Home / Urban / Realistic / Nagkakamali kayo ng Inapi / Chapter 1801 - Chapter 1810

All Chapters of Nagkakamali kayo ng Inapi: Chapter 1801 - Chapter 1810

4943 Chapters

Kabanata 1801

Pagkatapos nilang makita na umalis si Justin, sinundan siya nila Connie at ng iba pa. Tumulo ang luha mula sa mga mata ni Kait. Hindi niya naisip na mas pipiliin ng kanyang ama na iabot ang 3.2 bilyong dolyar kaysa sa bigyan ng pahayag ang kanyang anak. Isang ekspresyon na puno ng kalungkutan at pagsuko ang makikita sa kanyang magandang mukha. “Patawad, Kait. wala akong nagawa para tulungan ka.” Napabuntong hininga si Harvey, pagkatapos ay inunat ang kanyang kamay upang himasin ang ulo ni Kait. Hindi niya naisip na mas pipiliin ng ama n Kait na ibigay ang pera kaysa sa bigyan ng panayam ang kanyang anak. “Pero huwag kang mag-alala. Akala ng ama mo ay pwede na siya maging branch leader dahil lang nakuha niya ang badge?”“Isa siyang hangal!” “Dahil sa ayaw ka niyang bigyan ng panayam, hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na maging branch leader sa buong buhay niya!” Hindi na nagpakita ng emosyon si Harvey pagkatapos nun. Kung titignan ang Longmen branch ng Mordu, ang i
Read more

Kabanata 1802

“3.2 biltong olyar?!” Napasinghap si Angelina. “Justin, nababaliw ka na ba?! Bakit ka gumastos ng ganun kalaking pera para lang sa ganitong bagay?!” “Ang batang yun ay isa lamang security guard, bakit niya hawak ang mahalagang bagay na to?!” “Naloko ka ba niya?” Sumakit ang dibdib ni Angelina! 3.2 bilyon ang nagastos, hindi 32 dolyar!Mahinahon na sumagot si Justin, “Tinignan ko na ito ng maigi, tunay ito.” “Hindi na mahalaga kung paano niya ito nakuha, hawak ko na ito ngayon.” “Sa pamamagitan ng badge na ito, magagawa ko nang makaakyat ng rango ng naaayon sa batas! Makakarating na din ako dun ng hindi nahihirapan!” “Hindi mo na kailangan na problemahin pa ang pera!” “Gamit ang badge na ito, makokontrol na natin ang Kaizen Group. Ito ang pinakamahalaga.” Napabuntong hininga si Angelina nang marinig niya ang mga salitang iyon. Mukhang kumalma na siya. Tama si Justin; mukhang simple lang ang badge, pero malaki ang kahulugan sa likod nito. Bukod sa posisyon ng br
Read more

Kabanata 1803

“Bastardo!”“Tampalasan!”Umalingawngaw ang kanyang boses na puno ng galit; hindi na mapigilan ni Angelina ang kanyang galit. “Justin, niloloko ka lang ng batang to!”“Pero nagawa mo pa din ibigay sa kanila ang pera!” “Planado ni Kait ang lahat ng ito!” “Ginagawa niya ito para maghiganti sa Walker family; para iganti ang kanyang ina!”“Justin, isuplong mo sila kaagad sa mga kinauukulan at ipaaresto ang payasong yun. Si Harvey at ibalik mo dito si Kait kaagad!” “Hindi ako naniniwala na hindi natin kaya ang dalawang pasaway na yun!” Kinamumuhian ni Angelina si Harvey ng buong puso sa mga oras na ito.Bukod siya sinampal siya nito sa mukha, mayabang din ito at walang alam sa kanyang limitasyon! ‘Ang mga taong kagaya niya ay dapat na dinudurog hanggang sa mamatay; ipapaalam ko sa kanya kung ano ang lasa ng dugo!’ “Hindi! Hindi pa ito ang tamang oras upang kumilos!” Kumibot-kibot ang mga ugat ni Justin sa kanyang noo; hindi maganda ang kanyang ekspresyon. “Pakiramdam
Read more

Kabanata 1804

“Justin! Justin, hindi ako makagalaw!”“Hindi ako makagalaw!” Kaagad na naparalisa sa kanyang kinauupuan si Angelina, tanging ulo lang niya ang nakakakilos. Punong puno siya ng takot sa sandaling ito pagkatapos niyang maramdaman ang pamamanhid ng kanyang dila. “Angelina, anong problema?”Kaagad na niyakap ni Justin si Angelina habang magulo ang kanyang ekspresyon. Naglalabas ng malamig na hangin ang katawan ni Angelina, para bang isa siyang frigider. Natural lang na ang kanyang sakit ay magpakita ng mas maaga kaysa sa inaasahan.“Paano nangyari to? Paano naging posible to? Hindi ba’t sabi ng doktor na magiging ayos ka na pagkatapos ng gamutan mo nitong taon na to?”“Bakit nangyayari to ngayon?” Hindi alam mo Justin kung ano ang kanyang gagawin. Talagang mahal na mahal niya si Angelina. Hindi niya gagawing imbalido ang kanyang unang asawa kung hindi, lalo na ang labanan ang sarili niyang anak. Nalungkot siya ng makita niyang ganito si Angelina. Ginamit ni angelina an
Read more

Kabanata 1805

Nagtataka sai Kait. pakiramdam niya ay tama ang hula ni Harvey, pero imposible na muntik nang tumaob ang kotseng ito ng dahil lang sa ilang sampal. Mahinahon na sinabi ni Harvey, “Sige, tigilan mo na masyadong pag-iisip. Ito ang 3.2 bilyong dolyar. Paghatian natin ito dahil tayo ang nakakuha nito, kunin mo ang kalahati.” Walang pakialam si Harvey. Ang totoo, wala naman siyang masyadong ginawa. Ang branch leader badge na iyon ay inukit mula sa isang Thousand-Year Ice Crystal, na may taglay na lamig na nunuot hanggang sa buto. Kung isang tao na nagsasanay ng ancient martial arts ang magsusuot ng badge ng matagal na panahon, bukod sa hindi maapektuhan ang may suot nito, magagawa pa ng may suot nito na tipunin ang kanilang kapangyarihan ng husto kaysa sa iba pa nitong benepisyo. At kapag isang pangkaraniwang tao ang magsusuot ng badge, tiyak na magkakaroon sila ng sipon. At para naman kay Angelina, na may karamdaman, tiyak na babalik ang kanyang sakit dahil dito. Ito ang isa
Read more

Kabanata 1806

"Ganoon pala." Tuluyan na itong naintindihan ni Harvey. "Kaya pala ayaw na ayaw sa'yo ng ama mo at ni Angelina at gusto ka nilang ipakasal kaagad." "Dahil lahat yun sa shares na hawak mo." "Pero kung ganun ang sitwasyon, hands akong tulungan ka para maibalik sa'yo ang Walker Corporation." Bakit hindi siya magpapatuloy na tulungan si Kait kung kaya naman niya?"Mmm. Salamat." Nagtaka si Kait. Alam niya na mahirap para kay Harvey na tulungan siyang maibalik sa kanya ang kontrol sa kumpanya, pero tumango pa rin siya dahil hindi niya gustong tanggihan ang alok niya. Nasa daan papunta sa villa ang kotse nang tumunog ang phone ni Harvey. Tinignan ni Harvey ang phone habang para bang nagtataka siya. ‘Hazel?’Hindi sila masyadong nag-uusap, kaya bakit niya tatawagan si Harvey sa sandaling ito? Sandali itong pinag-isipan ni Harvey, pagkatapos ay sinenyasan si Kait na ihinto ang kotse sa tabi ng daan at sinagot ang tawag. "Hazel, anong problema? Ililibre mo ba ako ng tang
Read more

Kabanata 1807

Binago ni Kait ang direksyon ng kotse mula sa driver's seat, pagkatapos ay tumingin kay Harvey habang puno ng pagtataka. "Steven? Anong nangyayari?" Kumibit-baliktat si Harvey. "Sinabihan ng uncle na kilala ng pamilya ko ang anak niya na hanapan ako ng posisyon sa Kaizen Group bilang isang salesman." "Ginamit ni Steven ang pangalan mo para hanapan ako ng isang hundred thousand dollar na order; dapat ko ba siyang pasalamatan at ang buong pamilya niya?" Bahagyang tumawa si Kait. "Harvey, nagbibiro ka ba? Pwede kang magbigay ng 1.6 billion nang biglaan, pero magtatrabaho ka pa rin sa isang posisyon na ilang daang libong dolyar lang ang sweldo kada buwan?" Walang magawa si Harvey kundi magkibit-balikat. "Wala akong ibang magagawa, iniisip ng mga mas nakatatanda sa'kin na hindi ako nagtatrabaho nang marangal. Bakit hindi mo na lang ako bigyan ng trabaho bilang isang higher-up?" "Sige, pwede kang pumunta at maging higher up sa Walker Corporation; papapasukin kita kaagad, pe
Read more

Kabanata 1808

Sa mga mata ni Hazel, kaagad na pumalpak si Harvey na makuha ang pagkilala niya pagkatapos niya itong muntikang makuha. Hindi man lang maikukumpara si Harvey kay Steven, lalo na sa top big bro na nasa listahan ni Hazel. Nagsimulang magdasal si Hazel sa sandaling iyon, umaasa siya na hindi siya ulit ipares kay Harvey. Hindi pwedeng magsama ang mahirap at ang isang prinsesa. Hindi pinansin ni Harvey ang tingin ni Hazel sa kanya at mabilis na binasa ang mga dokumento; hindi nagtagal ay naintindihan na niya ang buong sitwasyon. Humiling si Timothy ng shipment ng supplies mula sa Kaizen Group noon at pumayag na magbabayad sa loob ng isang buwan. Pero lagpas na ng isang iwan at hindi pa rin siya nagbabayad. Kung naibang tao lang ito, matatakot silang lahat kapag nabanggit ang pangalan ng kumpanya. Pero naiiba si Timothy; siya ang brother-in-law ni Benjamin! Sinong nasa tamang pag-iisip ang gagamit ng dahas laban sa brother-in-law ng first-in-command ng Mordu? Ang laking bir
Read more

Kabanata 1809

"Una, kaya ko to nang mag-isa. Hindi to problema kaya hindi niyo kailangang hanapin sina Leader Walker at Lady Walker." "Pangalawa, kukunin ko ang dalawampung porsyento ng bayad kapag nakuha ko to." "Nagkakasundo ba tayo?" ‘Harvey?’'Siya ang sisingil ng pera?' 'At gusto niyang makuha ang dalawampung porsyento nito?' Suminghal ang lahat kay Harvey pagkatapos makita ang kanyang walang pakialam na ekspresyon. 'Hindi siguro alam ng batang to kung sinong binabangga niya.' 'Iniisip ba niya na magbibigay ng respeto ang isang taong kagaya ni Timothy sa kahit na sino?' 'Baka masipa lang siya sa mukha kapag nalaman ni Timothy na may pumunta sa bahay niya na hindi niya kilala.''Syempre, hindi to magagawa ni Timothy dahil naka-wheelchair siya, pero marami siyang kasama!' Napahinto si Hazel pagkatapos makita si Harvey na magpakita sa lahat; hinila niya siya pagkatapos at nagsabing, "Harvey, wag ka nang gumawa ng kalokohan!" "Hindi mo to kayang ayusin!" "Pwede ba wag ka nan
Read more

Kabanata 1810

"Hindi mo man lang kailangan ng tatlong araw?" Iniunat ng isang magandang saleswoman ang kanyang binti habang bahagyang nginitian si Harvey. "Ang sabi mo kaya mong ayusin ang problema gamit ng isang tawag kagaya ng ginawa mo noon?" Hinawakan ni Harvey ang screen ng phone niya at sumagot, "Tama, yun lang ang kailangan ko." Pfft!Tumawa ang lahat pagkatapos marinig ang mga salitang iyon habang tinititigan nang masama si Harvey. Alam na ng lahat na napapirma lang ni Harvey si Hailey dahil kay Steven. Ang plano ay ang bigyan ng kahit kaunting respeto si Hazel sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho kay Harvey. Pero iniisip ng payasong ito na lahat ng iyon ay dahil sa ginawa niya? Nakakatawa! Sa sandaling ito, ang bawat isang titig kay Harvey ay puno ng pagkamuhi. Minamaliit ng iba pang female staff si Harvey. 'Mahirap lang siya! Sa tingin ba niya ay ganoon siya kalakas sa Mordu?' 'Kung hindi dahil kay Hazel, ano bang mararating niya?' 'Iniisip talaga ng isang walan
Read more
PREV
1
...
179180181182183
...
495
DMCA.com Protection Status