Sa hardin sa mansyon ng mga Darby.Nagpaaraw si Rebecca at umupo sa isang mahabang upuan.Simula noong nabuntis siya, palagi siyang naglalakad sa hardin. Sinasabi ng mga tao sakanya na ang pagpapaaraw ay mabuti para sa bata.“Ate.”Ngumiti si Yumi at naglakad papunta kay Rebecca. Umupo siya sa tabi nito at sinabing, “Kumusta ang pakiramdam mo nitong mga nakaraan? Malapit ka na mangakan, hindi ka ba nahihirapan?”Umiling si Rebecca, “Mabuti naman ang nararamdaman ko, Ate. Pero, palagi akong inaantok. Ayaw ko naman na palagi akong natutulog dahil sabi ng doktor na wag ako humiga palagi. Kaya narito ako, naglalakad-lakad.”Tapos ay tinanong ni Rebecca, “May kailangan ka ba?”Ngumiti si Yumi, “Ah, wala naman. Hindi naman importante. Ang tyan mo ay lumalaki na, kaya naisip ko na matagal ka nang hindi nakakapagshopping? Pumunta akong Atlantic Street kahapon at bumili ako ng mga pang buntis na damit para sa’yo. Halika, isukat mo.”“Maraming salamat.” Natuwa si Rebecca. Simula nung mab
Read more