Share

Kabanata 599

Author: Moneto
"Ah, nababaliw ka na ba? Gusto mo pa bang mabuhay? Hindi mo na kailangang hintayin na dumating ang mga tauhan nila. Hahanapin natin sila at ipapaalam natin sa kanila ang tungkol dito. Papupuntahin natin sila dito para patayin si Fane. Hindi ba napakasimple nun?"

Habang iniisip ni Ivan ang tungkol dito, lalo siyang natutuwa.

"P*ta, mas nakakatakot pa sa pinagsama-samang Clark family, Wilson family, at Hugo family ang Xenos family na yun. Mas makapangyarihan sila. Ang pinakamahalaga dun, may pera sila. Hangga't may pera sila, makakahanap sila ng mga master na kayang patayin si Fane. Haha, siguradong mamatay si Fane sa pagkakataong 'to!"

"Hm, paano kaya ginalit ni Fane ang Xenos family? Oh, natatandaan ko na. Habang naglalaban sila, ang sabi ng kalaban ni Fane, naghihiganti siya para sa master niya. Isang King of War ang master niya. Oo nga, si Magnus Sutherland siguro ang master niya. Kung hindi nagsumbong si Fane sa Goddess of War, hindi mamamatay si Magnus Sutherland…"

Nagsimulang
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 600

    Sa mga sandaling ito, nasa shopping mall si Fane at bumili siya ng mga damit para kay Joan. Bumili rin sila ng mga alahas, mga hikaw, at mga jade na bangle. Pagkatapos niyang maayusan, lumabas ang natural na ganda ni Joan. "Ayos, maganda 'to. Kunin na rin natin yung kwintas na 'to. I-swipe niyo na lang yung credit card!" Kontentong tumango si Fane at binayaran niya ito agad. "Huwag ka nang bumili ng kung anu-ano, ang laki na ng nagastos mo. Anak, matuto kang magtipid. Kaunti lang ang perang mayroon ka. Mga bata pa kayo ni Selena, marami kayong bagay na kailangang gastusan. Bata pa rin si Kylie, at baka madagdagan pa ang mga anak niyo. Palaki ng palaki ang gastusin niyo. Tsaka, marami kang kinuhang tauhan sa bahay… ang dami mong kinuhang mga bodyguard. Malaking halaga ang kakailanganin mo para sa lahat ng yun…"Para kay Joan mahirap bitawan ang mga nakagawian na, at nanghihinayang pa rin siya sa tuwing gagastos ng pera si Fane. Napakalaki ng ginastos ni Fane para sa kanya ngayong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 601

    "Sinong nangahas na saktan ang young master natin? Gusto na ba niyang mamatay?" Isa pang lalaki ang magsalita. Maskulado ang kanyang katawan, at mukhang napakatibay niya. "Alam ko. Gusto na talaga niyang mamatay! Bwisit. Hindi natin kailangang matakot sa isang powerhouse mula sa Middle Province!" Nagsalita ang isa pang elder, galit na galit siya. "Kailangan nating imbestigahan ang nangyari at hanapin natin ang pumatay sa young master. Kailangan natin siyang patayin!" Subalit umiling lamang si Drag. "Sa tingin ko dapat umalis na lang tayo habang gabi pa. Hindi na tayo ligtas dito!" "Bakit? Master, marami tayong mga villa at mga factory, at nandito rin ang kumpanya natin. Sinasabi mo ba na ayaw mo na yung mga yun?" Kakaiba ang ekspresyon ng isa sa kanila, hindi niya maunawaan kung bakit nagdesisyon ng ganun ang master nila. "Malamang kasama ni Quil si Marshal Zain. Kung patay na si Quil, at ang mga bodyguard niya, dapat tinawagan na ako ni Marshal Zain!" Napabunto

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 602

    Hindi inabot ng isang oras ang isang tao para ubusin ang makapangyarihang Xenos family ng Sky Dragon City. Nagulat ang lahat ng mga powerhouse sa Sky Dragon City noong malaman nila ang nangyari. Ito ang lakas ng isang King of War—ang nakakakilabot na eight-star King of War. Ang ganitong lakas ay higit pa sa mga karaniwang powerhouse. Tungkol naman sa kung paano ginalit ng Xenos family ang isang King of War, walang may alam ng kasagutan. Ang alam lang nila ay may ginawa ng gulo ang young master ng Xenos family sa Middle Province, kaya nagalit ang nakapangingilabot nilang kaaway. … "Dad, Mom, matagal na tayong hindi nagpipicnic. Bakit hindi natin isama sila Fane, Selena, at Kylie sa picnic bukas? Ano sa tingin niyo?" Sa hapagkainan, nagsuhestyon si Xena pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito. "Sige ba. Wala naman akong gagawin bukas, at matagal na rin mula noong lumabas ako kasama si Kylie. Tutal Sabado naman bukas, sige!" Ang sabi ni Selena, napangiti siya noong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 603

    "Wala yun!" Naiilang na ngumiti si Ben at nagpatuloy sa pagkain. "Maganda ang itsura niyo!" Ngumiti rin si Fane. "Pero yung mga salita sa dibdib niyo, 'ang mga Bodyguard ng Taylor Family', masyadong agaw atensyon yan. Parang sinasabi niyo na may mga bodyguard ang Taylor family!" "Anong problema dun? Mayaman na tayo ngayon. Hindi ba normal lang na kumuha tayo ng mga bodyguard?" Ngumisi si Fiona. "Pupunta kami sa labas ng siyudad para magpicnic bukas, pero dahil kasama naman namin si Fane, hindi niyo na kailangang sumama. Kailangan niyo lang kaming samahan kapag lumabas kami ni Xena para magshopping sa hapon! Sapat na yung dalawa sa inyo. Masyadong agaw pansin kapag maraming sumama samin!" "Yes, ma'am. Kung ganun aalis na kami at magmamasid sa paligid!" Ngumiti si Elaine at sinama niya ang mga kasamahan niyang bodyguard palabas. "Yay! Mamamasyal tayo bukas!" Tuwang-tuwa si Kylie, sabik na sabik siya sa lakad nila bukas. Pagkatapos ng hapunan, bumalik si Kylie

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 604

    "Alam ko. Hindi ko talaga maintindihan. Dahil kaya yun sa niligtas mo siya at binigyan mo siya ng isang milyon, o nagbago na kaya talaga siya?" Pinag-isipan itong maigi ni Selena. "Nagbago?" Ngumiti ng masama si Fane. "Kahit kailan hindi kayang baguhin ng isang leopard ang mga batik sa katawan niya. Napakagahaman niya—mas gahaman pa siya sa mom mo. May posibilidad na may pinaplano siyang masama para bukas!" "Hindi pwede yun. Mamamasyal tayo tapos may binabalak siyang masama?"Ngumiti si Selena at humiga pagkatapos niyang patayin ang mga ilaw. "Matulog na tayo!" Niyakap siya ni Fane mula sa likod niya. "Mahal, nagulo tayo ni Kylie kagabi, pero natutulog na siya sa kwarto niya ngayon. Pwede bang…" "Seryoso ka ba? Bakit ba puro kamanyakan ang iniisip mo, bwisit ka!" Biglang nataranta si Selena. May bahid ng hiya ang tono ni Selena. Natuwa si Fane noong mapansin niya na nahihiya si Selena. Nagdesisyon siya na ituloy ang ginagawa niya. Hinarap niya sa kanya si Sel

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 605

    Ngayong nakabalik na si Fane, nagkaroon siya ng pag-asa. "Tama. Anuman ang mangyari, ipangako mo sakin ang isang bagay, mahal!" Inangat ni Selena ang kanyang mukha at kinausap si Fane. "Ano yun? Ipapangako ko sayo kahit ano!" Ngumiti si Fane. "Kailangan nating mahanap ang lalaking kinakasama ni Xena. Mautak siya, kaya dapat maging maingat tayo para hindi siya maghinala!" Pinag-isipan itong maigi ni Selena. Pagkatapos nagsalita siya, "Pinapaikot na ni Xena ang kapatid ko at ang mga magulang ko sa mga palad niya. Hindi sila maniniwala sa mga sasabihin natin. Kaya kailangan natin silang hulihin sa akto at ipapakita natin sa kapatid ko kung sino talaga siya. Doon lamang niya tuluyang susukuan si Xena!" "Sige, naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala. Mag-iingat ako, at aalamin ko kung sino yung lalaking kinakasama ni Xena!" Tumango si Fane at nangako siya. Pagkatapos nilang maligo, pumunta sila sa kwarto ni Kylie para gising in siya bago sila bumaba para mag-almusal. Noong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 606

    Sa isang tabi, nakasimangot si Ben habang nag-iihaw siya ng karne. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa harap niya. Siya ang boyfriend ni Xena, hindi si Fane. Bakit hindi siya ganitong kaalaga sa kanya? Bukod pa dito, brother-in-law niya si Fane. Nainis siya sa mga kinikilos ni Xena. Tumalon sa tuwa ang puso ni Xena noong kinuha ni Fane ang bote. Agad siyang naglabas ng isa pang bote at binuksan ito para kay Ben. "Hetong sayo, Ben. Basang-basa ka rin ng pawis!" “Okay!” Natuwa si Ben. Agad niyang kinuha ang bote at ininom ang laman nito. "Kukuha na lang kami!" Pinilit ngumiti ni Selena ngunit hindi siya natuwa. Asawa niya si Fane. Kailan pa naging maalaga sa kanya si Xena? Tsaka, binuksan pa niya ang bote para kay Fane. Masyado siyang nagiging malapit kay Fane. Kahit na gusto niyang gawin yun, dapat una niyang binigyan ng tubig si Ben. Bakit una niyang binigyan ng tubig si Fane? Dahil dito, hindi mapigilan ni Selena na maghinala na nagkakagusto na si Xena ka

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 607

    Inabot ni Fane ang bagong luto na barbecue sa lahat. Pagkalipas ng ilang sandali, tumayo siya. "Kumain lang kayo. Magbabanyo lang ako." Pagkatapos niyang pumasok sa isang cubicle, naglabas siya ng isang karayom at tinusok niya ang ilang acupuncture points sa katawan niya. “Blech!” Sa sandaling iyon, sinuka niya ang lahat ng lason na nainom niya. Ngumiti ng masama si Fane pagkatapos niyang itabi ang karayom. "Magandang ideya 'tong lason na 'to, pero ang babaw niya para subukan akong patayin gamit nito!" Lumabas siya sa cubicle na parang walang nangyari. Noong alauna na ng hapon, nagligpit na sila at umuwi. Bumalik si Xena sa kwarto niya para magpahinga noong makauwi sila. Samantala, sinama ni Fane si Selena para maglakad-lakad sa maliit na gubat sa labas ng villa nila. "Anong nangyari kay Xena? Ayaw na ayaw niya sayo dati, tapos ngayon tinatrato ka niya na parang isang diyos. Bukod sa binilhan ka niya ng tubig—binuksan pa niya yung bote para sayo!" Hindi pa rin

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status