“Justin! Justin, hindi ako makagalaw!”“Hindi ako makagalaw!” Kaagad na naparalisa sa kanyang kinauupuan si Angelina, tanging ulo lang niya ang nakakakilos. Punong puno siya ng takot sa sandaling ito pagkatapos niyang maramdaman ang pamamanhid ng kanyang dila. “Angelina, anong problema?”Kaagad na niyakap ni Justin si Angelina habang magulo ang kanyang ekspresyon. Naglalabas ng malamig na hangin ang katawan ni Angelina, para bang isa siyang frigider. Natural lang na ang kanyang sakit ay magpakita ng mas maaga kaysa sa inaasahan.“Paano nangyari to? Paano naging posible to? Hindi ba’t sabi ng doktor na magiging ayos ka na pagkatapos ng gamutan mo nitong taon na to?”“Bakit nangyayari to ngayon?” Hindi alam mo Justin kung ano ang kanyang gagawin. Talagang mahal na mahal niya si Angelina. Hindi niya gagawing imbalido ang kanyang unang asawa kung hindi, lalo na ang labanan ang sarili niyang anak. Nalungkot siya ng makita niyang ganito si Angelina. Ginamit ni angelina an
Nagtataka sai Kait. pakiramdam niya ay tama ang hula ni Harvey, pero imposible na muntik nang tumaob ang kotseng ito ng dahil lang sa ilang sampal. Mahinahon na sinabi ni Harvey, “Sige, tigilan mo na masyadong pag-iisip. Ito ang 3.2 bilyong dolyar. Paghatian natin ito dahil tayo ang nakakuha nito, kunin mo ang kalahati.” Walang pakialam si Harvey. Ang totoo, wala naman siyang masyadong ginawa. Ang branch leader badge na iyon ay inukit mula sa isang Thousand-Year Ice Crystal, na may taglay na lamig na nunuot hanggang sa buto. Kung isang tao na nagsasanay ng ancient martial arts ang magsusuot ng badge ng matagal na panahon, bukod sa hindi maapektuhan ang may suot nito, magagawa pa ng may suot nito na tipunin ang kanilang kapangyarihan ng husto kaysa sa iba pa nitong benepisyo. At kapag isang pangkaraniwang tao ang magsusuot ng badge, tiyak na magkakaroon sila ng sipon. At para naman kay Angelina, na may karamdaman, tiyak na babalik ang kanyang sakit dahil dito. Ito ang isa
"Ganoon pala." Tuluyan na itong naintindihan ni Harvey. "Kaya pala ayaw na ayaw sa'yo ng ama mo at ni Angelina at gusto ka nilang ipakasal kaagad." "Dahil lahat yun sa shares na hawak mo." "Pero kung ganun ang sitwasyon, hands akong tulungan ka para maibalik sa'yo ang Walker Corporation." Bakit hindi siya magpapatuloy na tulungan si Kait kung kaya naman niya?"Mmm. Salamat." Nagtaka si Kait. Alam niya na mahirap para kay Harvey na tulungan siyang maibalik sa kanya ang kontrol sa kumpanya, pero tumango pa rin siya dahil hindi niya gustong tanggihan ang alok niya. Nasa daan papunta sa villa ang kotse nang tumunog ang phone ni Harvey. Tinignan ni Harvey ang phone habang para bang nagtataka siya. ‘Hazel?’Hindi sila masyadong nag-uusap, kaya bakit niya tatawagan si Harvey sa sandaling ito? Sandali itong pinag-isipan ni Harvey, pagkatapos ay sinenyasan si Kait na ihinto ang kotse sa tabi ng daan at sinagot ang tawag. "Hazel, anong problema? Ililibre mo ba ako ng tang
Binago ni Kait ang direksyon ng kotse mula sa driver's seat, pagkatapos ay tumingin kay Harvey habang puno ng pagtataka. "Steven? Anong nangyayari?" Kumibit-baliktat si Harvey. "Sinabihan ng uncle na kilala ng pamilya ko ang anak niya na hanapan ako ng posisyon sa Kaizen Group bilang isang salesman." "Ginamit ni Steven ang pangalan mo para hanapan ako ng isang hundred thousand dollar na order; dapat ko ba siyang pasalamatan at ang buong pamilya niya?" Bahagyang tumawa si Kait. "Harvey, nagbibiro ka ba? Pwede kang magbigay ng 1.6 billion nang biglaan, pero magtatrabaho ka pa rin sa isang posisyon na ilang daang libong dolyar lang ang sweldo kada buwan?" Walang magawa si Harvey kundi magkibit-balikat. "Wala akong ibang magagawa, iniisip ng mga mas nakatatanda sa'kin na hindi ako nagtatrabaho nang marangal. Bakit hindi mo na lang ako bigyan ng trabaho bilang isang higher-up?" "Sige, pwede kang pumunta at maging higher up sa Walker Corporation; papapasukin kita kaagad, pe
Sa mga mata ni Hazel, kaagad na pumalpak si Harvey na makuha ang pagkilala niya pagkatapos niya itong muntikang makuha. Hindi man lang maikukumpara si Harvey kay Steven, lalo na sa top big bro na nasa listahan ni Hazel. Nagsimulang magdasal si Hazel sa sandaling iyon, umaasa siya na hindi siya ulit ipares kay Harvey. Hindi pwedeng magsama ang mahirap at ang isang prinsesa. Hindi pinansin ni Harvey ang tingin ni Hazel sa kanya at mabilis na binasa ang mga dokumento; hindi nagtagal ay naintindihan na niya ang buong sitwasyon. Humiling si Timothy ng shipment ng supplies mula sa Kaizen Group noon at pumayag na magbabayad sa loob ng isang buwan. Pero lagpas na ng isang iwan at hindi pa rin siya nagbabayad. Kung naibang tao lang ito, matatakot silang lahat kapag nabanggit ang pangalan ng kumpanya. Pero naiiba si Timothy; siya ang brother-in-law ni Benjamin! Sinong nasa tamang pag-iisip ang gagamit ng dahas laban sa brother-in-law ng first-in-command ng Mordu? Ang laking bir
"Una, kaya ko to nang mag-isa. Hindi to problema kaya hindi niyo kailangang hanapin sina Leader Walker at Lady Walker." "Pangalawa, kukunin ko ang dalawampung porsyento ng bayad kapag nakuha ko to." "Nagkakasundo ba tayo?" ‘Harvey?’'Siya ang sisingil ng pera?' 'At gusto niyang makuha ang dalawampung porsyento nito?' Suminghal ang lahat kay Harvey pagkatapos makita ang kanyang walang pakialam na ekspresyon. 'Hindi siguro alam ng batang to kung sinong binabangga niya.' 'Iniisip ba niya na magbibigay ng respeto ang isang taong kagaya ni Timothy sa kahit na sino?' 'Baka masipa lang siya sa mukha kapag nalaman ni Timothy na may pumunta sa bahay niya na hindi niya kilala.''Syempre, hindi to magagawa ni Timothy dahil naka-wheelchair siya, pero marami siyang kasama!' Napahinto si Hazel pagkatapos makita si Harvey na magpakita sa lahat; hinila niya siya pagkatapos at nagsabing, "Harvey, wag ka nang gumawa ng kalokohan!" "Hindi mo to kayang ayusin!" "Pwede ba wag ka nan
"Hindi mo man lang kailangan ng tatlong araw?" Iniunat ng isang magandang saleswoman ang kanyang binti habang bahagyang nginitian si Harvey. "Ang sabi mo kaya mong ayusin ang problema gamit ng isang tawag kagaya ng ginawa mo noon?" Hinawakan ni Harvey ang screen ng phone niya at sumagot, "Tama, yun lang ang kailangan ko." Pfft!Tumawa ang lahat pagkatapos marinig ang mga salitang iyon habang tinititigan nang masama si Harvey. Alam na ng lahat na napapirma lang ni Harvey si Hailey dahil kay Steven. Ang plano ay ang bigyan ng kahit kaunting respeto si Hazel sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho kay Harvey. Pero iniisip ng payasong ito na lahat ng iyon ay dahil sa ginawa niya? Nakakatawa! Sa sandaling ito, ang bawat isang titig kay Harvey ay puno ng pagkamuhi. Minamaliit ng iba pang female staff si Harvey. 'Mahirap lang siya! Sa tingin ba niya ay ganoon siya kalakas sa Mordu?' 'Kung hindi dahil kay Hazel, ano bang mararating niya?' 'Iniisip talaga ng isang walan
Habang nagmamadali si Harvey patungo sa ospital, sinama ni Larry si Fred at ang ibang sinampal sa mukha pagkatapos siraan si Xynthia at umupo sa labas ng ospital.Nasa bingit na ng pagkalugi ang Hengdian World Studios dahil sa ginawa ni Harvey. Ngunit pagkatapos makuha ang suporta ng isa sa Six Princes of Mordu na si Elias Patel, sumigla si Larry! Hindi man lang nag-abala si Larry na paimbestigahan ang pagkatao ni Harvey at dinala ang mga tao niya upang ipagmalaki ang kanyang lakas.Maliit na tao lamang si Fred, ngunit hindi lamang niya sinisipa ang mga gamit ng pasyente noong makarating siya ng ospital, tinataboy niya pa ang mga pasyente! Nang makarating sila sa kwarto ni Xynthia, gusto pa nilang lumabas si Harvey at humingi ng tawad.Napakagulo ng ospital. Ang mga pasyente ay nagtatago sa likod; wala sa kanilang naglalakas-loob na lumapit sa kaguluhan.Si Old Niner, George, at Tyson ay nasa loob ng kwarto ni Xynthia.Handa na si Old Niner na pakilusin ang mga tao niya upan
Gusto ng Great Protector na magpalit ng atake, ngunit huli na ang lahat.Wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magpakatatag, nang sa sumunod na sandali…Pak!Nakaramdam ng matinding sakit sa kanyang mukha ang Great Protector, at tumilapon siya. Sumalpok siya ng diretso sa bakal na pinto sa likuran.Mabilis siyang bumangon mula sa lupa, tinuro niya si Harvey; gusto niyang magsalita, nang biglang bumulwak ang dugo mula sa kanyang bibig.Nanlumo ang Great Protector; wala siyang naramdaman kundi kalungkutan.Sa sandaling ito, nakaramdam siya ng matinding pagbugso ng enerhiya na dumadaloy sa kanyang katawan. Kailangan niyang gamitin ang buong lakas niya para lang pigilan ito.Bam!Ibinagsak niya ang kanyang mga tuhod sa lupa.Hindi niya kailanman inisip na ang binatang nasa harap niya ay sobrang nakakatakot. Ilang dekada siyang nagsanay, ngunit gayunpaman, nasaktan siya nang ganoon kadali.Kung gumamit si Harvey ng killer move, baka tinanggap ng Great Protector ang pagkatalo. An
Nanginig si Kaiser; kung hindi siya pinipilit na tumayo nang tuwid, malamang nakaluhod na siya sa lupa o nawalan na ng malay.Habang ang lahat ay nagulat sa presensya ng Great Protector, si Harvey ay nagkibit-balikat lang."Ang Great Protector? Mukhang kahanga-hanga siya."Nagtataka ako kung gaano ka kalakas kumpara kay Kaysen.”Tumingin ng matalim ang Great Protector kay Harvey."Ang yabang mo, bata!" sigaw niya."Hindi ka lang sumugod sa lugar na ito para iligtas ang isang grupo ng mga masasamang kriminal, kundi ginamit mo pa ang mga nakatataas sa Heaven’s Gate!"“At ngayon, pinagtatawanan mo pa ako!“Mukhang hindi mo talaga alam kung gaano kalakas ang Heaven’s Gate, hindi ba? May ideya ka ba kung ano ang kinakatawan ng sacred martial arts training grounds?!”"Sinabi na nila 'yan sa’kin," sagot ni Harvey. "Nakaluhod sila ngayon. Ganun din ba ang gagawin mo o hindi?”“Lumuhod?” Tumawa ang Great Protector, para bang narinig niya ang pinakanakakatawang biro sa mundo."Wala ka
Bago makapagsalita si Snake, mahinahong humakbang si Harvey pasulong.Ang mga tile sa lupa sa harap niya ay agad na pumutok, at ang mga piraso nito ay lumipad sa lahat ng dako.Fwoosh! Sa isang kisapmata, ang mga tinatawag na tagapagtanggol ng Law Enforcement Hall ay napalipad, hawak ang kanilang dibdib. Ang ilan ay tuluyang nawalan ng malay matapos sumalpok sa sulok ng pader, habang ang iba naman ay nanginginig sa sakit.Ang lahat ay naparalisa agad.Sila Kaysen at Ridge ay nanginginig nang labis, at ang kanilang mga mata ay patuloy na nangingilid.‘Ang lakas na ito! Sobrang lakas niya! Sobrang lakas niya!‘Kahit si Quill sa kanyang pinakamataas na antas ay hindi mukhang ganoon kalakas!‘Sa puntong ito, tanging ang great elder at ang second elder lamang ang may kakayahang labanan siya!’Patuloy na nagbabago ng ekspresyon si Snake; nakatayo pa rin siya, pero alam na alam niya na pinatawad siya ni Harvey.Ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban ay talagang kahanga-hanga!Big
Nawala ang tunog ng putok ng baril nang magkatitigan sina Harvey at Alani.Hinila ni Rachel ang huling gatilyo, pinatay ang isa pang guwardiya, bago kinuha ang isa pang baril at naglakad patungo kay Harvey.Mukha siyang parang gigibain ang sinumang susubok na lumaban kay Harvey.Pagkatapos makita ang lahat ng mga tao na nakahiga sa lupa na walang magawa, agad na namutla ang mga mukha nina Ridge at Kaysen. Ang mga mapagmataas na disipulo ay may mga nakakatakot na ekspresyon din."Sino ka ba, bata?!" Sumigaw si Ridge. "Naiintindihan mo ba ang mga magiging resulta ng paggawa ng ganitong bagay?! Ito ang headquarters ng Heaven’s Gate! Mayroon kaming mga tao na nagpapatupad ng batas dito! Paano mo nagagawang magyabang dito nang walang pakundangan?!”"Kahit gaano ka pa kagaling sa laban, kaya mo bang talunin ang sampung libong disipulo dito? Kaya mo bang talunin ang Walong Bulwagan at labintatlong sangay ng Heaven’s Gate?!" Sumigaw din si Kaysen."Ang paglaban sa amin ay nangangahulugan
”Talagang gumawa ka pa ng gulo, huh?!“Gayunpaman, tama lang ang dating mo!”Tumawa ng malamig si Ridge Thompson."Kayong lahat! Isara ang pinto at pakawalan ang mga aso!“Sabay-sabay kayo! Ang sinomang makakapagpabagsak sa kanya, ay bibigyan ko ng tatlong beses na promosyon at bibigyan ko sila ng 1.5 milyong dolyar!”Kasabay ng utos ni Ridge, dose-dosenang mga guwardiya sa paligid ang sabik na sumugod na may dalang mga baril.May isang tao pang nagsara ng pinto.Nagpakita si Harvey York ng pambihirang lakas, ngunit ito ang Imperial Prison!Daan-daang mga guwardiya ang ipinakalat sa lahat ng dako!Malulunod siya sa laway kung gusto nilang patayin siya sa ganitong paraan! Walang dahilan para matakot sila sa kanya!“Mga Disipulo ng Hall of Law Enforcement! Hulihin niyo ang batang ito ngayon din!” sigaw ni Kaysen Tapp habang hawak ang kanyang fidget walnuts.Dumating ang dose-dosenang mga disipulo matapos marinig ang utos na iyon. Wala silang mga baril, ngunit makikita ang mga
”Bibigyan din kita ng pagpipilian!"Kung hindi mo babaliin ang bawat isa sa iyong mga kamay at paa at magmamakaawa..."Dudurugin ko ang iyong mga buto isa-isa, at gagawin kong impiyerno ang iyong buhay!"Huwag mo ring subukang pagdudahan ako! Ako ang warden ng Imperial Prison! Ako ang Hari dito!”Kinumpas ni Ridge Thompson ang kanyang kamay bago humakbang paharap ang walong guwardiya habang pinatutunog ang kanilang mga leeg.Nagpakita sila ng matitinding ekspresyon na may hawak na mga baril.Sa kanilang mga mata, ang isang payat na lalaki tulad ni Harvey York ay halos kasing dali lang durugin tulad ng isang sisiw.Nanginig si Shay Gibson. Marami siyang pinagdaanan matapos dalhin sa Imperial Prison. Kahit ang dating mayabang na tao siya ay mawawalan ng kulay sa kanyang mukha pagkatapos magdusa ng ganito.Hinaplos ni Harvey ang kanyang ulo.“Magpahinga ka na. Ayos na ngayon.”Pagkatapos, pinadaan ni Harvey ang kanyang hinlalaki sa kanyang leeg.Nagtaka ang mga guwardiya sa kal
Kung ikukumpara sa mga hangarin ni Ridge Thompson, malinaw na mas mahalaga kay Kaysen Tapp ang teknik ng mental na pagsasanay at ang martial arts ng pamilya Gibson. Sa huli, ang mga bagay na iyon ay makapagpapagawa sa sinuman na maging God of War.Sa mga mata ni Kaysen, gagawin niya ang lahat para makamit ang layuning iyon.Dahil ganito kamanyakis si Ridge, hindi siya magdadalawang-isip na gamitin siya para lang mapabagsak ang loob ni Shay Gibson.Marami na siyang na-interrogate na tao sa kanyang buhay. Para sa kanya, mas madaling kontrolin ang puso ng isang babae kaysa ng isang lalaki.Ang pagwasak sa puri ng isang babae ay mas mabigat kaysa sa anumang parusa.Walang pag-aalinlangan, tumingin si Kaysen kay Shay, na may bahagyang ngiti."Didiretsuhin na kita, Ms. Shay.""Kung hindi mo sasabihin lahat ngayon...""O manatili ka kasama si Mr. Ridge dito hanggang matapos siya sa iyo.""Bibigyan kita ng isang minuto para pag-isipan ito!"“Si Mr. Ridge ay isang walang awang tao! Ka
Ang pinto ng Law Enforcement Hall ay bumukas.Ang lugar ay may sukat na sampung libong square feet.Lahat ng uri ng kagamitan sa pagpapahirap ay nakakalat kahit saan. May mga madilim na pulang bakas na may masangsang na amoy na maaari ring naamoy sa kagamitan.Dalawang tao ang nakahiga sa lupa habang nanginginig, nakahiga sila sa isang lawa ng dugo.Mahusay ang mga torturer sa kanilang trabaho. Kahit na ang mga tao sa lupa ay nakakaranas ng malupit na pagpapahirap, tila hindi naman nalalagay sa panganib ang kanilang buhay.Gayunpaman, mas masama ito.Mas mabuti pang patay na sila sa puntong ito.Nang dumaan si Harvey sa entrance, ilang disipulo ang itinulak palabas ang isang babaeng may magandang katawan.Ito ay si Shay Gibson.Napakarumi ng kanyang itsura. Ang kanyang mukha ay tuluyang nawalan ng kulay, ngunit nanatiling matatag ang kanyang kalooban.Ang mga disipulo na naatasan sa pagtulak sa kanya palabas ay bahagyang nakangiti.“Mr. Kaysen! Upang mapigilan ang babaeng
"Ngayon ko naiintindihan kung bakit mas pinili ni Quill Gibson na umalis sa punong himpilan kaysa makipaglaban para sa kapangyarihan laban sa pamilya Lowe at pamilya Bowie sa isang napakaruming lugar.“Isa ‘tong sacred martial arts training ground?“Kalokohan.”Si Alani Carlson ay tumawa ng malamig."Tama ka! Ito ang lupain ng etiketa, ngunit wala akong nakitang magandang asal mula nang dumating ako dito!"Pagkatapos pumunta sa Island Nations, napagtanto ko na ang bansa ang dapat talagang magmana ng sibilisasyon ng Country H!""Ang mga Island Nations ay patuloy nang nagdadala ng kultura ng Country H mula pa noon!"Hindi tumugon si Harvey York sa kayabangan ni Alani. Hindi siya interesado sa pagliligtas sa isang babaeng na brainwash na ng mga Islander.Kung hindi siya narito upang kunin ang katawan ni Quill, siya mismo ang magpapalayas sa kanya."Anong karapatan mong insultuhin ang Heaven’s Gate?!"Ang mga alagad ay naguluhan bago muling nakabawi sa kanilang sarili."Alam mo b