Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 591 - Kabanata 600

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 591 - Kabanata 600

2505 Kabanata

Kabanata 591

"Kayo lang ang dapat na makakaalam ng nangyari ngayon. Pakilihim ito. Hindi binanggit ng Lord Supreme Warrior ang pagkatao niya dahil gusto niyang mabuhay nang payapa," sabi ni Skyler Celestino. Kaagad na nagtaas ng kamay at nagsalita ang babae na gustong matulog kasama ng Lord Supreme Warrior, "Wag kayong mag-alala, hinihiling namin na mabuhay nang payapa ang Supreme Warrior, nang malayo sa alalahanin. Tiyak na ililihim namin ito!" "Wag kang mag-iisip ng kung ano-ano. Kasal na ang Lord Supreme Warrior. Hindi na rin bata ang anak niya. Ito ang pinakaimportanteng dahilan kung bakit gusto niya ng payapang buhay!" Bahagyang bumuntong hininga si Skyler at hinarap ang lahat. "Siya na ngayon ang son-in-law ng Taylor family!" "Fane Woods!" Sa sandaling iyon, naintindihan ito kaagad ni Elaine. Nagpunta siya sa kaarawan ni Old Master Taylor para sumama sa saya. Mag-isa siyang nagpunta sa party at nagpanggap na hindi kilala si Skyler Celestino. Ang totoo ay alam niya ang nangyari sa ar
Magbasa pa

Kabanata 592

Alas dos ng hapon ay nakauwi na si Fane. Lima hanggang anim na katulong, mga tiga-linis, tiga-luto, at apat na security guards mula sa dalawang shift ang nakatayo na sa bakuran. Mayroong isang dosenang tao rito. Pagkatapos ng pagpapakilala, tinignan ni Fane si Fiona at nagtanong, "Ano na? Malapit na ang oras, di ba?" "Oo, tama!" Kuntentong tumango si Fiona. Ito ang unang beses na naramdaman niyang isa siyang amo––magagawa niyang mag-utos ng mga tigapagsilbi sa hinaharap! Hindi siya nakaramdam ng ganito sa loob ng higit limang taon. "Oh, makinig kayo sa mga turo ni Shauna, okay?" Pagkatapos niya itong pag-isipan, nagsabi si Fane sa mga tigapagsilbi, "Sa susunod, ipapaalam sa inyo ni Shauna kung magkano ang bayad sa inyo, at tuturuan niya rin kayo na pumunta sa bilihan at iba pang mga bagay.""Ako?" Nagulat si Shauna sa papuring ito. Tumango si Fiona. "Oo, ikaw ang magiging head housekeeper. Para naman sa sahod mo, dodoblehin ko to!" seryoso niyang sabi. "Opo, Master!" Tuman
Magbasa pa

Kabanata 593

Lalo na't hindi na sila nabubuhay sa mahirap na panahong iyon. Tumatanda na ang kanyang nanay at nararapat sa kanya na mabuhay nang masaya. Kahit na paano, hindi niya kailangang magtipid ng todo kagaya noon. "Mama, tama ang balae mo. Masyado kang matipid. Wag kang mag-alangan na bumili ng kahit na anong gusto mo. Iba na ang buhay natin ngayon. Ganito na lang, wala akong gagawin mamayang hapon. Lumabas tayo at bibilhan kita ng damit, alahas, kahit na ano!"   "Anak, hindi ko kailangan ang mga iyon. Ngayon na nakakakain ako nang maigi, manamit nang maayos, at nabubuhay nang maayos, kuntento na ako!" Nagmamadaling sabi ni Joan. Ang makita ang kanyang anak na makamtan ang lahat ng mayroon siya ngayon ay sapat na para sa kanya. Ilang taon lang ang nakakalipas, ang tanging pinapangarap at hinihiling lang niya ay ang makauwi nang ligtas si Fane mula sa giyera. Buti na lang at nagkatotoo ang kanyang mga pangarap. Hindi lang siya nakauwi nang ligtas, nagawa pa niyang umuwi bilang isang lalakin
Magbasa pa

Kabanata 594

"Mga bodyguard?" Nang marinig ito ni Fiona ay nanlumo ang kanyang ekspresyon. Galit niyang tinitigan si Fane habang humihinga nang malalim. "Fane, beauty pageant ba ang hanap mo? Anong klaseng mga bodyguard to? Mukha silang mga bulaklak at mga diyamante, paano silang magiging bodyguards?" Walang masabi si Fane. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang kanyang sarili at ngumiti na lang nang mapait. "Mama, pinakiusapan ko ang kaibigan ko na tulungan akong makahanap ng bodyguard. Hindi ko sinabi kung lalaki o babae ang gusto ko, at hindi ko inakala na pipili siya ng mga bodyguard na puro babae para sa'kin!" Nang marinig ito ay nanlumo si Elaine. Para sa kanya, natatakot siya na baka itaboy dila ni Fane. Pinag-isipan niya ito at humarap para ipahayag ang kanyang sentimyento. "Anong mali sa mga babae? Hindi mo dapat maliitin ang mga babae. Lahat kami ay mga babaeng bayani na nagdala ng karangalan sa bansa. Kung may tiwala sa'min ang bansa para ipagtanggol ito, paano mo naisip na h
Magbasa pa

Kabanata 595

Naisip ni Fane na kung nagmamaneho ng magagandang kotse ang mga babaeng ito, ibig sabihin ay hindi sila nangangailangan ng pera. Inisip niya na kakaiba kung nandito lang sila para sa sahod na dalawang libo kada buwan. Para naman sa kanyang biyenan, wala siyang masabi kung paano siya tumiklop dahil lang sa tinawag siyang 'ate' ng ilang mga nasa dalawampung taong gulang na babae. Sa katunayan, mukhang mas bata pa si Elaine kaysa kay Selena. "Sige, ito ang unang beses na nakakita ako ng tita na mukhang bata pa!" sabi ni Elaine. "Ang tamis magsalita ng babaeng to. Dahil bodyguard ka na namin ngayon, ayaw kong pahirapan ang buhay mo. Ipakita mo lang sa'kin kung anong kaya mong gawin. Halimbawa, pwede kayong maglaban at ipakita sa'kin kung kaya ninyong mag-backflip. Kung pakiramdam ko ay ayos ang ginawa ninyo, mananatili kayo rito!" Sobrang saya ni Fiona na hindi na niya gustong pahirapan ang mga dalagang ito. Sa hindi inaasahan ay nagsalita si Elaine. "Masyado namang simple yan. D
Magbasa pa

Kabanata 596

Tiningnan ni Fane ang mga damit ng ilan sa mga babae at naramdaman niya na medyo sumakit ang kanyang ulo. Sinabi niya na, "Dahil mga bodyguard namin kayong lahat, kakailanganin niyong panatilihin ang inyong mga itsura at magsuot ng uniporme. Sa tingin ko hindi kayo dapat magsuot ng maikling palda.""Hoy, bata, bakit ba masyado kang mahigpit? Hindi ba dapat magkaroon ng sarili nilang pagkatao ang mga babae? Gusto ko ang pananamit nila! Lahat sila ay may maganda, maputi, at mahahabang binti. Anong problema? Maganda naman ang itsura nila!" Hindi niya inasahan na sasabat si Fiona. Nagpatuloy siya, "Sa ganitong paraan, hindi malalaman ng iba na mga bodyguard sila. Para silang mga pulis na nakasuot ng normal na damit. Hindi ba mas mabuti to? Hindi ko ginusto na magkaroon ng grupo ng mga naka-unipormeng bodyguard na sumusunod sakin. Masyadong agaw pansin yun!"Buti na lang, tumayo si Orchid sa sandaling ito at sinabing, "Auntie, huwag kang mag-alala. Napag-usapan na namin 'to habang papunta
Magbasa pa

Kabanata 597

"Bukod dun, kaya ko pa naman ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng mga bodyguard na nakasunod sakin. Ang pangunahing responsibilidad niyo ay ang protektahan ang anak ko, ang asawa ko, at ang mga parent-in-law ko. Maliban sakin, lahat ng miyembro ng pamilya ko ay kailangang samahan ng isa o dalawang mga bodyguard!”Nag-isip si Fane at nagpatuloy, "Hindi ko kailangan na sundan niyo akong lahat. Isa o dalawa lang pwede na. Hindi niyo kailangang sumama lahat para lang magshopping."Narinig ito ni Elaine at bigla siyang nalungkot. Yumuko siya at hindi niya mapigilan ang sarili niya na bumulong.“Magpahinga na muna kayong lahat. Dahil ako ang master niyo, dapat makinig kayong lahat sakin!" Ang sabi ni Fane, nakatingin siya kay Elaine ng walang ekspresyon."Oo, master! Susundin namin ang lahat ng ipag-uutos niyo!"Ngumiti si Elaine. Sapat na para sa kanya ang makausap ng ganun ang Supreme Warrior sa ngayon."Tara na, Ma!" Mabilis na sinama ni Fane si Joan para sa kanilang shopping trip.
Magbasa pa

Kabanata 598

“Ha, ha, mahal ko, bakit mo ako tinatawagan? Namimiss mo ba ako?"Nasa kabilang dulo ng linya si Ivan Taylor, inaasar siya."Syempre, namiss kita. Isang araw lang kitang hindi nakita pero parang tatlong taon na ang lumipas. Natatakot akong mabiato ni Ben. Kailangan kong gumawa ng mga palusot para lang makapagkita tayo!"Nilambing ni Xena si Ivan at sinabing, “Hoy, Ivan, alam mo bang halos mamatay ako sa takot kanina? Baka hindi mo na ako nakita ulit. Namamasyal lang kami ni Fiona nang biglang may kumidnap samin!""Ano!" Nagulat si Ivan nang marinig niya ito. Nag-usisa siya, "Anong nangyari? Sino ang may gawa nito? Ayos ka lang ba?"Nang malaman niya na nag-aalala sa kanya si Ivan, natuwa si Xena. Sinabi niya, "Huwag kang mag-alala, ligtas na kami ngayon. Ang mahalagang bahagi ng kwento ay ang bwisit na Fane na yun. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ginalit niya ang Young Master ng Xenos family na mula sa Sky Dragon City…"Mabilis na ipinarating ni Xena kay Ivan ang buong kwent
Magbasa pa

Kabanata 599

"Ah, nababaliw ka na ba? Gusto mo pa bang mabuhay? Hindi mo na kailangang hintayin na dumating ang mga tauhan nila. Hahanapin natin sila at ipapaalam natin sa kanila ang tungkol dito. Papupuntahin natin sila dito para patayin si Fane. Hindi ba napakasimple nun?"Habang iniisip ni Ivan ang tungkol dito, lalo siyang natutuwa. "P*ta, mas nakakatakot pa sa pinagsama-samang Clark family, Wilson family, at Hugo family ang Xenos family na yun. Mas makapangyarihan sila. Ang pinakamahalaga dun, may pera sila. Hangga't may pera sila, makakahanap sila ng mga master na kayang patayin si Fane. Haha, siguradong mamatay si Fane sa pagkakataong 'to!""Hm, paano kaya ginalit ni Fane ang Xenos family? Oh, natatandaan ko na. Habang naglalaban sila, ang sabi ng kalaban ni Fane, naghihiganti siya para sa master niya. Isang King of War ang master niya. Oo nga, si Magnus Sutherland siguro ang master niya. Kung hindi nagsumbong si Fane sa Goddess of War, hindi mamamatay si Magnus Sutherland…"Nagsimulang
Magbasa pa

Kabanata 600

Sa mga sandaling ito, nasa shopping mall si Fane at bumili siya ng mga damit para kay Joan. Bumili rin sila ng mga alahas, mga hikaw, at mga jade na bangle. Pagkatapos niyang maayusan, lumabas ang natural na ganda ni Joan. "Ayos, maganda 'to. Kunin na rin natin yung kwintas na 'to. I-swipe niyo na lang yung credit card!" Kontentong tumango si Fane at binayaran niya ito agad. "Huwag ka nang bumili ng kung anu-ano, ang laki na ng nagastos mo. Anak, matuto kang magtipid. Kaunti lang ang perang mayroon ka. Mga bata pa kayo ni Selena, marami kayong bagay na kailangang gastusan. Bata pa rin si Kylie, at baka madagdagan pa ang mga anak niyo. Palaki ng palaki ang gastusin niyo. Tsaka, marami kang kinuhang tauhan sa bahay… ang dami mong kinuhang mga bodyguard. Malaking halaga ang kakailanganin mo para sa lahat ng yun…"Para kay Joan mahirap bitawan ang mga nakagawian na, at nanghihinayang pa rin siya sa tuwing gagastos ng pera si Fane. Napakalaki ng ginastos ni Fane para sa kanya ngayong
Magbasa pa
PREV
1
...
5859606162
...
251
DMCA.com Protection Status