maglalakas-loob pa siyang magsalita nang kalokohan pagkatapos nito, sa tingin niya’y tat
“Bastos ka! Ikaw…"Sumugod ang isang gangster sa galit. Naglabas si Tyson Woods ng isang throwing knife sa isang galaw ng kanyang braso at tinutok ang kutsilyo sa mukha ng gangster.Nagsimulang umungol ang gangster habang tinatakpan ang kanyang mukha. Kasabay nito, muling inikot ni Tyson ang kanyang braso at kumuha ang isang maliit na throwing knife sa kanyang palad, kaswal na tinutok ang kutsilyo sa lalamunan ni Old Niner.Natauhan kaagad si Old Niner.Walang awa ang lalaking nasa harapan niya. Kung kaya niya, tatapusin na niya ang buhay ni Old Niner.Nang walang alinlangan, itinapon ni Old Niner ang kanyang mga kamay sa hangin at sinabi, "Pag-usapan natin ito, Brother Tyson. Nakatira tayong lahat sa mga lansangan at halos araw-araw tayong nagkikita! Pagbigyan mo naman ako, pwede ba?”Hindi isang tanga si Old Niner. Kung hindi siya sumuko sa sandaling iyon, naghahanap siya ng kamatayan!Hindi nagbitiw si Tyson ng kahit isang salita at ngumisi lamang, pagkatapos ay sumenyas sa w
Kinuha ni Harvey York ang phone at tiningnan ang mga nilalaman.Isa itong banyagang number, ngunit may mga mission task sa ilalim ng number.Ang task na nais ng taong iyon na gawin ni Old Niner ay simple at iyon ay ang pwersahin ang Silver Nimbus Mountain Resort na itigil ang kanilang proyekto pati na rin ang pagtanggal kay Mandy Zimmer sa kanyang posisyon bilang CEO.Agad na ginamit ni Harvey ang phone ni Old Niner para tawagan ang tao.Pagkaraan ng ilang sandali, isang malalim ngunit marangal na boses ang umalingawngaw mula sa kabilang linya."Old Niner, hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag akong direktang tawagan?"Ano nang nangyari sa task ng Prince?"Kalmadong sinabi ni Harvey, "Ano sa palagay mo?"Click… Agad na binaba ng tao ang tawag."Sir York, ang tao ba..."Hindi na kailangan ni Harvey na tawagan muli ang tao at itinapon ang phone sa lupa."Ang mga Silva," mahinahong sinabi ni Harvey.Nagtatakang tanong si Tyson Woods, "Sir York, gaano ka kasigurado?""Dahil dal
Kinabukasan, dumating si Mandy Zimmer sa construction site kasama si Simon Zimmer at ang mga construction worker. Nagulat sila sa eksenang kanilang nakita.Ito ay dahil ang construction site ay sobrang busy.Ang mga gusaling nawasak dalawang araw na ang nakakalipas ay muling itinayo noong araw na iyon.Ang mas nakakatakot ay ang mga taong nandoon at nagdadala ng mga brick ay ang mga gangsters na balot sa mga tattoo kasama ang kanilang hangaring pumatay."Hindi ba ito ang mga gangster na nanggulo dati?"Hindi makapaniwala si Mandy sa kanyang nakita sa mga oras na iyon. Mabuti na kung titigil ang mga gangster sa panggugulo, ngunit tumulong talaga sila sa pagbitbit ng mga brick sa construction site."Anong nangyayari dito?"Nagmuni-muni sina Mandy at ang iba pa.Sa sandaling iyon, isang lalaking naka-itim na suit ang tumakbo papunta kay Mandy kasama ang kanyang mga tauhan.Labis na kinilabutan sina Mandy at ang iba nang makitang tumatakbo patungo sa kanila ang mga taong iyon.Na
Sa sandaling iyon, isang malaking madla ang nakaluhod sa dalampasigan sa likuran ni Leon Silva.Nakasuot silang lahat ng mga damit mula sa mga panahon ng medieval, sinauna ngunit ekstravagante.Sa panahong ito, tila kakaiba at mahiwaga ang magkaroon ng ganitong eksena.Pagkalipas ng mahabang panahon, sa kaway ng kanyang kamay, inabot ng isa sa mga tauhan ni Leo sa kanya ang isang sinaunang bow bow.Yumuko siya at pumana, ngunit hindi isang arrow ang lumipad kundi isang sibat sa pangingisda.Kasabay ng tunog na parang kulog, isang pool ng dugo ang lumabas sa ibabaw ng karagatan pagkalipas ng ilang sandali.Natapos na ang paghu-hunt na eksklubiso para kay Prince Silva.Ibinaba niya ang kanyang pana at pinunasan ang kanyang palad sa isang magandang-magandang burda ng panyong gawa sa seda nang paulit-ulit sa loob ng apatnapu't siyam na beses. Pagkatapos, ikiling niya ang kanyang ulo at tumingin sa madla at sinabi, "Tayo.""Mabuhay ang prince!"Tumayo nang maayos ang madla habang n