Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Kabanata 1901 - Kabanata 1910

Lahat ng Kabanata ng Isa pala akong rich kid?!: Kabanata 1901 - Kabanata 1910

2513 Kabanata

Kabanata 1901

"Hala! Iba ka talaga, Gerald!" sigaw ni Yann sa pagkamangha. Talagang naalala ni Gerald na nakawin ang mapa ni Tye kanina sa kabila ng nakaka-stress na sitwasyon! Pero ito ay maganda para sa kanila! Ngayong si Tye at ang iba pa ay wala nang mapa, hindi na nila maipagpapatuloy ang kanilang paghahanap! "Pumunta dito si Tye at ang kanyang mga tauhan para sa kayamanan, pero magkaiba kami ng layunin. Ang nakikita nating mahalaga ay iba sa kanila. Gusto ko na makinig kayong dalawa ng mabuti sa akin. Kapag nakarating na tayo sa ating destinasyon, wala kayong pwedeng hawakan o kunin ang kahit ano nang hindi muna humihingi ng pahintulot ko! Nililinaw ko ba ang sarili ko?" sabi ni Gerald. "Naiintindihan namin, Mr. Crawford!" sagot ni Ray. "Pero... kung wala tayong kukunin, ang paglalakbay na ito ay masasayang lang, hindi ba, Mr. Crawford...?" nag-aatubiling tinanong ni Yann. "Hindi ko na sana ito uulitin, pero sana maintindihan mo na ang kasakiman ay humahantong lamang sa kapahamakan,
Magbasa pa

Kabanata 1902

Biglang sumigaw si Yann nang marinig niya iyon, “Oo nga! Dalawang oras na rin tayong naglalakad. Magpahinga muna tayo!" Pumayag na si Gerald nang mapagtanto niya na walang endurance at stamina ang dalawa. Pagkatapos ng lahat, kailangan nilang magpahinga para hindi sila magkaroon ng travel exhaustion... Tumango naman si Gerald bago siya sumagot, “Sige ba, magpahinga muna tayo!" Umupo ang tatlo sa tabi ng batis para makapag pahinga sila ng maayos... Habang walang ginagawa si Gerald, hinugasan nila Ray at Yann ang kanilang mga mukha sa batis at ininom rin nila ang tubig dito. Gayunpaman, nang mawala ang uhaw ng dalawa, nakita ni Ray ang isang bagay na nakaipit sa ilalim ng mala-kristal na batis... Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya kung ano iyon. Nagulat si Gerald nang marinig niyang sumigaw si Ray, kaya naudyukan siyang magtanong, "Ano ‘yon?!" “Mr-Mr. Crawford...! Tumingin ka doon...! Ito... Buto ito ng tao...!" nanginginig na umatras si Ray habang na
Magbasa pa

Kabanata 1903

Umalis agad sina Ray at Yann nang marinig nila ang sinabi ni Gerald . Sa kasamaang-palad para sa kanila, lalo lang ginanahan ang halimaw dahil sa kanilang mga movements! Nagsimulang tumakbo ng mabilis si Ray nang makita niya na papunta sa kanila ang halimaw habang sumisigaw siya ng, "P-Please, huwag mo akong habulin...!" Gaya ng inaasahan, lalong bumilis ang halimaw nang marinig niya ang sinabi ni Ray habang tumatakbo ito ng mabilis! Ilang pulgada na lang ang layo ng halimaw kay Ray, kaya mabilis na ipinatawag ni Gerald ang Astrabyss Sword bago niya ito inihagis sa halimaw! Matagumpay na hiniwa ng espada ang laman ng halimaw kaya umungol ito sa sobrang sakit! Tiningnan ng masama ng halimaw si Gerald bago siya sumugod papunta sa lalaki! Kahit pa nakakatakot ito, nanatiling kalmado si Gerald at muli niyang nilabas ang espada sa kanyang kamay. Nang ilang hakbang na lang ang layo ng halimaw sa kanya, hinanda ni Gerald ang kanyang sarili na umatake bago siya sumugod ng mabil
Magbasa pa

Kabanata 1904

Sumagot si Gerald nang marinig niya ang tanong ng matanda, “… Nanggaling kami sa kabilang bahagi ng bundok… Bago pa man ‘yon, pwede mo bang sabihin sa amin kung nasaan kami at kung ano ang halimaw na ito…? ” "... Ah, ang halimaw… ang halimaw na iyon ay kilala sa pangalang Taotie... Bago mo ito patayin, nakatira ito sa kalaliman ng mga bundok at isa itong mabangis na hayop!" sagot ng matanda. Nang marinig iyon, nagpalitan ng tingin si Gerald at ang kanyang grupo. Tulad ng hula ni Yann kanina, ang nilalang ay isang Taotie... "Siguro mali ang narinig ko, pero sinabi mo ba na galing kayong tatlo sa kabilang bahagi ng bundok...?" dagdag pa ng matanda, maririnig na hindi siya makapaniwala. Tumango ang tatlo saka sumagot si Gerald, “Tama ang pagkakarinig mo!” Biglang itinaas ni Ray ang kanyang kilay at nagtanong nang marinig niyang iisa ang pinag-uusapan ng lahat, "... May… rason ba kung bakit gulat na gulat kayong lahat...?" Mabilis na nagpaliwanag ang matanda nang marinig niya a
Magbasa pa

Kabanata 1905

Tumawa si Stanton nang marinig niya ang tanong ni Ray bago siya sumagot, "Malalaman mo kapag sumapit ang gabi!" Nagkibit balikat na lamang si Ray nang marinig niya iyon. Hindi nagtagal bago dinala ng mga villagers ang lahat ng uri ng pagkain at inumin sa tahanan ni Stanton. Pagkatapos nilang ilagay ang lahat ng mga goodies sa harap ni Gerald at ng kanyang grupo, ngumiti si Stanton bago niya sinabi, “Kumain kayo! Paniguradong gutom at pagod kayong lahat pagkatapos niyong maglakbay ng napakalayo!" Bago pa man makapagsalita si Gerald, sumagot naman kaagad si Ray, “Nagugutom na talaga ako! Salamat sa pagtanggap sa amin, chief!” Natatawang tumingin si Gerald kay Ray dahil sa lakas ng loob nito, ngunit sa oras na iyon ay abala na si Ray sa pagpupuno ng pagkain sa kanyang bibig. Halos buong araw na hindi kumakain ng kahit ano ang tatlo, ngunit si Ray ay isang binata na may malaking appetite. Gayunpaman, sa sobrang bilis niyang kumain, naramdaman ni Gerald na maihahalintulad ang kany
Magbasa pa

Kabanata 1906

Taliwas sa pagmamadali at ang abala na itsura ng isang pangkaraniwang nightlife sa city, ang buong village ay tumahimik sa sandaling binalot ang lugar ng kadiliman. Ang lahat ay nanatili sa kanilang mga tahanan at pinatay ang kanilang mga ilaw, hindi nila tinangkang lumabag sa rules ng lugar. Namumuhay talaga sila tulad ng mga tao noong sinaunang panahon... Minsan sa gabi, hindi mapigilan ni Ray na bumulong, “... Mr. Crawford...? Sa tingin mo ba ay mahahanap natin ang kuweba...?" "Base sa paglalarawan ng chief, hindi dapat ito magiging napakahirap hanapin!" sagot ni Gerald. "Nagtataka ako kung nakaalis na sa kweba si Tye at ang kanyang mga tauhan sa puntong ito..." sabi ni Ray na bakas ng pag-aalala sa boses niya. “Nakaalis na siguro sila. Kung tutuusin, kahit tayo ay madaling nakahanap ng exit!" kalmadong sinabi ni Gerald. Hindi nag-aalala si Gerald tulad ni Ray. Ano naman kung nakaalis na sila? Si Gerald at ang kanyang grupo ay parati namang nauuna sa kanila at iyon ay sapa
Magbasa pa

Kabanata 1907

“Hah! Para sa kaalaman mo, walang daan noon sa bundok na ito! Itong footpath dito ay produkto ng pagmamapa namin sa bundok sa loob ng maraming taon! Ang landas na ito ay napakadali, alam mo ba iyon? Kailangan pa nating akyatin ang mga mahihirap na puntahan na mga lugar!" pabirong sinabi ni Stanton. Malaking bagay para sa tatlo ang pagiging magaan ng loob ng matanda, pero hindi nito binago ang katotohanan na ang buong hiking na ito ay isang hamon para sa kanila. Gayunpaman, alam na alam nila na ito lang ang paraan para mahanap nila ang kuweba na iyon... Gaya ng sinabi nila, 'No pain, no gain...' Pagkatapos ng halos isang oras na trekking, sa wakas ay nakarating ang grupo sa isang lugar na medyo patag ang lupa. Posible na nakarating na sila sa kalahati ng bundok sa tagal ng kanilang hiking. Kahit sino ay malulula kapag tiningnan nila ang malalim na valley na ilang daang miles ang lalim... Habang sinisikap ng tatlo na pigilan ang kanilang sarili na isipin kung gaano ito kataas, bigl
Magbasa pa

Kabanata 1908

Sinimulan na ni Gerald na tingnan ang The Eight Diagrams ng mas malapitan...Matapos mag-isip ng ilang sandali, bigla siyang sumigaw ng, “Parang naiintindihan ko na ito ngayon! Ang Eight Diagram ay hindi ang machine! Ito lamang ay isang clue na magdadala sa atin sa machine!" Bago pa makasagot ang dalawa pa, hinahanap ni Gerald ang machine ayon sa posisyon ng mga elemento sa The Eight Diagrams... “Ang kaliwa at kanang sides ay sumisimbolo sa tubig, samantalang ang harap at likod ay sumisimbolo ng apoy…” sabi ni Gerald habang patuloy niyang hinahanap ang mekanismo… at sa huli, nakita niya ito. Sa kabutihang palad, kahit papaano ay may maliit na kaalaman si Gerald tungkol sa Feng Shui. Kung hindi, hindi na nila ito mahahanap! Gayunpaman, napakaswerte din niya na ang knowledge na ito ang magbubukas ng pasukan... Ngayon nakita na niya ang machine na ito, mabilis itong pinaikot ni Gerald... at ilang sandali matapos niyang gawin ito, nagsimulang manginig nang husto ang malaking baton
Magbasa pa

Kabanata 1909

Sa ibabaw ng isa sa maraming tambak ng mga kayamanan, makikita ang isang treasure chest... at nang makita ito ni Gerald, alam na niya agad na ito ang hinahanap niya. Tulad ng nahulaan niya, nasa loob nga nito ang kanyang hinahanap! Wala nang makakapigil sa kanya na makuha ito ngayong malapit na ito sa kanya! Dahil doon, hindi masyadong pinansin ni Gerald ang ginagawa nina Ray at Yann at pasimpleng naglakad patungo sa treasure chest... Lalong naging excited si Yann habang pinagmamasdan ang walang katapusang mga gintong barya na nahuhulog pababa mula sa bundok ng mga kayamanan na dahan-dahang inaakyat ni Gerald. Ibinaba niya ang kanyang backpack at sinimulan niyang punuin ito ng mga kayamanan! Kung tutuusin, hindi pa siya nakakita ng ganito karaming gintong barya sa iisang lugar, kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili... Habang nakatayo sa gilid si Ray na nasasabik rin na makita ang lahat ng gintong iyon, alam niya na hindi niya dapat gayahin ang ginagawa ni Yann. Pagka
Magbasa pa

Kabanata 1910

“…Ano nang gagawin natin ngayon, Mr. Crawford…?” tanong ni Ray. Nakatitig ng diretso si Gerald kay Yann at pinikit niya na lamang ang kanyang mga mata bago siya umiling. Alam niya na naliligaw na si Yann... Nakakatakot na bagay talaga ang kasakiman na namumunga sa puso ng isang tao... Gayunpaman, gusto niya itong subukan sa huling pagkakataon. Nakatingin ng masama si Gerald kay Yann habang sinasabi niya, “... Isang beses ko na lang itong tatanungin, sasama ka ba sa amin o hindi?" "Hindi pa ako aalis!" sigaw ni Yann na nagdulot ng matinding galit kay Gerald. Iyon na ang huling pagkakataon. Ayaw na niyang kausapin pa si Yann, kaya nagsimulang maglakad si Gerald palabas ng treasure room... Gayunpaman, nang lumabas si Gerald ay agad na namatay ang lahat ng kandila sa kwarto. Kasunod nito, biglang lumiwanag ang kwarto sa isang nakakatakot na berdeng ilaw! ‘Hindi maganda ito!’ naisip ni Gerald habang mabilis siyang lumabas ng kwarto kasama si Ray bago siya sumigaw, “Yann! Pumunta
Magbasa pa
PREV
1
...
189190191192193
...
252
DMCA.com Protection Status