Home / Urban / Realistic / Nagkakamali kayo ng Inapi / Kabanata 4141 - Kabanata 4150

Lahat ng Kabanata ng Nagkakamali kayo ng Inapi: Kabanata 4141 - Kabanata 4150

4960 Kabanata

Kabanata 4144

Nanginig ang buong katawan ni Idris nang hindi makapaniwala pagkatapos marinig ang mga salita ni Kellan. Hindi niya inakalang ang sarili niyang tatay, ang chairman ng Evergreen Capital Group, ay wala lang para kay Kellan. Sa huli, ayon lang din ito sa inasahan; nagpapatakbo sila ng pautangan para manamantala ng mga pangkaraniwang tao. Wala silang magagawa kundi lumuhod sa harapan ng mga taong kagaya ni Kellan. Kung wala ang suporta ng Jackson family, ilang beses na silang pinagtapak-tapakan ng iba. Habang hindi pinapansin si Idris, malamig na lumingon ulit si Kellan sa paligid. Napakadilim ng mukha niya. “Kakayanin ba ng walang kwentang basurang kagaya mo ang respeto ko?”Kaagad na napayuko sina Jovie at ang iba pa; gustong-gusto nilang ibaon ang mga ulo nila sa lupa sa sandaling iyon. Sapat na ang tignan si Kellan sa mata para magsanhi ng matinding takot. Sa sandaling ito, naintindihan na sa wakas ni Idris kung ano ang ibig sabihin ng kawalan ng pag-asa. Walang inte
Magbasa pa

Kabanata 4145

“Pakihatid si Mandy pauwi, Mr. Burton.”Sa May pintuan, tinapik ni Harvey si Thomas na may magang-magang mukha. “Tawagan mo ko pag may kahit na anong nangyari.”“Sisiguraduhin ko yan, Brother!”Nagpakita ng natutuwang ekspresyon si Thomas bago pumayag. Pagkatapos ay tumawag siya ng ilang arkiladong bodyguard. Lalo't na't isa itong malaking bagay. Hindi rin tanga si Mandy. Pagkatapos mapansing may kailangang gawin si Harvey kay Kellan, mabilis siyang naglakad papunta sa sports car sa labas. Bago niya binuksan ang pinto ng kotse, lumingon siya kay Harvey. “Umuwi ka kaagad.”Mahinang tumango si Harvey at pinanood na umalis si Mandy sakay ng kotse. …Pagkalipas ng kalahating oras…Sa loob ng presidential box ng San Francisco Clubhouse. Pagkatapos ayusin ang trabaho niya, binuksan ni Kellan ang pinakamamahaling box para kay Harvey. Maliban sa mamahaling pagkain, nagdala pa siya ng dalawang 1982 Lafite para ipakita ang sinseridad niya. Tinitigan ni Harvey si Kellan
Magbasa pa

Kabanata 4146

“Anong punto ng paghingi niyo ng tawad sa'kin?”Bahagyang ngumiti si Kellan at tumingin siya kay Harvey. “Si Sir York ang magpapasya kung papatawarin niya kayo.”“Sir York?”“Harvey York?”Malinaw na naintindihan ni Cliff ang situwasyon. Nang nakita niya ang nagsimula ng gulo na nakaupo lang habang umiinom ng tsaa, naging mabangis ang titig niya at naalala niya ang anak niyang sumisigaw sa sakit sa emergency room ng ospital. Sa kabila nito, isa siyang lalaking may maraming karanasan at mabilis siyang ngumiti nang pilit.“Sir York, patawarin mo kami! Naging ignorante kami!”“Sana'y maging mabuti kayo at palampasin niyo kami.”“Bibigyan ka namin ng fair statement tungkol sa buong sitwasyon!”Yuko nang yuko si Cliff habang nagsasalita siya—para bang hindi siya ang chairman ng isang billion-dollar company. Mabilis siyang naglabas ng isang tseke bago niya itong marespeto inilapag sa harapan ni Harvey. May pitong numerong nakasulat dito—nagkakahalaga ito ng 1.5 million dollar
Magbasa pa

Kabanata 4147

Pinag-isipan ni Harvey ang sitwasyon nang ilang sandali. “Ipakita mo sa'kin ang kutsilyo mo.”Pagkasabi niya nito, marespeto niyang nilapag ang kutsilyo sa harapan ni Harvey. Ito pa rin ang kutsilyong dala niya matagal na, pero walang kahit kaunting alikabok na nakikita rito. Kumunot ang noo ni Harvey. “Nilinis mo ba to?”Malamig na tumawa si Zarla pagkatapos makita ang seryosong ekspresyon ni Harvey; para bang kumbinsido siyang tama ang lahat ng sinasabi niya. “Hindi ko gustong magtanong ang mga pulis tungkol dito, kaya nilinis ko to…” sabi ni Kellan nang may nanginginig na boses. “Tanga ka!”Bumuntong-hininga si Harvey. “Sinabi ko sa'yo na dalhin mo ang kutsilyo para pakalmahin ang masamang enerhiya sa katawan mo, o baka mapahina pa nito ito nang paunti-unti.”“Wala na tong kwenta ngayong nilinis mo to.”“Isa pa. Kung tama ang hula ko, nakakita ka ng isang taong namatay sa harapan mo kahapon lang, tama?”Nanginig sila Kellan at ang mga tauhan niya pagkatapos marin
Magbasa pa

Kabanata 4148

Hindi na nakapagpigil si Zarla pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey. Tumawa siya, pagkatapos ay tumingin kay Harvey nang may nangmamatang ekspresyon. “The Haunt?”“Masamang enerhiya?”“Anong pinagsasabi mo?”“Sa umpisa, hindi ka namin gustong ibisto para kay CEO Ruiz, Harvey!”“Tapos, ano? Wala kang hangganan pagdating sa pagyayabang!”“Nagsasabi ka pa rin ng mga ganyang bagay sa panahong ito? Iisipin ng mga tao baliw ka!”“Tinignan ko rin ang pinagmulan mo! Isa ka lang live-in son-in-law na pinalayas sa pamilya!”“Hinding-hindi ka nakakamangha!”“Tiyak na wala kang kaalam-alam sa geomancy arts!”“Heh, heh!”“Hindi ka ibubuking ni CEO Ruiz, pero hindi kita bibigyan ng pagkakataon para maloko siya!”Tumingin si Zarla kay Kellan nang may makatarungang ekspresyon. “Hindi sa gusto kitang bastusin, CEO Ruiz. Hindi ko rin intensyong gamitin ang pagkakataon ito para labanan si Harvey,” sabi niya nang may mapaglarong tono. “Isa lang akong tapat na tao. Hindi ko gusto
Magbasa pa

Kabanata 4149

”Ano?!”Nagulat sila Cliff at Zarla nang makita nila ang dibdib ni Kellan.‘Paano ito nangyari?’Sumama ang mukha nila sa isang iglap.Alam nila ang ugali ni Kellan, hindi nito basta ibubunyag ng ganitong sikreto kay Harvey!‘Baka magaling nga talaga siya…’Walang balak si Kellan na bawian ang magkasintahan; nabahala siya nang sobra habang nakatingin siya kay Harvey.“Ito ‘yun, Sir York! Bakit parang iba ang pakiramdam nito?”“Akala ko nung una STD lang ‘to!”“Mabuti pa sana kung ganun lang.”Naningkit ang mata ni Harvey.“Mamamatay ka kapag nagtagpo na ang lahat ng ‘yan sa isang pwesto.”Nagtaka si Kellan.“Kung ganon, dahil dito pala kaya nangyayari sa akin ang lahat ng ‘yun?”“Naubos ang swerte mo dahil sa The Haunt,” sagot ni Harvey.“Kapag naubos na ang lahat ng ito, paglalamayan ka na namin.”“Aaah!”Napatalon sa takot si Kellan nang marinig ang sinabi ni Harvey.Kusa niyang sinubukang ipagpag ang The Haunt sa kanyang katawan, ngunit walang nangyari.Napatikom
Magbasa pa

Kabanata 4150

“Wala talaga akong galing sa medisina, pero alam kong pumatay ng tao,” kalmadong sagot ni Harvey.“Gusto mo bang subukan?”“Pwede kong tapusin ang buhay mo gamit lang ang isang karayom.”Nanginig si Kellan at pinilit na ngumiti.“Nakakatawa ka, Sir York!”“Hinihintay ko pa ring iligtas mo ako…”Ayaw nang mag-abala ni Harvey na makipaglokohan. Kaagad niyang binutasan ang kanyang daliri at pinatakan niya ng dugo ang noo, dibdib, at sa paligid ng mga pulang tuldok sa dibdib ni Kellan.Hindi nagtagal, nagsimulang maglaho ang The Haunt…“Wala na! Wala na talaga!”Natutukoy ng mga tauhan ni Kellan na ang mga pulang tuldok ay unti-unting kumupas bago maglaho nang tuluyan.Sa simula ay hindi alam ni Kellan kung anong ginagawa ni Harvey…Subalit, nararamdaman niyang gumaan ang kanyang katawan; guminhawa nang sobra ang kanyang pakiramdam.Nagulat si Cliff sa kanyang nakita.Akala niya nagpapanggap lang si Harvey, kaya hindi niya inasahang siya pala ang makitid ang utak.“Napakagali
Magbasa pa

Kabanata 4151

Kumirot nang bahagya ang mga mata ni Cliff.“Paano mo nalaman ang lahat ng ‘yan?”“Ha?”Nanigas si Zarla.Alam niyang hindi dinadalaw ng asawa niya ang libingan ng kanyang ninuno, pero hindi niya alam na dahil pala iyon dito.“Simple lang. Isa kang malakas na tao, pero ‘yun na ‘yun. Hindi ko nararamdamang pinoprotektahan ka ng swerte ng ninuno mo.”“Kung hindi dahil sa lakas ng loob mo, maraming beses ka na sanang namatay.”“Pag-isipan mo. Maraming beses ka nang nalagay sa panganib mula noong ipanganak ang anak mo, tama?”Nagulat si Cliff nang marinig ang sinabi ni Harvey.“Ang galing mo talaga! Kaya pala ang taas ng tingin sa’yo ni CEO Ruiz,” sigaw ni Cliff.“Tama ka. Maraming beses na akong nakatakas sa kamatayan! Napuruhan ako nang malubha pero nakakaligtas pa rin ako.”“Gayunpaman, diba ibig-sabihin nito maswerte ako?”“Ang mga nakakaligtas sa malaking delubyo ay seswertehin diba?”Ngumiti si Harvey bilang tugon.“Hindi ko sigurado ‘yan, pero…”“Alam ko na ang pinaka
Magbasa pa

Kabanata 4152

Nitong alas nueve ng gabi, umalis si Harvey sa San Francisco Clubhouse pagkatapos kumain. Pagkatapos, tumungo siya pabalik sa villa ng Zimmer family.Pagkatapos magtrabaho sa loob ng buong araw, ayaw niyang makasalubong si Lilian at makipag-away dito. Kaya tahimik siyang bumalik sa kanyang kwarto.Ngunit bago niya buksan ang pinto, narinig niya ang isang hikbi sa kwarto ni Mandy.Sa gulat niya, tinulak niya ang pinto para makita kung anong nangyayari sa loob.Kaagad na dumaan ang isang mahalimuyak na amoy.Siguro katatapos lang ni Mandy maligo. Isang tuwalyang puti ang nakatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan, makikita ang manipis niyang binti. Kumirot ang mata ni Harvey sa kanyang nakita.Marami na siyang nakitang magandang babae, at bawat isa sa mga ito ay kakaiba sa sarili nitong paraan…Ngunit si Mandy pa rin ang nag-iisang kayang palaktawin ang tibok ng kanyang puso.Nararamdaman niyang umiinit ang kanyang hiningi sa sandaling ito.Kaagad niyang pinakalma ang kanya
Magbasa pa

Kabanata 4153

Nginitian siya ni Harvey.“Ayos lang. Sinagip ko ang buhay niya, kaya siya ang may utang na loob sa akin.”Pagkatapos ay kaagad na iniba ni Harvey ang usapan.“Oo nga pala, bakit may problema ang funds ng branch mo ngayon?”“Bakit hindi mo sinabi sa akin?”Naunawaan na ni Harvey ang sitwasyon.Walang problema sa pondo ang ika-siyam na sangay…Ngunit hindi nagustuhan ng mga elder ng Jean family ang pag-angat ni Mandy. Palihim nilang minamanipula ang pamilya at inilipat palayo ang pondo ng ika-siyam na sangay.Nahirapan ang sangay na ito pagkatapos nito.Ginawa ni Mandy ang makakaya niya para ayusin ang lahat, ngunit wala pa ring paraan para maibalanse ang lahat.Pagkatapos niyang pumunta ng Golden Sands para ayusin ang kalat ng Jean family, naging mas mabigat na ang sitwasyon kumpara sa dati.Maraming kaganapan ang dinaluhan ni Mandy; dinoble niya pa ang interes ng banko, ngunit hindi pa rin siya makapaglabas ng tatlong daang milyong dolyar nang maaga.Ito ang dahilan kung b
Magbasa pa
PREV
1
...
413414415416417
...
496
DMCA.com Protection Status