Tumawa si Stanton nang marinig niya ang tanong ni Ray bago siya sumagot, "Malalaman mo kapag sumapit ang gabi!" Nagkibit balikat na lamang si Ray nang marinig niya iyon. Hindi nagtagal bago dinala ng mga villagers ang lahat ng uri ng pagkain at inumin sa tahanan ni Stanton. Pagkatapos nilang ilagay ang lahat ng mga goodies sa harap ni Gerald at ng kanyang grupo, ngumiti si Stanton bago niya sinabi, “Kumain kayo! Paniguradong gutom at pagod kayong lahat pagkatapos niyong maglakbay ng napakalayo!" Bago pa man makapagsalita si Gerald, sumagot naman kaagad si Ray, “Nagugutom na talaga ako! Salamat sa pagtanggap sa amin, chief!” Natatawang tumingin si Gerald kay Ray dahil sa lakas ng loob nito, ngunit sa oras na iyon ay abala na si Ray sa pagpupuno ng pagkain sa kanyang bibig. Halos buong araw na hindi kumakain ng kahit ano ang tatlo, ngunit si Ray ay isang binata na may malaking appetite. Gayunpaman, sa sobrang bilis niyang kumain, naramdaman ni Gerald na maihahalintulad ang kany
Taliwas sa pagmamadali at ang abala na itsura ng isang pangkaraniwang nightlife sa city, ang buong village ay tumahimik sa sandaling binalot ang lugar ng kadiliman. Ang lahat ay nanatili sa kanilang mga tahanan at pinatay ang kanilang mga ilaw, hindi nila tinangkang lumabag sa rules ng lugar. Namumuhay talaga sila tulad ng mga tao noong sinaunang panahon... Minsan sa gabi, hindi mapigilan ni Ray na bumulong, “... Mr. Crawford...? Sa tingin mo ba ay mahahanap natin ang kuweba...?" "Base sa paglalarawan ng chief, hindi dapat ito magiging napakahirap hanapin!" sagot ni Gerald. "Nagtataka ako kung nakaalis na sa kweba si Tye at ang kanyang mga tauhan sa puntong ito..." sabi ni Ray na bakas ng pag-aalala sa boses niya. “Nakaalis na siguro sila. Kung tutuusin, kahit tayo ay madaling nakahanap ng exit!" kalmadong sinabi ni Gerald. Hindi nag-aalala si Gerald tulad ni Ray. Ano naman kung nakaalis na sila? Si Gerald at ang kanyang grupo ay parati namang nauuna sa kanila at iyon ay sapa
“Hah! Para sa kaalaman mo, walang daan noon sa bundok na ito! Itong footpath dito ay produkto ng pagmamapa namin sa bundok sa loob ng maraming taon! Ang landas na ito ay napakadali, alam mo ba iyon? Kailangan pa nating akyatin ang mga mahihirap na puntahan na mga lugar!" pabirong sinabi ni Stanton. Malaking bagay para sa tatlo ang pagiging magaan ng loob ng matanda, pero hindi nito binago ang katotohanan na ang buong hiking na ito ay isang hamon para sa kanila. Gayunpaman, alam na alam nila na ito lang ang paraan para mahanap nila ang kuweba na iyon... Gaya ng sinabi nila, 'No pain, no gain...' Pagkatapos ng halos isang oras na trekking, sa wakas ay nakarating ang grupo sa isang lugar na medyo patag ang lupa. Posible na nakarating na sila sa kalahati ng bundok sa tagal ng kanilang hiking. Kahit sino ay malulula kapag tiningnan nila ang malalim na valley na ilang daang miles ang lalim... Habang sinisikap ng tatlo na pigilan ang kanilang sarili na isipin kung gaano ito kataas, bigl
Sinimulan na ni Gerald na tingnan ang The Eight Diagrams ng mas malapitan...Matapos mag-isip ng ilang sandali, bigla siyang sumigaw ng, “Parang naiintindihan ko na ito ngayon! Ang Eight Diagram ay hindi ang machine! Ito lamang ay isang clue na magdadala sa atin sa machine!" Bago pa makasagot ang dalawa pa, hinahanap ni Gerald ang machine ayon sa posisyon ng mga elemento sa The Eight Diagrams... “Ang kaliwa at kanang sides ay sumisimbolo sa tubig, samantalang ang harap at likod ay sumisimbolo ng apoy…” sabi ni Gerald habang patuloy niyang hinahanap ang mekanismo… at sa huli, nakita niya ito. Sa kabutihang palad, kahit papaano ay may maliit na kaalaman si Gerald tungkol sa Feng Shui. Kung hindi, hindi na nila ito mahahanap! Gayunpaman, napakaswerte din niya na ang knowledge na ito ang magbubukas ng pasukan... Ngayon nakita na niya ang machine na ito, mabilis itong pinaikot ni Gerald... at ilang sandali matapos niyang gawin ito, nagsimulang manginig nang husto ang malaking baton
Sa ibabaw ng isa sa maraming tambak ng mga kayamanan, makikita ang isang treasure chest... at nang makita ito ni Gerald, alam na niya agad na ito ang hinahanap niya. Tulad ng nahulaan niya, nasa loob nga nito ang kanyang hinahanap! Wala nang makakapigil sa kanya na makuha ito ngayong malapit na ito sa kanya! Dahil doon, hindi masyadong pinansin ni Gerald ang ginagawa nina Ray at Yann at pasimpleng naglakad patungo sa treasure chest... Lalong naging excited si Yann habang pinagmamasdan ang walang katapusang mga gintong barya na nahuhulog pababa mula sa bundok ng mga kayamanan na dahan-dahang inaakyat ni Gerald. Ibinaba niya ang kanyang backpack at sinimulan niyang punuin ito ng mga kayamanan! Kung tutuusin, hindi pa siya nakakita ng ganito karaming gintong barya sa iisang lugar, kaya hindi niya napigilan ang kanyang sarili... Habang nakatayo sa gilid si Ray na nasasabik rin na makita ang lahat ng gintong iyon, alam niya na hindi niya dapat gayahin ang ginagawa ni Yann. Pagka
“…Ano nang gagawin natin ngayon, Mr. Crawford…?” tanong ni Ray. Nakatitig ng diretso si Gerald kay Yann at pinikit niya na lamang ang kanyang mga mata bago siya umiling. Alam niya na naliligaw na si Yann... Nakakatakot na bagay talaga ang kasakiman na namumunga sa puso ng isang tao... Gayunpaman, gusto niya itong subukan sa huling pagkakataon. Nakatingin ng masama si Gerald kay Yann habang sinasabi niya, “... Isang beses ko na lang itong tatanungin, sasama ka ba sa amin o hindi?" "Hindi pa ako aalis!" sigaw ni Yann na nagdulot ng matinding galit kay Gerald. Iyon na ang huling pagkakataon. Ayaw na niyang kausapin pa si Yann, kaya nagsimulang maglakad si Gerald palabas ng treasure room... Gayunpaman, nang lumabas si Gerald ay agad na namatay ang lahat ng kandila sa kwarto. Kasunod nito, biglang lumiwanag ang kwarto sa isang nakakatakot na berdeng ilaw! ‘Hindi maganda ito!’ naisip ni Gerald habang mabilis siyang lumabas ng kwarto kasama si Ray bago siya sumigaw, “Yann! Pumunta
Alam ni Gerald na ang pananatili dito ng mas matagal ay magdudulot lamang ng mas maraming problema, kaya pagkatapos magpahinga ng kaunti, tumayo siya bago niya sinabing, "Umalis na tayo sa lugar na ito hangga't kaya pa natin!" Pagkatapos nito ay bumalik ang dalawa sa sealed entrance ng kweba... Nang makarating na sila doon, mabilis nilang napagtanto na walang mekanismo para mabuksan ang mga pinto, wala silang makita ni isa... Hindi rin nakakatulong ang matinding kadiliman… Ngayong hindi nila alam kung paano mahahanap ang machine, napatingin si Ray sa napakalaking pader na bato na nakaharang sa pasukan ng kweba bago siya tumingin kay Gerald at nagtanong, “…Paano… tayo aalis ngayon, Mr. Crawford…?” “…Dahil may machine sa labas na pinayagan tayong pumasok, sigurado akong may isa pa dito na makakatulong para makaalis tayo! Dahil ang susi ay ang Yin at Yang sides—batay sa layout ng The Eight Diagrams—para buksan ang pinto sa labas, sa tingin ko ang susi ang makikita sa kabilang baha
Pagkatapos nito ay muling bumangon si Gerald at pinakiramdaman ang kanyang paligid... Dahil hindi pantay ang pader na bato, pinapahirap nito ang kanilang tsansa na mahanap ang machine na makakabukas nito... Lalo namang na-motivate si Ray na subukang hanapin muli ang machine pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Gerald. Dahil doon, sinimulan niyang gawin ang ginagawa ni Gerald, umaasang makakahanap na siya ng paraan para makaalis sa lugar na ito... Habang pinapakiramdaman nila ang dingding, nagpanting ang tenga ni Gerald nang marinig ang malutong na ‘click’. Nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa isang bato na biglang bumaon na kasalukuyang tinatapakan ng paa niya—… Pag-angat ng kanyang paa, pinagmasdan niya na palalim ng palalim ang bato matapos niya itong tapakan... At nang huminto ito, isang bahagi ng pader na bato ang bumukas! Parehong nagulat at natuwa ang dalawa, kaya biglang lumingon si Ray kay Gerald habang sinasabi, “M-Mr. Crawford…!” Kahit si Gerald ay
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,