"Una, kaya ko to nang mag-isa. Hindi to problema kaya hindi niyo kailangang hanapin sina Leader Walker at Lady Walker." "Pangalawa, kukunin ko ang dalawampung porsyento ng bayad kapag nakuha ko to." "Nagkakasundo ba tayo?" ‘Harvey?’'Siya ang sisingil ng pera?' 'At gusto niyang makuha ang dalawampung porsyento nito?' Suminghal ang lahat kay Harvey pagkatapos makita ang kanyang walang pakialam na ekspresyon. 'Hindi siguro alam ng batang to kung sinong binabangga niya.' 'Iniisip ba niya na magbibigay ng respeto ang isang taong kagaya ni Timothy sa kahit na sino?' 'Baka masipa lang siya sa mukha kapag nalaman ni Timothy na may pumunta sa bahay niya na hindi niya kilala.''Syempre, hindi to magagawa ni Timothy dahil naka-wheelchair siya, pero marami siyang kasama!' Napahinto si Hazel pagkatapos makita si Harvey na magpakita sa lahat; hinila niya siya pagkatapos at nagsabing, "Harvey, wag ka nang gumawa ng kalokohan!" "Hindi mo to kayang ayusin!" "Pwede ba wag ka nan
"Hindi mo man lang kailangan ng tatlong araw?" Iniunat ng isang magandang saleswoman ang kanyang binti habang bahagyang nginitian si Harvey. "Ang sabi mo kaya mong ayusin ang problema gamit ng isang tawag kagaya ng ginawa mo noon?" Hinawakan ni Harvey ang screen ng phone niya at sumagot, "Tama, yun lang ang kailangan ko." Pfft!Tumawa ang lahat pagkatapos marinig ang mga salitang iyon habang tinititigan nang masama si Harvey. Alam na ng lahat na napapirma lang ni Harvey si Hailey dahil kay Steven. Ang plano ay ang bigyan ng kahit kaunting respeto si Hazel sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho kay Harvey. Pero iniisip ng payasong ito na lahat ng iyon ay dahil sa ginawa niya? Nakakatawa! Sa sandaling ito, ang bawat isang titig kay Harvey ay puno ng pagkamuhi. Minamaliit ng iba pang female staff si Harvey. 'Mahirap lang siya! Sa tingin ba niya ay ganoon siya kalakas sa Mordu?' 'Kung hindi dahil kay Hazel, ano bang mararating niya?' 'Iniisip talaga ng isang walan
Habang nagmamadali si Harvey patungo sa ospital, sinama ni Larry si Fred at ang ibang sinampal sa mukha pagkatapos siraan si Xynthia at umupo sa labas ng ospital.Nasa bingit na ng pagkalugi ang Hengdian World Studios dahil sa ginawa ni Harvey. Ngunit pagkatapos makuha ang suporta ng isa sa Six Princes of Mordu na si Elias Patel, sumigla si Larry! Hindi man lang nag-abala si Larry na paimbestigahan ang pagkatao ni Harvey at dinala ang mga tao niya upang ipagmalaki ang kanyang lakas.Maliit na tao lamang si Fred, ngunit hindi lamang niya sinisipa ang mga gamit ng pasyente noong makarating siya ng ospital, tinataboy niya pa ang mga pasyente! Nang makarating sila sa kwarto ni Xynthia, gusto pa nilang lumabas si Harvey at humingi ng tawad.Napakagulo ng ospital. Ang mga pasyente ay nagtatago sa likod; wala sa kanilang naglalakas-loob na lumapit sa kaguluhan.Si Old Niner, George, at Tyson ay nasa loob ng kwarto ni Xynthia.Handa na si Old Niner na pakilusin ang mga tao niya upan
Dahil sa kagagawan ni Harvey, nagkagulo nang husto ang Hengdian World Studios. At bilang isa sa mga taong nagdulot ng sitwasyong ito, binaha ng tanong si Fred ng kompanya mismo at nabahala siya nang sobra dito.Sumunod siya ay Larry upang apihin ang isang tao, kaya natural na nagpakita siya ng tapang. Ang pagbuhos ni Fred ng tubig sa mukha ni George ay isa lamang pagbati.Mas marami pa siyang ipapakita pagkatapos.Ang ilang mga babaeng sumama ay nagpapakita ng lubos na pagkamuhi. Ginalit ni Harvey si Larry at ang Hengdian World Studios, hindi ito isang bagay na maaayos lang ng ilang baso ng tubig. Tiningnan ni Larry ang eksena habang nakaupo at humihipak sa kanyang sigarilyo.Sa mga mata niya, dapat nagpapakita siya ng tapang kay Harvey sakaling isipin ng mga tao na madali siyang apihin. Ngunit hindi nagalit si George; pinunasan niya ang tubig sa kanyang mukha at kalmadong sinabi, “Director Miller, masyado kang nagiging marahas! Hindi mo ba alam na mas magkakaroon tayo ng
“May kailangan ka ba?”Hindi nagpakita ng emosyon si Harvey, para bang nakatitig siya sa mga pusa at aso sa kalye. “Harvey York, binabalaan kita ngayon na.” “Hindi ako nagpunta dito upang ipakita kung gaano ako kalakas!”“Pero nandito ako upang sabihin sa’yong babawiin ko ang dapat na sa akin!” “Kailangan mong bayaran ang Hengdian World Studios sa nawala sa amin noon nang sampung beses, hindi, isandaang beses!”“Kapag tumanggi ka, babaliin ko ang mga binti mo ngayon na at ipapakain kita sa mga isda!”Masyadong nagtatapang si Fred sa sandaling iyon. Pagkatapos malaman na sinusuportahan ni Elias si Larry, ang isa sa Six Princes of Mordu, napuno ng tapang si Fred. Ngayong may ganito kalakas na taong tumutulong sa kanila, hangga’t hindi sila natatapat sa isa pang prinsipe ng Mordu, maguing si Fred ay magagawa ang kahit anong gusto niya.Si Fred ay isang halimbawa ng isang maliit na taong nalalasing sa kapangyarihan.Ang mga babaeng nasa likod ni Fred ay palabirong nakatitig
Kinuha ni Harvey ang isa sa mga basong dinala ni George, at basta na lang uminom upang linisin ang kanyang lalamunan. Pagkatapos punasan ang kanyang palad, naningkit ang mga mata niya kay Larry. :”Mr. Chambers, hindi mo talaga ako binigo.” “Akala ko luluhod ka na sa akin ngayon.” “Hindi ko inakalang makakaupo ka pa pagkatapos ng lahat ng iyon.” “Mukhang hindi pa sapat ang ginagawa ko para sa’yo!” Binuksan ni Harvey ang kanyang phone at nagpadala ng ilang mensahe habang nagsasalita. Hindi nagtagal, tumunog ang phone ni Larry habang kumikirot ang kanyang mga mata; masamang balita ang ipinadala sa kanyang phone sa mga oras na iyon. Sumama nang husto ang mukha ni Larry. Hindi niya inakalang magiging ganito pa rin kabastos si Harvey hanggang sa puntong ito. “Harvey York. Sa paningin ko, isa ka lang batang hindi alam matakot kasi kulang ka pa sa karanasan; hindi mo talaga alam ang hangganan mo!” Pagkatapos huminga nang malalim, pinahinto ni Larry sila Fred at ang ibang nag
“Patel?”Pagkatapos makita ang badge, nagtanong si Harvey nang nagtataka, “Ang royal Patel family mula sa Golden Sands na wala na ngayon?” “Matalino!”Itinaas ni Larry ang kanyang hinlalaki kay Harvey.“Ang badge na ito ay pagmamay-ari ng prinsipe ng Patel family sa Mordu, si Prince Elias Patel mismo!” “Isa rin siya sa six princes of Mordu!” “Sinabi niya sa akin na dalhin dito ang badge at sabihin sa’yo ang tatlong bagay!”“Una, tigilan mo ang panggigipit sa Hengdian World Studios!” “Pangalawa, bayaran mo kami sa mga naging pinsala nang sampung beses!”“Pangatlo, lumuhod ka sa harapan ko at humingi ng tawad!” “Palalagpasin na niya ang lahat kapag nagawa mo ang tatlong bagay na ito. Kung hindi, ikaw at ang mga taong sumusunod sa’yo ay magdudusa nang mas higit pa sa kamatayan!” Mukhang seryoso si Larry pagkatapos niyang magsalita.Gaano karaming tao ba ang nakakakuha ng suporta ng isa sa six princes of Mordu? Tinakpan ni Fred ang kanyang mukha at sinabi, “Harvey York.
Nanliit ang matat ni Larry, tapos sinabi, “Gusto ko pa ng higit pa, pero pakiramdam ko dapat akong magpigil.”“Kung sabagay, hindi ko alam kung ang perang ito ay sapat na.”“Atsaka, binastos mo na si Seth! Siguradong hahabulin ka din niya!”“Tama, nakalimutan kong sabihin sayo. Ang suporta ni Seth ay walang iba kung hindi si Young Master Feige mismo!”“Nanggaling siya sa pamilya Lynch, isa sa mga top ten na pamilyang buhay!”Sumandal palapit si Larry kay Harvey, tapos tahimik na sinabi, “Sabihin mo sa akin, ikaw ba ay matatapos o hindi?!”Tumawa si Harvey.“Si Timothy Feige?”Inekis ni Larry ang kanyang binti ay sinindihan ang sigarilyo ng walang pakialam, “Ano? Natatakot ka na ba?”“Si Benjamin ay magalang at eleganteng lalaki kapag negosyo ang usapan, masasabi mo mula sa kanyang mapagmataas na paguugali.”“Pero si Timothy ay isang panggiling ng karne kumpara sa ibang mga prince at mga young master. Talaga bang mapipigilan mo ang kanyang gigil?”Si Fred at iba pang mga arti
Kinabukasan…Matapos manatili sa emergency room ng isang buong gabi, sa wakas ay nagising din sina Darwin at Prince. Gayunpaman, kailangan pa rin nilang magpahinga dito sa ngayon.Nagbigay si Harvey ng daan-daang libong piso pa para ilipat sila sa pinakamalaking VIP ward ng ospital, at nag-ayos ng ilang Longmen disciples para panatilihing ligtas ang dalawa.Lampas alas-diyes na nang maayos ang lahat.Medyo pagod si Harvey pagkatapos magpuyat ng buong gabi.Ang iba ay bumalik sa tahanan ng pamilyang Gibson.Ang libing ni Quill ay inaasikaso na ni Shinsuke.Nakita ang pekeng ngiti sa mukha ni Shinsuke, hindi nagsalita si Harvey tungkol sa sinabi niyang tulungan si Kaiser. Siyempre, gusto lang niyang masiguro na hindi gagawa ng kahit anong hindi tama si Shinsuke. Bukod pa rito, hindi siya gaanong nagtitiwala kay Kaiser.Mas mabuti kung maglalaban ang dalawa.Alani ay nagalit nang makita niyang si Harvey ang gumawa ng lahat; natatakot siyang siya ang makikinabang sa mga gantimpala
Kailangan ng agarang pagsagip sina Darwin at Prince dahil sila ay malubhang nasugatan; si Shay naman ay halos okay.Kumuha si Harvey ng lata ng soda para kay Shay, pagkatapos ay sinabi kay Rachel at sa mga disipulo na bantayan ang emergency room."Ano nangyari nang dumating ka dito, Shay? Bakit kayong tatlo ay nahulog sa Law Enforcement Hall nang ganoon kadali? Naniniwala si Harvey na sa personalidad ni Darwin, tiyak na makakakuha siya ng mga eksperto sa kanyang tabi. Gayunpaman, lahat sila ay nagdusa ng maraming pagkalugi bago makulong.Kung hindi dahil kay Harvey, namatay sila nang hindi man lang alam kung bakit.Huminga ng malalim si Shay."May labintatlong pagpatay na naganap sa amin sa sandaling umalis kami sa Golden Sands. Ang isang daang eksperto na mayroon kami ay nawawala na nang dumating kami sa punong himpilan.Nasalubong namin ang Forbidden Army ng Heaven’s Gate sa harapang gate."Sabi nila na alam nila kung ano ang nangyari sa amin, kaya gusto nilang iligtas kami
Sa Heaven’s Gate People Hospital…Agad na ipinadala ni Harvey sina Darwin at ang iba pa dito sa halip na pauwiin.Naghihintay doon sina Shinsuke at ang iba pa, pero hangga't hindi nila nakakamit ang kanilang layunin, ligtas ang pamilya Gibson. Hindi na kailangang mag-alala ni Harvey dahil dito.Gayunpaman, masyadong malubha ang mga pinsala nina Darwin at Prince. Kahit na napanatili ni Harvey ang kanilang mga puso at baga, kailangan pa rin nila ng operasyon para gumaling.Ayos lang si Shay; magiging ligtas siya sa sandaling mawala ang mga gamot na nagpapahina sa kanyang katawan.Ang ospital ay abala pa rin kahit ganitong kalalim na ng gabi. Bilang dedikadong ospital ng Heaven’s Gate, ang mga doktor na tinanggap dito ay lahat mga propesyonal. Hindi lamang sila bihasa sa mga pisikal na pinsala, kundi pati na rin sa mga panloob na pinsala.Sa kakaiba, walang dumating para gamutin sina Darwin at Prince kahit na lumipas na ang sampung minuto mula nang dalhin sila dito ni Harvey. Ang da
Gusto ng Great Protector na magpalit ng atake, ngunit huli na ang lahat.Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magpakatatag, nang sa sumunod na sandali…Pak!Nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang mukha ang Great Protector, at tumilapon siya. Sumalpok siya ng diretso sa bakal na pinto sa likuran.Mabilis siyang bumangon mula sa lupa, tinuro niya si Harvey; gusto niyang magsalita, nang biglang bumulwak ang dugo mula sa kanyang bibig.Nanlumo ang Great Protector; wala siyang naramdaman kundi kalungkutan.Sa sandaling ito, nakaramdam siya ng matinding pagbugso ng enerhiya na dumadaloy sa kanyang katawan. Kailangan niyang gamitin ang buong lakas niya para lang pigilan ito.Bam!Ibinagsak niya ang kanyang mga tuhod sa lupa.Hindi niya kailanman inisip na ang binatang nasa harap niya ay sobrang nakakatakot. Ilang dekada siyang nagsanay, ngunit gayunpaman, nasaktan siya nang ganoon kadali.Kung gumamit si Harvey ng killer move, baka tinanggap ng Great Protector ang pagkatalo. An
Nanginig si Kaiser; kung hindi siya pinipilit na tumayo nang tuwid, malamang nakaluhod na siya sa lupa o nawalan na ng malay.Habang ang lahat ay nagulat sa presensya ng Great Protector, si Harvey ay nagkibit-balikat lang."Ang Great Protector? Mukhang kahanga-hanga siya."Nagtataka ako kung gaano ka kalakas kumpara kay Kaysen.”Tumingin ng matalim ang Great Protector kay Harvey."Ang yabang mo, bata!" sigaw niya."Hindi ka lang sumugod sa lugar na ito para iligtas ang isang grupo ng mga masasamang kriminal, kundi ginamit mo pa ang mga nakatataas sa Heaven’s Gate!"“At ngayon, pinagtatawanan mo pa ako!“Mukhang hindi mo talaga alam kung gaano kalakas ang Heaven’s Gate, hindi ba? May ideya ka ba kung ano ang kinakatawan ng sacred martial arts training grounds?!”"Sinabi na nila 'yan sa’kin," sagot ni Harvey. "Nakaluhod sila ngayon. Ganun din ba ang gagawin mo o hindi?”“Lumuhod?” Tumawa ang Great Protector, para bang narinig niya ang pinakanakakatawang biro sa mundo."Wala ka
Bago makapagsalita si Snake, mahinahong humakbang si Harvey pasulong.Ang mga tile sa lupa sa harap niya ay agad na pumutok, at ang mga piraso nito ay lumipad sa lahat ng dako.Fwoosh! Sa isang kisapmata, ang mga tinatawag na tagapagtanggol ng Law Enforcement Hall ay napalipad, hawak ang kanilang dibdib. Ang ilan ay tuluyang nawalan ng malay matapos sumalpok sa sulok ng pader, habang ang iba naman ay nanginginig sa sakit.Ang lahat ay naparalisa agad.Sila Kaysen at Ridge ay nanginginig nang labis, at ang kanilang mga mata ay patuloy na nangingilid.‘Ang lakas na ito! Sobrang lakas niya! Sobrang lakas niya!‘Kahit si Quill sa kanyang pinakamataas na antas ay hindi mukhang ganoon kalakas!‘Sa puntong ito, tanging ang great elder at ang second elder lamang ang may kakayahang labanan siya!’Patuloy na nagbabago ng ekspresyon si Snake; nakatayo pa rin siya, pero alam na alam niya na pinatawad siya ni Harvey.Ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban ay talagang kahanga-hanga!Big
Nawala ang tunog ng putok ng baril nang magkatitigan sina Harvey at Alani.Hinila ni Rachel ang huling gatilyo, pinatay ang isa pang guwardiya, bago kinuha ang isa pang baril at naglakad patungo kay Harvey.Mukha siyang parang gigibain ang sinumang susubok na lumaban kay Harvey.Pagkatapos makita ang lahat ng mga tao na nakahiga sa lupa na walang magawa, agad na namutla ang mga mukha nina Ridge at Kaysen. Ang mga mapagmataas na disipulo ay may mga nakakatakot na ekspresyon din."Sino ka ba, bata?!" Sumigaw si Ridge. "Naiintindihan mo ba ang mga magiging resulta ng paggawa ng ganitong bagay?! Ito ang headquarters ng Heaven’s Gate! Mayroon kaming mga tao na nagpapatupad ng batas dito! Paano mo nagagawang magyabang dito nang walang pakundangan?!”"Kahit gaano ka pa kagaling sa laban, kaya mo bang talunin ang sampung libong disipulo dito? Kaya mo bang talunin ang Walong Bulwagan at labintatlong sangay ng Heaven’s Gate?!" Sumigaw din si Kaysen."Ang paglaban sa amin ay nangangahulugan
”Talagang gumawa ka pa ng gulo, huh?!“Gayunpaman, tama lang ang dating mo!”Tumawa ng malamig si Ridge Thompson."Kayong lahat! Isara ang pinto at pakawalan ang mga aso!“Sabay-sabay kayo! Ang sinomang makakapagpabagsak sa kanya, ay bibigyan ko ng tatlong beses na promosyon at bibigyan ko sila ng 1.5 milyong dolyar!”Kasabay ng utos ni Ridge, dose-dosenang mga guwardiya sa paligid ang sabik na sumugod na may dalang mga baril.May isang tao pang nagsara ng pinto.Nagpakita si Harvey York ng pambihirang lakas, ngunit ito ang Imperial Prison!Daan-daang mga guwardiya ang ipinakalat sa lahat ng dako!Malulunod siya sa laway kung gusto nilang patayin siya sa ganitong paraan! Walang dahilan para matakot sila sa kanya!“Mga Disipulo ng Hall of Law Enforcement! Hulihin niyo ang batang ito ngayon din!” sigaw ni Kaysen Tapp habang hawak ang kanyang fidget walnuts.Dumating ang dose-dosenang mga disipulo matapos marinig ang utos na iyon. Wala silang mga baril, ngunit makikita ang mga
”Bibigyan din kita ng pagpipilian!"Kung hindi mo babaliin ang bawat isa sa iyong mga kamay at paa at magmamakaawa..."Dudurugin ko ang iyong mga buto isa-isa, at gagawin kong impiyerno ang iyong buhay!"Huwag mo ring subukang pagdudahan ako! Ako ang warden ng Imperial Prison! Ako ang Hari dito!”Kinumpas ni Ridge Thompson ang kanyang kamay bago humakbang paharap ang walong guwardiya habang pinatutunog ang kanilang mga leeg.Nagpakita sila ng matitinding ekspresyon na may hawak na mga baril.Sa kanilang mga mata, ang isang payat na lalaki tulad ni Harvey York ay halos kasing dali lang durugin tulad ng isang sisiw.Nanginig si Shay Gibson. Marami siyang pinagdaanan matapos dalhin sa Imperial Prison. Kahit ang dating mayabang na tao siya ay mawawalan ng kulay sa kanyang mukha pagkatapos magdusa ng ganito.Hinaplos ni Harvey ang kanyang ulo.“Magpahinga ka na. Ayos na ngayon.”Pagkatapos, pinadaan ni Harvey ang kanyang hinlalaki sa kanyang leeg.Nagtaka ang mga guwardiya sa kal