Sinampal ni Darryl si Janette gamit ang lahat nang lakas niya. Wala na siyang oras para magkaroon nang reaskyon, lumipad siya patalikod, mga sampung metro kalayo. Ang katawan niya ay tumama sa pader at nahulog siya sa sahig; sumuka rin siya ng dugo.Argh!Lahat ng babaeng artista ay nagsimula nang sumigaw habang sila ay nagtatago sa gilid; lahat sila ay takot na takot.Natigilan si Dalton, natatakot niyang sinabi kay Darryl. “Darryl, anong ginagawa mo? Suite ko ‘to! Umalis ka rito!”Hindi pa rin alam ni Dalton kung ano ang relasyon ni Darryl kay Monica.Parang nasusunog sa galit ang mga mata ni Darryl. Dahil hindi niya nakita si Monica sa Elysian Island, natirang mag-isa si Monica sa Donghai City at wala siyang kilala rito para matulungan siya.Noong makita ni Darryl kung paano inapi ni Dalton si Monica at ang mga marka sakanyang mukha, galit na galit si Darryl!Hindi na siya nakapagsalita pero ang enerhiya na nilalabas ng katawan niya ay nakakatakot, pinalibutan ito ang buong
“Wag!!! Kuya Darryl!!! Wag!!!”Natakot si Dalton kaya sumigaw siya.Hindi siya pinansin ni Darryl. Sinipa niya ito at binuhat si Monica palabas ng building.“Bakit ka nagtatrabaho rito?” tanong ni Darryl habang siya ay naglalakad.Si Monica ay nasa mga braso ni Darryl.“Ang hipag mo ang nagrekomenda sakin dito,” mahinang sagot ni Monica.Hipag? Kailan pa siya nagkaroon ng hipag?Nagulat si Darryl nang marinig niya ito. Noong pagkaalis nila sa Secret Garden, nakaramdam si Darryl na parang may malagkit sa kamay niya. Tiningnan niya ito at nagulat noong makita niya kung ano ito.Ang mga kamay niya ay puno ng dugo, galing ito sa damit ni Monica.“Darryl, sobrang sakit ng tyan ko.” Sumigaw si Monica. Tagaktak ang kanyang pawis.Nakaramdam siya nang matalas na sakit noong sinipa siya ni Janette sakanyang tyan.“Monica…” parang tinusok ang puso ni Darryl.“Ang anak natin… Mawawala ba ang anak natin? Ang anak natin…” hinawakan ni Monica ang kanyang tyan at umiyak. Pagkatapos ay nah
“Ilang beses ko ba sasabihin sa’yo na wag mo na akong tawaging Kuya. Tawagin mo akong Sect Master at ang asawa ko ay Sect Mistress. Bakit hindi mo kayang matandaan ‘yon?” Tinitigan siya ni Dax. “Isa na tayong sekta ngayon, kailangan nating umasta at magsalita nang kalmado. Wag kang mataranta.”Ang miyembro ay paiyak na.“Anong problema? Sabihin mo sakin.” Kalmadong sinabi ni Dax.“Kuya Dax, Leroy… Nakatakas si Leroy.”Ano?!Ugh! Agad na tumayo si Dax at naging blangko ang utak niya. “Anong sinabi mo? Paano siya nakatakas?”Noong panahon na inatake ang Kunlun Mountain, hindi pinatay ni Dax si Leroy, pero nahuli nila ito nang buhay.Pinanatili niyang buhay si Leroy dahil ito ay sumali ng New World, pwede siyang gamitin sa hinaharap.Kinulong niya si Leroy sa bartolina. Inutusan din ni Dax ang mga tao niya na bantayan ang kulungan.Paano nakatakas si Leroy?“Sect Master, hindi tinitigilan ni Leroy ang pag-untog niya sa ulo niya sa pader kagabi.” Nagpanggap siyang pinatay niya an
“Babae lamang ang pwede sa Fuyao Palace?” mausisang tanong ni Lydia.Tumango si Leroy, “Tama ka. Ang Fuyao Palace ay hindi makagambala sa usapin ng karaniwang lipunan ngunit mas malakas sila kaysa sa Anim na Sekta. Kailangan lang natin maabot ang Fuyao Palace at pagkatapos non ay ligtas na tayo.”Hindi bumagal si Leroy pero nagpatuloy pa rin siyang tumakbo habang nagsasalita siya.Nagtanong muli si Lydia, “Papa, kwentuhan mo pa ako tungkol sa Fuyao Palace. Paano nangyaring mas malakas sila kaysa sa Anim na Sekta? Atsaka, tatanggapin ba nila tayo?”Ngumiti si Leroy, “Wag kang mag-alala anak, tatanggapin nila tayo.”Ang Fuyao Palace ay tumatanggap lamang nga mga babaeng miyembro at mayroon na silang sampung libong miyembro rito.Mayroon din namang mga lalake sa Fuyao Palace pero ang karamihan sakanila ay mga alipin. Ang trabaho nila ay pagsilbihan ang mga babaeng miyembro, at wala silang karapatan.Mayroong pito na Palace Masters sa Fuyao Palace, kilala rin sila bilang Seven Fairi
Sampung lalaki ang lumuhod sa paa ng seven fairies, may hawak silang plato na puno ng prutas para sa mga babae. Ang mga lalaking ‘yon ay mga alipin na nahuli nila.Isang miyembro ang pumasok at magalang na sinabi, “Palace Master, mayroong mga tao sa labas na gusto ka raw makita.”“Sino sila?” tanong ni Cindy.Siya ang pinakamatandang Palace Master, mukha siyang elegante at makapangyarihan.Ang miyembro ay magalang na sumagot, “Sabi niya po ay siya si Leroy Henderson na galing sa Kunlun Sect. Dala niya po ito.”Inabot niya ang jade kay Cindy.Kunlun Sect Master Leroy?Kinuha ni Cindy ang jade at tumango, “Papasukin mo siya.”“Opo, Palace Master.”Pinapasok ng miyembro si Leroy at Lydia sa loob.Wow!Ang hall ay napakaganda!Ang Main Flower Hall ay maganda ang pagkakagawa. Akala ni Lydia ay nasa langit siya, manghang-mangha siya.Ngumiti si Leroy at magalang na yumuko, “Magandang araw, Palace Masters.”Tumingin siya kay Cindy at sinabing, “Palace Master, kumusta po kayo? Na
Hindi naging komportable si Darryl habang nag hihintay sa koridor.Siya ang may kasalanan kung bakit napahamak si Monica. Hindi niya napuntahan si Monica sa Elysian Island.Pagsisisihan niya buong buhay niya kapag may nangyaring masama sa mag-ina. Nagdasal siya n asana makaligtas sila.Parang nababaliw na si Darryl. Ang bagal ng oras.…Sa bahay ng mga Darby.Sinubukan ni Yumi ang kanyang makeup sa dressing table at ngumiti.Ang makeup set na ito ay ang pinakabago galing sa Poesia Eleganza, ang mahali nito. Kasing presyo nito ang kalahati ng mansyon.“Mahal ko, hindi mo na kailangan maglagay ng makeup. Maganda ka na. Pag naglagay ka pa nyan, lalong maiinggit sa’yo ang mga babae rito.” Sabi ni Florian.Kahit na siya ay gustong kontrolin ang buhay nito, hindi siya titigil na sabihan ng magagandang salita ang kanyang asawa para maging masaya ito.Huminga nang malalim si florian at umupo sa sofa; nagsindi siya ng sigarilyo.Tanong ni Yumi, “Anong problema mo ngayong araw? Sinasa
Sa hardin sa mansyon ng mga Darby.Nagpaaraw si Rebecca at umupo sa isang mahabang upuan.Simula noong nabuntis siya, palagi siyang naglalakad sa hardin. Sinasabi ng mga tao sakanya na ang pagpapaaraw ay mabuti para sa bata.“Ate.”Ngumiti si Yumi at naglakad papunta kay Rebecca. Umupo siya sa tabi nito at sinabing, “Kumusta ang pakiramdam mo nitong mga nakaraan? Malapit ka na mangakan, hindi ka ba nahihirapan?”Umiling si Rebecca, “Mabuti naman ang nararamdaman ko, Ate. Pero, palagi akong inaantok. Ayaw ko naman na palagi akong natutulog dahil sabi ng doktor na wag ako humiga palagi. Kaya narito ako, naglalakad-lakad.”Tapos ay tinanong ni Rebecca, “May kailangan ka ba?”Ngumiti si Yumi, “Ah, wala naman. Hindi naman importante. Ang tyan mo ay lumalaki na, kaya naisip ko na matagal ka nang hindi nakakapagshopping? Pumunta akong Atlantic Street kahapon at bumili ako ng mga pang buntis na damit para sa’yo. Halika, isukat mo.”“Maraming salamat.” Natuwa si Rebecca. Simula nung mab
Ang kanyang mga luha ay hindi mapigilang tumulo. Galit na nakatingin si Rebecca kay Florian. “Hayop ka! Paano mo nagawa sakin ‘yon! Paano mo nagawa ‘to kay Jackson! Kapatid mo siya!” Hindi makapaniwala si Rebecca na ang tinuturing niyang kapatid at nirerespeto niya ay isang halimaw!Tinawanan siya ni Florian, “Tinuturing siguro akong kapatid ni Jackson pero hindi kami pareho nang nararamdaman. Ampon lang naman siya ni Papa. Walang dugong Darby ang dumadaloy sa kanya.”Patuloy na sinabi ni Florian, “Rebecca, alam mo naman siguro na ako ang mamumuno sa Darby Family. Kailangan ako ng pamilyang ‘to at dapat kong pabutihin ang aking reputasyon.”Tinulak niya si Rebecca papunta sa kabaong.Buntis si Rebecca. Nahulog siya sa kabaong pagkatapos siyang itulak at nakaramdam siya nang matulis na sakit sakanyang tyan.Bago pa magkaroon nang reaskyon si Rebecca, agad na pumunta si Florian at hinanap ang kanyang katawan. Sa wakas, nakuha niya ang kanyang telepono. Tapos, sinarado niya na ang