“Ilang beses ko ba sasabihin sa’yo na wag mo na akong tawaging Kuya. Tawagin mo akong Sect Master at ang asawa ko ay Sect Mistress. Bakit hindi mo kayang matandaan ‘yon?” Tinitigan siya ni Dax. “Isa na tayong sekta ngayon, kailangan nating umasta at magsalita nang kalmado. Wag kang mataranta.”Ang miyembro ay paiyak na.“Anong problema? Sabihin mo sakin.” Kalmadong sinabi ni Dax.“Kuya Dax, Leroy… Nakatakas si Leroy.”Ano?!Ugh! Agad na tumayo si Dax at naging blangko ang utak niya. “Anong sinabi mo? Paano siya nakatakas?”Noong panahon na inatake ang Kunlun Mountain, hindi pinatay ni Dax si Leroy, pero nahuli nila ito nang buhay.Pinanatili niyang buhay si Leroy dahil ito ay sumali ng New World, pwede siyang gamitin sa hinaharap.Kinulong niya si Leroy sa bartolina. Inutusan din ni Dax ang mga tao niya na bantayan ang kulungan.Paano nakatakas si Leroy?“Sect Master, hindi tinitigilan ni Leroy ang pag-untog niya sa ulo niya sa pader kagabi.” Nagpanggap siyang pinatay niya an
“Babae lamang ang pwede sa Fuyao Palace?” mausisang tanong ni Lydia.Tumango si Leroy, “Tama ka. Ang Fuyao Palace ay hindi makagambala sa usapin ng karaniwang lipunan ngunit mas malakas sila kaysa sa Anim na Sekta. Kailangan lang natin maabot ang Fuyao Palace at pagkatapos non ay ligtas na tayo.”Hindi bumagal si Leroy pero nagpatuloy pa rin siyang tumakbo habang nagsasalita siya.Nagtanong muli si Lydia, “Papa, kwentuhan mo pa ako tungkol sa Fuyao Palace. Paano nangyaring mas malakas sila kaysa sa Anim na Sekta? Atsaka, tatanggapin ba nila tayo?”Ngumiti si Leroy, “Wag kang mag-alala anak, tatanggapin nila tayo.”Ang Fuyao Palace ay tumatanggap lamang nga mga babaeng miyembro at mayroon na silang sampung libong miyembro rito.Mayroon din namang mga lalake sa Fuyao Palace pero ang karamihan sakanila ay mga alipin. Ang trabaho nila ay pagsilbihan ang mga babaeng miyembro, at wala silang karapatan.Mayroong pito na Palace Masters sa Fuyao Palace, kilala rin sila bilang Seven Fairi
Sampung lalaki ang lumuhod sa paa ng seven fairies, may hawak silang plato na puno ng prutas para sa mga babae. Ang mga lalaking ‘yon ay mga alipin na nahuli nila.Isang miyembro ang pumasok at magalang na sinabi, “Palace Master, mayroong mga tao sa labas na gusto ka raw makita.”“Sino sila?” tanong ni Cindy.Siya ang pinakamatandang Palace Master, mukha siyang elegante at makapangyarihan.Ang miyembro ay magalang na sumagot, “Sabi niya po ay siya si Leroy Henderson na galing sa Kunlun Sect. Dala niya po ito.”Inabot niya ang jade kay Cindy.Kunlun Sect Master Leroy?Kinuha ni Cindy ang jade at tumango, “Papasukin mo siya.”“Opo, Palace Master.”Pinapasok ng miyembro si Leroy at Lydia sa loob.Wow!Ang hall ay napakaganda!Ang Main Flower Hall ay maganda ang pagkakagawa. Akala ni Lydia ay nasa langit siya, manghang-mangha siya.Ngumiti si Leroy at magalang na yumuko, “Magandang araw, Palace Masters.”Tumingin siya kay Cindy at sinabing, “Palace Master, kumusta po kayo? Na
Hindi naging komportable si Darryl habang nag hihintay sa koridor.Siya ang may kasalanan kung bakit napahamak si Monica. Hindi niya napuntahan si Monica sa Elysian Island.Pagsisisihan niya buong buhay niya kapag may nangyaring masama sa mag-ina. Nagdasal siya n asana makaligtas sila.Parang nababaliw na si Darryl. Ang bagal ng oras.…Sa bahay ng mga Darby.Sinubukan ni Yumi ang kanyang makeup sa dressing table at ngumiti.Ang makeup set na ito ay ang pinakabago galing sa Poesia Eleganza, ang mahali nito. Kasing presyo nito ang kalahati ng mansyon.“Mahal ko, hindi mo na kailangan maglagay ng makeup. Maganda ka na. Pag naglagay ka pa nyan, lalong maiinggit sa’yo ang mga babae rito.” Sabi ni Florian.Kahit na siya ay gustong kontrolin ang buhay nito, hindi siya titigil na sabihan ng magagandang salita ang kanyang asawa para maging masaya ito.Huminga nang malalim si florian at umupo sa sofa; nagsindi siya ng sigarilyo.Tanong ni Yumi, “Anong problema mo ngayong araw? Sinasa
Sa hardin sa mansyon ng mga Darby.Nagpaaraw si Rebecca at umupo sa isang mahabang upuan.Simula noong nabuntis siya, palagi siyang naglalakad sa hardin. Sinasabi ng mga tao sakanya na ang pagpapaaraw ay mabuti para sa bata.“Ate.”Ngumiti si Yumi at naglakad papunta kay Rebecca. Umupo siya sa tabi nito at sinabing, “Kumusta ang pakiramdam mo nitong mga nakaraan? Malapit ka na mangakan, hindi ka ba nahihirapan?”Umiling si Rebecca, “Mabuti naman ang nararamdaman ko, Ate. Pero, palagi akong inaantok. Ayaw ko naman na palagi akong natutulog dahil sabi ng doktor na wag ako humiga palagi. Kaya narito ako, naglalakad-lakad.”Tapos ay tinanong ni Rebecca, “May kailangan ka ba?”Ngumiti si Yumi, “Ah, wala naman. Hindi naman importante. Ang tyan mo ay lumalaki na, kaya naisip ko na matagal ka nang hindi nakakapagshopping? Pumunta akong Atlantic Street kahapon at bumili ako ng mga pang buntis na damit para sa’yo. Halika, isukat mo.”“Maraming salamat.” Natuwa si Rebecca. Simula nung mab
Ang kanyang mga luha ay hindi mapigilang tumulo. Galit na nakatingin si Rebecca kay Florian. “Hayop ka! Paano mo nagawa sakin ‘yon! Paano mo nagawa ‘to kay Jackson! Kapatid mo siya!” Hindi makapaniwala si Rebecca na ang tinuturing niyang kapatid at nirerespeto niya ay isang halimaw!Tinawanan siya ni Florian, “Tinuturing siguro akong kapatid ni Jackson pero hindi kami pareho nang nararamdaman. Ampon lang naman siya ni Papa. Walang dugong Darby ang dumadaloy sa kanya.”Patuloy na sinabi ni Florian, “Rebecca, alam mo naman siguro na ako ang mamumuno sa Darby Family. Kailangan ako ng pamilyang ‘to at dapat kong pabutihin ang aking reputasyon.”Tinulak niya si Rebecca papunta sa kabaong.Buntis si Rebecca. Nahulog siya sa kabaong pagkatapos siyang itulak at nakaramdam siya nang matulis na sakit sakanyang tyan.Bago pa magkaroon nang reaskyon si Rebecca, agad na pumunta si Florian at hinanap ang kanyang katawan. Sa wakas, nakuha niya ang kanyang telepono. Tapos, sinarado niya na ang
Kamakailan lamang, ang New World Emperor ay gumamit ng mga materyales para bumuo ng maraming sailboats. Ang mga sailboats na ito ay kayang lumutang sa ibabaw ng dagat.Ang New World ay nagpadala rin ng dalawang-daang libong army. Ang dami nilang dumating!Si Linda Holt ang pinakamatanda sa Island ng Peach Blossom. Ang isla na malapit sa dagat ng kamatayan, dahil dito, ito ang unang lugar na masasakop at matatalo.Sinikap ni Linda na makipagtalo para sa buhay niya at pumunta sa Hexad School para humingi nang tulong. Ang paaralan na ito ay inayos ng Anim na Sekta.Ang principal, si Graham Potter ay nabulabog. Tanong niya, “Miss Holt, nasaan na ang dalawang libong tao na pinadala roon?”“Kung hindi ako nagkakamali, mga walong libong milya ang layo nila sa Donghai City.” Sabi ni Linda.Ano?Ang pagtitipon sa kwarto ay nagkagulo bigla. Ang lahat ay nagulat sa balitang ito.Walong libong milyahe ay hindi ganoon kalayo. Ang army ay darating na rin doon matapos ang ilang oras.Ang Don
Hawak ni Abbess Mother Serendipity ang mensahe at nanginginig ang kamay niya. Galit siya habang kausap niya si Aurora, “Sect Master Senior Sister, ito ang ginawa ng hayop na si Darryl! May lakas pa siya ng loob na sirain ang kanyang hipag at ngayon naman ang hipag niya ay wala nang nagawa kundi lumayas nalang sa bahay dahil sa kahihiyan!”Gustong pumatay ni Abbess Mother. “Dapat walang awang patayin si Darryl dahil sa ginawa niya!”Nagulat si Florian nang marinig ang sagot ni Abbess Mother Serendipity. Nablangko ang tingin niya kay Aurora.“Ang babae na katabi ni Abbess Mother… ay ang Sect Master ng Emei?”Nagkatinginan si Florian at Yumi. Gulat na gulat sila at hindi makapagsalita.Isang chismis na ang Sect Master ng Emei ay isang magandang babae.Mas maganda siya kaysa sakanilang naiisip!Nabighani si Florian. Napalunok siya nang kanyang laway.Kapag nabigyan siya ng pagkakataon na makasama angg isang magandang babae na tulad ni Aurora, hinding hindi siya magsisisi kahit mama