“Ha, ha, mahal ko, bakit mo ako tinatawagan? Namimiss mo ba ako?"Nasa kabilang dulo ng linya si Ivan Taylor, inaasar siya."Syempre, namiss kita. Isang araw lang kitang hindi nakita pero parang tatlong taon na ang lumipas. Natatakot akong mabiato ni Ben. Kailangan kong gumawa ng mga palusot para lang makapagkita tayo!"Nilambing ni Xena si Ivan at sinabing, “Hoy, Ivan, alam mo bang halos mamatay ako sa takot kanina? Baka hindi mo na ako nakita ulit. Namamasyal lang kami ni Fiona nang biglang may kumidnap samin!""Ano!" Nagulat si Ivan nang marinig niya ito. Nag-usisa siya, "Anong nangyari? Sino ang may gawa nito? Ayos ka lang ba?"Nang malaman niya na nag-aalala sa kanya si Ivan, natuwa si Xena. Sinabi niya, "Huwag kang mag-alala, ligtas na kami ngayon. Ang mahalagang bahagi ng kwento ay ang bwisit na Fane na yun. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Ginalit niya ang Young Master ng Xenos family na mula sa Sky Dragon City…"Mabilis na ipinarating ni Xena kay Ivan ang buong kwent
"Ah, nababaliw ka na ba? Gusto mo pa bang mabuhay? Hindi mo na kailangang hintayin na dumating ang mga tauhan nila. Hahanapin natin sila at ipapaalam natin sa kanila ang tungkol dito. Papupuntahin natin sila dito para patayin si Fane. Hindi ba napakasimple nun?"Habang iniisip ni Ivan ang tungkol dito, lalo siyang natutuwa. "P*ta, mas nakakatakot pa sa pinagsama-samang Clark family, Wilson family, at Hugo family ang Xenos family na yun. Mas makapangyarihan sila. Ang pinakamahalaga dun, may pera sila. Hangga't may pera sila, makakahanap sila ng mga master na kayang patayin si Fane. Haha, siguradong mamatay si Fane sa pagkakataong 'to!""Hm, paano kaya ginalit ni Fane ang Xenos family? Oh, natatandaan ko na. Habang naglalaban sila, ang sabi ng kalaban ni Fane, naghihiganti siya para sa master niya. Isang King of War ang master niya. Oo nga, si Magnus Sutherland siguro ang master niya. Kung hindi nagsumbong si Fane sa Goddess of War, hindi mamamatay si Magnus Sutherland…"Nagsimulang
Sa mga sandaling ito, nasa shopping mall si Fane at bumili siya ng mga damit para kay Joan. Bumili rin sila ng mga alahas, mga hikaw, at mga jade na bangle. Pagkatapos niyang maayusan, lumabas ang natural na ganda ni Joan. "Ayos, maganda 'to. Kunin na rin natin yung kwintas na 'to. I-swipe niyo na lang yung credit card!" Kontentong tumango si Fane at binayaran niya ito agad. "Huwag ka nang bumili ng kung anu-ano, ang laki na ng nagastos mo. Anak, matuto kang magtipid. Kaunti lang ang perang mayroon ka. Mga bata pa kayo ni Selena, marami kayong bagay na kailangang gastusan. Bata pa rin si Kylie, at baka madagdagan pa ang mga anak niyo. Palaki ng palaki ang gastusin niyo. Tsaka, marami kang kinuhang tauhan sa bahay… ang dami mong kinuhang mga bodyguard. Malaking halaga ang kakailanganin mo para sa lahat ng yun…"Para kay Joan mahirap bitawan ang mga nakagawian na, at nanghihinayang pa rin siya sa tuwing gagastos ng pera si Fane. Napakalaki ng ginastos ni Fane para sa kanya ngayong
"Sinong nangahas na saktan ang young master natin? Gusto na ba niyang mamatay?" Isa pang lalaki ang magsalita. Maskulado ang kanyang katawan, at mukhang napakatibay niya. "Alam ko. Gusto na talaga niyang mamatay! Bwisit. Hindi natin kailangang matakot sa isang powerhouse mula sa Middle Province!" Nagsalita ang isa pang elder, galit na galit siya. "Kailangan nating imbestigahan ang nangyari at hanapin natin ang pumatay sa young master. Kailangan natin siyang patayin!" Subalit umiling lamang si Drag. "Sa tingin ko dapat umalis na lang tayo habang gabi pa. Hindi na tayo ligtas dito!" "Bakit? Master, marami tayong mga villa at mga factory, at nandito rin ang kumpanya natin. Sinasabi mo ba na ayaw mo na yung mga yun?" Kakaiba ang ekspresyon ng isa sa kanila, hindi niya maunawaan kung bakit nagdesisyon ng ganun ang master nila. "Malamang kasama ni Quil si Marshal Zain. Kung patay na si Quil, at ang mga bodyguard niya, dapat tinawagan na ako ni Marshal Zain!" Napabunto
Hindi inabot ng isang oras ang isang tao para ubusin ang makapangyarihang Xenos family ng Sky Dragon City. Nagulat ang lahat ng mga powerhouse sa Sky Dragon City noong malaman nila ang nangyari. Ito ang lakas ng isang King of War—ang nakakakilabot na eight-star King of War. Ang ganitong lakas ay higit pa sa mga karaniwang powerhouse. Tungkol naman sa kung paano ginalit ng Xenos family ang isang King of War, walang may alam ng kasagutan. Ang alam lang nila ay may ginawa ng gulo ang young master ng Xenos family sa Middle Province, kaya nagalit ang nakapangingilabot nilang kaaway. … "Dad, Mom, matagal na tayong hindi nagpipicnic. Bakit hindi natin isama sila Fane, Selena, at Kylie sa picnic bukas? Ano sa tingin niyo?" Sa hapagkainan, nagsuhestyon si Xena pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito. "Sige ba. Wala naman akong gagawin bukas, at matagal na rin mula noong lumabas ako kasama si Kylie. Tutal Sabado naman bukas, sige!" Ang sabi ni Selena, napangiti siya noong
"Wala yun!" Naiilang na ngumiti si Ben at nagpatuloy sa pagkain. "Maganda ang itsura niyo!" Ngumiti rin si Fane. "Pero yung mga salita sa dibdib niyo, 'ang mga Bodyguard ng Taylor Family', masyadong agaw atensyon yan. Parang sinasabi niyo na may mga bodyguard ang Taylor family!" "Anong problema dun? Mayaman na tayo ngayon. Hindi ba normal lang na kumuha tayo ng mga bodyguard?" Ngumisi si Fiona. "Pupunta kami sa labas ng siyudad para magpicnic bukas, pero dahil kasama naman namin si Fane, hindi niyo na kailangang sumama. Kailangan niyo lang kaming samahan kapag lumabas kami ni Xena para magshopping sa hapon! Sapat na yung dalawa sa inyo. Masyadong agaw pansin kapag maraming sumama samin!" "Yes, ma'am. Kung ganun aalis na kami at magmamasid sa paligid!" Ngumiti si Elaine at sinama niya ang mga kasamahan niyang bodyguard palabas. "Yay! Mamamasyal tayo bukas!" Tuwang-tuwa si Kylie, sabik na sabik siya sa lakad nila bukas. Pagkatapos ng hapunan, bumalik si Kylie
"Alam ko. Hindi ko talaga maintindihan. Dahil kaya yun sa niligtas mo siya at binigyan mo siya ng isang milyon, o nagbago na kaya talaga siya?" Pinag-isipan itong maigi ni Selena. "Nagbago?" Ngumiti ng masama si Fane. "Kahit kailan hindi kayang baguhin ng isang leopard ang mga batik sa katawan niya. Napakagahaman niya—mas gahaman pa siya sa mom mo. May posibilidad na may pinaplano siyang masama para bukas!" "Hindi pwede yun. Mamamasyal tayo tapos may binabalak siyang masama?"Ngumiti si Selena at humiga pagkatapos niyang patayin ang mga ilaw. "Matulog na tayo!" Niyakap siya ni Fane mula sa likod niya. "Mahal, nagulo tayo ni Kylie kagabi, pero natutulog na siya sa kwarto niya ngayon. Pwede bang…" "Seryoso ka ba? Bakit ba puro kamanyakan ang iniisip mo, bwisit ka!" Biglang nataranta si Selena. May bahid ng hiya ang tono ni Selena. Natuwa si Fane noong mapansin niya na nahihiya si Selena. Nagdesisyon siya na ituloy ang ginagawa niya. Hinarap niya sa kanya si Sel
Ngayong nakabalik na si Fane, nagkaroon siya ng pag-asa. "Tama. Anuman ang mangyari, ipangako mo sakin ang isang bagay, mahal!" Inangat ni Selena ang kanyang mukha at kinausap si Fane. "Ano yun? Ipapangako ko sayo kahit ano!" Ngumiti si Fane. "Kailangan nating mahanap ang lalaking kinakasama ni Xena. Mautak siya, kaya dapat maging maingat tayo para hindi siya maghinala!" Pinag-isipan itong maigi ni Selena. Pagkatapos nagsalita siya, "Pinapaikot na ni Xena ang kapatid ko at ang mga magulang ko sa mga palad niya. Hindi sila maniniwala sa mga sasabihin natin. Kaya kailangan natin silang hulihin sa akto at ipapakita natin sa kapatid ko kung sino talaga siya. Doon lamang niya tuluyang susukuan si Xena!" "Sige, naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala. Mag-iingat ako, at aalamin ko kung sino yung lalaking kinakasama ni Xena!" Tumango si Fane at nangako siya. Pagkatapos nilang maligo, pumunta sila sa kwarto ni Kylie para gising in siya bago sila bumaba para mag-almusal. Noong
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin